LOGINWinona’s POV
Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy, mabilis po ba yung ride?” tanong ni Bea, bitbit ang maliit niyang pink na maleta na halos mas malaki pa sa kanya. “Depende sa traffic, baby,” sagot ko, sabay pisil sa mamula-mula niyang pisngi. “Meaning… matagal,” bulong ni Brix na parang expert na sa buhay. Napailing na lang ako. “Sino ba ang nagturo sa inyo ng ganyan?” “Si Mommy po,” sabay nilang sagot. Whatever... umikot ang eyeballs niya at nagpatuloy sa paglalakad. Paglabas namin ng arrival area, agad kong nakita ang kumakaway kong matalik na kaibigan. “Nona! Nona! Welcome home!” “Jane!” masiglang tawag ko pabalik. Parang walang limang taong lumipas sa kanya, ganun pa rin ito kaingay, ka-energetic, at mukhang laging ready magbigay ng chismis. Paglapit niya, agad niyang tinitigan ang kambal na parang nakakita ng artista. “Ay hala! Ang cu-cute sa personal! Hindi na lang sa videocall ko kayo nakikita!” sabi niya habang pinipisil ang magkabilang pisngi ng mga bata. “Hi po, Ninang Jane!” sabay na bati nina Brix at Bea. “Ay grabe, ang polite! Nona, akin na lang isa sa kambal mo,” biro niya habang nakatingin sa akin na parang seryoso. “Hoy,” agad kong sagot, “anong akin na lang? Akin yan. Hindi yan tuta na hinihingi.” Tumawa siya nang malakas. “Grabe ka, protective agad.” “Aba'y syempre! Ang laki ng hirap at sakripisyo ko sa kambal.” “Okay fine, pahiram na lang minsan.” singit niya. Natawa ako nang mahina. “Sige kapag nakahanap na ako ng trabaho." sabi ko. "Tara, kumain muna tayo, gutom na tong mga ito.” “Gutom po kami, mommy.” sabay sabi ng kambal. “See? Proof,” dagdag ko. Tumawa lang ang kaibigan ko. Sa loob ng sasakyan. Habang nasa byahe, ang ingay ay parang kumpetisyon. “Mommy, mag airplane po ba ulit tayo?” tanong ni Bea. “Wala na muna, anak.” “Good,” sagot ni Brix. “Nakakahilo.” Napatingin ako kay Jane sa front seat. “Saan tayo kakain?” “Sa restaurant malapit dito. Sikat yon. Promise, masarap,” sagot niya. “Basta mabilis,” sabi ko. “Pagod na ang dalawang ito.” “Excuse me,” sabay reklamo ng kambal. “We are not ‘two.’ We are twins.” Napahawak ako sa sentido ko. “Jane, naririnig mo ba ito?” “Welcome to motherhood,” sabi niya, nakangisi. Sa restaurant. Pag-upo pa lang namin, agad na nag-order ang kambal na parang VIP guests. “Spaghetti po,” sabi ni Bea. “Chicken,” sabi ni Brix. “Fries din,” sabay nila. Tumingin ako sa kanila. “May allowance ba kayo?” “Mommy!” reklamo ni Bea. “We are children.” “Exactly,” sagot ko. Tumawa si Jane habang umiinom ng tubig. “Grabe ka Nona, huwag mong tipirin ang mga bata." Inungusan ko siya. “Wala kang idea, kung hindi ko titipirin ang kambal, mauubos ang ipon ko, sayang ang limang taon ko sa ibang bansa.” sagot ko, sabay buntong-hininga. "Akala mo mga anak ng bilyonaryo." Habang hinihintay ang pagkain, sandaling natahimik ang table. Abala na ang kambal sa tablet nila at naglalaro ng games. Narinig kong nagsalita ang kaibigan sa tabi ko. “Nona, ikwento mo na sa akin, dali,” sabi niya. “Biglaan lahat ng pag alis mo noon, hindi ka na nakapagpaalam pa sa akin," May hinampong patuloy niya. Huminga ako nang malalim. “Nangailangan ang kaibigan ng boss ko noon ng isang event coordinator na ma-aassign sa branch company nila sa Singapore. Biglaan iyon, pero kumpleto naman ang papeles ko, kaya ako ang pinadala ni boss.” “Tapos?” naiintrigang tanong ni Jane. “Paano mo nalaman na buntis ka?” “One month pa lang ako sa Singapore, nalaman kong buntis ako,” sagot ko. “Mabuti na lang mabait ang new boss ko, pinayagan niya akong ipagpatuloy ang kontrata ko.” Muli akong nagbuntong hininga. “One-year contract lang sana iyon… pero tumagal hanggang naging limang taon.” Napahawak si Jane sa braso ko, halatang hindi makapaniwala. “So… sino ang ama ng kambal?” bulong niya. Tumingin ako sa dalawang anak ko bago dahan-dahang umiling. “Hindi ko siya kilala.” “Ano?” Napalakas ang boses niya sa gulat. “Paano? Bakit? Sino?" Napatirik ang mga mata ko. “Ang dami mong tanong,” sabi ko, umiiling na bahagyang natatawa. “Kailan nangyari?” muli niyang tanong, hindi pa rin mapakali. Sumandal ako sa upuan at uminom ng tubig. Wala nang saysay pang itago sa kaibigan kaya sinabi ko sa kanya ang lahat. “Noong gabing niloko ako ni Jonathan, doon ko nakilala ang ama ng kambal.” Biglang nagbago ang ekspresyon ni Jane, naging seryoso, lumapit siya sa akin ng bahagya at bumulong. “Balak mo bang hanapin ang ama ng kambal mo?” Natigilan ako. Tumingin ako sa kabilang mesa, narinig ko ang tawa ng mga bata. At sa dibdib ko… Isang tanong na matagal ko nang tinakasan ang muling bumalik.WINONA'S POV Hindi pa man ako tuluyang nakakabalik sa sarili matapos ang meeting namin ni Rafael ay agad kong binuksan ang folder na ibinigay niya. Makapal iyon, halos limampung pahina. At bawat pahina ay puno ng detalye. Naroon ang venue concepts, guest list, sponsors, fundraising program, media coverage at ang pinakaimportante ay ang Villarreal Hope Foundation. Tahimik akong napangiti. Hindi ko akalaing ang Villarreal Holdings ay matagal na palang naghahanda para sa proyektong ito. May scholarships, medical missions, community learning centers at feeding programs. Hindi ito simpleng charity event. Ito ang magiging mukha ng kumpanya sa mga susunod na taon at ako ang piniling mamuno rito. Napahawak ako sa folder. Hindi ko dapat sayangin ang tiwalang ibinigay ni Rafael. Kinabukasan, alas-nuwebe pa lamang ng umaga ay nasa conference room na ako. Unti-unti nang dumarating ang mga department heads mula sa Marketing, Finance, Public Relations, Legal at Corporate Communications. Lahat
WINONA'S POV Nag ipon muna ako ng maraming lakas ng loob bago tahimik kong kinatok ang pinto ng presidential office. "Come in." Narinig ko ang tinig ni Rafael mula sa loob, bahagyang nag iba ang tibok ng puso ko. Pinilit kong magpakanormal. Huminga ako nang malalim bago pinihit ang doorknob. Pagpasok ko, agad kong nakita si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng glass window ng opisina, nakatanaw sa city skyline habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng slacks niya. Bahagyang tumingin siya sa akin. "Ms. Sanchez." "Sir." Tumango siya bilang tugon. Lumapit naman ako sa mesa niya at tahimik na naghihintay ngunit ilang segundo ang lumipas, wala pa ring nagsasalita. Nagtagpo ang mga mata namin. Muli, nagkagulo na naman ang buong sistema ko. Simula ng mapagtanto kong iba na ang nararamdaman ko sa binata, mas lalo tuloy akong nahihirapang kontrolin ang sarili. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. "A-ah... Sir?" Basag ko sa katahimikan. Bahagya siyang napakurap. "Yes?"
WINONA'S POV Tahimik akong naglakad papunta sa presidential office upang sunduin ang kambal. Halos alas-singko na ng hapon. Sa bawat hakbang ko ay paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili. Kailangan kong maging propesyonal. Wala nang sobra doon, wala nang ibang kahulugan. Pagdating ko sa tapat ng opisina, bahagya kong itinulak ang nakabukas na pinto. Napahinto ako. Tahimik ang buong silid. Nakatulog na pala sina Bea at Brix sa mahabang couch ngunit hindi ang kambal ang unang nakakuha ng atensyon ko kundi si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng mga bata, hawak ang isang kulay abong kumot. Maingat niya iyong ikinumot sa kambal, saka dahan-dahang inayos ang unan sa ilalim ng ulo ni Bea. Napakasimple ng ginagawa niya pero ang paraan ng pagtingin niya sa kambal, punong-puno ng lambing. May kung anong init sa mga mata niyang bihira kong makita. Hindi iyon ang malamig at seryosong Presidente ng Villarreal Holdings. Tila isa lang siyang lalaking tahimik na nag-aalaga sa dalawang ba
RAFAEL'S POV Matapos ang nangyaring gulo kanina, tila ba unti-unting bumalik sa normal ang takbo ng buong araw. At least, sa paningin ng iba. Hindi ko na pinansin ang mga tsismis na patuloy na umiikot sa kumpanya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay isang bagay lang. Ang kaligtasan nina Winona at ng kambal. Eksaktong alas-singko ng hapon nang makatanggap ako ng mensahe mula sa driver. "Sir, picked up the twins already. We're on our way." Ilang minuto lang ang lumipas, marahan na kumatok ang sekretarya ko. "Sir, they're here." "Let them in." Agad bumukas ang pinto. Naunang sumilip sina Bea at Brix bago tuluyang pumasok. "Daddy CEO!" Sabay pa silang kumaway. Hindi ko namalayang kusang pumagkit ang isang ngiti sa labi ko. "Come in." Mabilis silang lumapit ngunit agad ding huminto nang makita ang mga dokumentong nakakalat sa mesa ko. "Daddy CEO, are you busy?" tanong ni Brix. Tumango ako. "Yes. I still have a few documents to sign." Nagkatinginan ang kambal ba
WINONA'S POV Tahimik akong bumalik sa opisina matapos ang naging pag-uusap namin ni Sir Rafael. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi niya ako hinayaang umiwas. Hindi rin niya hinayaang mag-adjust kami dahil lang sa walang basehang tsismis. "We did nothing wrong, Ms. Sanchez." Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang mga huling sinabi niyang iyon. Pagpasok ko sa opisina ay agad na napatingin sa akin sina Ana at Ron. Halata ang pag-aalala sa mga mukha nila. "Ma'am Winona..." mahina nilang bati. Napangiti ako nang pilit. "Bakit? Mukha ba akong napagalitan?" Umiling agad si Ana. "Hindi naman. Kinakabahan lang kami. Nabalitaan naming pinatawag kayo ni President." "Tungkol ba sa issue?" tanong naman ni Ron. Tumango ako bago ako naupo sa swivel chair. "Oo." Tahimik silang naghintay na magsalita ako. Kaya ikinuwento ko sa kanila ang naging usapan namin ni Sir Rafael. Kung paano niya sinabing hindi niya ititigil ang pagpapasundo sa kambal. Kung paano n
RAFAEL'S POV Pagkalabas ko ng conference room, agad kong napansin na may kakaiba. Normal naman ang pagbati ng mga empleyadong nakakasalubong ko. "Good morning, President Villarreal." "Good morning, sir." Tumango lang ako bilang tugon, ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang ekspresyon sa mga mukha nila. May ilan na agad na umiwas ng tingin. May ilan namang tila gustong magsalita ngunit pinili na lamang manahimik. It was subtle but noticeable. Tahimik akong pumasok sa office ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay sumunod si Claire, may dala itong ilang folders. Maayos niyang inilapag ang mga iyon sa mesa ko bago ako hinarap. "Sir..." Napatingin ako sa kanya. "There seems to be a problem." Bahagya akong napakunot-noo. "What is it?" Nag-atubili siya at sa ilang taon naming magkasama sa trabaho, alam kong hindi siya magdadalawang-isip magsalita kung maliit na bagay lang iyon. "There are rumors spreading inside the company." Hindi ako nagsalita. Tahim
WINONA'S POV Hindi nagtagal natapos na ang dinner meeting. Nagsiuwian na ang karamihan sa mga investors ngunit bilang Event Manager, hindi pa tapos ang trabaho ko. May ilang dokumentong kailangang pirmahan. May final billing na kailangang i-review at may ilang staff na kailangan pang bigyan ng in
WINONA'S POV Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap sa isa sa mga foreign investors nang bigla kong marinig ang pamilyar na boses sa aking tabi. "Gentlemen." Agad na napunta ang atensyon ng lahat sa nagsalita. Napalingon ako at nakita ko si Rafael na nakatayo na sa tabi ko. As always, he wore
WINONA'S POV Nakatitig lang ako sa cellphone ko. Parang umaasa akong kusang mawawala ang pangalan sa screen. Pero hindi. Nanatili roon ang pangalan ng boss ko. Napapikit ako. Patay, talagang patay na ako. Mabilis kong sinagot ang tawag. "Sir?" "Come to my office." Diretso niyang sabi,
WINONA'S POV Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Kay Rafael ba? Sa kambal? O sa mga empleyadong nakatingin na ngayon sa amin na para bang nakasaksi sila ng pinakamatinding tsismis ng taon? Pakiramdam ko ay umiinit ang buong mukha







