LOGINWinona's POV
Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong klaseng condo. “Wow, ang ganda dito sa condo mo, Nona! Yayamanin!” manghang sabi ni Jane habang bitbit ang ilan naming gamit. Napangiti ako habang inilalapag ang handbag ko sa sofa. Malaki ang condo. Modern ang interior, may floor-to-ceiling windows pa na tanaw ang city lights. Tahimik din ang buong paligid, sobrang layo sa buhay na kinalakihan ko noon. “Hindi ko rin akalain na ibibigay lang talaga sa akin ito,” sabi ko habang inaayos ang ilang grocery sa kusina. “Ang bait naman ng boss mo,” sabi niya. Napatawa na lang ako nang mahina. “Siguro nabaliw lang siya.” “Sana mabaliw rin boss ko para bigyan ako ng ganitong condo.” sabi niya habang naglilibot ang mga mata. Naiiling na lang ako habang natatawa sa kaibigan. Kinagabihan, abala ako sa pagluluto ng hapunan habang nasa sala naman ang kambal. Naagaw ang atensyon ko ng tawagin ako ng isa sa kambal. “Mommy…” Napalingon ako kay Bea na seryosong-seryoso ang mukha habang nakasandal sa kitchen counter. “Yes, my baby?” “Sino ba talaga ang daddy namin?” Napahinto ako sa paghihiwa ng carrots pagkuwa'y lihim na umikot ang eyeballs. 'At eto na naman kami.' Bago pa ako makasagot, sumulpot na rin si Brix sa tabi niya habang yakap ang tablet nito. “Mommy, nasaan si Daddy?” inosente nitong tanong. Napabuntong-hininga ako. Ilang taon ko nang tinatakasan ang usapang ito. Noong nasa Singapore kami, madali ko pang sabihin na nasa Pilipinas ang daddy nila kaya hindi nila nakikita. Pero ngayong nandito na kami… mas marami na silang tanong. At mas mahirap nang umiwas. Ang problema kasi, kahit ako, hindi ko rin alam kung sino talaga ang ama nila. Hindi ko nakita nang maayos ang mukha ng lalaking nakasama ko noong gabing iyon. Madilim ang silid. Pareho kaming nakamaskara at kahit noong paggising ko, wala na siya kaya hindi ko rin talaga alam kung sino ang ama ng kambal. Para matapos na ang usapan, napabuntong-hininga ako bago tumuro sa business magazine na nakapatong sa center table. “Ayan,” sabi ko habang kunwaring abala ulit sa niluluto. “Ayan ang daddy ninyo. Huwag na kayong makulit.” Napansin kong natahimik ang dalawa kaya akala ko sapat na iyon para ma-distract sila, pero ilang minuto ang lumipas, napansin kong sobrang tahimik nila. Too quiet. At base sa experience ko bilang nanay, walang magandang naidudulot ang sobrang tahimik na bata. Napakunot-noo ako bago sumilip sa sala at doon ko nakita ang kambal na magkatabing nakaupo sa carpet. Nasa kandungan ni Bea ang magazine habang si Brix naman ay mabilis na may tina-type sa tablet nito. Napasingkit ang mga mata ko. “Ano ginagawa ninyo?” curious kong tanong. Hindi ako pinansin ni Brix. Abalang abala ito sa tablet habang mabilis gumagalaw ang maliliit nitong daliri. At doon ako kinabahan. Parehong matalino ang kambal. Too smart for their age, lalo na si Brix. Minsan nga nahuhuli ko na lang itong nagha-hack ng parental settings ko para makapanood ng cartoons hanggang madaling-araw. Once, muntik pa nitong ma-access ang online banking ko dahil “curious lang daw siya.” “Mommy,” biglang sabi ni Bea habang hawak ang magazine. “Ang guwapo ni Daddy.” Halos mabilaukan ako sa sariling laway. Tumingin ako sa magazine cover, naroon ang isang lalaking naka-black suit habang may hawak na business award. Malamig ang ekspresyon nito. He looks powerful, at sobrang gwapo sa nakakairitang paraan. Rafael Villarreal. One of the youngest billionaire CEOs in the country. Hindi ko alam kung bakit siya ang tinuro ko kanina. Siguro dahil siya lang ang unang nakita kong mukha sa magazine. “Mommy…” muling tawag ni Bea habang inosenteng nakatingin sa akin. “CEO ba si Daddy?” Parang may kung anong malamig na dumaloy sa batok ko. Bago pa ako makasagot, biglang nagsalita si Brix nang hindi inaalis ang tingin sa tablet. “Mommy, according sa internet, billionaire si Daddy.” Napasinghap ako. “Ano?!” Mabilis kong nilapitan ang anak ko. At muntik na akong atakihin sa puso nang makitang nakabukas sa tablet nito ang buong profile ni Rafael Villarreal. Business articles, interviews, photos and even company information. “How did you even—” Pinutol niya ang sasabihin ko. “Face recognition,” proud na sabi ni Brix. Nanlaki ang mata ko. “WHAT FACE RECOGNITION?!” “Ginamitan ko lang ng AI scanner iyong picture sa magazine,” casual nitong sagot na para bang normal lang iyon para sa apat na taong gulang. Napahawak ako sa noo ko. 'Lord. Bakit ba sobrang henyo ng mga anak ko?' “Mommy…” mahinang tawag ni Bea habang nakatitig pa rin sa larawan ni Rafael. “Kamukha ni Brix si Daddy.” At doon tuluyang tumigil ang mundo ko. Dahan-dahan akong napatingin sa magazine, then to Brix. Then back to the photo again. Parehong matalim ang mga mata, parehong malamig tumingin kapag seryoso, parehong may nakakainis na aura ng confidence. Imposible! Baka nagkataon lang. Pero ewan ko pero may kakaiba akong naramdaman habang nakatitig sa mga mata ng lalaki sa magazine.WINONA'S POV Hindi pa man ako tuluyang nakakabalik sa sarili matapos ang meeting namin ni Rafael ay agad kong binuksan ang folder na ibinigay niya. Makapal iyon, halos limampung pahina. At bawat pahina ay puno ng detalye. Naroon ang venue concepts, guest list, sponsors, fundraising program, media coverage at ang pinakaimportante ay ang Villarreal Hope Foundation. Tahimik akong napangiti. Hindi ko akalaing ang Villarreal Holdings ay matagal na palang naghahanda para sa proyektong ito. May scholarships, medical missions, community learning centers at feeding programs. Hindi ito simpleng charity event. Ito ang magiging mukha ng kumpanya sa mga susunod na taon at ako ang piniling mamuno rito. Napahawak ako sa folder. Hindi ko dapat sayangin ang tiwalang ibinigay ni Rafael. Kinabukasan, alas-nuwebe pa lamang ng umaga ay nasa conference room na ako. Unti-unti nang dumarating ang mga department heads mula sa Marketing, Finance, Public Relations, Legal at Corporate Communications. Lahat
WINONA'S POV Nag ipon muna ako ng maraming lakas ng loob bago tahimik kong kinatok ang pinto ng presidential office. "Come in." Narinig ko ang tinig ni Rafael mula sa loob, bahagyang nag iba ang tibok ng puso ko. Pinilit kong magpakanormal. Huminga ako nang malalim bago pinihit ang doorknob. Pagpasok ko, agad kong nakita si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng glass window ng opisina, nakatanaw sa city skyline habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng slacks niya. Bahagyang tumingin siya sa akin. "Ms. Sanchez." "Sir." Tumango siya bilang tugon. Lumapit naman ako sa mesa niya at tahimik na naghihintay ngunit ilang segundo ang lumipas, wala pa ring nagsasalita. Nagtagpo ang mga mata namin. Muli, nagkagulo na naman ang buong sistema ko. Simula ng mapagtanto kong iba na ang nararamdaman ko sa binata, mas lalo tuloy akong nahihirapang kontrolin ang sarili. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. "A-ah... Sir?" Basag ko sa katahimikan. Bahagya siyang napakurap. "Yes?"
WINONA'S POV Tahimik akong naglakad papunta sa presidential office upang sunduin ang kambal. Halos alas-singko na ng hapon. Sa bawat hakbang ko ay paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili. Kailangan kong maging propesyonal. Wala nang sobra doon, wala nang ibang kahulugan. Pagdating ko sa tapat ng opisina, bahagya kong itinulak ang nakabukas na pinto. Napahinto ako. Tahimik ang buong silid. Nakatulog na pala sina Bea at Brix sa mahabang couch ngunit hindi ang kambal ang unang nakakuha ng atensyon ko kundi si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng mga bata, hawak ang isang kulay abong kumot. Maingat niya iyong ikinumot sa kambal, saka dahan-dahang inayos ang unan sa ilalim ng ulo ni Bea. Napakasimple ng ginagawa niya pero ang paraan ng pagtingin niya sa kambal, punong-puno ng lambing. May kung anong init sa mga mata niyang bihira kong makita. Hindi iyon ang malamig at seryosong Presidente ng Villarreal Holdings. Tila isa lang siyang lalaking tahimik na nag-aalaga sa dalawang ba
RAFAEL'S POV Matapos ang nangyaring gulo kanina, tila ba unti-unting bumalik sa normal ang takbo ng buong araw. At least, sa paningin ng iba. Hindi ko na pinansin ang mga tsismis na patuloy na umiikot sa kumpanya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay isang bagay lang. Ang kaligtasan nina Winona at ng kambal. Eksaktong alas-singko ng hapon nang makatanggap ako ng mensahe mula sa driver. "Sir, picked up the twins already. We're on our way." Ilang minuto lang ang lumipas, marahan na kumatok ang sekretarya ko. "Sir, they're here." "Let them in." Agad bumukas ang pinto. Naunang sumilip sina Bea at Brix bago tuluyang pumasok. "Daddy CEO!" Sabay pa silang kumaway. Hindi ko namalayang kusang pumagkit ang isang ngiti sa labi ko. "Come in." Mabilis silang lumapit ngunit agad ding huminto nang makita ang mga dokumentong nakakalat sa mesa ko. "Daddy CEO, are you busy?" tanong ni Brix. Tumango ako. "Yes. I still have a few documents to sign." Nagkatinginan ang kambal ba
WINONA'S POV Tahimik akong bumalik sa opisina matapos ang naging pag-uusap namin ni Sir Rafael. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi niya ako hinayaang umiwas. Hindi rin niya hinayaang mag-adjust kami dahil lang sa walang basehang tsismis. "We did nothing wrong, Ms. Sanchez." Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang mga huling sinabi niyang iyon. Pagpasok ko sa opisina ay agad na napatingin sa akin sina Ana at Ron. Halata ang pag-aalala sa mga mukha nila. "Ma'am Winona..." mahina nilang bati. Napangiti ako nang pilit. "Bakit? Mukha ba akong napagalitan?" Umiling agad si Ana. "Hindi naman. Kinakabahan lang kami. Nabalitaan naming pinatawag kayo ni President." "Tungkol ba sa issue?" tanong naman ni Ron. Tumango ako bago ako naupo sa swivel chair. "Oo." Tahimik silang naghintay na magsalita ako. Kaya ikinuwento ko sa kanila ang naging usapan namin ni Sir Rafael. Kung paano niya sinabing hindi niya ititigil ang pagpapasundo sa kambal. Kung paano n
RAFAEL'S POV Pagkalabas ko ng conference room, agad kong napansin na may kakaiba. Normal naman ang pagbati ng mga empleyadong nakakasalubong ko. "Good morning, President Villarreal." "Good morning, sir." Tumango lang ako bilang tugon, ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang ekspresyon sa mga mukha nila. May ilan na agad na umiwas ng tingin. May ilan namang tila gustong magsalita ngunit pinili na lamang manahimik. It was subtle but noticeable. Tahimik akong pumasok sa office ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay sumunod si Claire, may dala itong ilang folders. Maayos niyang inilapag ang mga iyon sa mesa ko bago ako hinarap. "Sir..." Napatingin ako sa kanya. "There seems to be a problem." Bahagya akong napakunot-noo. "What is it?" Nag-atubili siya at sa ilang taon naming magkasama sa trabaho, alam kong hindi siya magdadalawang-isip magsalita kung maliit na bagay lang iyon. "There are rumors spreading inside the company." Hindi ako nagsalita. Tahim
WINONA'S POV Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Kay Rafael ba? Sa kambal? O sa mga empleyadong nakatingin na ngayon sa amin na para bang nakasaksi sila ng pinakamatinding tsismis ng taon? Pakiramdam ko ay umiinit ang buong mukha
WINONA'S POV Abala pa rin ako sa paghahanda para sa Investor Summit. Sa conference room, sunod-sunod ang updates na dumarating. May changes sa guest accommodations. May adjustments sa security deployment. May revisions sa event flow at bilang overall coordinator ng buong summit, halos wala na ako
Winona's POV Kinabukasan, gaya ng inaasahan, maaga kaming nagising ng kambal. Excited na excited sina Bea at Brix habang naghahanda. "Mommy, may school na ba kami?" tanong ni Bea. "Technically, daycare pa lang." sagot ko. "Yay! Gusto ko na magkaroon ng maraming friends." Napangiti na lama
Winona’s POV Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy,







