Mag-log in“Mommy… bakit po kamukha ni Sir Rafael si Brix?” Isang simpleng tanong mula kay Bea ang muntik nang magpahinto sa paghinga ni Winona. Dahil ang cold at perfectionist billionaire CEO na kinatatakutan ng buong kumpanya ay ang lalaking minsan niyang nakasama sa isang reckless night years ago. At ang mas malaking problema? Hindi alam ni Rafael Villarreal na may kambal silang anak. Habang pilit itinatago ni Nona ang katotohanan, unti-unting sinisira ng dalawa niyang anak ang plano niya, mula sa pagtawag kay Rafael ng “Daddy,” hanggang sa paggawa ng mga “family drawings” na ikinagugulat ng buong opisina. Pero paano kung isang araw malaman ng billionaire CEO ang totoo? Na ang dalawang batang unti-unting nagpapalambot ng puso niya ay sarili niyang dugo?
view moreWinona's POV
Pagod akong napabuntong-hininga habang inaayos ang headset sa tenga ko at mabilis na chine-check ang setup ng grand ballroom ng Stravezki Hotel. “Miss Sanchez, confirmed na po iyong fireworks cue mamayang ten?” tanong ng isa sa staff ko. “Yes. And make sure walang magkakamali sa entrance ng sponsors,” sagot ko habang abala sa pagtingin sa event schedule sa tablet ko. “Ayokong may sumabog mamaya bukod sa pasensya ko.” Natawa ang ilan sa staff sa sinabi ko. Ako si Winona Sanchez, isang Event coordinator. Professional na taga-ayos ng magagarbong party ng mayayaman habang wasak naman ang personal life ko. Hindi ko alam na literal palang masisira ang buhay ko ngayong gabi. Lumabas muna ako ng ballroom para huminga sandali, napalingon ako sa kabilang side ng hotel. Napansin kong mas engrande ang banquet hall doon. Gold and black ang motif habang may violinists pa sa entrance. Tila may private elite gathering. Napakunot ang noo ko. 'Sino kayang coordinator nito?' Napasilip ako nang bahagya sa loob ng hall, curious kung anong company ang may hawak ng ganoong kalaking event, pero unti-unting nawala ang kuryusidad ko nang maging pamilyar ang mga mukha sa loob. Mga dating classmates, mutual friends at mga kakilala namin ng boyfriend ko. “Anong meron?” bulong ko sa sarili. Bakit parang ako lang yata ang walang alam? “Nona?” Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Jane. Mabilis niya akong nilapitan habang bakas ang gulat sa mukha niya. “Oh my God, Nona! Nandito ka na pala!” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ha? Ano bang meron?” Bigla siyang natigilan. Parang hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin. “H-Hindi ka ba nandito para sugurin ang boyfriend mong siraulo?” galit niyang tanong. Lalong nalukot ang mukha ko dahil sa pagkalito. “What do you mean? Narito ako dahil may event ako dito.” Itinuro ko pa ang kabilang ballroom. Napamura siya nang mahina bago humawak sa noo. “Hay naku, dapat mong malaman na iyang boyfriend mo ay manloloko!” “Ano ka ba,” natatawa kong sabi kahit may kakaibang kaba na akong nararamdaman sa dibdib ko. “Hindi ganyan si Jonathan. Mahal na mahal ako no’n.” Pitong taon na kami, simula pa noong highschool. Pitong taon ko ng kilala si Jonathan. O… baka naman, iyon ang akala ko. Matigas na umiling ang kaibigan ko bago niya ako hinila paloob sa hall. “Jane, wait—” “Look.” At doon tuluyang huminto ang mundo ko. Nasa gitna ng engrandeng ballroom si Jonathan. Nakaluhod, may hawak na singsing at sa harapan niya ay isang babaeng nakasuot ng pulang gown habang umiiyak sa saya. “Will you marry me?” Nagpalakpakan ang mga bisita, may nagtilian at masayang nagsigawan. Para naman akong nabingi habang nakatitig sa eksenang iyon. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Parang may paulit-ulit na kutsilyong tumarak sa dibdib ko. Pitong taon akong naniwalang ako ang pakakasalan niya, pitong taon kong hinintay na sabihin niya iyon sa akin. Ang lumuhod siya sa harapan ko at yayain akong magpakasal. Pero ngayong gabi… ibang babae ang sinusuotan niya ng engagement ring. Napansin ako ng ilang kakilala namin kaya naman nagkaroon ng kaunting tensyon sa paligid. Doon na ako napansin ni Jonathan, kitang kita ko ang pagkagulat niya, na tila ba hindi inaasahan na naroon ako. “Babe—” natatarantang lumapit siya nang makita ako. “Baby, I can explain—” Hindi ko siya pinatapos. Umigkas ang kamay ko, umalingawngaw sa buong hall ang malakas kong sampal. Nanlaki ang mga mata ng lahat pero hindi pa roon natapos. Isa pang sampal ang dumapo sa kabilang pisngi niya. “If this is what you want, then fine!” nanginginig kong sigaw habang pinipigilan ang luha. “We’re over!” Tumahimik ang buong paligid. Nakatingin ang lahat sa amin pero wala na akong pakialam. Hindi ko na siya pinagsalita pa, kinuha ko ang isang bote ng wine mula sa tray ng waiter bago mabilis na lumabas ng hall. “Nona!” sigaw ni Jane mula sa likuran ko. Pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Nag iinit na ang mga mata ko habang paulit-ulit kong pinipindot ang elevator button. Pagkapasok ko sa elevator, agad kong pinindot ang top floor. Tahimik ang buong biyahe pataas. Tanging mabilis kong paghinga lang ang naririnig ko. Pagbukas ng elevator, agad akong dumiretso sa rooftop. Malamig ang hangin ng gabi. Maliwanag ang city lights ng Maynila sa ibaba. At doon ko tuluyang hinayaan ang sarili kong ilabas ang lahat ng saloobin ko. Tinungga ko muna ang bote ng wine bago sumigaw nang malakas. “MEN ARE TRASH!” Umalingawngaw ang boses ko sa buong rooftop. “Lalo na iyong…” muli akong uminom bago napatawa nang mapait. “Mga gwapo!” “Interesting opinion.” Napasinghap ako nang may marinig akong malamig na boses mula sa likuran ko. Paglingon ko, bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki. Naka-black suit siya, nakasuot ng eleganteng masquerade mask, gayunpaman alam kong sobrang gwapo niya. Matalim ang panga niya habang tahimik akong pinagmamasdan, pero ang pinaka-mapanganib sa kanya ay ang mga mata niya. Cold and unreadable, na para bang sawang-sawa na rin siya sa mundo. “At bakit?” kalmado niyang tanong habang sumisimsim ng whiskey. “Anong kasalanan naming mga gwapo?” Napatawa ako nang mapait. “Existence.” Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay. “That bad?” “You have no idea.” Lumapit siya nang bahagya habang nakasandal ang isang braso sa railing. “Boyfriend cheated?” “Ex-boyfriend,” mabilis kong pagtatama. “Kasi sinampal ko na. Twice.” At sa unang pagkakataon, bahagya siyang natawa. Mababa, malalim at nakakakaba. “Remind me never to cheat on you,” aniya. “Too late. I already hate men.” “Yet you’re talking to one.” Tinitigan ko siya bago bahagyang napangisi. “You don’t count.” “Why?” “Because you’re wearing a mask.” Tinuro ko ang mukha niya. “Hindi kita ma-judge nang maayos.” “Dangerous logic.” “Effective though.” Tahimik siyang natawa habang nakatingin sa city lights. At ewan ko ba, pero pakiwari ko parang gumaan nang kaunti ang dibdib ko.WINONA'S POVHindi ko napigilang mapangiti habang pinagmamasdan sina Daniel at ang kambal. Halos sampung minuto na silang nagkukuwentuhan sa tapat ng Villarreal Holdings, ngunit parang hindi pa rin sila nauubusan ng sasabihin.Sa huli... ako na mismo ang natawa."If we keep talking here, we'll never make it to dinner."Napakamot sa batok si Daniel."I guess I missed these two too much.""You definitely did." Natatawa kong sagot.Hindi nagtagal ay nasa loob na kami ng isang eleganteng Chinese restaurant sa BGC.Hindi ito sobrang engrande pero tahimik, maaliwalas at paborito noon ni Daniel tuwing may business meetings sila sa Singapore."Still your favorite?" Tanong ko.Tumango siya."Some things never change."Napangiti ako. Maging ang kambal ay masayang nag-oorder ng pagkain."Uncle, I want dim sum!" sabi ni Brix."And fried rice!" Dagdag ni Bea.Tumawa si Daniel."Order anything you want. It's my treat."Agad namang nag-high five ang kambal. Habang hinihintay ang pagkain. Sumandal si
WINONA'S POV "Mommy..." Saglit akong napatingin kay Bea nang marinig ang tinig nito. "Why isn't Daddy CEO picking us up today? Why did only his driver come?" Naroon na ang kambal sa loob ng opisina ko. Pareho silang nakaupo sa lounge chair habang abala sa kani-kanilang tablet, habang tinatapos ko naman ang huling report na kailangan kong isumite bago umuwi. "Daddy CEO has a meeting with foreign investors." sagot ko habang nasa laptop ang atensyon ko. "So he couldn't leave the office." "Oh..." Tumango si Bea na tila naintindihan ang paliwanag. Makalipas ang ilang segundo ay nagsalita naman si Brix. "So... are we waiting for Daddy CEO to finish his meeting? Then he'll drive us home?" Iyon sana ang plano ngunit... Ngumiti ako habang pinindot ang Send button sa laptop pagkuwa'y isinara ko ito. "Actually... we have dinner plans." Sabay na napatingin sa akin ang kambal. "Dinner date?" Excited na tanong ni Bea. "Five-star hotel again?" Umiling si Brix. "I found
WINONA'S POV Lunes na naman. Matapos ang matagumpay na CSR outreach noong nakaraang linggo, unti-unti nang bumalik sa normal ang takbo ng Villarreal Holdings. Abala na naman ang bawat departamento. May mga meeting. May mga reports at may mga deadlines na kailangang habulin. Tahimik akong nakaupo sa opisina habang inaayos ang schedule para sa susunod naming corporate event nang biglang umilaw ang cellphone ko. Napalipat ang tingin ko sa screen. Daniel Lim Calling... Saglit akong natigilan. Hindi ko inaasahang tatawag siya. Napangiti ako bago agad sinagot ang tawag. "Hello, Sir Daniel." Isang pamilyar na tawa ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Winona. It's been a while." Napangiti ako. "It has." "How are you?" tanong niya. "I'm doing well." "And the twins?" muling tanong niya. Lalong lumawak ang ngiti ko. "They're doing great." May ilang segundong katahimikan pagkatapos ay muli siyang nagsalita. "I'm in Manila." Nanlaki ang mga mata ko. "You're here?" "Busines
WINONA'S POVThe last backpack had finally found its owner. Unti-unti nang humupa ang ingay sa covered court habang tuwang-tuwang tinitingnan ng mga bata ang bago nilang school supplies. May mga excited na agad binubuksan ang backpacks nila, may nagkukumpara ng crayons at notebooks sa mga kaklase, at may ilan pang mahigpit na niyayakap ang school kit na parang pinakamahalagang regalo sa buong mundo.Seeing those genuine smiles...Biglang naging worth it ang lahat ng puyat at paghahanda namin para sa outreach na ito."Ms. Sanchez."Lumingon ako at nakita ko ang principal na papalapit sa amin, may bakas ng taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga mata."Thank you. This outreach has brought so much joy to our students."Ngumiti ako."They deserve every opportunity to dream."Tumango siya bago napatingin kina Bea at Brix na masayang tumutulong magligpit ng mga bakanteng karton."And your little volunteers... They've been wonderful today."Hindi pa man ako nakakasagot ay biglang itinaas ni B
Winona's POV Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong kla
Winona’s POV Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy,
Winona's POV Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin. Basta ang alam ko lang, sa sumunod na segundo ay nakakapit na ang dalawang kamay ko sa leeg ng lalaki habang tuluyan kaming nilalamon ng isang mainit at mapanganib na halik. Mabuti na lamang at hindi siya umiwas. Hind
Winona's POV Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin habang nakasandal sa railing ng rooftop, nakatingala sa madilim na langit ng Maynila. May hawak siyang wine glass sa isang kamay habang ang isa naman ay nasa bulsa ng slacks niya. Parang kanina pa siya dito sa


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore