Share

MY TINY MATCHMAKERS
MY TINY MATCHMAKERS
Author: Hiraya ZR

CHAPTER 1

Author: Hiraya ZR
last update publish date: 2026-05-25 17:49:00

Winona's POV

Pagod akong napabuntong-hininga habang inaayos ang headset sa tenga ko at mabilis na chine-check ang setup ng grand ballroom ng Stravezki Hotel.

“Miss Sanchez, confirmed na po iyong fireworks cue mamayang ten?” tanong ng isa sa staff ko.

“Yes. And make sure walang magkakamali sa entrance ng sponsors,” sagot ko habang abala sa pagtingin sa event schedule sa tablet ko. “Ayokong may sumabog mamaya bukod sa pasensya ko.”

Natawa ang ilan sa staff sa sinabi ko.

Ako si Winona Sanchez, isang Event coordinator. Professional na taga-ayos ng magagarbong party ng mayayaman habang wasak naman ang personal life ko. Hindi ko alam na literal palang masisira ang buhay ko ngayong gabi.

Lumabas muna ako ng ballroom para huminga sandali, napalingon ako sa kabilang side ng hotel.

Napansin kong mas engrande ang banquet hall doon. Gold and black ang motif habang may violinists pa sa entrance. Tila may private elite gathering.

Napakunot ang noo ko. 'Sino kayang coordinator nito?'

Napasilip ako nang bahagya sa loob ng hall, curious kung anong company ang may hawak ng ganoong kalaking event, pero unti-unting nawala ang kuryusidad ko nang maging pamilyar ang mga mukha sa loob. Mga dating classmates, mutual friends at mga kakilala namin ng boyfriend ko.

“Anong meron?” bulong ko sa sarili.

Bakit parang ako lang yata ang walang alam?

“Nona?”

Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Jane. Mabilis niya akong nilapitan habang bakas ang gulat sa mukha niya.

“Oh my God, Nona! Nandito ka na pala!”

Nagsalubong ang mga kilay ko.

“Ha? Ano bang meron?”

Bigla siyang natigilan. Parang hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin.

“H-Hindi ka ba nandito para sugurin ang boyfriend mong siraulo?” galit niyang tanong.

Lalong nalukot ang mukha ko dahil sa pagkalito.

“What do you mean? Narito ako dahil may event ako dito.” Itinuro ko pa ang kabilang ballroom.

Napamura siya nang mahina bago humawak sa noo.

“Hay naku, dapat mong malaman na iyang boyfriend mo ay manloloko!”

“Ano ka ba,” natatawa kong sabi kahit may kakaibang kaba na akong nararamdaman sa dibdib ko. “Hindi ganyan si Jonathan. Mahal na mahal ako no’n.”

Pitong taon na kami, simula pa noong highschool. Pitong taon ko ng kilala si Jonathan.

O… baka naman, iyon ang akala ko.

Matigas na umiling ang kaibigan ko bago niya ako hinila paloob sa hall.

“Jane, wait—”

“Look.”

At doon tuluyang huminto ang mundo ko. Nasa gitna ng engrandeng ballroom si Jonathan. Nakaluhod, may hawak na singsing at sa harapan niya ay isang babaeng nakasuot ng pulang gown habang umiiyak sa saya.

“Will you marry me?”

Nagpalakpakan ang mga bisita, may nagtilian at masayang nagsigawan.

Para naman akong nabingi habang nakatitig sa eksenang iyon. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Parang may paulit-ulit na kutsilyong tumarak sa dibdib ko.

Pitong taon akong naniwalang ako ang pakakasalan niya, pitong taon kong hinintay na sabihin niya iyon sa akin. Ang lumuhod siya sa harapan ko at yayain akong magpakasal.

Pero ngayong gabi… ibang babae ang sinusuotan niya ng engagement ring.

Napansin ako ng ilang kakilala namin kaya naman nagkaroon ng kaunting tensyon sa paligid. Doon na ako napansin ni Jonathan, kitang kita ko ang pagkagulat niya, na tila ba hindi inaasahan na naroon ako.

“Babe—” natatarantang lumapit siya nang makita ako. “Baby, I can explain—”

Hindi ko siya pinatapos. Umigkas ang kamay ko, umalingawngaw sa buong hall ang malakas kong sampal. Nanlaki ang mga mata ng lahat pero hindi pa roon natapos. Isa pang sampal ang dumapo sa kabilang pisngi niya.

“If this is what you want, then fine!” nanginginig kong sigaw habang pinipigilan ang luha. “We’re over!”

Tumahimik ang buong paligid. Nakatingin ang lahat sa amin pero wala na akong pakialam. Hindi ko na siya pinagsalita pa, kinuha ko ang isang bote ng wine mula sa tray ng waiter bago mabilis na lumabas ng hall.

“Nona!” sigaw ni Jane mula sa likuran ko.

Pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Nag iinit na ang mga mata ko habang paulit-ulit kong pinipindot ang elevator button. Pagkapasok ko sa elevator, agad kong pinindot ang top floor.

Tahimik ang buong biyahe pataas. Tanging mabilis kong paghinga lang ang naririnig ko.

Pagbukas ng elevator, agad akong dumiretso sa rooftop. Malamig ang hangin ng gabi. Maliwanag ang city lights ng Maynila sa ibaba. At doon ko tuluyang hinayaan ang sarili kong ilabas ang lahat ng saloobin ko. Tinungga ko muna ang bote ng wine bago sumigaw nang malakas.

“MEN ARE TRASH!”

Umalingawngaw ang boses ko sa buong rooftop.

“Lalo na iyong…” muli akong uminom bago napatawa nang mapait. “Mga gwapo!”

“Interesting opinion.”

Napasinghap ako nang may marinig akong malamig na boses mula sa likuran ko. Paglingon ko, bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki. Naka-black suit siya, nakasuot ng eleganteng masquerade mask, gayunpaman alam kong sobrang gwapo niya. Matalim ang panga niya habang tahimik akong pinagmamasdan, pero ang pinaka-mapanganib sa kanya ay ang mga mata niya. Cold and unreadable, na para bang sawang-sawa na rin siya sa mundo.

“At bakit?” kalmado niyang tanong habang sumisimsim ng whiskey. “Anong kasalanan naming mga gwapo?”

Napatawa ako nang mapait.

“Existence.”

Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay.

“That bad?”

“You have no idea.”

Lumapit siya nang bahagya habang nakasandal ang isang braso sa railing.

“Boyfriend cheated?”

“Ex-boyfriend,” mabilis kong pagtatama. “Kasi sinampal ko na. Twice.”

At sa unang pagkakataon, bahagya siyang natawa. Mababa, malalim at nakakakaba.

“Remind me never to cheat on you,” aniya.

“Too late. I already hate men.”

“Yet you’re talking to one.”

Tinitigan ko siya bago bahagyang napangisi.

“You don’t count.”

“Why?”

“Because you’re wearing a mask.” Tinuro ko ang mukha niya. “Hindi kita ma-judge nang maayos.”

“Dangerous logic.”

“Effective though.”

Tahimik siyang natawa habang nakatingin sa city lights. At ewan ko ba, pero pakiwari ko parang gumaan nang kaunti ang dibdib ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 69

    WINONA'S POV Hindi pa man ako tuluyang nakakabalik sa sarili matapos ang meeting namin ni Rafael ay agad kong binuksan ang folder na ibinigay niya. Makapal iyon, halos limampung pahina. At bawat pahina ay puno ng detalye. Naroon ang venue concepts, guest list, sponsors, fundraising program, media coverage at ang pinakaimportante ay ang Villarreal Hope Foundation. Tahimik akong napangiti. Hindi ko akalaing ang Villarreal Holdings ay matagal na palang naghahanda para sa proyektong ito. May scholarships, medical missions, community learning centers at feeding programs. Hindi ito simpleng charity event. Ito ang magiging mukha ng kumpanya sa mga susunod na taon at ako ang piniling mamuno rito. Napahawak ako sa folder. Hindi ko dapat sayangin ang tiwalang ibinigay ni Rafael. Kinabukasan, alas-nuwebe pa lamang ng umaga ay nasa conference room na ako. Unti-unti nang dumarating ang mga department heads mula sa Marketing, Finance, Public Relations, Legal at Corporate Communications. Lahat

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 68

    WINONA'S POV Nag ipon muna ako ng maraming lakas ng loob bago tahimik kong kinatok ang pinto ng presidential office. "Come in." Narinig ko ang tinig ni Rafael mula sa loob, bahagyang nag iba ang tibok ng puso ko. Pinilit kong magpakanormal. Huminga ako nang malalim bago pinihit ang doorknob. Pagpasok ko, agad kong nakita si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng glass window ng opisina, nakatanaw sa city skyline habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng slacks niya. Bahagyang tumingin siya sa akin. "Ms. Sanchez." "Sir." Tumango siya bilang tugon. Lumapit naman ako sa mesa niya at tahimik na naghihintay ngunit ilang segundo ang lumipas, wala pa ring nagsasalita. Nagtagpo ang mga mata namin. Muli, nagkagulo na naman ang buong sistema ko. Simula ng mapagtanto kong iba na ang nararamdaman ko sa binata, mas lalo tuloy akong nahihirapang kontrolin ang sarili. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. "A-ah... Sir?" Basag ko sa katahimikan. Bahagya siyang napakurap. "Yes?"

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 67

    WINONA'S POV Tahimik akong naglakad papunta sa presidential office upang sunduin ang kambal. Halos alas-singko na ng hapon. Sa bawat hakbang ko ay paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili. Kailangan kong maging propesyonal. Wala nang sobra doon, wala nang ibang kahulugan. Pagdating ko sa tapat ng opisina, bahagya kong itinulak ang nakabukas na pinto. Napahinto ako. Tahimik ang buong silid. Nakatulog na pala sina Bea at Brix sa mahabang couch ngunit hindi ang kambal ang unang nakakuha ng atensyon ko kundi si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng mga bata, hawak ang isang kulay abong kumot. Maingat niya iyong ikinumot sa kambal, saka dahan-dahang inayos ang unan sa ilalim ng ulo ni Bea. Napakasimple ng ginagawa niya pero ang paraan ng pagtingin niya sa kambal, punong-puno ng lambing. May kung anong init sa mga mata niyang bihira kong makita. Hindi iyon ang malamig at seryosong Presidente ng Villarreal Holdings. Tila isa lang siyang lalaking tahimik na nag-aalaga sa dalawang ba

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 66

    RAFAEL'S POV Matapos ang nangyaring gulo kanina, tila ba unti-unting bumalik sa normal ang takbo ng buong araw. At least, sa paningin ng iba. Hindi ko na pinansin ang mga tsismis na patuloy na umiikot sa kumpanya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay isang bagay lang. Ang kaligtasan nina Winona at ng kambal. Eksaktong alas-singko ng hapon nang makatanggap ako ng mensahe mula sa driver. "Sir, picked up the twins already. We're on our way." Ilang minuto lang ang lumipas, marahan na kumatok ang sekretarya ko. "Sir, they're here." "Let them in." Agad bumukas ang pinto. Naunang sumilip sina Bea at Brix bago tuluyang pumasok. "Daddy CEO!" Sabay pa silang kumaway. Hindi ko namalayang kusang pumagkit ang isang ngiti sa labi ko. "Come in." Mabilis silang lumapit ngunit agad ding huminto nang makita ang mga dokumentong nakakalat sa mesa ko. "Daddy CEO, are you busy?" tanong ni Brix. Tumango ako. "Yes. I still have a few documents to sign." Nagkatinginan ang kambal ba

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 65

    WINONA'S POV Tahimik akong bumalik sa opisina matapos ang naging pag-uusap namin ni Sir Rafael. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi niya ako hinayaang umiwas. Hindi rin niya hinayaang mag-adjust kami dahil lang sa walang basehang tsismis. "We did nothing wrong, Ms. Sanchez." Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang mga huling sinabi niyang iyon. Pagpasok ko sa opisina ay agad na napatingin sa akin sina Ana at Ron. Halata ang pag-aalala sa mga mukha nila. "Ma'am Winona..." mahina nilang bati. Napangiti ako nang pilit. "Bakit? Mukha ba akong napagalitan?" Umiling agad si Ana. "Hindi naman. Kinakabahan lang kami. Nabalitaan naming pinatawag kayo ni President." "Tungkol ba sa issue?" tanong naman ni Ron. Tumango ako bago ako naupo sa swivel chair. "Oo." Tahimik silang naghintay na magsalita ako. Kaya ikinuwento ko sa kanila ang naging usapan namin ni Sir Rafael. Kung paano niya sinabing hindi niya ititigil ang pagpapasundo sa kambal. Kung paano n

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 64

    RAFAEL'S POV Pagkalabas ko ng conference room, agad kong napansin na may kakaiba. Normal naman ang pagbati ng mga empleyadong nakakasalubong ko. "Good morning, President Villarreal." "Good morning, sir." Tumango lang ako bilang tugon, ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang ekspresyon sa mga mukha nila. May ilan na agad na umiwas ng tingin. May ilan namang tila gustong magsalita ngunit pinili na lamang manahimik. It was subtle but noticeable. Tahimik akong pumasok sa office ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay sumunod si Claire, may dala itong ilang folders. Maayos niyang inilapag ang mga iyon sa mesa ko bago ako hinarap. "Sir..." Napatingin ako sa kanya. "There seems to be a problem." Bahagya akong napakunot-noo. "What is it?" Nag-atubili siya at sa ilang taon naming magkasama sa trabaho, alam kong hindi siya magdadalawang-isip magsalita kung maliit na bagay lang iyon. "There are rumors spreading inside the company." Hindi ako nagsalita. Tahim

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 25

    WINONA'S POV Nakatitig lang ako sa cellphone ko. Parang umaasa akong kusang mawawala ang pangalan sa screen. Pero hindi. Nanatili roon ang pangalan ng boss ko. Napapikit ako. Patay, talagang patay na ako. Mabilis kong sinagot ang tawag. "Sir?" "Come to my office." Diretso niyang sabi,

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 24

    WINONA'S POV Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Kay Rafael ba? Sa kambal? O sa mga empleyadong nakatingin na ngayon sa amin na para bang nakasaksi sila ng pinakamatinding tsismis ng taon? Pakiramdam ko ay umiinit ang buong mukha

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 23

    WINONA'S POV Abala pa rin ako sa paghahanda para sa Investor Summit. Sa conference room, sunod-sunod ang updates na dumarating. May changes sa guest accommodations. May adjustments sa security deployment. May revisions sa event flow at bilang overall coordinator ng buong summit, halos wala na ako

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 15

    Winona's POV Kinabukasan, gaya ng inaasahan, maaga kaming nagising ng kambal. Excited na excited sina Bea at Brix habang naghahanda. "Mommy, may school na ba kami?" tanong ni Bea. "Technically, daycare pa lang." sagot ko. "Yay! Gusto ko na magkaroon ng maraming friends." Napangiti na lama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status