LOGINWinona's POV
Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin. Basta ang alam ko lang, sa sumunod na segundo ay nakakapit na ang dalawang kamay ko sa leeg ng lalaki habang tuluyan kaming nilalamon ng isang mainit at mapanganib na halik. Mabuti na lamang at hindi siya umiwas. Hindi ako napahiya, pero nakakabaliw… Dahil sa tagal naming magnobyo ni Jonathan, ni minsan ay hindi ko naramdaman ang ganitong klaseng excitement mula sa isang halik pa lang. Parang may kung anong sumasabog sa dibdib ko. Isang mainit, nakakahilo at nakakaadik na pakiramdam. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa baywang ko, tila handa pa niya akong hilahin palapit sa kanya hanggang sa wala nang matirang distansya sa pagitan namin. At hindi ko rin iyon tinanggihan. Our kisses became hotter, deeper and more possessive. Parang pareho na kaming nawala sa matinong pag-iisip. Siguro dahil pareho kaming sugatan ngayong gabi, parehong pagod at gustong takasan kahit saglit ang mga problemang pasan namin. Napasinghap ako nang bigla niya akong buhatin habang hindi pinuputol ang halik. Awtomatikong sumaklang ang mga hita ko sa beywang niya habang mahigpit akong nakakapit sa balikat niya. “Oh my God…” natatawa kong bulong sa pagitan ng mga halik. “Kidnapper ka ba?” Mababa siyang natawa sa pagitan ng mga labi namin. “You talk too much.” “And yet you keep kissing me.” “Unfortunately.” Napatawa ako nang mahina bago muli niyang sinakop ang labi ko. Hindi ko namalayang naglalakad na pala siya hanggang sa maramdaman kong bumukas ang isang pinto. Madilim ang silid. Tanging maliit na dim light malapit sa kama ang nagbibigay ng mahinang liwanag pero hindi man lang niya inabala ang sariling buksan pa ang main lights. At ayos lang iyon, mas naging tahimik, mas private at mas intimate iyon sa pagitan namin. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama habang ako ay nakaupo sa kandungan niya, pero kahit ganoon, hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin. Parang pareho kaming sabik sa init ng isa’t isa. Humawak ang mga kamay ko sa batok niya bago unti-unting naglakbay pababa sa likod niya hanggang sa harapan. Kusa niyang hinubad ang suot niyang coat habang tinulungan ko naman siyang tanggalin ang buttons ng itim niyang long sleeves. As the soft light slowly traced the lines of his body, I found myself staring a little too long. 'God.' Even without seeing his full face clearly, I already knew one thing, this was unfair. He looked like the kind of man who didn’t belong in the same category as everyone else. Like he was designed specifically to ruin someone’s peace of mind. My fingers unconsciously brushed against his chest. Firm, warm and perfectly toned. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang marahang dumadausdos ang mga daliri ko pababa. At doon ko tuluyang napagtanto. May abs, actual abs. Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga habang parang may sariling isip ang mga kamay kong dinadama ang tiyan niya. Binilang ko sa isip ang linya sa tiyan niya. Hanggang sa natahimik ako. “Six?” nagulat kong bulong. Bahagya siyang natawa habang nakadikit pa rin ang noo niya sa akin. “Are you counting?” “Huwag kang gumalaw,” seryoso kong saad habang muling hinahawakan ang tiyan niya. “I'm studying.” Muli kong narinig ang mahinang tawa niya. At kung bakit parang naging musika iyon sa pandinig ko. “First time?” amused niyang tanong. Napatingin ako sa kanya bago napangiwi. “Hindi naman sa first time… pero first time ko makahawak ng abs na hindi galing sa gym poster.” Muli siyang natawa bago marahang hinaplos ang buhok ko. At ewan ko ba… pero sa simpleng gesture na iyon, parang mas lalo akong nanghina. Mas lalo akong nahulog sa init ng sandaling iyon. He kissed me again, slower, deeper, and far more intoxicating, as if he was quietly stealing the last bits of my sanity. At nang gabing iyon, tuluyan naming kinalimutan ang sakit na dala namin. Ang mundo sa labas, ang mga taong nanakit sa amin at ang mga problemang naghihintay kinabukasan. Sa gabing iyon… kami lang muna. _____ Kinabukasan nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Mahapdi ang ulo ko habang dahan-dahan akong napamulat. Sandali akong natigilan habang nakatitig sa hindi pamilyar na kisame. Then the memories came crashing back... the rooftop, the masked stranger, and the kisses. “Oh my God…” Mabilis akong napabangon pero agad din akong natigilan, napansin kong tahimik ang buong silid. Hinanap ko ang estrangherong lalaki, pero wala na siya. Tanging gusot na bedsheets at ang mamahaling black suit jacket na nahulog sa sahig ang natira bilang patunay na hindi panaginip ang lahat. “Oh my God… what have I done?” bulong ko habang ginulo ang magulo ng buhok sa sobrang pagkalito at pagsisisi. Binalikan ko kung anong hitsura ng lalaki pero nakasuot ito ng maskara kaya hindi ko na kaagad maalala. Nagbuntong hininga ako at nilisan ang hotel na iyon. Hindi ko alam noon… na ilang linggo mula ngayon, dalawang pink lines ang tuluyang magpapabago sa buong buhay ko.WINONA'S POV Nag ipon muna ako ng maraming lakas ng loob bago tahimik kong kinatok ang pinto ng presidential office. "Come in." Narinig ko ang tinig ni Rafael mula sa loob, bahagyang nag iba ang tibok ng puso ko. Pinilit kong magpakanormal. Huminga ako nang malalim bago pinihit ang doorknob. Pagpasok ko, agad kong nakita si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng glass window ng opisina, nakatanaw sa city skyline habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng slacks niya. Bahagyang tumingin siya sa akin. "Ms. Sanchez." "Sir." Tumango siya bilang tugon. Lumapit naman ako sa mesa niya at tahimik na naghihintay ngunit ilang segundo ang lumipas, wala pa ring nagsasalita. Nagtagpo ang mga mata namin. Muli, nagkagulo na naman ang buong sistema ko. Simula ng mapagtanto kong iba na ang nararamdaman ko sa binata, mas lalo tuloy akong nahihirapang kontrolin ang sarili. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. "A-ah... Sir?" Basag ko sa katahimikan. Bahagya siyang napakurap. "Yes?"
WINONA'S POV Tahimik akong naglakad papunta sa presidential office upang sunduin ang kambal. Halos alas-singko na ng hapon. Sa bawat hakbang ko ay paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili. Kailangan kong maging propesyonal. Wala nang sobra doon, wala nang ibang kahulugan. Pagdating ko sa tapat ng opisina, bahagya kong itinulak ang nakabukas na pinto. Napahinto ako. Tahimik ang buong silid. Nakatulog na pala sina Bea at Brix sa mahabang couch ngunit hindi ang kambal ang unang nakakuha ng atensyon ko kundi si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng mga bata, hawak ang isang kulay abong kumot. Maingat niya iyong ikinumot sa kambal, saka dahan-dahang inayos ang unan sa ilalim ng ulo ni Bea. Napakasimple ng ginagawa niya pero ang paraan ng pagtingin niya sa kambal, punong-puno ng lambing. May kung anong init sa mga mata niyang bihira kong makita. Hindi iyon ang malamig at seryosong Presidente ng Villarreal Holdings. Tila isa lang siyang lalaking tahimik na nag-aalaga sa dalawang ba
RAFAEL'S POV Matapos ang nangyaring gulo kanina, tila ba unti-unting bumalik sa normal ang takbo ng buong araw. At least, sa paningin ng iba. Hindi ko na pinansin ang mga tsismis na patuloy na umiikot sa kumpanya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay isang bagay lang. Ang kaligtasan nina Winona at ng kambal. Eksaktong alas-singko ng hapon nang makatanggap ako ng mensahe mula sa driver. "Sir, picked up the twins already. We're on our way." Ilang minuto lang ang lumipas, marahan na kumatok ang sekretarya ko. "Sir, they're here." "Let them in." Agad bumukas ang pinto. Naunang sumilip sina Bea at Brix bago tuluyang pumasok. "Daddy CEO!" Sabay pa silang kumaway. Hindi ko namalayang kusang pumagkit ang isang ngiti sa labi ko. "Come in." Mabilis silang lumapit ngunit agad ding huminto nang makita ang mga dokumentong nakakalat sa mesa ko. "Daddy CEO, are you busy?" tanong ni Brix. Tumango ako. "Yes. I still have a few documents to sign." Nagkatinginan ang kambal ba
WINONA'S POV Tahimik akong bumalik sa opisina matapos ang naging pag-uusap namin ni Sir Rafael. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi niya ako hinayaang umiwas. Hindi rin niya hinayaang mag-adjust kami dahil lang sa walang basehang tsismis. "We did nothing wrong, Ms. Sanchez." Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang mga huling sinabi niyang iyon. Pagpasok ko sa opisina ay agad na napatingin sa akin sina Ana at Ron. Halata ang pag-aalala sa mga mukha nila. "Ma'am Winona..." mahina nilang bati. Napangiti ako nang pilit. "Bakit? Mukha ba akong napagalitan?" Umiling agad si Ana. "Hindi naman. Kinakabahan lang kami. Nabalitaan naming pinatawag kayo ni President." "Tungkol ba sa issue?" tanong naman ni Ron. Tumango ako bago ako naupo sa swivel chair. "Oo." Tahimik silang naghintay na magsalita ako. Kaya ikinuwento ko sa kanila ang naging usapan namin ni Sir Rafael. Kung paano niya sinabing hindi niya ititigil ang pagpapasundo sa kambal. Kung paano n
RAFAEL'S POV Pagkalabas ko ng conference room, agad kong napansin na may kakaiba. Normal naman ang pagbati ng mga empleyadong nakakasalubong ko. "Good morning, President Villarreal." "Good morning, sir." Tumango lang ako bilang tugon, ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang ekspresyon sa mga mukha nila. May ilan na agad na umiwas ng tingin. May ilan namang tila gustong magsalita ngunit pinili na lamang manahimik. It was subtle but noticeable. Tahimik akong pumasok sa office ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay sumunod si Claire, may dala itong ilang folders. Maayos niyang inilapag ang mga iyon sa mesa ko bago ako hinarap. "Sir..." Napatingin ako sa kanya. "There seems to be a problem." Bahagya akong napakunot-noo. "What is it?" Nag-atubili siya at sa ilang taon naming magkasama sa trabaho, alam kong hindi siya magdadalawang-isip magsalita kung maliit na bagay lang iyon. "There are rumors spreading inside the company." Hindi ako nagsalita. Tahim
WINONA'S POV Hindi ko inaasahan na ganoon kabilis kumalat ang tsismis. Kahapon lang, tahimik pa ang lahat. Ngayon? Parang buong kumpanya na ang may sariling bersyon ng kwento. Pagkababa ko pa lang sa lobby ng Villarreal Holdings, ramdam ko na ang mga matang palihim na sumusulyap sa akin. May mga empleyadong agad na nagbulungan. May ilan namang biglang tumahimik nang mapadaan ako. Pinilit kong huwag pansinin ang mga iyon. Hindi ako narito para makinig sa tsismis. Narito ako para magtrabaho. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa elevator. "Good morning, Ms. Sanchez." "Good morning." Ngumiti ako nang magalang ngunit kahit sa loob ng elevator, ramdam kong may mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na matatapos din ito, ngunit nagkamali ako. Pagpasok ko sa marketing department, agad akong sinalubong ng katahimikan. Ilang segundo lang iyon. Pagkatapos, unti-unting bumalik ang mahihinang bulungan. "Siya iyon." "Si
WINONA'S POV Abala pa rin ako sa paghahanda para sa Investor Summit. Sa conference room, sunod-sunod ang updates na dumarating. May changes sa guest accommodations. May adjustments sa security deployment. May revisions sa event flow at bilang overall coordinator ng buong summit, halos wala na ako
Winona's POV Kinabukasan, gaya ng inaasahan, maaga kaming nagising ng kambal. Excited na excited sina Bea at Brix habang naghahanda. "Mommy, may school na ba kami?" tanong ni Bea. "Technically, daycare pa lang." sagot ko. "Yay! Gusto ko na magkaroon ng maraming friends." Napangiti na lama
Winona's POV Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong kla
Winona’s POV Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy,







