LOGINTHIRD PERSON POV “Z-Zion! Ibaba mo ako! May reception pa!” sabi ni Emery habang mahigpit na nakakapit sa leeg ng lalaki.Sandaling natigilan si Zion. Sa sobrang saya niya, muntik na niyang makalimutang may reception pa silang kailangang puntahan. May inihandang intermission number si Spencer, may mga speech pa mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan, at siyempre, hindi maaaring mawala ang kanilang first dance.Napatawa si Emery nang makita ang biglang pagbabago ng ekspresyon nito. “Mukhang nakalimutan mo.”Napabuntong-hininga si Zion bago siya maingat na ibinaba. “Pwede bang paikliin na lang ang reception?”“Hindi,” mabilis na sagot ni Emery. “Pinaghandaan iyon ng lahat.”“Fine,” sagot ni Zion, ngunit nanatili ang pilyong ngiti sa mukha niya. “Pero pagkatapos nito, wala ka nang dahilan para tumakas.”Umiling si Emery habang namumula ang kanyang mga pisngi.Makalipas ang ilang sandali, nagtungo ang lahat sa reception area. Masayang sinalubong ng mga bisita ang bagong kasal habang sab
THIRD PERSON POV Dumating na ang araw ng kasal.Isang engrandeng private estate sa Tagaytay ang napiling venue nina Emery at Zion. Napalibutan iyon ng matatandang puno, makukulay na bulaklak, at malalawak na hardin. Isang malaking glass pavilion ang itinayo sa gitna ng lugar, pinalamutian ng hanging vines, puting rosas, wisteria, at maliliit na ilaw na tila mga bituin.Ang buong lugar ay mistulang lumabas mula sa isang enchanted forest. May mga crystal chandeliers na nakasabit sa mga sanga ng puno, habang ang mahabang aisle ay nababalutan ng puting mga petals. Sa dulo nito ay naroon ang isang malaking floral arch na may mga ilaw na kumikislap na parang alitaptap.Dahil maraming tao ang sumubaybay sa kuwento nina Emery at Zion, pumayag silang magkaroon ng official live stream ng seremonya. Mahigpit ang seguridad sa lugar, ngunit milyon-milyong viewers ang maaaring makapanood online.Bago magsimula ang kasal, isa-isang dumating ang mga bisita. Agad na naging sentro ng atensiyon si Don
THIRD PERSON POVMabilis na lumipas ang mga sumunod na linggo habang abala ang buong Del Fierro family sa paghahanda para sa kasal nina Emery at Zion. Matapos ang napakaraming pagsubok na kanilang pinagdaanan, nais ng pamilya na maging espesyal ang araw na iyon—hindi lamang bilang pagdiriwang ng kanilang pagmamahalan, kundi bilang simbolo ng panibagong simula.Isa-isang ipinadala ang mga invitation sa kanilang malalapit na kaibigan, kamag-anak, at business partners. Nakatanggap din ng imbitasyon ang Montenegro family. Personal na ipinaabot ni Emery ang invitation para kina Weston, Celestine, at Alistair. Bagama’t marami silang masakit na pinagdaanan, ayaw niyang dalhin ang galit at sama ng loob sa bagong yugto ng kanyang buhay.Agad namang kinumpirma nina Mia, Nurse Joy, Spencer, at Morgan ang kanilang pagdalo. Si Spencer pa mismo ang nagboluntaryong mamahala sa wedding video at live coverage, ngunit ilang beses siyang pinaalalahanan ni Zion na huwag gawing action movie ang kanilang k
THIRD PERSON POVPagdating niya roon, sinalubong siya ng katahimikan. Iba na ang pakiramdam ng mansyon mula nang mawala si Benicio. Bagama’t nananatili ang mamahaling mga kasangkapan at eleganteng mga dekorasyon, tila nawala ang dating buhay sa loob ng bahay.Nakita niya sa malawak na sala ang kanyang ina na si Celestine. Nakaupo ito sa sofa at mahigpit na magkahawak ang mga kamay. Sa kabilang bahagi naman ay naroon ang kanyang pinsan na si Alistair, tahimik na nakikipag-usap sa matandang abogado ng pamilya.Nang makita siya ni Celestine, agad itong tumayo. “Weston, mabuti at dumating ka na.”Lumapit si Weston at bahagyang yumakap sa kanyang ina bago umupo sa tabi nito. Bagama’t marami silang hindi pagkakaunawaan noon, alam niyang pareho pa rin silang nagdadalamhati sa pagkawala ni Benicio.Ilang sandali pa ay tumayo ang abogado at inilapag sa mesa ang isang makapal na folder.“Ngayong kumpleto na ang lahat, babasahin ko na ang huling habilin ni Mr. Benicio Montenegro,” pormal nitong s
THIRD PERSON POVLumipas ang ilang araw matapos ang nangyari sa warehouse. Mabilis na umusad ang kaso laban kina Ezekiel at Ravia dahil sa dami ng ebidensiyang nakalap ng mga awtoridad. Bukod sa mga testimonya ng mga biktima, nakita rin ng buong bansa ang mga krimeng ginawa nila dahil sa live stream na inilabas noong gabing iyon.Matapos ang sunod-sunod na pagdinig, napatunayang nagkasala si Ezekiel sa kidnapping, illegal detention, attempted murder, grave threats, at iba pang mabibigat na kaso. Hinatulan siya ng ilang taong pagkakabilanggo. Hindi na siya nagpakita ng anumang emosyon nang basahin ng hukom ang desisyon. Tahimik lamang siyang nakaupo habang nakayuko, tila tanggap na niyang gugugulin niya ang malaking bahagi ng natitira niyang buhay sa loob ng bilangguan.Si Ravia naman ay napatunayang nagkasala rin sa kidnapping, pananakit, at pakikipagsabwatan kay Ezekiel. Bagama’t isinaalang-alang ng korte ang kanyang kalagayan at ang katotohanang nalinlang din siya tungkol sa tunay n
Sabay-sabay silang napalingon. Nanlaki ang mga mata ng lahat nang makitang si Weston ang papalapit sa kanila. Gusot ang suot nitong damit at halatang pagod, ngunit bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala.Hindi tulad ng iba, bahagyang ngumiti si Emery nang makita siya.Napansin iyon ni Zion. Napakunot-noo siya habang palipat-lipat ang tingin kina Emery at Weston.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Zion.Huminto si Weston sa harapan nila at huminga nang malalim. Pagkatapos ay tumingin siya kay Emery.“Nagawa ko ang ipinagawa mo,” sabi niya.Tahimik na tumango si Emery. “Salamat, Weston.”Mas lalong nagtaka si Zion.“Sandali,” singit niya. “Ano ang ibig sabihin nito?”Napatingin si Emery sa kanya bago marahang napatawa. “Pasensya ka na. Kailangan kong ilihim sa’yo.”“Pati sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ni Zion.Tumango si Emery. “Kapag sinabi ko sa’yo, baka mahalata ni Ezekiel na may plano tayo. Alam kong hindi mo ako hahayaang malagay sa panganib, kaya siguradong kikilos ka
EMERYPagdating ko sa mansyon, diretso akong umakyat sa kwarto. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at sandaling sumandal doon, pinikit ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang inilabas ang bigat sa dibdib ko. Ngunit kahit anong gawin ko, nariyan pa rin ang kirot.Dahan-dahan akong
EMERY“Lo…” pinilit kong ngumiti.Dahan-dahan niyang ibinaba ang binabasang magazine. “Lumapit ka rito.”Nag-atubili ako ngunit sinunod ko pa rin siya. Tulad ng nakasanayan, umupo ako sa tabi ng niya at maingat na hinawakan ang kamay niyang may manipis nang mga ugat.Mas lalong lumalim ang guhit sa
EMERY“Weston…” mahinang sabi ni Ravia, parang natutuwa. “You’re cruel.”Napabuga ng hangin si Weston, ngumiti siya. “And you like that about me, right?”“Ang importante,” dugtong ni Weston, “kapag nanganak na siya, tayo rin ang makikinabang. Lolo wants an heir. Ibibigay ni Emery iyon. After that, m
EMERY “Congratulations, Mrs. Montenegro. Positive ang result. Twins ang dinadala mo.” Parang tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa monitor, sa maliliit na anyong kumikislap sa itim na screen, habang nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa gilid ng examination bed. “Twins? Tama ba ang nar







