LOGINYakap-yakap ako ni Theo mula sa likuran habang nakalubog kami pareho sa bathtub. Kakatapos lang namin at pagod kami pareho. We decided to take a bath bago kami magpahinga nang sabay. Mas maayos na ang isip naming dalawa, nalinawan kami pareho at kalmado."I love you..." bulong niya sa akin habang panay ang pagpatak ng halik sa aking pisngi. "I am so sorry again, Darling...""Sorry din..." paumanhin ko at mas inihilig ang katawan ko sa kanya. "Mali ko rin naman talaga iyon, Theo... Alam kong naiintindihan mo ako palagi at mahaba ang pasensya mo sa akin, pero huwag mo sanang kalimutan na tao pa rin ako. Kapag nagkakamali ako, hayaan mo akong itama ang maling iyon," seryoso kong sabi.Hindi naman kasi porke si Theo ang lalaki ay siya na palagi ang iintindi. May mali ako bilang asawa, at may karapatan si Theo bilang asawa ko kaya siya nakaramdam nang ganoon. Sa buhay, hindi naman kasi lahat ng tao ay perpekto, pero hindi ibig sabihin na dahil pwedeng magkamali ay kailangan na itong i-tole
Mabilis akong nagpunas ng pisngi. Hindi pwedeng ganoon. Ang hina ko naman masyado!Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nang mapansin kong nakatayo pa rin siya roon at pinagmamasdan ako ay pilit ko pa rin tinatagan ang aking sarili.Huminga ako nang malalim tsaka dahan-dahang binuhat ang plato at naglakad papunta sa lababo. Ngunit hindi pa ako nakakarating doon ay nabitawan ko ang aking hawak. Mariin akong napapikit at inis na lumuhod.Akmang lilikumin ko na sana ang mga iyon nang hilahin ako bigla patayo ni Theo. Nanlalabo ang mga mata ko siyang tinignan."Ako na—""Maupo ka roon," malamig niyang utos sa akin habang mariin akong tininitigan. "Stay away from here. Maupo ka roon," dagdag niya pa.Hindi na ako nakipagtalo pa. Pero imbes na sundin siyang maupo lang doon ay lumakad na ako paakyat sa itaas. Pumasok ako sa kwarto naming mag-asawa at kumuha ng gamit tsaka naglakad papunta sa isang guest room. Ayoko sa kwarto ni Alessia dahil baka mas lalo lang akong maiyak d
Buong gabi kaming hindi nag-usap. Hindi na rin kami sabay kumain. Hindi kami tabi natulog. Iyon yata ang unang beses na hindi kami nagtabi sa isang kwarto, at ito na yata ang unang beses na natulog kami pareho nang hindi inaayos ang pinag-awayan namin. Sa kwarto ako ni Alessia natulog. Nang magising ako kinabukasan, wala na si Theo. Sabi ni Manang Lourdes, maaga raw itong umalis at baka nasa trabaho na. I am guilty. Aware ako at aminado rin akong may kasalanan din talaga ako. Mali ko na imbes tawagan siya ay pumayag agad ako sa gusto ni Ethan. I really know he hates that guy, pero ayoko kasing idamay si Ethan dahil lang may nararamdaman na iba si Theo sa kanya. I love my husband, I respect him. Pero may respeto rin ako kay Ethan. Gusto niya lang naman ng trabaho at wala naman siyang ginagawang masama kaya pinagtatanggol ko siya sa tuwing nagagalit si Theo dahil sa kanya. I just realized na imbes intindihin at kausapin nang maayos si Theo kagabi, sinabayan ko pa ang galit niya. Hind
Halos dalawang buwan ang lumipas at naging maayos at payapa ang buhay naming lahat. Walang paramdam o kahit anong balita kay Leon. Sa totoo lang nakakapagtaka, ngunit hindi na muna namin masyadong binigyang-pansin iyon. Lalo na't walong buwan na ang anak namin at mas lumalago ang negosyo ko.Napapadalas ang tao ko sa shop, halos hindi na kami nagkakasama mag-asawa dahil abala rin si Theo sa ospital. Tuwing uuwi kami, minsan ginagabi na ako nang sobra at umuuwi na akong mag-isa, minsan naman kapag siya ang ginagabi ng uwi ay tulog na kaming mag-ina."Ma'am, busy po ba kayo?" mabilis kong nilingon si Ethan na nasa kabilang lamesa lang."Hindi naman, bakit?" tanong ko. Wala naman ako masyadong ginagawa ngayon dahil halos si Ethan na ang gumawa ng lahat. Honestly, malaki ang pasasalamat ko dahil sa kanya. Mas naging magaan ang trabaho ko. Maalam siya sa lahat, mabait, at maasahan kaya madalas hindi ko na kailangan mag-alala pa. "Do you need anything?""Wala naman, Ma'am. Itatanong ko lang
Magagaan at maiingat na halik ang ibinigay sa akin ni Theo dahilan upang kumalma ako. Mabilis akong nagdilat ng mata nang pakawalan niya ang labi ko. Halos habulin ko pa iyon sa sobrang dala at sabik sa labi niya. "You want more?" malambing niyang tanong sa akin. Agad akong tumango nang wala man lang pag-aalinlangan. Para akong nalalasing sa halik niya. Tanging si Theo lang talaga ang kaya akong pakalmahain nang ganito. Muli niya akong hinalikan at mas idinikit ang katawan namin sa isa't isa. Kusa akong yumapos sa leeg niya upang mas diinan ang halikan naming dalawa. Nang mapagod at malapit nang kapusin ng hininga ay tsaka lamang kaming tumigil dalawa. Titig na titig ako sa mga mata niya. Marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko at nginitian ako. "You think you should focus more on your flower shop, hmm?" seryoso niyang tanong habang patuloy na hinahaplos ang pisngi ko. "You've been stressed lately... I think kailangan mo ring libangin ang sarili mo maliban sa anak natin." Bumunto
Halos dalawang linggo na ang lumipas at mas humigpit ang seguridad sa buong paligid namin. Kalat na rin sa lahat ng mga pahayagan, media, at mga balita ang tungkol kay Leon. He is the most wanted person at the moment. Marami pala talaga siyang nagawang kasamaan—nalaman din naming may pera siyang ninakawan noon at naging scammer din siya bago nito! Kung hindi pa siya maibabalita, hindi lalabas ang lahat ng baho niya! I really can't believe him! Hindi ko na rin maisip kung paano ko nagawang mahalin ang isang katulad niya noon! I thought he was an angel, but I was wrong! Demonyo siya—demonyo pa sa mas demonyo. "Wala akong alam," bagot na sagot ni Veronica. Masama ang tingin niya sa aming mag-asawa. Umirap pa siya sa akin nang makita ang tingin ko sa kanya. "Hindi pa ba kayo kuntento? Nakakulong na ako, okay? Nagbabayad na ako sa kasalanan ko. Wala na akong pakialam sa gagong iyon." "Kahit anong detalye, wala kang alam?" tanong ko ulit, umaasang may makuha pa rin sa kanya. "Wala nga
Cassandra's Point of View"Theo, anong balak mo?" tanong ko agad sa kanya nang makauwi kami. Gusto niya akong lumayo sa gulo pero siya mismo ay ayaw! I'm not stupid! I know he's ready to risk everything!"Wife, ayoko na ng ganito. Ano, palalagpasin na naman natin 'to? They have already done enough!
Cassandra's Point of View.Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko at hinahapo na ako kakaiyak. Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama habang galit pa ring nakatayo si Theo sa harapan ko. Walang nagsasalita sa amin kanina pa. Pero kahit ganoon, ramdam kong pinipigilan niya lamang ang sarili na magsali
Nagising si Cassandra nang mas maaga kaysa sa dati. Hindi niya maitatwa ang katotohanang excited at masaya siya. Noon pa man ay pangarap na niyang makaranas ng honeymoon. Para sa kanya, isa itong ideal na bagay para makabuo ng mga alaala bilang mag-asawa. Akala niya nga ay hinding-hindi niya na mar
Tahimik si Cassandra habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Theo. Maaga siyang nagsara ng shop dahil nawalan na rin siya ng gana. Hindi siya kumikibo masyado nang matapos ang usapan nilang dalawa kanina. Kanina niya pa nararamdaman ang palad ni Theo sa kanyang hita, ngunit hinahayaan niya n







![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)