LOGINCHAPTER 69 Natigilan ito, nakuha niya ang atensyon. Umayos ng upo at pinatay ang sindi ng sigarilyo. “Nagpapatawa ka ba? Alam mo naman kung sino ako, hindi ba? Gusto ko ang ulo ng anak mo. Tinatarantado mo ba ako?” “Malinaw sa akin kung sino ka. Pinuno ng sindikato, kayang maglinis, kayang bumura. Wala ako dito kung hindi ko alam.” Inilabas niya ang larawan ni Gaston at ibinigay rito. “Ang gusto kong linisin mo. 200 million.” Humalakhak si Anton. “Anong akala mo sa amin? Pipitsugi?” “Dolyar.” Nawala ang halakhak nito at tiningnan ang ibinigay niyang larawan. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang sumandal sa couch. “Galing sa Political Dynasty. Kinakalaban kami.” “Bakit hindi mo ipatrabaho kay Rios? Hindi naman sikreto siya na may illegal din siyang mga ginagawa. P uta, set up ba ito?” “Rios’ mother is my wife’s sister. Ayaw kong malaman ng asawa ko na pinapatrabaho ko na iyan.” “Hindi nama
CHAPTER 68 “Shh… Kung kayo talaga ang para sa isa’t isa, ay babalik siya sa ‘yo. Leave it all to destiny, Vioxx.” “I just want her and Shaun. I want them both.” Humikbi siya ulit. Halos isang linggo pa siyang palaging naglalasing. Natigil lang nang nagmulat ng mata si Shaun ng ilang segundo at bumalik na naman sa pagkaka-coma. Habang nakatingin si Vioxx sa mga doktor na pinapalibutan ang kanyang anak ay namamanhid na rin ang buong pakiramdam niya. Tama na ang pag-iyak niya dahil kailangan siya ni Shaun. Katulad dati, itutuon niya ulit ang buo niyang atensyon sa anak nila ni Danica Shane at hahayaan ang tadhana na pagkrusin ulit ang kanilang mga landas. “You’re resigning?” kunot-noo ang Papa-Uncle niya nang mabasa nito ibinigay niyang resignation letter. Ito muna ang humahawak ng CEO position habang wala ang daddy niya. “Dahil ba ito sa pakikialam ng Daddy mo?” Hindi siya umimik na agad naman nitong naintindihan. “
CHAPTER 67 Umalon ang kanyang lalamunan dulot ng galit. Ngunit, alam ni Vioxx na hindi nagbibiro ang ama niya. Kayang-kaya nitong gawin ang sinabi nitong iyon. ‘Gusto kong mabigyan si Tatay ng magandang buhay.’ ‘Gusto ko na mapatayuan si Tatay ng malaking bahay. Tapos bibilhan ko siya malawak na lupa.’ ‘Dadalhin ko rin si Tatay at Tiya Rudy sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at syempre sa abroad. Hanggang probinsya pa lang kasi ang nararating nila.’ Paulit-ulit sa utak ni Vioxx ang mga pangarap ni Danica Shane habang nakatitig siya sa maliit na katawan ni Shaun. Nagtuluan ang mga luha niya. Pakiramdam ni Vioxx ay bumalik siya sa panahong si Danica Shane ang comatose at inaalagan niya ang Baby Shaun. ‘Dad, did you know Mommy’s dream is to give Lolo big house? Bakit ganon ang dream niya po? Wala ba silang big na house? Bilhan mo sila Daddy.’ ‘I told Mommy you will marry her and buy her everything she
CHAPTER 66 “Ang lakas ng loob, e. Sira ang buhay nila, sigurado. Tsk!” “Kaya dapat pinipili ang kinakalaban. Alam mo naman ang sistema rito sa Pilipinas. Kung sino ang nasa tuktok, siya ang may kapagyarihan. Kayang-kaya nilang balikuin kahit ang batas. Sa hirap ba naman ng buhay ay pera lang ang katapat. Kung magrereklamo itong pamilya ni Coralde ay siguradong wala silang mapapala.” Si PO1 Sanswa ay napailing-iling at pumalatak. “Sinabi mo pa. Nakita mo ba kung sino ang abogado nila? Isa iyon sa mga abogadong mabibilang lang ang talo. Syempre may back up pa ang mga iyan.” Dumoble ang pamamanhid ng pakiramdam ni Danica Shane. Ang layu-layo pala talaga ng agwat nila ni Vioxx. Literal na langit ito at lupa siya. Isang kahig-isang tuka siya habang ito naman ay kayang-kayang kunin ang lahat magustuhan sa mundo. Natahimik ang mga pulis nang mamataan siyang paparating. Binati siya ng mga ito. “Papasok kayo, Ma’am?” tan
CHAPTER 65 Kinabukasan, pagkaayos niya ng lahat ng kanyang mga dadalhing gamit ay nagdisisyon siyang puntahan sana si Shaun sa GICC. Sisilipin niya lang ang bata kahit sa huling pagkakataon. Alam niya kasi na kahit makalipas ang ilang taon ay wala na siyang babalikan sa buhay ng mag-amang Almeradez. Subalit, habang nasa taxi siya papuntang GICC hospital ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Attorney Zaldivar. “Hello, Miss Coralde? Kasama mo ba si Tita Rudilyn?” “Nasa bahay po siya, Attorney. Bakit po?” “Where are you right now?” “Pupunta po sana ako ng GICC Hospital.” Napakagat-labi siya dahil ang totoo ay hindi naman siya nagpaalam sa tiyahin. “No! No! Bumalik ka sa bahay niyo. Hindi ka pwedeng makita ng mga press.” “Mag-iingat naman po ako. Sa likod ako dadaan. At saka ano pong kailangan niyo kay Tiya?” “Kailangan ko siyang makausap. Ikaw naman bumalik sa apartment. Mas umiing
CHAPTER 64 “Hindi ito pwede. Ako naman talaga ang nakipagkuntsaba kay Gaston. Bakit niya ginawa iyon? Attorney, di ba, makakalaya naman si Tatay?” Tigmak sa luha ang mga mata ni Dashi habang pabalik-balik sa harapan nina Tiya Rudy at Attorney Zaldivar habang nasa maliit silang sala ng apartment. “Gagawin ko ang lahat para mapababa ang sentensya niya. Nilinaw sa akin ng abogado ng mga Almeradez na pursigido silang ituloy ang kaso. Mas makakabuting dumistansya ka muna, Miss Coralde.” “Wala nga siyang kasalanan!” “Alam namin. Pero nakapagdisisyon na ang Tatay mo.” “Abogado ka di ba? Bakit ka pumapanig sa mali?” Bumuntong-hininga ito at umiling. “Pormal na nakiusap sa akin ang tatay mo, Miss Coralde. Hindi ko siya pwedeng tanggihan dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Espesepiko niyang ibinilin na kailangan kong gawin ang lahat upang hindi ka manatili dito sa Pilipinas.” Pabagsak na napaupo siya sa
CHAPTER 6 Nataranta na rin ang mga kasama. Pinaghahanap na ang bata sa buong bahay. Walang nahagip na footage dahil nagblack out din ang CCTV nang mawalan ng kuryente. “Lumabas siya!” May footage na nakuha ang CCTV sa may gate solar-powered iyon.
CHAPTER 5 “Nabanggit sa akin ni Mommy ang tungkol sa Nanay mo. Nai-kwento sa kanya ni Manang Rudy.” Gusto niyang mapausal ng pasasalamat. Kompirmd nga na hindi talaga siya pinuntahan kagabi. “Ngayon na po ba ako magsisimula?” pag-iiba niya ng usapan. “Yes. I’ll
CHAPTER 4 “P-Paano ka nakapasok, Bossing?” Nginisian niya ito. “Danica Shane, why are you drinking?” “Sinumbong ba ako ni Boss A-As…her? Sumb…ngero pala!” “What’s happening to you? Is this how a teacher acts?” Humagikhik siya. “Ngayon…lang
CHAPTER 3 UMAWANG ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa liko







