MasukQuinn
Habang nagmamaneho, mahigpit kong hawak ang manibela na para bang doon nakasalalay ang natitira kong katinuan.
Tahimik ang loob ng sasakyan, tanging mahinang ugong lamang ng makina at ang tunog ng air conditioner ang kasama ko. Pero taliwas iyon sa ingay na nasa loob ng isip ko. Sunod-sunod ang mga tanong, pag-aalinlangan, at pag-asang pilit kong pinapatahimik.
Please...
Please let this be about us.
Please let this be the day na pipiliin niya rin akong ipaglaban.
Hindi ako relihiyosong tao, pero sa mga sandaling iyon ay wala akong ibang magawa kundi ang magdasal.
"Sana..." mahina kong bulong habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. "Sana tungkol sa pagsasaayos ng pagsasama natin ang gusto mong pag-usapan, Gavri."
"Sana hindi pa huli ang lahat."
Hindi ko namalayang kumakapit na pala nang mahigpit ang mga daliri ko sa manibela.
Pakiramdam ko, isang maling sagot lang ang maririnig ko ngayong hapon at tuluyan nang mababasag ang puso kong ilang beses nang binuo at dinurog ng iisang tao.
Mahigit isang oras din ang naging biyahe ko bago tuluyang marating ang Queen's Garden Hotel.
Mula pa lang sa labas ay kapansin-pansin na ang engrande nitong itsura. Kumikinang ang mga ilaw na nakapalibot sa gusali kahit na nga medyo maliwanag pa, habang sunod-sunod namang pumapasok at lumalabas ang mga mamahaling sasakyan.
Dahan-dahan kong ipinarada ang kotse sa parking lot na nasa gilid ng hotel.
Pagkababa ko ay napansin kong halos puno na ang parking area.
May mga luxury cars, imported SUVs, at ilang sasakyang halatang pagmamay-ari ng mayayamang bisita.
Napatingin ako sa paligid.
"Ang daming tao..." mahina kong sambit.
Pero agad ko ring ipinagkibit-balikat ang bagay na iyon.
Sikat ang Queen's Garden Hotel.
Normal lang sigurong maraming event na ginaganap dito.
At sa totoo lang, wala na akong pakialam kung ano man ang meron sa loob.
Isa lang ang pakay ko.
Si Gavri.
Gusto ko na siyang makita.
Gusto ko nang marinig ang sasabihin niya.
Gusto ko nang matapos ang isang taon ng paghihintay.
Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsimulang maglakad.
Mabilis.
Halos nagmamadali.
Malalaki ang bawat hakbang ko na para bang kapag bumagal ako kahit isang segundo ay mawawala ang natitira kong lakas ng loob.
Pagpasok ko sa lobby ay agad akong napahinto.
Napakalawak ng lugar.
Crystal chandeliers ang nakasabit sa mataas na kisame habang makintab na marmol naman ang bumabalot sa sahig. Abala ang mga hotel staff sa pag-asikaso sa mga bisita, at halos lahat ng taong naroon ay nakasuot ng formal attire.
Mabilis kong inilibot ang paningin.
Saan ba ang Grand Hall?
Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil may malaking signage na nagtuturo sa direksyon nito.
Tinahak ko ang hallway hanggang sa makarating ako sa isang napakalaking double door na bahagyang nakabukas.
Napatingala ako.
GRAND HALL.
Nakasulat iyon sa eleganteng gintong letra sa itaas ng pintuan.
Napakunot ang noo ko.
Mula pa lang sa labas ay rinig ko na ang mahinang tugtog ng orchestra.
May mga tawanan.
May mga palakpakan.
May announcer na tila may ipinapakilala.
"May event?" bulong ko sa sarili.
Dahan-dahan akong sumilip sa loob.
Hindi ko gustong magmukhang nakikiusyoso, pero kailangan kong hanapin si Gavri.
Maingat akong pumasok.
Hindi ko agad napansin ang mga dekorasyon dahil abala akong hinahanap ang lalaking nag-aya sa akin.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko at muling binasa ang mensahe.
Gavri: Let's meet at Queen's Garden Hotel Grand Hall now.
Tama naman.
Queen's Garden Hotel.
Grand Hall.
Walang mali.
Pero...
Nasaan siya?
Imbitado ba siya rito? O baka may business function lang na kailangan niyang puntahan bago kami mag-usap?
Muli akong nag-angat ng tingin. At doon ko lang tuluyang napansin ang buong paligid.
Puting bulaklak.
Mahabang red carpet.
Mga bisitang nakabihis nang elegante. At sa pinakadulong bahagi ng hall...
Bigla akong napahinto.
"...Kasal?"
Hindi ko namalayang iyon pala ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang may kakaibang kaba ang gumapang sa buong katawan ko.
Parang may malamig na kamay na unti-unting pumisil sa puso ko.
Dahan-dahan akong napatingin sa dalawang taong nakatayo sa unahan.
Pareho silang nakatalikod sa akin.
Isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo. At isang babaeng nakasuot ng puting wedding gown.
Hindi ko makita ang mga mukha nila.
Pero—bakit pamilyar ang tindig ng lalaki?
Bakit parang...
Hindi.
Hindi maaari.
Unti-unti akong napalakad palapit.
Hindi ko na alam kung bakit may kung anong puwersang tila humihila sa akin. Parang may boses na paulit-ulit na nagsasabing...
Tingnan mo.
Lumapit ka.
Alamin mo ang totoo.
Habang papalapit ako, unti-unting lumilinaw ang likod ng lalaking nakatayo sa altar.
Ang lapad ng balikat.
Ang paraan ng pagtayo niya.
Pati ang bahagyang paggalaw ng ulo niya.
Lahat ng iyon...
Kilalang-kilala ko.
Unti-unting nanlamig ang buong katawan ko.
Hindi ko na naririnig ang boses ng officiant.
Hindi ko na naririnig ang usapan ng mga bisita.
Parang biglang nabingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"G-Gavri..."
Halos hangin lang ang lumabas sa bibig ko.
Pero sapat na iyon para dahan-dahang napalingon ang lalaki. At sa mismong sandaling nagtagpo ang mga mata namin...
Nanlaki ang mga mata niya. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha niya.
"Quinn..."
Parang nawalan ng kulay ang kanyang mukha.
Samantalang ako, pakiramdam ko ay may malaking martilyong bumagsak sa buong pagkatao ko.
Hindi ako makahinga.
Hindi ako makagalaw.
Hindi ako makapaniwala.
Ito ba...
Ito ba ang surprise na sinasabi nila?
Ito ba ang pag-uusap na gusto niyang mangyari?
Sa mismong araw ng first wedding anniversary namin...
Nasa harapan ko ang asawa ko.
At ikinakasal siya...
Sa ibang babae.
Parang may humigpit sa lalamunan ko. Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin sa babaeng nakasuot ng wedding gown.
Sa sandaling humarap siya sa akin...
Tuluyan akong natigilan.
Nagtagpo ang aming mga mata. At kasabay noon ay ang mabagal na pag-angat ng sulok ng kanyang mga labi.
Isang mapanukso.
Mapagmataas.
At mapanlait na ngiti.
Parang matagal na niya akong hinihintay.
Parang matagal na niyang inaabangan ang eksaktong sandaling ito.
Biglang nanlaki ang mga mata ko.
"The bride..."
Napaatras ako ng isang hakbang.
"Daphne..."
Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.
"Daphne Johnson..."
Hindi pa man tuluyang nagsi-sink in sa akin ang lahat ng may bigla na lang malakas na tumama sa likod ng ulo ko.
Kasabay noon ang matinis na tunog ng nababasag na salamin at sigawan ng mga tao.
Nanlabo ang paningin ko.
Napangiwi ako sa matinding sakit.
"Quinn!!"
Umuugong ang buong hall sa sigaw ni Gavri.
By instinct, tumaas ang kamay ko upang hawakan ang likod ng ulo ko.
Pagbaba ko ng tingin ay mapula ang palad ko.
Dugo.
Maraming dugo.
Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi...
Isa na namang matigas na bagay ang buong lakas na tumama sa ulo ko.
Lalong umikot ang paningin ko.
Parang gumuguho ang buong paligid.
"Quinn!!"
Mas malapit na ngayon ang boses ni Gavri.
Mas desperado.
Mas puno ng takot.
Pilitan kong iniangat ang ulo ko upang tingnan siya.
Ngunit sa mismong sandaling nagtagpo ulit ang aming mga mata ay may kung anong tila sumabog sa loob ng isip ko.
Sunod-sunod na eksena ang nag-flash.
Mga mukhang pamilyar pero matagal kong nakalimutan.
Mga boses.
Mga kasinungalingang pinaniwalaan ko.
Mga pangyayaring halos ikamatay ko.
Mga alaalang matagal na palang nakabaon sa pinakamadilim na sulok ng isip ko.
Isa-isa silang bumalik na parang rumaragasang baha.
Parang sirang dam na wala nang pumipigil.
Lahat.
Lahat ng katotohanang matagal kong nakalimutan...
Biglang bumalik sa akin.
Napalunok ako.
Unti-unting bumukas ang mga mata ko habang pinipigilan ang napakalakas na sakit ng ulo.
"Damn it..."
Natawa ako nang mahina. Isang mapait at puno ng panlalait sa sarili kong tawa.
"I'm such a mess..."
Hindi ko alam kung ang tinutukoy ko ba ay ang dugong umaagos sa ulo ko...
O ang sarili kong nawalan ng alaala sa mahabang panahon.
Hindi pa man ako tuluyang makabawi ay mabilis nang tumakbo si Gavri papunta sa akin.
"Quinn!" sigaw niya habang pilit sinasalubong ang pagbagsak ko.
Kasabay noon ay narinig ko ang galit na galit niyang sigaw sa kung sino mang umatake sa akin.
"Take that bastard!"
Ngunit wala na akong lakas upang alamin kung sino ang tinutukoy niya.
Unti-unting naging malabo ang kanyang mukha.
Nawala ang mga tunog sa paligid.
Hanggang sa tuluyan akong lamunin ng nakakabinging kadiliman.
QuinnNadadarang na ako sa halikan namin ng bigla na lang tumigil si Gavri.“As much as I want to really fuck, Mrs. Sterling, pero ayaw ko rin naman na ma-suffocate ka sa amoy ko. I know I really stink; kahapon pa ang huling ligo ko. Do you know why?”Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya.Ngumiti siya tsaka hinagod ng kanyang daliri ang aking mga labi.“Dahil sa kakahanap sayo.”Seryoso ang mukha niya at ang mata niya na tila nagsusumamo.Hinanap niya ako?Gusto kong matawa pero dahil sa itsura niya ay hindi ko magawa.Bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na yon?Ang Gavri na kilala ko ay hindi nagsabi sa akin ng kahit na anong may kinalaman sa kanya.“Simula ng mawala ka ay kahapon lang ako nakaligo, kundi pa ako pagalitan ni Lola.”Si Lola, oo nga pala. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?Nakita ba niya ang insidente sa hotel?“Ngayon, nag-aalala ka kay Lola?” tanong niya.Tumayo siya at nagsimulang magtanggal ng necktie. Then ang butones ng long sleeve polo niya a
QuinnNanatili ako sa Queen’s Estate ng ilang araw at walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa labas. Gusto ko ang katahimikan na tinatamasa ko.Nung unang gabi ko dito ay pinainit ni Gavri ang ulo ko dahil sa kakatawag at text niya na hindi ko tinutugon. Dahil doon ay nagdesisyon akong i-off ang aking cellphone. Kinabukasan ay nagpabili ako kay Denzel ng bagong phone at iyon na ang ginamit ko.Habang nanatili ako sa estate ay binigyan ako ng trabaho ni Denzel. Lahat ng mga transaction at financial statement ng mga kumpanyang pag-aari ko ay dinala niya upang ma-check ko.Sa totoo lang, hindi ko na kailangang gawin ‘yon dahil alam kong mapagkakatiwalaan hindi lang sina Denzel at Oliver kundi pati na ang mga taong nilagay ko sa posisyon.“Finally!” malakas kong sabi matapos kong maibaba ang huling folder na nasa harapan ko.Mahigit isang linggo akong nakaharap sa dokumento na hindi na katakataka dahil dalawang taon akong nawala at hindi lang iisa ang negosyong meron ako hindi lang dito
QuinnHindi ko alam kung saan nagpunta si Gavri matapos niyang umalis ng hospital room ko. Pero matapos kong makausap Denzel, ang aking right hand man ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang doktor.“Mrs. Sterling,” tawag ng doktor. Napangiwi ako. Paano ko nagawang magpakasal sa lalaking yon?Ah, oo nga pala.Dahil gwapo at maganda ang katawan and I am a sucker to both. At dahil sa nangyari sa amin ay nadagdagan pa ng isa. He’s very good in bed.Damn, Laree.“Doctor, can I be discharged now?’ tanong ko.Saglit na natigilan ang doktor na tila hindi alam ang sasabihin.“Pero ang sabi ni Mr. Sterling ay—”“I don’t care what he says. Ako ang pasyente kaya ako ang masusunod para sa sarili ko.”“But he’s—-”“Am I in danger?” putol ko sa sasabihin niya. Ayaw ko ng makarinig pa ng kahit na anong tungkol kay Gavri.“Okay naman na ang lahat. You just need a complete rest after discharge. Tapos na kami sa lahat ng scan and the results are all good.”“Kung ganon, please process the dis
Quinn"Laree? She's just a tool. When the time comes, we'll eliminate her.""She's nothing but a toy you'll get to play with once she's old enough.""If necessary, we can even send her to another Don's bed in exchange for territory.""Laree knows too much about us. We can't let her live."Napadilat ako nang mariin, kasabay ng isang malalim na paghigop ng hangin na tila ba matagal akong nalunod sa kailaliman ng dagat.Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame.Kasunod noon ang paulit-ulit na tunog ng isang heart monitor.Beep... Beep... Beep...Unti-unti kong inilibot ang tingin sa paligid.Amoy disinfectant.Puting kurtina.IV stand.At ang malamig na ilaw ng silid.Hospital.Nasa ospital ako.Ngunit hindi iyon ang pinakaunang bagay na tumatak sa isip ko.Hindi ang sugat sa ulo ko.Hindi ang matinding sakit na nararamdaman ko.Kundi ang katotohanang... bumalik na ang lahat.Lahat ng alaalang matagal na nawala. Lahat ng bahaging ninakaw sa pagkatao ko. Lahat ng katotohanang pilit
QuinnHabang nagmamaneho, mahigpit kong hawak ang manibela na para bang doon nakasalalay ang natitira kong katinuan.Tahimik ang loob ng sasakyan, tanging mahinang ugong lamang ng makina at ang tunog ng air conditioner ang kasama ko. Pero taliwas iyon sa ingay na nasa loob ng isip ko. Sunod-sunod ang mga tanong, pag-aalinlangan, at pag-asang pilit kong pinapatahimik.Please...Please let this be about us.Please let this be the day na pipiliin niya rin akong ipaglaban.Hindi ako relihiyosong tao, pero sa mga sandaling iyon ay wala akong ibang magawa kundi ang magdasal."Sana..." mahina kong bulong habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. "Sana tungkol sa pagsasaayos ng pagsasama natin ang gusto mong pag-usapan, Gavri.""Sana hindi pa huli ang lahat."Hindi ko namalayang kumakapit na pala nang mahigpit ang mga daliri ko sa manibela.Pakiramdam ko, isang maling sagot lang ang maririnig ko ngayong hapon at tuluyan nang mababasag ang puso kong ilang beses nang binuo at dinurog ng iisang
QuinnAraw ng first wedding anniversary namin ni Gavri.Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang cellphone habang paulit-ulit na tinititigan ang madilim nitong screen. Halos ilang minuto na rin akong nakatulala roon, umaasang anumang sandali ay sisindi iyon dahil sa isang tawag o mensaheng matagal ko nang hinihintay.Ngayon din ang balik ni Gavri mula sa business trip niya. Bago siya umalis isang buwan na ang nakalipas, malinaw niyang sinabi na may kailangan kaming pag-usapan pagbalik niya. Dahil doon, kahit gaano pa kabigat ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang buwan, pinili kong maghintay.At umaasang baka sa pagkakataong ito, iba na ang kahihinatnan ng pag-uusap naming dalawa.As for the surprise na paulit-ulit na binabanggit ni Lola Neria?Wala akong balak na tanggapin iyon.Hindi ko na kailangan ng kahit anong regalo, mamahaling alahas, bouquet ng bulaklak, o engrandeng anniversary surprise na manggagaling pa kay Gavri. Wala nang halaga ang mga materyal na bagay kun







