MasukNaku Quinn, paano ba yan, huling-huli ni Gavri ang kahinaan mo?
Quinn"Dalian mo naman," reklamo ni Shalani habang nakatayo sa may pintuan ng sala. Nakahalukipkip siya at ilang beses nang sumilip sa wristwatch na suot niya. Halata sa mukha niya ang excitement na kanina pa niya pilit pinipigilan."Kapag na-late tayo, baka sa pinakadulong row na naman tayo mapunta. Gusto ko pa namang makita si Daphne nang malapitan."Napailing na lang ako habang inaayos ang strap ng handbag ko. Hindi ko na siya sinagot dahil alam kong wala ring saysay ang makipagtalo.Simula pa lang nang sabihin niyang gusto niya akong isama sa fan meeting ni Daphne, alam kong wala na akong kawala. Kilala ko si Shalani. Kapag may gusto siya, gagawin niya ang lahat para mapapayag ang taong kausap niya.Kung tutuusin, hanggang ngayon ay gusto ko pa ring umatras.Hindi dahil wala akong oras o may iba akong lakad, kundi dahil ayokong makita ang babaeng ilang araw nang gumugulo sa isip ko. Sa tuwing naiisip ko ang mukha ni Daphne, kusa ring bumabalik sa alaala ko ang nangyari noong araw
MATURE CONTENTQuinnHindi ko namalayang kusang tumugon ang mga labi ko sa halik niya.Nakakainis mang aminin, pero iyon ang katotohanan. Pilit ko mang itanggi sa sarili ko ang nararamdaman, hindi ko maikakailang may kakaibang epekto pa rin sa akin si Gavri. Para bang sa tuwing inilalapit niya ang sarili niya sa akin, unti-unting nababasag ang matibay na pader na ilang araw kong itinayo sa paligid ng puso ko.Marahil ay isa talaga iyon sa pinakamalaking kahinaan ko.Hindi lang ang mukha niya.Hindi lang ang paraan ng pagtitig niya.Kundi ang kakayahan niyang guluhin ang isip at damdamin ko sa isang iglap.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon pa rin ang epekto niya sa akin matapos ang lahat ng nangyari. Dapat galit ako. Dapat itulak ko siya palayo. Dapat ipaalala ko sa sarili ko ang sakit na naranasan ko nang makita ko siya sa altar kasama ang ibang babae.Ngunit sa halip...Narito ako, hinahayaan ang sarili kong matangay ng sandaling ito.Tutal, sa papel ay asawa ko pa rin naman si
QuinnNadadarang na ako sa halikan namin ng bigla na lang tumigil si Gavri.“As much as I want to really fuck, Mrs. Sterling, pero ayaw ko rin naman na ma-suffocate ka sa amoy ko. I know I really stink; kahapon pa ang huling ligo ko. Do you know why?”Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya.Ngumiti siya tsaka hinagod ng kanyang daliri ang aking mga labi.“Dahil sa kakahanap sayo.”Seryoso ang mukha niya at ang mata niya na tila nagsusumamo.Hinanap niya ako?Gusto kong matawa pero dahil sa itsura niya ay hindi ko magawa.Bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na yon?Ang Gavri na kilala ko ay hindi nagsabi sa akin ng kahit na anong may kinalaman sa kanya.“Simula ng mawala ka ay kahapon lang ako nakaligo, kundi pa ako pagalitan ni Lola.”Si Lola, oo nga pala. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?Nakita ba niya ang insidente sa hotel?“Ngayon, nag-aalala ka kay Lola?” tanong niya.Tumayo siya at nagsimulang magtanggal ng necktie. Then ang butones ng long sleeve polo niya a
QuinnNanatili ako sa Queen’s Estate ng ilang araw at walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa labas. Gusto ko ang katahimikan na tinatamasa ko.Nung unang gabi ko dito ay pinainit ni Gavri ang ulo ko dahil sa kakatawag at text niya na hindi ko tinutugon. Dahil doon ay nagdesisyon akong i-off ang aking cellphone. Kinabukasan ay nagpabili ako kay Denzel ng bagong phone at iyon na ang ginamit ko.Habang nanatili ako sa estate ay binigyan ako ng trabaho ni Denzel. Lahat ng mga transaction at financial statement ng mga kumpanyang pag-aari ko ay dinala niya upang ma-check ko.Sa totoo lang, hindi ko na kailangang gawin ‘yon dahil alam kong mapagkakatiwalaan hindi lang sina Denzel at Oliver kundi pati na ang mga taong nilagay ko sa posisyon.“Finally!” malakas kong sabi matapos kong maibaba ang huling folder na nasa harapan ko.Mahigit isang linggo akong nakaharap sa dokumento na hindi na katakataka dahil dalawang taon akong nawala at hindi lang iisa ang negosyong meron ako hindi lang dito
QuinnHindi ko alam kung saan nagpunta si Gavri matapos niyang umalis ng hospital room ko. Pero matapos kong makausap Denzel, ang aking right hand man ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang doktor.“Mrs. Sterling,” tawag ng doktor. Napangiwi ako. Paano ko nagawang magpakasal sa lalaking yon?Ah, oo nga pala.Dahil gwapo at maganda ang katawan and I am a sucker to both. At dahil sa nangyari sa amin ay nadagdagan pa ng isa. He’s very good in bed.Damn, Laree.“Doctor, can I be discharged now?’ tanong ko.Saglit na natigilan ang doktor na tila hindi alam ang sasabihin.“Pero ang sabi ni Mr. Sterling ay—”“I don’t care what he says. Ako ang pasyente kaya ako ang masusunod para sa sarili ko.”“But he’s—-”“Am I in danger?” putol ko sa sasabihin niya. Ayaw ko ng makarinig pa ng kahit na anong tungkol kay Gavri.“Okay naman na ang lahat. You just need a complete rest after discharge. Tapos na kami sa lahat ng scan and the results are all good.”“Kung ganon, please process the dis
Quinn"Laree? She's just a tool. When the time comes, we'll eliminate her.""She's nothing but a toy you'll get to play with once she's old enough.""If necessary, we can even send her to another Don's bed in exchange for territory.""Laree knows too much about us. We can't let her live."Napadilat ako nang mariin, kasabay ng isang malalim na paghigop ng hangin na tila ba matagal akong nalunod sa kailaliman ng dagat.Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame.Kasunod noon ang paulit-ulit na tunog ng isang heart monitor.Beep... Beep... Beep...Unti-unti kong inilibot ang tingin sa paligid.Amoy disinfectant.Puting kurtina.IV stand.At ang malamig na ilaw ng silid.Hospital.Nasa ospital ako.Ngunit hindi iyon ang pinakaunang bagay na tumatak sa isip ko.Hindi ang sugat sa ulo ko.Hindi ang matinding sakit na nararamdaman ko.Kundi ang katotohanang... bumalik na ang lahat.Lahat ng alaalang matagal na nawala. Lahat ng bahaging ninakaw sa pagkatao ko. Lahat ng katotohanang pilit







