MasukAno kaya ang matutuklasan nila Jenelyn sa hospital? See you sa next chapter!
BradleyHindi ko na kailangang hulaan kung bakit biglaan kaming pinauwi ni Lolo sa mansyon.Mula pa lamang nang matapos ang tawag namin ay may mabigat nang pakiramdam na nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero pakiramdam ko ay may nangyari na namang hindi namin inaasahan.Sa buong biyahe ay hindi mapakali ang isip ko. Paulit-ulit kong inalala ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo—ang pag-amin ni Dr. Manrique, ang DNA test na lihim naming isinagawa, at ang posibilidad na anumang maling galaw ay maaaring magbago sa direksyon ng buong imbestigasyon.Pagkababa ko ng sasakyan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong naglakad papasok ng mansyon, ngunit agad akong sinalubong ng isang katahimikang tila mas mabigat kaysa sa anumang sigawan.Hindi iyon ang karaniwang katahimikan ng bahay.Parang lahat ay naghihintay lamang na may tuluyang sumabog.Pagpasok ko sa malawak na living room ay agad kong nakita sina Lolo at ang tatlo kong kapatid. Naroon
BradleySunod-sunod ang naging abala ko nitong mga nakaraang araw.Halos wala nang pagitan ang mga meeting sa Salazar Group lalo na sa Salazar Jewelry dahil sa patuloy na pagtaas ng demand para sa mga bagong koleksyon ng kumpanya.Simula nang ilabas ang mga disenyo sa ilalim ng pangalang EmNagui, dumami ang mga negosyante at high-profile clients na gustong magpagawa ng customized jewelry. Araw-araw ay may panibagong proposal na kailangang pag-aralan, kontratang kailangang pirmahan, at mga desisyong ako mismo ang dapat gumawa.Pero kahit gaano pa ako ka-busy sa negosyo, hindi iyon ang pinakaabala sa isip ko.Mas mabigat pa rin ang imbestigasyon laban kay Dexter Magsino.Habang lumalalim ang aming paghuhukay sa katotohanan, mas lalo kong napapatunayan na hindi ordinaryong tao si Dexter. Napakakomplikado ng bawat galaw niya. Alam mong ilang taon niyang pinaghandaan ang lahat ng posibilidad kaya halos wala siyang iniwang bakas.Kung hindi dahil sa tulong ni Jenelyn at sa determinasyon ni
JenelynHalos hindi nagbago ang naging routine ko matapos kaming makabalik ni Bradley mula sa Boston.Sa umaga ay nasa university ako para sa mga klase ko. Pagkatapos noon ay dumidiretso ako sa condo o kaya naman ay sa opisina ni Bradley kung may oras kaming magkasama. Madalas ay doon kami nagkikita para sabay na maghapunan o kaya naman ay magkwentuhan tungkol sa naging araw namin.Ngunit nitong mga nakaraang araw ay mas pinili kong manatili sa condo.Hindi dahil gusto kong mapag-isa.Kundi dahil kailangan ko talagang tutukan ang isa sa pinakamahalagang proyekto ng Torrebotics.Dr. Machine.Iyon ang opisyal na pangalan ng pinakabagong produktong kasalukuyan kong dine-develop.Sa dami ng proyekto na nahawakan ko sa mga nakaraang taon, masasabi kong isa ito sa pinakamahirap ngunit pinakanakaka-excite na gawin.Ang pangunahing layunin ng Dr. Machine ay tulungan ang mga doktor sa pag-diagnose ng iba't ibang sakit sa pamamagitan ng artificial intelligence, advanced body scanning, at medica
JenelynMahigpit kong hawak ang cellphone habang nakaupo sa tabi ni Bradley. Ilang segundo akong nanatiling tahimik, sinusubukang ayusin sa isip ko kung paano ko ipapaliwanag ang lahat ng nalaman namin ni Matt.Hindi pa rin lubos na nagsi-sink in sa akin ang posibilidad na maaaring natagpuan na namin ang taong matagal nang hinahanap ng pamilya Salazar.Huminga ako nang malalim bago ko inilapag ang cellphone sa ibabaw ng center table.Agad kong binuksan ang video at hinanap ang eksaktong frame na paulit-ulit kong pinanood habang nasa biyahe. Nang makita ko ang bahaging kailangan ko, pinause ko iyon at marahan kong itinulak ang cellphone palapit kay Bradley."Wala pa akong kasiguraduhan," mahinahon kong sabi habang nakatingin sa kanya. "Pero gusto kong makita mo muna ito."Tahimik na kinuha ni Bradley ang cellphone.Nang bumagsak ang tingin niya sa screen ay unti-unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang dati niyang kalmadong mga mata ay bahagyang nanlaki, kasabay ng marahang p
Third PersonHindi na nag-abala pang kumatok si Jenelyn nang makarating siya sa executive floor ng Salazar Group of Companies. Sanay na siyang dumiretso sa opisina ni Bradley, lalo na kung alam niyang naroon ito.Mabilis niyang itinulak ang pinto habang hawak pa rin ang cellphone na ilang ulit na niyang pinanood simula nang umalis sila ni Matt sa Cavite.“Future husband—”Masigla sana ang kanyang bati, ngunit agad iyong naputol nang mapansin niyang hindi lamang si Bradley ang nasa loob ng opisina.Kasama rin nito sina Calvin, Matthew, at Nathan.Sabay-sabay na napalingon ang apat sa direksyon niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Jenelyn bago siya napangiti nang alanganin. Hindi niya inaasahang may seryosong pagpupulong pa pala ang magkakapatid.“Ahm... may kasama ka pala,” sabi niya habang bahagyang napakamot sa batok.Hindi sumagot agad si Bradley. Nanatili lamang ang mahinahon nitong ngiti habang iniunat ang isang kamay papunta sa kanya.“Come here.”Hindi na nagdalawang-isip si
Third PersonSamantala, mabilis na binabaybay nina Matt at Jenelyn ang South Luzon Expressway pabalik ng Maynila. Tahimik ang loob ng sasakyan, ngunit hindi iyon ang katahimikang komportable. Mabigat ang hangin sa pagitan nilang dalawa, na para bang pareho silang abala sa kani-kanilang iniisip.Paminsan-minsan ay sumusulyap si Matt sa babaeng nasa passenger seat, ngunit ni minsan ay hindi niya ito nakitang lumingon sa kanya. Mula nang umalis sila sa Manrique Medical Hospital ay hindi na halos nagsalita si Jenelyn. Nakatingin lamang ito sa labas ng bintana habang paulit-ulit na inaalala ang bawat detalyeng nakita niya sa loob ng ospital.Bago pa man sila tuluyang umalis ng Cavite ay nakapagdesisyon na si Jenelyn. Hindi muna siya uuwi sa condo. Kailangan niyang dumaan sa opisina ni Bradley upang ipaalam ang lahat ng kanilang nalaman.Hindi niya alam kung tama ba ang hinalang nabuo sa isip niya, ngunit sapat na ang mga nakita niya upang paniwalaan na may malaking bahagi ng puzzle ang nags
JenelynKahit na parang ang haba na naging pahinga ko ng nakaraang araw ay ang sarap pa rin ng tulog ko. Talaga yatang nasobrahan sa tagtag ang katawan ko sa biyahe.Hindi sa minamaliit ko ang ordinary bus, pero sana naman ay ayusin ng Cat’nes Transit ang mga bus nila. Aba eh, bukod sa mag-aalala k
BradleyPagod na pagod ang pakiramdam ko, gabi na ako dumating at pahinga na talaga ang hanap ko. Pero pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko sa sala si Calvin kaya kunot ang noo ko na napatingin sa aking wristwatch.“It's already 11 P.M. pero nandito ka pa?” tanong ko. Mukhang malalim ang iniisip niy
Jenelyn“Ay napakaganda mo, apo…” Lumapad ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi ni Lolo Ruel. Yes. Lumuwas na ako, sinundo ng driver ng mga Salazar sa terminal ng bus sa Cubao at nandito na nga ako sa mansyon nila sa Wack Wack.“Naku, maliit na bagay ho. Kayo naman masyadong honest…” Bahagya ko pang
Jenelyn“Aray naman po!” bulalas ko ng pingutin ako ng aking lolo sabay lakad papunta sa sofa at sabay kaming naupo doon.“Aray, aray ka dyan! Alam mong hindi masakit, ang arte mo!” tugon niya na inirapan ko naman. “Paano mong nasabi na hindi masakit, naramdaman mo na?” tanong ko pa.“Ako ang pumi







