MasukJenelynMahigpit kong hawak ang cellphone habang nakaupo sa tabi ni Bradley. Ilang segundo akong nanatiling tahimik, sinusubukang ayusin sa isip ko kung paano ko ipapaliwanag ang lahat ng nalaman namin ni Matt.Hindi pa rin lubos na nagsi-sink in sa akin ang posibilidad na maaaring natagpuan na namin ang taong matagal nang hinahanap ng pamilya Salazar.Huminga ako nang malalim bago ko inilapag ang cellphone sa ibabaw ng center table.Agad kong binuksan ang video at hinanap ang eksaktong frame na paulit-ulit kong pinanood habang nasa biyahe. Nang makita ko ang bahaging kailangan ko, pinause ko iyon at marahan kong itinulak ang cellphone palapit kay Bradley."Wala pa akong kasiguraduhan," mahinahon kong sabi habang nakatingin sa kanya. "Pero gusto kong makita mo muna ito."Tahimik na kinuha ni Bradley ang cellphone.Nang bumagsak ang tingin niya sa screen ay unti-unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang dati niyang kalmadong mga mata ay bahagyang nanlaki, kasabay ng marahang p
Third PersonHindi na nag-abala pang kumatok si Jenelyn nang makarating siya sa executive floor ng Salazar Group of Companies. Sanay na siyang dumiretso sa opisina ni Bradley, lalo na kung alam niyang naroon ito.Mabilis niyang itinulak ang pinto habang hawak pa rin ang cellphone na ilang ulit na niyang pinanood simula nang umalis sila ni Matt sa Cavite.“Future husband—”Masigla sana ang kanyang bati, ngunit agad iyong naputol nang mapansin niyang hindi lamang si Bradley ang nasa loob ng opisina.Kasama rin nito sina Calvin, Matthew, at Nathan.Sabay-sabay na napalingon ang apat sa direksyon niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Jenelyn bago siya napangiti nang alanganin. Hindi niya inaasahang may seryosong pagpupulong pa pala ang magkakapatid.“Ahm... may kasama ka pala,” sabi niya habang bahagyang napakamot sa batok.Hindi sumagot agad si Bradley. Nanatili lamang ang mahinahon nitong ngiti habang iniunat ang isang kamay papunta sa kanya.“Come here.”Hindi na nagdalawang-isip si
Third PersonSamantala, mabilis na binabaybay nina Matt at Jenelyn ang South Luzon Expressway pabalik ng Maynila. Tahimik ang loob ng sasakyan, ngunit hindi iyon ang katahimikang komportable. Mabigat ang hangin sa pagitan nilang dalawa, na para bang pareho silang abala sa kani-kanilang iniisip.Paminsan-minsan ay sumusulyap si Matt sa babaeng nasa passenger seat, ngunit ni minsan ay hindi niya ito nakitang lumingon sa kanya. Mula nang umalis sila sa Manrique Medical Hospital ay hindi na halos nagsalita si Jenelyn. Nakatingin lamang ito sa labas ng bintana habang paulit-ulit na inaalala ang bawat detalyeng nakita niya sa loob ng ospital.Bago pa man sila tuluyang umalis ng Cavite ay nakapagdesisyon na si Jenelyn. Hindi muna siya uuwi sa condo. Kailangan niyang dumaan sa opisina ni Bradley upang ipaalam ang lahat ng kanilang nalaman.Hindi niya alam kung tama ba ang hinalang nabuo sa isip niya, ngunit sapat na ang mga nakita niya upang paniwalaan na may malaking bahagi ng puzzle ang nags
BradleyIyon lang ang nakikita kong posibleng takbo ng mga pangyayari.Kung pagbabatayan ang lahat ng impormasyong nakalap namin sa nakalipas na mga linggo, iisa lang ang direksyong tinuturo ng bawat piraso ng ebidensya. Hindi pa man kumpleto ang puzzle, sapat na ang mga bahagi nito upang mabuo ang isang larawan na pilit naming iniiwasang paniwalaan.Tahimik ang buong opisina.Walang nagsasalita. Tanging ang mahinang ugong ng air conditioner at ang ingay ng mga sasakyang dumaraan sa labas ng gusali ang pumupuno sa katahimikan.Isa-isang nagpalitan ng tingin ang mga kapatid ko. Kitang-kita ko sa kanilang mga mukha ang parehong emosyon na matagal ko nang dinadala—pagkalito, galit, at takot sa katotohanang unti-unti naming binubuksan.Ilang sandali pa ang lumipas bago muling nagsalita si Nathan."Kung si Lilian nga ang babaeng nasa mansyon ngayon..." marahan niyang umpisa habang hindi inaalis ang tingin sa folder na nasa ibabaw ng center table. Unti-unti siyang napatingin sa akin bago ip
BradleyHindi ko alam kung anong oras ang balik ni Jenelyn. Ang huli niyang message ay nagsasabing male-late siya ng uwi dahil may aasikasuhin pa sila ni Matt. Hindi ko na siya kinulit pa. Kilala ko si Jenelyn, kapag sinabi niyang may kailangan siyang gawin, alam kong mahalaga iyon.Kahit gusto kong tanungin kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa nila, pinili kong pigilan ang sarili ko. Hindi dahil wala akong pakialam, kundi dahil nagtitiwala ako sa kanya.Simula nang maging kami, hindi niya kailanman binigyan ako ng dahilan para pagdudahan siya. At kung may isang bagay na gusto kong iparamdam sa future wife ko, iyon ay ang tiwalang buong-buo.Habang wala pa siya, napagdesisyunan kong gawin ang matagal ko nang ipinagpapaliban.Kailangan ko nang kausapin ang mga kapatid ko.Hindi na puwedeng ako lang at si Jenelyn ang nakakaalam ng lahat. Habang palalim nang palalim ang imbestigasyon tungkol kay Dexter Magsino, mas lalo kong nararamdaman na darating ang panahong kakailanganin ko ang
BradleyHalos sunod-sunod na ang mga meeting ko nitong mga nakaraang araw. Kung dati ay kaya ko pang magkaroon ng mahabang oras para mag-review ng mga reports sa sarili kong opisina, ngayon ay tila naging normal na ang paglipat-lipat ko mula sa isang conference room papunta sa isa pa.Meeting dito, meeting doon, at kung minsan ay hindi pa man natatapos ang isa ay may naghihintay nang panibagong agenda.Hindi naman ako nagrereklamo.Sa katunayan, isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito—lumalago ang Salazar Jewelry.Mas dumami ang mga kliyente, mas lumawak ang market, at mas maraming oportunidad ang unti-unting nagbubukas para sa kumpanya. Isa pa, halos araw-araw ay may bagong inquiry mula sa mga local at international clients na gustong magkaroon ng exclusive collections mula sa amin.Malaking bahagi ng tagumpay na iyon ay dahil sa mga disenyo ni EmNagui, ang aking future wife.Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapakinggan ang report ng marketing team. Halos lahat ng bagong coll
JenelynPabagsak akong naupo sa malambot na sofa nang makarating kami sa hotel na tinutuluyan ni Bradley.Pakiramdam ko ay tuluyan nang bumigay ang katawan ko sa pagod.Buong araw akong nasa biyahe.Mula sa mahabang oras sa eroplano hanggang sa pag-ikot namin sa Fifth Avenue para bumili ng mga damit
JenelynKinabukasan ay mas maaga pa akong nagising kaysa sa nakasanayan ko.Actually, hindi lang “mas maaga.”Halos madaling-araw yata akong bumangon dahil gusto ko nang makaalis agad sa mansyon.Ayaw kong makasabay si Nathan.At mas lalong ayaw kong makita ulit ang mukha niya pagkatapos ng pinag-us
JenelynMaingat kong ipinarada ang aking motor sa basement parking ng building, sa bahaging nakatalaga para sa mga empleyado. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng ilang sasakyan at mahinang yabag ng mga dumaraang staff ang maririnig. Dahan-dahan kong tinanggal ang helmet ko at isinabit iyon sa akin
Jenelyn“Ang nakakainis lang, napasok din sina Celeste at Christine,” reklamo ni Denise habang nakapamewang at nakatitig pa rin sa bulletin board, na para bang mababago nito ang resulta kung titigan niya nang matagal.Napabaling ulit ang tingin ko sa listahan. Nandoon pa rin ang mga pangalan nila, m







