Share

Chapter 63

Author: MysterRyght
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-18 22:21:36
Jenelyn

“Bakit kayo nagkukulumpulan diyan?”

Napalingon kaming lahat sa matigas na boses ni Coach Gil, at sa isang iglap ay parang may pumutok na bula sa gitna ng grupo. Ang kaninang dikit-dikit na mga tao ay agad nagkanya-kanyang galaw, naghiwa-hiwalay na parang walang nangyaring tensyon ilang sandali lang ang nakalipas. May ilan pang nagkunwaring abala, habang ang iba naman ay pilit inaayos ang sarili para magmukhang inosente.

May teacher na tumawag sa kanya kanina at hiniling na makausap ito n
MysterRyght

Kilala kaya ni Lex si Jenelyn personally?

| 29
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jacqueline Tabag
parang ganun nga ang hinala ko baka anak ng Mrs .sa club
goodnovel comment avatar
Nurissa Ubahin
dkaya c lex ung anak nong Mrs. sa club na taga probinsya nila Jen din???
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 198

    JenelynTahimik kaming naglakad ni Bradley palabas ng elevator hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa unit niya.Karaniwan ay agad kong napapansin ang komportableng ambiance ng lugar na iyon. Unti-unti na rin kasi akong nasasanay sa pagpunta roon. Ngunit sa pagkakataong ito, wala akong ibang naiisip kundi ang nangyari sa ospital.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Tita Mildred.Pakiramdam ko ay may isang malaking piyesa ng palaisipan ang nawawala, at kahit anong pilit kong pagdugtung-dugtungin ang lahat ng nalalaman ko, hindi pa rin mabuo ang kabuuang larawan.Balak ko sanang dumiretso sa sala, ngunit napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Bradley sa likuran ko."Kanina ka pa tahimik."Marahan akong lumingon sa kanya.Nakatayo lamang siya roon habang tahimik akong pinagmamasdan. Wala siyang ngiti sa labi, ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala."Ano'ng iniisip mo?"Napabuntong-hininga ako bago tuluyang humarap sa kanya."Don't you think it's

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 197

    JenelynHindi ako makapaniwala sa narinig ko.Nanatili akong nakatingin kay Tita Mildred, pilit na inuunawa ang mga salitang kakalabas lamang sa bibig niya. Ilang ulit ko iyong binalikan sa isip ko, umaasang baka mali lang ang pagkakarinig ko o kaya ay nadala lang siya ng emosyon.Ngunit hindi.Malinaw na malinaw ang sinabi niya.Mas gugustuhin pa niyang si Christine ang maging asawa ng isa sa mga anak niya kaysa sa akin o kahit sa sinumang babaeng hindi galing sa isang kilalang pamilya.Kung ibang tao ang nagsabi niyon, marahil ay iisipin kong isa lamang iyong padalos-dalos na salita na bunga ng matinding galit. Ngunit iba si Tita Mildred. Ina siya nila Bradley.At iyon ang lalong nakapagpalito sa akin.Hindi ba niya naiisip ang ibig sabihin ng salita niya?Alam naman niyang anak niya si Christine!Tahimik kong pinagmasdan ang reaksiyon ng bawat isa.Halos pare-pareho silang natigilan.Maging si Lolo ay bahagyang nanlaki ang mga mata, habang si Tito Alfonso ay tila nawalan din ng mas

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 196

    BradleyWala pa ring nabibigay na resulta si Charles tungkol sa ipinagagawa kong imbestigasyon.Marahil iyon na lamang ang natitirang dahilan kung bakit napipigilan ko pa ang sarili kong emosyon.Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko na wala pa kaming sapat na ebidensya. Hindi pa kumpleto ang lahat ng impormasyon, kaya wala akong karapatang husgahan nang lubusan ang sitwasyon.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang galit na unti-unting bumabalot sa akin sa tuwing nakikita ko si Mommy na ipinagtatanggol si Christine.Sa bawat pagkakataong ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang maalala ang katotohanang nagtaksil siya kay Dad.Hindi ko rin makalimutan na sa loob ng maraming taon ay nagawa niyang itago ang isang napakalaking lihim sa buong pamilya.Hindi ko sinisisi si Christine.Sa totoo lang, wala siyang kasalanan sa mga desisyong ginawa ng mga magulang niya. Hindi niya pinili ang mundong isinilang siya. Ngunit ibang usapan na kapag nakikita kong tila

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 195

    Bradley“Bakit ganyan mo na lang kung ipagtanggol ang babaeng 'yan?”Halos manginig na sa galit ang boses ni Mommy habang nakatingin nang masama kay Jenelyn. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa sarili. Kung wala lang kami sa loob ng ospital at hindi siya napapalibutan ng mga doktor, nurse, at iba pang pasyente, sigurado akong matagal na siyang nagsisigaw.Simula pa lamang nang dumating siya rito ay hindi na niya itinago ang disgusto niya kay Jenelyn, at sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay lalo lamang umiinit ang dugo ko.Diretso kong sinalubong ang tingin niya. Wala akong balak umatras o iwasan ang usaping ito.“She’s my fiancée,” kalmado ngunit matatag kong sagot. “So naturally, ipagtatanggol ko talaga siya.”Ramdam kong biglang may marahang humila sa laylayan ng coat ko mula sa aking likuran. Nang lumingon ako ay bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Jenelyn. Hindi siya mukhang kinakabahan o natatakot.Sa halip ay para bang pinapagalitan niya ako gamit lamang ang kanya

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 194

    BradleyHindi nagtagal ay bumukas ang kurtinang nagsisilbing harang sa pagitan ng mga pasyente sa emergency room.Sabay-sabay kaming napalingon nang makita kong pumasok sina Lolo, Daddy, Mommy, at Christine. Halata sa mga mukha nila ang pagmamadali, marahil ay agad silang nagtungo rito matapos nilang mabalitaan ang nangyari kay Nathan.Napaangat agad ng bahagya ang katawan ng kapatid ko nang makita sila.“Lo, bakit nagpunta ka pa rito?” gulat niyang tanong. “Okay lang naman ako.”Hindi napigilan ni Lolo ang mapairap bago siya tuluyang lumapit sa hospital bed.“Ano bang sinasabi mo?” sagot niya na may halong paninisi ngunit halatang puno ng pag-aalala. “Natural lang na pumunta ako. Apo kita. Sa tingin mo ba, kapag nalaman kong naaksidente ka ay uupo lang ako sa bahay?”Napangiti nang bahagya si Nathan. Alam kong sinusubukan niyang pagaanin ang sitwasyon.“Pasensya na, Lo. Hindi naman kasi seryoso.”“Hindi seryoso?” taas-noong ulit ni Lolo. “May sugat ka sa ulo tapos sasabihin mong hindi

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 193

    Bradley“Anong ginagawa mo dito?”Nanlalaki ang mga matang tanong ni Jenelyn nang makalapit ako sa kanya, halata ang pagkagulat niya.At honestly? Mas nagulat ako sa sarili ko. Dahil matapos kong matanggap ang tawag ni Mr. Suarez, hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa ospital.Ang tanging natatandaan ko lang ay ang biglang paglamig ng katawan ko nang marinig kong may aksidenteng nangyari sa campus.At nang mabanggit ang pangalan ni Jenelyn ay parang tumigil sandali ang pag-ikot ng mundo.Kaya heto ako ngayon.Humahangos.Hindi man lang nakapagpalit ng schedule.Hindi man lang naisip ang mga trabaho na naiwan sa opisina.Diretso akong tumungo rito.Hindi ko siya sinagot agad at sa halip ay tinitigan ko muna siya mula ulo hanggang paa.Mabagal.Maingat.Parang may hinahanap akong sugat na baka hindi niya sinasabi.“Bradley?”Napakunot ang noo niya pero hindi pa rin ako tumigil.Tiningnan ko ang mga braso niya, ang mga kamay, leeg, maging ang mukha niya. Pagkatapos ay bahagya k

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 52

    JenelynNang tuluyan akong makalapit sa mesa nila, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Diretso akong tumayo sa tabi ni Bradley, hawak pa rin ang plato ko habang sabay-sabay na napatingala sa akin ang limang lalaki.For a moment, walang nagsalita.At dahil doon, kusang kumurba ang labi ko sa isang pily

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 51

    JenelynBigla na lang may nagsalita mula sa harapan, dahilan para maputol ang daloy ng iniisip ko at kusang mapabaling ang atensyon ko doon.Ang dalawang host na nakatalagang magbigay buhay sa event ay nasa stage na, sinasabi ang auction na magaganap maya-maya lamang.Hindi ko na tinignan pa si Nath

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 50

    JenelynNagpaalam na si Mrs. Leviste nang lapitan siya ng assistant ni Mr. Leviste, kaya wala akong nagawa kundi ngumiti at tumango bago siya tuluyang umalis. Naiwan ako, hawak pa rin ang plato ng pagkain na hindi ko naman talaga nagalaw nang maayos. Si Christine at ang grupo niya ay tuluyan nang n

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 49

    BradleyPagbalik ko sa loob kung nasaan ang mga kaibigan ko, automatic na gumalaw ang mga mata ko bago pa man ako tuluyang makalapit sa mesa namin. Hindi ko na kailangang pilitin ang sarili ko na parang may sariling direksyon ang paningin ko, kusang hinahanap ang iisang taong ayaw kong aminin na hi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status