LOGINTotoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo nito na ngayon nga ay kasama namin patungong ospital.
Pag dating namin sa ospital ay agad kaming nilapitan ng medical health workers sa emergency room at inasikaso ng mga ito si Kimmy. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Basta ang pakiramdam ko ay halos di na ako makahinga dahil sa sobrang kaba na ngayon nga ay nararamdaman ko. “Dyos ko, kayo na po ang bahala sa anak ko.” Taimtim na dasal ko habang inaasikaso nila si Kimmy. Wala akong tigil sa pag paroo’t parito ng paglalakad sa hallway ng biglang mabangga ako sa isang matigas na bagay kaya agad na napahimas ako sa noo ko at saka tiningala kung sino o ano ang nabangga ko ng hindi ko namamalayan. “Calm down, she’s gonna be alright.” Sabi sa akin ng taong nakayuko sa akin ngayon at nakahawak sa magkabila kong balikat para pahintuin ako sa paglalakad. “H-How can I do that?”. Naguguluhang tanong ko dito na may kasama nang inis sa aking boses. “You can! Because you’re her mother. You have to be strong for her.” Sabi nito sa nakakaunawang boses. “S-Salama... I mean, t-thank you.” Para akong biglang nahimasmasan sa sinabi nito ngunit agad din na naunahan ang traydor kong mga luha na lumabas mula sa aking mga mata. Niyakap ako nito at bahagyang tinapik tapik ang aking likod sa paraan ng pagpapakalma. Hindi ko alam ngunit dahil sa ginawa nito, pakiramdam ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng taong masasandalan sa mga panahong mahina ako para sa anak ko. Kaya inalis ko ang aking hiya at hinayaan ko ang aking sarili na umiyak sa mga bisig nito. “Hush now... She’ll be fine...” Sabi pa nito na ipinagpatuloy ang mahinang pag tapik tapik sa likod ko hanggang sa kumalma ako. Maya maya pa ay may lumabas nang doctor kasama ang isang nurse. “Where’s the guardian of patient ‘Kimmy Reyes’?” Tanong ng nurse pag labas nito na agad namin nilapitan ng lalaking kasama ko at kasalukuyang umaalalay sa akin. “M-Me!” Sagot ko sa nurse pag lapit ko dito na may pag taas pa ng isang kamay. Magkasabay kaming lumapit ni Gab dito. “Are you the parents of Kimmy?” Tanong sa amin ng Doctor na kasama ng Nurse at saka nakangiting tiningnan kaming dalawa ng kasama ko. “I’m the mother.” Sagot ko dito na binalewala ang tanong nito. “Hi, don't worry anymore, the child is doing fine. She just fainted, probably because of fear. But I ran some tests because I found out in her records that the patient is almost always being admitted here. Right now, her heart condition is not good. She may need blood at any time because I also found out that the child is anemic. Her blood type is AB negative, which is very hard to find, so we need to prepare for it. I am just informing you about her current health condition right now.” Imporma nito ng dare-daretso sa amin. “What should I do?”. Muli akong naiyak dahil sa sinabi ng Doctor. “Well, we need to prepare what is needed for your daughter. Right now, the hospital blood bank has no stock of that blood type. I have to go now and check the other patients. If you have any more questions- please let the nurses know.” Sagot ng doctor at saka nakaka unawang tinapik nito ang balikat ko bago ito umalis. “I’ll help you.” Biglang salita ng lalaking nasa tabi ko. “W-What?” Nagtatakang tanong ko dito. “I said, I will help you. I dont have the same blood type as your daughter. But I have wide connections here in Paris. Can you give me your number?” Tanong nito sa akin. “N-No... I-it’s fine. My problem is not your problem.” Nahihiyang sagot ko dito. “ Are you really doing that right now?” Namamanghang tanong nito sa akin. “What?” Muling patanong na sagot ko dito. "Putting your ego ahead of your daughter's life." Direktang sagot nito sa akin habang naa-aliw na titig na titig ang kulay berde nitong mga mata sa akin. Natameme ako sa sinabi nito. Hindi na ako tumanggi pa dahil tama ito. Aanhin ko ang hiya ko kung buhay na ng anak ko ang nakasalalay? Kaya tinanggap ko na din ang alok na sinasabi nitong tutulungan ako nitong makahanap ng dugo para sa anak ko. “E-Eh k-kasi...” Naputol na salita ko. “Kasi ano?” Slang na sagot nito sa salitang tagalog na ikinabigla ko. “Nagtatagalog ka? Naiintindihan mo ako?” Nagulat na tanong ko sa kanya. “Oo kaya. Kanina pa. Lalo na sa sasakyan.” Natatawang sagot nito sa akin. “G*go ka!” Nadulas ang dilang sabi ko dito. “Namura pa nga!” Natatawang sabi nito. “B-bakit di mo sinabi na nagtatagalog ka? At saka hindi halata na marunong ka mag tagalog?!” Sabi ko dito na may kasamang panunuri sa itsura nito. Berde ang kulay ng mata nito, matangos ang ilong, maputi at napaka tangkad. Kaya hindi ito papasa bilang isang pinoy. “Sasabihin ko sana sa kotse. Kaso, kung ano ano mga pinag sasasabi mo sa akin na ikinaaliw ko kaya nanahimik na lang muna ako.” Natatawang tumingin ito sa akin. “Nakakahiya!” Natawa na din na sagot ko dito. “No! It’s fine really. You’re a cute mom. Hindi ko akalain na anak mo si Kimmy. Akala ko ay tiyahin ka lang.” Komento nito. “Paanong nangyari na ganyan ka?” Namamanghang di ko napigilan na tanong dito. “Well, my mom is pure Filipina and my dad is pure Spanish. We own lots of businesses here in Paris and a few in the Philippines.” Imporma nito sa akin. Nakaramdam ako ng kahit papaano ay kaunting hiya dito lalo na sa estado ng buhay nito. Ngunit hindi nito ipinaramdam sa akin ang layo ng agwat ng pamumuhay namin kaya naging komportable ako kay Gab. “Hmm, lahat ng features mo nakuha mo sa Dad mo.” Komento ko na agad nitong ikinangiti. Ibinigay ko ang number ko kay Gab at dito nag simula ang pagkakaibigan namin. Wala akong inilihim ni isa dito. Mula sa pag ta-trabaho ko sa cruise ship hanggang sa maikasal, mabuntis at maipanganak ko si Kimmy at kung paano kami napadpad dito sa Paris. Ano ang trabaho ko ngayon dito at ang kasalukuyang estado ng buhay namin mag ina.Napakaganda ng naging posisyon ko sa barko. Hindi matatawaran ang saya sa aking puso matapos kong opisyal na sumampa at magtungo sa aking silid. Laking gulat ko pa nga dahil nag-iisa lang ako roon—isang pribilehiyong madalas ay nakalaan lamang sa mga matataas ang ranggo. Pagkatapos kong maayos ang aking mga gamit, nagpasya akong lumabas para mag-explore at pamilyarisehin ang sarili sa aking magiging tahanan sa loob ng susunod na mga buwan.Subalit, agad na nabawasan ang excitement ko nang mapatingin ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Sila ang mga kapwa ko crew ng barko. Ang klase ng tingin na ipinupukol nila sa akin ay tila mapang-uri at mapanghusga. Pakiramdam ko tuloy, isa akong foreign object na aksidenteng napadpad sa kanilang teritoryo."Akala ko ba, matatangkad lang ang matatanggap dito sa barkong 'to? Bakit ka nakapasok dito? May pampatangkad ka bang sikreto o uminom ka ng cherifer hanggang magka-overdose?"Isang boses ng babae ang bumasag sa katahimikan. Kung sa ibang tao s
“Kahit na! Huh!” Humalukipkip si Ann at huminto sa mismong pagitan namin. “Isang araw pa lang si Mylene na nag-a-assist sa akin sa Velvet Frame, tapos ngayon kukunin mo na agad para ilagay sa barko mo? Grabe ka, Kuya! Wala ka talagang konsensya! Alam mo namang bakante ang pwesto ni Sandra ngayon tapos inagawan mo pa ako ng maganda, sexy, at mala porselanang assistant!”Natawa na rin ang ilang board of directors na naroon pa dahil alam naman nilang lahat kung gaano kalapit ang magkapatid na Sanchez at kung paano mag-asaran ang mga ito. Maging ang masungit na babaeng direktor kanina ay napailing na lang habang nakangiti.Nahihiya naman akong humawak sa braso ni Ann at hinila siya nang bahagya. “Bebz, ano ka ba… nakakahiya sa mga directors niyo,” bulong ko sa kanya habang namumula pa rin ang aking mga pisngi.Ngunit sa isang iglap, nawala ang nagkunwaring pagtatampo sa mukha ni Ann. Hinarap niya ako at biglang nanlaki ang kanyang mga mata na punong-puno ng kislap at purong kaligayahan. B
Ibinalik ni Kim ang kanyang seryosong mukha bago ako muling tumingin ng diretso. "Well then, Ms. Sanchez. It seems like you’ve answered all our concerns perfectly. Do the board members have any more questions?" tanong niya sa kanyang baritonong boses na umalingawngaw sa buong silid."None, Mr. CEO. Her answers and records speak for themselves," sagot naman ng matandang direktor habang nakangiti na sa akin ngayon."In that case, the board has come to a unanimous decision," pormal na pahayag ni Kim habang dahan-dahang tumatayo mula sa kanyang upuan. Kasunod nito, sabay-sabay ring tumayo ang lahat ng sampung board of directors na nakapaligid sa lamesa.Nagulat ako nang isa-isa silang lumabas mula sa kanilang mga pwesto at lumapit sa gawi ko. Unang lumapit ang matandang direktor na nagtanong sa akin kanina, inilahad niya ang kanyang kamay sa akin na may kasamang malawak na ngiti."Congratulations, Ms. Sanchez. Your passion is truly commendable," masayang sabi nito sa akin habang nakikip
Naging mabilis ang takbo ng mga pangyayari pagkatapos ng tagpong iyon sa studio. Hindi ako nakasagot agad kay Sir Kim noon dahil bukod sa nabigla ako, nangingibabaw pa rin ang kaunting hiya sa akin. Ngunit bago siya umalis ay mariin niyang sinabi na mag-antay ako ng tawag mula sa HR ng Sanchez Entertainment Cruise Line.At hindi nga siya nagbiro. Pag-uwi ko pa lang sa bahay kagabi ay nakatanggap na ako ng email at text na nag-aatas sa aking bumalik sa kanilang head office para sa isang pormal na re-interview kasama ang Board of Directors.Kaya naman heto na naman ako ngayon.Kinabukasan....Nakatayo ako sa tapat ng salamin sa lobby ng naglalakihang gusali ng Sanchez Line. Suot ko ang aking pinakapormal na corporate attire—isang black blazer, puting blusa, at ang paborito kong pencil skirt. At siyempre, hindi pwedeng mawala ang aking trusty high heels para naman kahit papaano ay humabol ang height kong four-foot-ten sa standard ng modernong mundo. Ginawa ko ring simple lang ang aking m
Hindi sumagot si Kim kay Ann. Sa halip, humakbang siya nang mas malapit sa akin, dahilan para mapatingala ako nang husto sa kanya. Ang mga executive at staff na nakapaligid sa kanya ay tila nabigla rin sa reaksyon ng kanilang boss. Hindi ko inakalang makakaharap kong muli ang taong uminsulto sa buong pagkatao ko kahapon sa interview. Nagmukha akong maliit na bata habang nakatayo sa harapan ng lalaking ito.“Leave us for a moment. Ann, stay here,” utos ni Kim sa baritonong boses na hindi pwedeng baliin. Mabilis na sumunod ang mga staff at iniwan kaming tatlo sa gilid ng studio.Para iyong hukon. Baka nagalit siya sa paraan ko ng pagsasalita kahapon. Baka ayaw niya ng sinasagot ng pabalang. Paano kung sakalin niya ako ngayon? Paano kung pagsabihan niya si Ann na wag ng makikipagkaibigan sa akin?Nakakanerbiyos ang sandaling ito.. Kinakabahan talaga ako.Nang masiguro niyang wala nang ibang nakikinig, huminga nang malalim si Kim at tumingin nang diretso sa aking mga mata. Ang mukha niya
Hindi ko napigilan ang mapangiti sa kabila ng kaba ko kanina. Hinampas ko siya ng mahina sa braso. “Sira ka talaga, Ann. Grabe ka naman makatawag ng tikling at hanger sa mga kasamahan mo.”“Totoo naman, eh! Nakagagalit kasi. Akala mo kung sinong mga reyna,” pagmamaktol pa niya habang umuupo sa tapat ng kanyang salamin para ayusan. “Basta riresbakan kita palagi, Bebz. Walang pwedeng umapi sa iyo habang nandito ako.”“Salamat, Ann. Swerte ko talaga na ikaw ang naging best friend ko,” taimtim na sabi ko habang sinisimulan kong ayusin ang mga makeup kit na gagamitin niya para sa susunod na segment ng photoshoot.Habang nag-aayos kami, unti-unting gumaan ang loob ko. Pakiramdam ko, kahit papaano, may isang lugar pa rin pala kung saan pinahahalagahan ako, hindi dahil sa kung anong kulang sa akin, kundi dahil sa kung anong mayroon ako. Ipinangako ko sa sarili ko na gagalingan ko ang pag-assist kay Ann para hindi siya mapahiya sa pagtatanggol sa akin.Naging mabilis ang takbo ng mga oras. Nag
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang







