LOGINHindi na alam ni Kuro kung paano siya nakalabas ng restaurant.
Parang kusang gumalaw ang mga paa niya hanggang sa maramdaman na lamang niyang nakaupo na siya sa passenger seat ng sasakyan ni Caleb. Napakatahimik. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang paminsan-minsang pagpatak ng ulan sa windshield ang pumupuno sa katahimikan. Nakatitig lamang siya sa bintana. Ngunit wala siyang tunay na nakikita. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, iisang eksena lamang ang bumabalik. Napakagat siya sa ibabang labi. Parang muli niyang narinig ang masayang boses ng batang babae. Kasunod noon ang mainit na ngiti ni David habang kinakarga ang bata, ang marahan nitong paghaplos sa tiyan ng buntis na babaeng nasa tabi nito, at ang mga matang punong-puno ng pagmamahal. Mga matang minsan niyang inakalang para lamang sa kanya. Unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng kanyang damit. Masakit. Hindi dahil iniwan siya. Kundi dahil ngayon lang niya nalaman na sa loob ng tatlong taon. May ibang babaeng naghihintay rin pala kay David. Napapikit siya ng mariin nang maalala niya na. Isa pala siyang kirida na hindi niya kailan man pinapangarap. "Kuro..." mahinang tawag ni Caleb sa kanya. Hindi siya sumagot sa halip dahan-dahan siyang tumingin sa labas. "Can you hear me?" Marahan siyang tumango. "May lugar akong alam," bahagya siyang napalingon dito. "Kung gusto mong uminom." Napabuntong-hininga siya. Sa totoo lang, wala na siyang pakialam kung saan siya dadalhin. Gusto lang niyang tumigil ang isip niya. Kahit ilang oras lang. "Okay." Muli niyang ibinalik ang tingin sa bintana. Hindi niya namalayang makalipas ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng isang gusaling pamilyar na pamilyar sa kanya. Napatitig siya rito. Ilang segundo siyang nanatiling hindi gumagalaw. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata bago mabilis ding nawala ang anumang emosyon sa kanyang mukha. Hindi niya inaasahang dito siya dadalhin ni Caleb. Tahimik siyang napabuntong-hininga. Hindi alam ni Caleb na ang bar na nasa harapan nila ay pagmamay-ari niya. Iilan lamang ang nakaaalam ng katotohanang iyon. Maging ang mga empleyado roon ay kilala lamang siya bilang isa sa mga investor ng establisyimento, walang sinuman ang nakaaalam na siya ang tunay na may-ari ng lugar. Matagal na niyang sinigurong mananatiling lihim ang kanyang pagkakakilanlan. "Let's go," mahinang aya ni Caleb habang pinapatay ang makina. Saglit na napapikit si Kuro bago marahang tumango. "Okay." Tahimik siyang bumaba ng sasakyan. Pagpasok pa lamang niya sa loob ay agad siyang sinalubong ng pamilyar na musika at dim na ilaw. Isang tipid na ngiti ang muntik nang sumilay sa kanyang mga labi. Ilang buwan na rin mula nang huli siyang tumapak sa lugar na iyon. Ngunit kahit matagal siyang nawala, nanatiling maayos ang lahat—isang patunay na mahusay pa ring pinamamahalaan ng kanyang mga pinagkakatiwalaang tao ang bar sa kabila ng kanyang pagkawala. Wala ni isa sa mga customer ang nagbigay ng pansin sa kanyang pagpasok. At gaya ng dati iyon mismo ang gusto ni Kuro. Ang manatiling isang anino sa sarili niyang negosyo. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nakapasok sa lugar na iyon, sa bawat sulok ng bar ay may alaalang siya mismo ang bumuo. Mula sa kulay ng mga dingding, sa disenyo ng mga ilaw na nagbibigay ng malamlam na liwanag, hanggang sa himig ng musikang tumutugtog gabi-gabi—lahat ng iyon ay minsang pinaglaanan niya ng oras at atensyon. Ito ang naging kanlungan niya noong mga panahong gusto niyang tumakas sa magulong realidad. Isang lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya. Kung saan wala siyang obligasyong ngumiti. Kung saan puwede siyang maging si Kuro at hindi ang babaeng palaging inaasahang maging matatag. Tahimik siyang naglakad kasabay ni Caleb. Bahagya lamang siyang yumuko nang may ilang empleyadong napatingin sa kanilang direksyon. Walang sinuman ang lumapit upang batiin siya. At iyon mismo ang gusto niya. Hindi dahil wala silang respeto. Kundi dahil iyon ang utos niya noon pa man. Kapag naroon siya, tratuhin lamang siyang parang ordinaryong customer. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang mapatingin sa entabladong nasa gitna ng bar. May isang babaeng kumakanta roon. Malungkot ang tono ng awitin. Tila sinasabayan nito ang bigat na nararamdaman niya. Napakurap siya. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa gabing iyon ay pakiramdam niya ay lahat ng bagay ay nagpapaalala sa kanya ng pagkawala. Lahat ng kantang naririnig niya ay tila tungkol sa pagtataksil. Lahat ng ilaw ay tila mas mapusyaw kaysa dati, at bawat halakhak na nagmumula sa ibang mesa ay lalo lamang nagpapaalala sa kanya na may mga taong masaya... Habang siya ay unti-unti nang nadudurog. Huminto si Caleb sa tapat ng isang VIP lounge. Marahan nitong itinulak ang pinto at hinayaang mauna siyang pumasok. Tahimik siyang naupo sa mahabang sofa. Mabagal niyang inilibot ang tingin sa paligid. Hindi nagbago ang silid. Nandoon pa rin ang malalambot na couch, ang mesa na gawa sa dark wood, at ang malalaking salaming bintanang tanaw ang buong bar. Ngunit sa kabila ng pagiging pamilyar ng lahat, pakiramdam niya ay isa na siyang estranghero. Hindi lamang sa lugar na iyon, kundi maging sa sarili niyang buhay. Ilang saglit pa ang lumipas ay may marahang kumatok sa pinto. Pumasok ang isang waiter habang may bitbit na tray, isa-isang inilapag nito ang mamahaling whiskey, dalawang crystal glass, isang balde ng yelo, at ilang pagkain sa ibabaw ng mesa. Tahimik lamang itong yumuko bago muling lumabas ng silid. Nang tuluyan silang maiwang dalawa, muli na namang bumalot ang katahimikan. Hindi iyon iyong nakakailang na katahimikan, kundi iyong katahimikang mas mabigat pa sa kahit anong salita. Tahimik na pinagmamasdan ni Kuro ang bote ng whiskey sa harapan niya. Unti-unti niyang iniangat ang kamay at hinaplos ang malamig na salamin nito. Napangiti siya. Isang mapait na ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. Marahil tama si Caleb kailangan niya ng alak. Hindi upang magsaya. Kundi upang kahit sandali lang mapatahimik ang mga alaalang paulit-ulit na dumudurog sa kanya. Hindi niya alam kung magiging sapat ba ang isang bote. O baka kahit ubusin pa niya ang buong bar. Hindi pa rin sapat upang burahin ang mukha ng lalaking minsan niyang minahal nang buong puso. Dahan-dahan niyang inabot ang bote ng whiskey. Tahimik niya iyong binuksan at sinalinan ang dalawang crystal glass. Kumalat sa buong silid ang matapang na amoy ng alak, kasabay ng pagbigat ng katahimikang namamagitan sa kanila. Hindi na siya naghintay. Inangat niya ang kanyang baso at sa isang lagok ay tuluyan niyang inubos ang laman nito. Ramdam niya ang paghapdi ng whiskey sa kanyang lalamunan hanggang sa dibdib, ngunit tila wala iyong epekto kumpara sa sakit na kanina pa unti-unting dumudurog sa kanya. Marahan niyang ipinatong ang baso sa mesa at muling sinalinan iyon. Isa pang lagok. At isa pa. Hanggang sa hindi na niya namalayang sunod-sunod na pala ang kanyang pag-inom. "Kuro..." mahinang tawag ni Caleb. Hindi niya ito nilingon sa halip ay muli niyang itinaas ang baso. "Iinom ka ba o tititigan mo lang ako?" mapait niyang tanong. Bahagyang napabuntong-hininga si Caleb bago inabot ang sarili nitong baso, tahimik nitong sinabayan ang kanyang pag-inom. Hindi nagtagal ay unti-unti nang nabawasan ang laman ng bote. Kasabay noon ang unti-unting pagbigat ng kanyang katawan, hindi na niya alam kung pang-ilang baso na ang hawak niya. Hindi na rin niya alam kung ilang minuto na silang naroon. Ang alam lang niya sa bawat lagok ng whiskey ay tila bahagyang humihina ang sigaw ng mga alaalang paulit-ulit na gumugulo sa kanyang isipan. Panandalian lamang. Ngunit sapat na upang ipikit niya ang kanyang mga mata at magkunwaring wala nang sakit. Napatawa siya. Isang mapait na tawang hindi niya namalayang lumabas sa kanyang bibig. "Ang tanga ko," halos pabulong niyang sambit, napababa siya ng tingin sa basong hawak niya. "Akala ko... ako lang." Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng isang luha. Agad niya iyong pinahid gamit ang likod ng kanyang kamay bago muling ininom ang laman ng kanyang baso. "Enough." Marahan niyang narinig ang boses ni Caleb. Ngunit umiling lamang siya. "Isa pa." Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Muli niyang inabot ang bote at nagsalin ng alak sa kanyang baso. Hanggang sa unti-unti nang maging malabo ang kanyang paningin, ang mga ilaw sa paligid ay tila nagsimulang magsayaw sa kanyang harapan. Maging ang mahinang musikang kanina pa tumutugtog ay tila unti-unti nang lumalabo sa kanyang pandinig. Napapikit siya nang mariin. Mabigat na ang kanyang ulo. Maging ang kanyang katawan ay tila unti-unti nang nawawalan ng lakas, hindi niya namalayang napasandal na pala siya sa sofa. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago pilit na iminulat ang kanyang mga mata. "Uuwi na ba tayo?" mahina niyang tanong, halos hindi na niya marinig ang sarili niyang boses. Hindi na siya sigurado kung gaano katagal silang nanatili roon. Ang natatandaan na lamang niya ay ang marahang pagtayo niya mula sa kinauupuan. Ngunit agad ding nanghina ang kanyang mga tuhod. Napapikit siya nang maramdaman niyang may matibay na brasong umalalay sa kanya bago pa siya tuluyang matumba. Hindi na siya tumutol. Hinayaan na lamang niyang alalayan siya palabas ng VIP lounge. Paglabas nila ay tila mas malamig ang hangin kaysa kanina. Hindi niya alam kung saan siya dinadala, wala na rin siyang lakas upang magtanong. Basta ang alam niya, ayaw na niyang mapag-isa sa gabing iyon. Habang kargang-karga ni Caleb si Kuro sa kanyang balikat, hindi niya maiwasang maawa sa babae. The moment he saw Kuro's face soaked with tears because of that bullshit man, gusto niyang balikan at bugbugin ang lalaking naging dahilan ng pag-iyak nito. Kung hindi lang dahil mas mahalagang unahin si Kuro, baka matagal na niyang nabasag ang mukha ng lalaking iyon. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa hita ni Kuro upang hindi ito madulas habang naglalakad siya patungo sa sasakyan. Wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanila. Ang tanging nasa isip niya ay i-uuwi si Kuro ng ligtas ngayong Gabi. Dahan-dahan niyang ibinaba si Kuro sa front seat. Kahit wala pa rin itong imik at bahagyang nakayuko, maingat niya itong sinuotan ng seatbelt. Saglit siyang natigilan nang mapansin ang namumugtong mga mata nito at ang nanginginig na labi. Napakabigat sa dibdib makita ang babaeng palaging matapang ay ngayon ay halos wasak na. Isinara niya ang pinto ng sasakyan nang marahan bago umikot patungo sa driver's seat. Pagkaupo niya, hindi niya agad pinaandar ang makina. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela habang pilit kinokontrol ang galit na kumukulo sa kanyang dibdib. Humugot siya ng malalim na hininga bago sumulyap kay Kuro, na tahimik pa ring nakatanaw sa labas ng bintana. "You're safe now," he said in a low, gentle voice. "Hindi na kita hahayaang saktan ka pa ng kahit sino." Muli niyang ibinalik ang tingin sa daan, saka dahan-dahang pinaandar ang sasakyan. Ngunit habang palayo sila, isang bagay lang ang sigurado sa isip ni Caleb—hinding-hindi niya palalampasin ang lalaking nagpaluha kay Kuro. Habang papalayo sila sa bar ay lalo namang lumalakas ang ulan. Tahimik na hinahampas ng malalaking patak ng ulan ang windshield ng sasakyan. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang ritmo ng wiper ang maririnig sa loob. Napasulyap si Caleb kay Kuro. Nakapikit na ito habang nakasandal sa bintana. Namumula ang magkabilang pisngi nito dahil sa alak, at ang bahagyang magulong buhok ay bahagyang tumatakip sa mukha. Hindi niya alam kung nakatulog na ba ito o pilit lamang na iniiwasan ang anumang pag-uusap. Makalipas ang ilang minutong katahimikan, isang mahinang hikbi ang narinig niya. Mahigpit na napahawak si Caleb sa manibela. Unti-unting iminulat ni Kuro ang kanyang mga mata. Malabo ang kanyang paningin habang nakatitig lamang siya sa labas ng bintana. "Caleb..." mahina niyang tawag. "Yeah?" Saglit siyang natahimik bago marahang ngumiti. "Am I really... that easy to replace?" Parang may kung anong sumikip sa dibdib ni Caleb. Hindi niya agad nasagot ang tanong nito. Marahan lamang siyang huminga bago muling sumulyap sa babae. "No," mahinahon niyang sagot. "He didn't replace you because you weren't enough." Tahimik lamang na nakinig si Kuro. "He lost someone who genuinely loved him." Napapikit si Kuro. "Then why..." basag ang boses niya. "Why wasn't I enough?" Hindi na nakasagot si Caleb. Dahil alam niyang kahit anong salita ang sabihin niya, walang makakapawi sa sakit na nararamdaman ng babae. Ilang segundo ang lumipas bago marahan niyang iniabot ang isang kamay at marahang hinawakan ang kamay ni Kuro. Sapat lang upang iparamdam dito na hindi ito nag-iisa. Hindi na nagsalita si Kuro. Unti-unti na lamang bumigat ang kanyang mga talukap hanggang sa tuluyan siyang nakatulog, habang tahimik na pinagmamasdan ni Caleb ang daan. Makalipas ang halos tatlumpung minutong biyahe, unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap ng isang limang-bituing hotel. Marahang pinatay ni Caleb ang makina. Saglit siyang nanatiling nakaupo habang pinagmamasdan ang babaeng mahimbing na natutulog sa tabi niya. Bahagyang magulo ang buhok ni Kuro, at bakas pa rin sa namumugto nitong mga mata ang mga luhang kanina pa tumutulo. Maging sa kanyang pagtulog ay tila hindi pa rin ito mapalagay. Paminsan-minsan ay bahagyang kumukunot ang noo nito na para bang hanggang sa panaginip ay dinadala pa rin ang sakit. Napabuntong-hininga si Caleb. "I'm sorry..." mahina niyang bulong, hindi niya rin alam kung para saan. Dahan-dahan niyang tinanggal ang seatbelt ni Kuro, sinigurong hindi ito magigising. Nang makita niyang hindi pa rin ito kumikilos, maingat niya itong binuhat sa kanyang mga bisig. Napasinghap nang bahagya si Kuro at kusang napakapit sa kuwelyo ng kanyang polo, ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata nito. Humigpit ang hawak ni Caleb. Hindi niya hinayaang maalog ang babae habang naglalakad siya papasok ng hotel. Pagbukas ng glass door ay agad silang sinalubong ng malamig na hangin mula sa lobby. Tahimik na napatingin sa kanila ang receptionist at ilang empleyado, ngunit walang sinuman ang nagtanong. Sanay na ang hotel sa mga bisitang may kasamang lasing o pagod na kasama. Diretso lamang na lumapit si Caleb sa front desk. "I need a suite for tonight," kalmado niyang sabi habang inilalabas ang kanyang wallet. "Certainly, sir." Ilang minuto lamang ang lumipas ay naibigay na sa kanya ang key card. "Thank you." Muli niyang inayos ang pagkakabuhat kay Kuro bago nagtungo sa elevator. Tahimik ang buong biyahe paakyat. Tanging ang mahinang tunog ng elevator ang naririnig habang nakatitig lamang si Caleb sa repleksiyon nilang dalawa sa salamin. Sa unang pagkakataon, nakita niya kung gaano kaliit at kahina si Kuro kapag ibinababa nito ang lahat ng pader na matagal nitong itinayo. At hindi niya nagustuhan ang nakita. Nang bumukas ang elevator, agad siyang naglakad patungo sa suite. Isinandal niya nang bahagya ang katawan ni Kuro habang ginagamit ang key card. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Tahimik siyang pumasok sa loob at marahang isinara ang pinto sa likuran nila. Hindi pa rin nagigising si Kuro. Marahan niya itong dinala sa silid at maingat na inihiga sa malambot na kama, tila natatakot na baka magising ito sa kahit kaunting pagkilos. Sandali siyang nanatiling nakatayo sa gilid ng kama. Tahimik. Pinagmamasdan lamang ang babaeng ilang oras nang pilit nilalabanan ang sakit nang mag-isa. "Sleep," mahina niyang bulong. "I'll make sure no one hurts you tonight."Hindi na alam ni Kuro kung paano siya nakalabas ng restaurant.Parang kusang gumalaw ang mga paa niya hanggang sa maramdaman na lamang niyang nakaupo na siya sa passenger seat ng sasakyan ni Caleb.Napakatahimik.Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang paminsan-minsang pagpatak ng ulan sa windshield ang pumupuno sa katahimikan.Nakatitig lamang siya sa bintana.Ngunit wala siyang tunay na nakikita. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, iisang eksena lamang ang bumabalik.Napakagat siya sa ibabang labi.Parang muli niyang narinig ang masayang boses ng batang babae. Kasunod noon ang mainit na ngiti ni David habang kinakarga ang bata, ang marahan nitong paghaplos sa tiyan ng buntis na babaeng nasa tabi nito, at ang mga matang punong-puno ng pagmamahal.Mga matang minsan niyang inakalang para lamang sa kanya. Unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng kanyang damit.Masakit.Hindi dahil iniwan siya.Kundi dahil ngayon lang niya nalaman na sa loob ng tatlong taon. May ib
Habang nag-uusap sila, hindi nila napansing may isang pamilyar na pigura ang kakapasok lamang sa restaurant.At ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang private dining section... isang lalaking matagal nang hindi inaasahang muling makikita ni Kuro.Tahimik na nagpatuloy ang kanilang pag-uusap habang hinihintay ang pagkain. Ngunit sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pangunahing pintuan ng restaurant."Welcome back, Sir."Sabay-sabay na yumuko ang ilang staff bilang pagbati sa bagong dating na bisita.Hindi sana iyon bibigyan ng pansin ni Kuro.Hanggang sa isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa loob ng restaurant."Daddy!"Napalingon siya.Nakita niya ang isang maliit na batang babae, marahil ay limang taong gulang lamang, na masayang tumatakbo papunta sa isang lalaking bagong pasok.Agad itong sinalubong ng lalaki at marahang binuhat sa kaniyang mga bisig."Easy, princess," natatawa nitong sabi.Hindi na kailangan pang makita ni Kuro nang buo ang mukha nito. Kilalang-kilal
Tahimik na huminto ang itim na Lexus sa harap ng Montenegro Holdings. Kuro stepped out of the car and adjusted the sleeves of her black blazer. She lifted her gaze toward the towering building before her. The sleek skyscraper stood proudly in the heart of the business district, its modern architecture reflecting both elegance and power. The company's name, Montenegro Holdings, was prominently displayed above the main entrance in polished silver letters. Even from where she stood, she could already tell how influential the company was. Napabuntong-hininga siya bago inayos ang pagkakasukbit ng kanyang leather handbag at ang folder na hawak niya. Sa dami ng naging kliyente niya sa nakalipas na mga taon, hindi na bago sa kanya ang makipagpulong sa mga kilalang negosyante. Ngunit kakaiba ang pakiramdam niya ngayon. Marahil ay dahil ang kliyenteng ito mismo ang nagpumilit na siya ang humawak ng kaso. Business was business. Anuman ang dahilan ng kliyente sa pagpili sa kanya, wala na
Tahimik na isinara ni Caleb ang pinto ng kanyang condominium unit bago diretsong nagtungo sa sala. Hindi pa man siya nakakapagpalit ng damit ay muli nang nag-vibrate ang kanyang cellphone.Laurence calling...He let out a sigh before answering the call."What?"Loud laughter immediately greeted him from the other end of the line."HAHAHAHA!"Caleb closed his eyes. "What's so funny?""Bro..." Laurence could barely get the words out between fits of laughter. "You actually did it!""Shut up," Caleb said irritably."I can't believe you actually stripped in front of her!"Caleb pinched the bridge of his nose. "It was your stupid dare.""Exactly!" Laurence shouted. "But we honestly thought you'd back out at the last second."He could hear Kidlat, Calex, Silak, and Kael laughing in the background."Damn..." Caleb muttered."So, what was the attorney's reaction?" Kidlat asked, still laughing.Caleb shook his head. "She almost killed me with her eyes."The group's laughter only grew louder."S
Galit na naupo si Kuro sa sofa pagkapasok na pagkapasok niya sa kanyang condominium unit.She didn't expect a man with such a handsome face and a perfect body to be so shameless. Kung nakakapatay lamang ang tingin, malamang ay matagal na niyang pinatay si Caleb.Napabuntong-hininga siya at inilapag ang kanyang sling bag sa center table. Pagkatapos ay isinandal niya ang likod sa sofa at mariing ipinikit ang mga mata.Hindi niya maintindihan kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng lalaking iyon, ni kung bakit tila wala itong preno kung magsalita.Bastos.That was the only word lingering in her mind every time she recalled what he had said in the hallway.Kuro let out another sigh before reaching for her phone, which had been vibrating incessantly for the past few minutes.The moment she unlocked the screen, a message from her boyfriend greeted her.Hey babe, I miss you. 😙Kusang sumilay ang isang munting ngiti sa kanyang mga labi. Halos tatlong taon na rin silang magkasintahan.For three
Tahimik ang buong courtroom habang isa-isang sinusuri ni Kuro ang mga dokumentong nakalatag sa kanyang mesa.Mahigpit niyang hinawakan ang bolpen bago dahan-dahang tumayo. Sa isang iglap, napunta sa kanya ang atensyon ng lahat—ang hukom, ang kabilang kampo, at maging ang mga taong naroon upang saksihan ang paglilitis."Attorney Kuro, do you have anything else to add?" the judge asked.Kuro slowly nodded. "Yes, Your Honor."She retrieved a document from her folder and laid it on the counsel table before looking at the opposing side."The opposing party's witness claimed that he was in Cebu on the night of the incident."Kuro paused, allowing the statement to settle over the courtroom before shifting her gaze to the opposing counsel."Yet according to the immigration records we obtained yesterday, he was in Singapore on that very same date."Binalot ng matinding katahimikan ang buong silid. Sa loob ng ilang segundo, tanging ang tibok ng kanyang puso ang kanyang naririnig.Nanlaki ang mg







