Masuk
KANINA PA TULALA SI PEPPER SA HARAP NG KANYANG DESKTOP.
"Ma'am Pepper, you have to do something," pangungulit ni Amberlyn sa kanya, ito ang kanyang sekretarya. "Hindi mo maaaring hayaan ang mag-inang may sung*y na nakawin ang mga mana at pagmamay-aring nararapat para sa iyo. Ang kompanyang ito ay pinaghirapan at pinagsikapang itayo at itaguyod ng namayapa mong butihing ina. Siya ang dahilan kung bakit naabot natin ngayon ang tinatamasang tagumpay," patuloy ito sa pagsasalita. Nag-angat siya nang tingin dito. Kalmado ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Tahimik niya itong pinagmasdan. Tumigil ito sa kakadaldal ngunit muli na namang tumalak matapos ang ilang segundong pagpreno ng bibig nito. "Masyadong mabait ang Daddy mo sa ilusyonado't ilusyonadang mga sampid sa pamilya ninyo. Tila ginawa niya ang mga kondisyong iyon para bigyang pagkakataon ang spoiled brat mong half-brother na manahin ang mga ari arian ninyo. Anong klaseng kondisyon ang mga naisip ng Daddy mo? Mas pinagtuonan pa talaga nitong gawing kompetisyon ang paunahang magbigay ng apo sa kanya kaysa ang patunayan munang may katalinuhan at kakayahan ang isa sa inyo na pamahalaan ang Delgado Finest Winery," umiikot ang mga matang pagrereklamo ni Amberlyn. Hindi pa rin nito tanggap ang naging anunsiyo ng kanyang ama sa private meeting nila kanina, idinikta nito ang dalawang kondisyon na magiging batayan sa kung sino ang magmamana ng kompanya sa pagitan niya at kanyang half-brother — una ay kailangang makapagbigay sila ng apo rito at pangalawa naman ang pagpapatunay ng kanilang abilidad sa pagpapatakbo ng Winery. "Sinong nagsabi na hahayaan kong mapasakamay ng bastardo at kabit na iyon ang mga pinaghirapan ni Mommy?" nagawa niyang magsalita sa mahabang minutong pananahimik niya matapos ang private meeting hanggang sa makabalik sila rito sa kanyang opisina. "Kaya nasusuka akong gamitin ang apelyido ni Dad. Imagine, after Mom died, he immediately married that evil stepmother of mine without even waiting for everyone to move on from my Mom's sudden passing. Nagulat ako noong ipakilala niya sa akin si Jhonel, my half-brother. Buong akala ko stepbrother ko siya, dalawang taon lamang na mas matanda ako sa kanya. Kahit hindi umamin si Dad, that bastard is already enough proof of his infidelity with Mommy," huminto siya saglit sa pagsasalita, naalala niyang huminga at kumalma. Nadala siya sa kanyang emosyon, nanggigigil siya at nagpupuyos ang damdamin kaya't hiningal siya sa pagsasalita. "Isa ba sa plano nila ay palitan ang pangalan ng kompanya kapag nagtagumpay silang ipasa iyon sa iyong kapatid?" biglang naitanong ng sekretarya niya. Nagmamadali itong naupo sa visitor's chair sa harap ng kanyang mesa, ipinatong nito ang nakakrus na mga braso sa ibabaw niyon at dumukwang upang bahagyang makalapit sa kanya. "Since Delgado is your Mom's last name, retaining it on the company's name will automatically predict that the descendants of your Mom should be the sole heirs. Hindi man ngayon ngunit bakit kinukutoban ako na may mga plano na ang Daddy mo at ang mga sampid niya na palitan iyon? Sooner or later?" pabulong pa nitong pagpapahayag ng agam-agam. Amberlyn is not only an efficient and reliable secretary, she has also become her trusted friend over time that they've worked together. Napasinghap siya at natutop ang bibig sa gulat. Ngayon lang din niya naisip ang tungkol sa bagay na iyon. Masyado niyang pinagtuonan nang pansin ang walang kwentang pakulo ng ama niya sa kriterya ng karapat-dapat magmana sa kompanya. Delgado Finest Winery is hers, no question or any conditions should take that away from her. Kaagad siyang tumayo at mabibilis ang mga hakbang na tinungo ang opisina ng kanyang ama. Sinalubong sila ng sekretaryo nito at pinipigil siyang pumasok sa loob dahil kailangan muna nang permiso galing sa Dad niya. Hindi siya nagpatinag o nakinig. Dire-diretso lamang siya nang lakad at nakabuntot sa kanyang likod si Amberlyn. Pabalibag niyang binuksan ang p***o ng opisina ng ama niya. Ikinagulat iyon ng huli at nagtatakang napatingin sa kanyang pagdating. Abala ito sa pakikipag-usap sa kabilang linya sa cellphone nito. "I'll call you later. Bye," wala sa sarili nitong tinapos ang tawag at nanatiling nakatutok pa rin ang mga mata nito sa kanya. Ibinaba nito ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa nito at tumayo. "Anong kaguluhan ito?" nagsalubong ang mga kilay nitong tanong sa kanya at sa mga secretaries nilang nasa kanyang likuran. "Stop your nonsense games, Dad!" maawtoridad niyang hayag sa kanyang ama nang walang patumpik-tumpik pa. Kailangan niyang ipaglaban ang mga pagmamay-aring ipinundar ng yumao niyang ina. "Delgado Finest Winery is rightfully mine. Si Mommy ang may-ari ng kompanyang ito, ako ang tangi't nag-iisa niyang anak. Dugo't laman! Pansamantala lamang napasaiyo ang posisyon dahil asawa ka niya," walang takot niyang ipinagpatuloy sa pagsasatinig ang lahat ng mga katagang nilalaman ng utak niya ngayon. Ito ang unang beses na naging matapang siya sa harapan ng kanyang ama. Napuno siya at naubusan ng pasensiya. Hindi siya papayag na patuloy lamang siyang apihin ng mga sampid sa kanyang buhay, her Dad included. Hindi nagpakita ng reaksiyon ang ama niya bagkus may kinuha itong folder na itim sa loob ng drawer ng mesa nito bago naglakad papalapit sa kanyang kinatatayuan. "I am just being fair with the two of you, Pepper, anak. Jhonel is your brother, dugo't laman ninyo ay galing sa akin," tila gagamitan na naman siya ng pagmamanipula at gaslighting nito. Marahas siyang napabuntong hininga. Hindi niya napigilang mapangisi sa inis at napatingin sa kumikinang sa linis na tiles ng opisina nito. Kinalma niya kaunti ang sarili at muling nag-angat nang tingin sa ama, diretsahan niyang tinitigan ito sa mata. "You call that fair?" sarkastiko siyang napangisi at napairap sa hangin. "Anak ba ni Mommy si Jhonel, Dad? Uulitin ko ang sinabi ko. Si Mommy ang nagmamay-ari ng kompanyang ito. Ako ang nag-iisa niyang anak at natatanging may karapatang manahin ang lahat ng iniwan niya," she retorted. Doon nagkaroon ng reaksiyon ang kanyang ama. Nagsalubong ang mga kilay nito at umusok sa inis ang mga ilong nito. Hindi nito inaasahan na titindig siya sa paninindigan niya ngayon. "Let me remind you, Dad. I am a Delgado and Jhonel is just your b*stard from that garbage wh*re!" hindi pa siya tapos at malakas ang boses niyang idineklara iyon sa harapan ng ama niya. Napaigik na lamang siya sa bilis ng pangyayari. Isang malutong at malakas na sampal ang iginawad ng kanyang ama sa pisngi niya. Napahawak siya sa napuruhang pisngi at muntik pa siyang mawalan ng balanse sa lakas ng impact niyon. Maagap siyang inalalayan ng sekretarya niya hanggang sa muli siyang makatayo ng maayos. Inalis niya ang pagkakahawak sa mukha at taas noong hinarap ulit ang ama. "Don't ever talk to me like that! Ama mo pa rin ako!" ito naman ang sumunod na sumigaw. "At wala ka nang magagawa para bawiin ang naging anunsiyo ko kanina hinggil sa mga kondisyon sa pagpili ng tagapagmana. Heto ang memorandum patungkol sa isyung ito. Pirmado ko at majority ng board of directors ang mga kondisyon at notarized na rin iyan," saad pa nito sa malakas pa ring boses sabay hampas sa pagmumukha niya ang hawak nitong itim na folder. Natigilan siya at binuklat iyon para basahin ang nilalaman. Nanubig ang mga mata niya sa disappointment, sama ng loob at kawalan ng pag-asa. Naghalo-halo ang mga naramdaman niyang emosyon. Kailangan niyang sundin ang memorandum kung nais niyang makuha ang kompanyang ito mula sa yumao niyang ina. Hindi niya hahayaang tuluyang maangkin ito ng sakim niyang ama, half-brother at stepmother. 'The memorandum outlined the criteria for determining the heir to the Delgado Finest Winery: (1) the individual who first produces an heir will be the one designated, and (2) the person chosen according to the first stipulation must undergo training and supervision to prove adequate competence and skill in managing the company, covering both financial and operational aspects.' Nagpupuyos sa galit niyang inihampas sa dibdib ng Daddy niya ang folder. "Mommy must be regretful right now watching how wicked you have become. She's regretting she has ever fallen in love with someone like you. And if I could just regret too that you were my father," lumuluha niyang bulalas sa nanggagalaiti niyang boses. Nawalan siya ng kontrol sa mga luha niya at sa bawat salitang kanyang sinambit. "You know better that you never own Delgado Finest Winery. It was Mom's, she built this before you ever came to her life. Pero gagawa at gagawa kayo ng kabit mo ng paraan para agawin ito sa akin," her eyes were sharp like daggers shot through her father's eyes. Wala pa ring kahihiyang naramdaman ang kanyang ama. Hinayaan lamang siya nitong ilabas ang lahat ng galit niya rito sa bawat salaysay niya. "Hindi ko kabit ang Tita Neressa mo, she's your stepmother, she's my second wife," pagtatanggol pa rin nito sa mga sampid nito at palamunin ng mga pera't ari-arian ng Mommy niya. "Walang kahit sinong makakapalit kay Mommy at hinding hindi ko matatanggap ang Neressang iyan sa buhay ko," puno nang pagtitimpi ang boses niyang kinontra ito. "Babawiin ko lahat ng pag-aari at kayamanan ni Mommy hanggang sa huling sentimo na ninakaw ninyo mula sa kanya. It belongs to me, her rightful heiress!" Mariin niyang itinuturo ang kanyang sarili habang binibitawan ang mga huli niyang pahayag atsaka sila umalis ng sekretarya niya. Habang naglalakad sila pabalik sa sarili nilang opisina ay paulit ulit na umuukilkil sa utak niya ang nakapaloob na counter-condition sa memorandum. 'Should the initial appointee failed to fulfill the second criteria, the subsequent individual chosen to inherit Delgado Finest Winery must also be required to produce an heir. This requirement serves as a prerequisite to qualify for the second criteria—demonstrating their superiority in overseeing the entirety of the company against the first failed appointee.' Her face suddenly lit up. Hope surges into her discouraged heart. Kumpiyansa siyang babagsak si Jhonel sa ikalawang kondisyon. Aminado siyang ito ang unang maaappoint bilang tagapagmana dahil mayroon na itong nobya at anumang oras ngayon ay maaari nitong mabuntis. Ngunit wala itong talino at abilidad sa pagpapatakbo ng kompanya. Masyado itong lulong sa alak, casinos, mga barkada at puro pagwawaldas ng pera ang alam nitong gawin sa buhay. Hindi nito kailanman naranasang magbanat ng buto o di kaya'y magtrabaho para kumita ng sarili nitong pera. Palagi itong nakaasa sa mga ibibigay ng Daddy nila at ng ina nitong si Neressa. "Your Dad is absolutely ridiculous," padabog na pagpapakawala ni Amberlyn ng kinikimkim nitong inis kanina pa. "Paano na iyan, Ma'am Pepper? Ni boyfriend wala ka. Paano ka mabubuntis niyan? You need to produce an heir first before Jhonel could impregnate his social climber girlfriend," nag-aalala ang boses nitong lumingon sa gawi niya. Naroon at nakatayo ito sa designated workspace area nito samantalang siya ay nakaupo na ulit sa kanyang swivel chair. "We'll find ways, Amberlyn. We always will," panatag ang ngiti niyang tugon dito. Nais niyang ipakita sa sekretarya na tulad pa rin siya ng dati, malakas ang fighting spirit at hindi umuurong sa mga balakid sa kanyang buhay. Napasinghap ito noong mapagtanto nito kung ano ang kanyang iniisip. "Don't tell me you're going to consider artificial insemination? Don't tell me you're thinking about it right now?" Tila nahulaan nito ang nilalaman ng kanyang isip. Napatawa siya nang bahagya. "Pupunta ako sa hospital mamaya para mag-inquire. Sabi mo nga wala akong boyfriend. And I'm in competition with Jhonel in producing an heir first," hindi niya itinanggi ang hula nito. Tama ito at inihayag niya ang plano. She needs to consult a Reproductive Endocrinologist and Infertility (REI) specialist, the specific type of ob-gyn, about this matter. Modern science is her best option right now. "Bakit hindi ka na lang humanap ng boyfriend, Ma'am? Ang dami daming lalaki sa mundo. At masarap ang s*x, para ma-try mo na rin," wala talagang preno at censor ang bunganga ni Amberlyn na pangungulit sa suhestiyon nito. Her eyebrows furrowed, her lips slightly parted as she spat her a death glare to show disapproval. Kaagad napatikom ang bibig nito. Naging awkward ang galaw nito, hindi nito alam kung tatakpan ang bibig o tatalikod sa kanya o uupo na ito sa sarili nitong swivel chair. "Sorry na po," nahihiyang itong mahinang nagsalita. "Nakalimutan ko virgin ka nga pala, boss," ngunit wala pang ilang segundo ay umiral na naman ang pagiging matabil ng dila nito. "Amberlyn!" sinaway niya ito sa naaasar na boses. Napahagikhik naman ang huli at mabilis na itong naupo sa upuan nito. Nagsimula na itong magtrabaho upang umiwas sa namumuo nilang asaran. "You know I'm not that pretty to get a boyfriend," malungkot niyang bulong sa sarili habang matamang pinanuod ang sekretarya na abala nang tumitipa sa keyboard ng desktop nito. Only her mother and Amberlyn told her she's beautiful but society decided otherwise. She grew up hearing hurtful words about her looks. The way her voluptuous body is mocked and compared to a pig. Her pale complexion, her big and thick eyeglasses almost covering half of her face, her thick eyebrows and her plain frumpy style were an everyday insult by either her father, half-brother and stepmother and also the mean bullies at her school back then.PEPPER WOKE UP IN A COMFORTABLE BED. Bumangon siya at naupo sa kama kahit nakapikit pa ang kanyang mga mata. Nag-inat siya ng mga braso at humikab. This is the first time she had a good sleep in a while. Kinusot niya ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay. Kumurap kurap siya at napagtanto niyang nasa estranghero siyang silid. It was a luxury hotel suite. Namangha siya sa simple ngunit eleganteng disenyo ng kuwartong kanyang kinaroroonan. Tumayo siya at naglibot. Kinuha niya ang remote control ng kurtina at pinindot iyon. Kusang nahawi ang nakatakip na kurtina sa glass wall. Tumambad sa kanya ang maaliwalas na sinag ng araw. "It's already morning?" hindi makapaniwalang bulalas niya sa sarili. She slept that long? Napahawak tuloy siya sa kanyang tiyan noong narinig niyang kumalam iyon. Ramdam niya ang gutom dahil sa mahabang oras ng pagtulog at hindi siya nakakain ng hapunan. She went inside the bathroom to wash her face and gurgle. After doing so, she looked at her ref
PEPPER CAME BACK AT WORK AFTER CONSULTING AN OB-GYN AT ST. JOSEPH'S HOSPITAL. Nagpakonsulta siya patungkol sa artificial insemination na isa sa naisip niyang plano upang magbuntis sa lalong madaling panahon.Napabuntong hininga siya. Ayon sa doktora, thirty percent lamang ang kanyang tiyansa na magtagumpay sa prosesong ito. Ngunit kahit pabiro ay nagbigay ng advise ang doktora na maghanap at magbayad na lamang siya ng lalaking maaaring makatalik niya't subukang bumuo ng bata."Kumusta, Ma'am? Anong sabi ng doktor?" sinalubong ni Amberlyn ang kanyang pagdating at paanas itong nagtanong.Malungkot niya itong tinapunan nang tingin sabay upo sa kanyang swivel chair. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang sekretarya at walang balak tantanan sa pag-usyuso sa kanya."I only have thirty percent success rate in artificial insemination," dismayado niyang pagbabalita rito.Nalungkot din ito para sa kanya. Pero bigla itong nakaisip ng ideya."Bakit hindi ka na lang magbayad ng lalaking magbubuntis
KANINA PA TULALA SI PEPPER SA HARAP NG KANYANG DESKTOP. "Ma'am Pepper, you have to do something," pangungulit ni Amberlyn sa kanya, ito ang kanyang sekretarya. "Hindi mo maaaring hayaan ang mag-inang may sung*y na nakawin ang mga mana at pagmamay-aring nararapat para sa iyo. Ang kompanyang ito ay pinaghirapan at pinagsikapang itayo at itaguyod ng namayapa mong butihing ina. Siya ang dahilan kung bakit naabot natin ngayon ang tinatamasang tagumpay," patuloy ito sa pagsasalita. Nag-angat siya nang tingin dito. Kalmado ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Tahimik niya itong pinagmasdan. Tumigil ito sa kakadaldal ngunit muli na namang tumalak matapos ang ilang segundong pagpreno ng bibig nito. "Masyadong mabait ang Daddy mo sa ilusyonado't ilusyonadang mga sampid sa pamilya ninyo. Tila ginawa niya ang mga kondisyong iyon para bigyang pagkakataon ang spoiled brat mong half-brother na manahin ang mga ari arian ninyo. Anong klaseng kondisyon ang mga naisip ng Daddy mo? Mas pinagtuonan pa tal







