Share

Chapter 2

Penulis: Crose19
last update Tanggal publikasi: 2026-07-22 11:38:57

PEPPER CAME BACK AT WORK AFTER CONSULTING AN OB-GYN AT ST. JOSEPH'S HOSPITAL. Nagpakonsulta siya patungkol sa artificial insemination na isa sa naisip niyang plano upang magbuntis sa lalong madaling panahon.

Napabuntong hininga siya. Ayon sa doktora, thirty percent lamang ang kanyang tiyansa na magtagumpay sa prosesong ito. Ngunit kahit pabiro ay nagbigay ng advise ang doktora na maghanap at magbayad na lamang siya ng lalaking maaaring makatalik niya't subukang bumuo ng bata.

"Kumusta, Ma'am? Anong sabi ng doktor?" sinalubong ni Amberlyn ang kanyang pagdating at paanas itong nagtanong.

Malungkot niya itong tinapunan nang tingin sabay upo sa kanyang swivel chair. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang sekretarya at walang balak tantanan sa pag-usyuso sa kanya.

"I only have thirty percent success rate in artificial insemination," dismayado niyang pagbabalita rito.

Nalungkot din ito para sa kanya. Pero bigla itong nakaisip ng ideya.

"Bakit hindi ka na lang magbayad ng lalaking magbubuntis sa iyo?" natutuwa pa nitong suhestiyon na tila madali ang bagay na iyon.

She spat her a disbelief look. Naalala tuloy niya ang doktora kanina na parehong pareho rin ng payo nito.

"Sa tingin mo ay mayroong lalaking gustong makasiping ang isang tulad kong pangit?" wala sa mood niyang asik sa sekretarya.

Napaismid naman ito at umiling. "Hindi totoo iyan. Boring ka lang manamit, walang taste sa fashion at hindi mo man lang binibigyan ng oras ang sarili mong mag-ayos araw-araw," she disagrees with her statement. "You're beautiful, Ma'am Pepper. Huwag kang magpadaig sa mga sinasabi ng mga taong inggit sa iyo. Alam nilang malayong mas angat ka sa kanila kaya't ginagamit nila ang pangpipintas sa iyo para mawalan ka ng kumpiyansa sa sarili mo. You have to wake up. You have to stop those hurtful thoughts and words control how you decide to live your life," mahaba pa nitong litanya at pinaramdam nitong may potensiyal siya.

Mariin siyang nagpikit ng mga mata at pagdilat niya'y natauhan siya. Tama si Amberlyn. Nang dahil sa mga mapangutya at mapanakit na mga salitang nanggaling sa kanyang mga bullies isama pa ang kanyang Daddy at sampid sa pamilya nila ay hinayaan niyang lamunin siya niyon. Nilamon siya at ngayo'y patuloy niyang nililimitahan ang bawat galaw at desisyon sa kanyang buhay. Marami siyang mga gustong gawin noon na hindi niya pinagpatuloy dahil sa takot niyang makutya't mapagtawanan. She wanted to join the cheerleading squad, she wanted to go to the prom but she refused all her life because no beautiful gowns fit her body, and she wanted to confess to her crush but afraid she'll be mocked. Iyan at marami pang iba.

"You know what?" kumbinsido ang boses niyang baling dito. "You are right. I have to live my own life and stop them from making me feel so little," tumayo siya at nag-ipon ng lakas ng loob. "Let's go to the mall. Let's have a makeover," nakangisi niyang yakag sa sekretarya.

She bolts out of her office again and goes to salons and derma clinics for the first time.

"AMBERLYN!" mahina ngunit puno ng pag-aalala niyang tawag sa sekretarya. Nauuna itong naglalakad at siya naman ay nakayukong sinusundan lamang ito.

Pagkatapos ng kanilang makeover ay dinala na siya nito agad sa isang nightclub na ayon dito ay sikat sa mga naguguwapuhang male escorts. Nakasuot siya ng shades at binalot niya ang kanyang ulo at mukha ng scarf upang itago ang sarili. Nag-iingat lamang siya mula sa mga sekretong tagamanman ng kanyang stepmother at half-brother. Anytime they could use something against her as their leverage.

"Trust me, okay?" pagpapakalma nito sa kanya at bahagya lang lumingon sa gawi niya. Hinawakan siya nito sa kamay at tuluyang hinila papasok sa loob ng VIP room na kanyang binayaran sa counter kanina.

Muntik na siyang matapilok at mahimatay matapos makita ang limang lalaking kanina pa naghihintay sa silid na ito. Ang pulang ilaw na kumukutikutitap ay masakit sa kanyang mga mata. Ang malakas na tugtuging galing sa stereo ay nilamon ang eardrums niya.

"Amberlyn can you adjust the lights and the sounds?" malakas ang boses niyang pakiusap sa sekretarya at narinig naman siya nito.

Medyo nahiwagaan siya kung regular ba ito sa ganitong klaseng lugar dahil mabilis nitong hinanap at kinuha ang remote control. May mga pinindot ito doon at huminto sa pagiging magaslaw ang ilaw. Napalitan na rin sa maaliwalas na puting liwanang ang nagmumula sa bombilya. Pinahinaan na rin nito ang tugtogin.

"Thank you," nahihiya ang ngiting hayag niya sa sekretarya.

"No worries," tugon nito sa kanya sabay kindat.

Bumalik ito sa kanyang tabi at ipinulupot nito sa kanyang braso ang mga kamay nito at iginiya siya sa couch sa gitna ng mga lalaking nakatayo at naghihintay sa kanyang pagpili.

"So tell me, may bet ka na ba sa kanila?" pilya nitong udyok pa sa kanya. Tinanggal pa nito ang kanyang suot na shades. Wala siyang nagawa kung hindi ang mapilitang isa isang pasadahan nang tingin ang makikisig na mga lalaking nasa harapan nila at tanging underwears ang mga kasuotan.

"I-I don't think this is right," nais niyang subukang tumanggi at itigil na nila ang kapilyahang ito. Nautal pa siya at hindi alam kung saan titingin. Sa twenty-six years of existence niya, ngayon lamang siya nakakita ng ganito kaeskandalosong mga lalaki.

Magsasalita pa sana si Amberlyn ngunit napahinto ito dahil sa pagbukas ng p***o at pumasok ang isa pang estrangherong lalaki.

Napansin niyang nagmamadali ang kararating na binata dahil humahangos at naghahabol ito ng hininga. Nahuli ata ito ng pagdating sa trabaho nito ngayong gabi.

Napasinghap siya matapos titigan ang bagong dating na male escort. He's wearing a dark blue suit and tie. She immediately caught off guard. Bahagyang bumuka ang kanyang bibig at nagningning ang kanyang mga mata. Ang bagong dating ang siyang pinakaguwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya.

Tila isa itong perpektong sculpture na nililok ng napakagaling na manlililok sa balat ng lupa. Hawig ito ni Chris Evans ngunit itim ang buhok na version at ang katawan nito ay parang kay Chris Hemsworth, matikas at matangkad.

Malapad ang ngiti niyang napalingon kay Amberlyn. Nagtaka siya dahil may sumisipol na matagumpay na ngisi sa mga labi nito. She just shook it off and ignored it.

"I want him!" she declared and pointed at the gorgeous newcomer. "Siya ang magiging escort ko," aniya.

Mas lumapad ang ngisi ni Amberlyn bago bumaling sa limang mga lalaking kulang sa saplot. "You can all go," she dismisses them. "And you!" then she also pointed at her chosen one. "You'll be Ms. Pepper Delgado's hired co-babymaker," anunsiyo nito sa kanyang napili.

Naguguluhang nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.

"A-Anong ibig niyong sabihin?" he asked confused. Halatang pilit itong nagsasalita sa tagalog dahil mayroon itong American accent.

"My boss here," nagsimulang magpaliwanag si Amberlyn. Iminuwestra siya nito gamit ang mga kamay nito. "...is looking for a male escort that she can hire and pay to make a baby with," diretsahan nitong pahayag.

Inosente siyang nakangiti habang tumatango bilang pagsang-ayon sa sekretarya niya.

She got confused when she saw anger flashed through the man's gorgeous face. Nakatingin ito ng masama at may galit kay Amberlyn. Tatanungin niya sana kung magkakilala ang dalawa ngunit nagulat siya noong hindi niya napansin na nasa harapan na pala niya ang binata at binuhat siya ala-bridal style.

Lubos ang pagtataka sa kanyang mukhang napatitig sa pinili niyang male escort. Awtomatiko ring napapulupot ang kanyang mga braso sa leeg nito upang kumuha ng suporta at hindi siya mahulog.

Habang nakatuon ang kanyang mga mata rito ay hindi niya mapigilang mamula ang mga pisngi. Naisip niya kung ano ang pakiramdam na mahalikan ang mapupula at makapal nitong mga labi.

Napamulagat siya at kaagad nag-iwas nang tingin noong bumaling ito sa kanya at nakipagtitigan.

"What are you doing in places like this?" may inis sa boses nitong kuwestiyon.

"I-I need to hire a male escort t-to make baby," she shyly admitted her purpose.

Nakalabas na sila sa VIP room at patuloy lamang sa paglalakad ang binata paalis ng lugar.

Ramdam niya pa rin ang mga mata nitong nakatitig sa kanya kung kaya't hindi niya magawang tumingin ulit dito kahit na nasasabik siyang makita ang guwapo nitong mukha.

"Are you planning to pick one of those guys if I didn't arrive on time?" he raised another question.

"N-No!" mabilis niyang sagot at hindi na tuloy niya napigilan ang sariling lumingon dito. "Wala akong pipiliin sa kanila. I was about to pull Amberlyn out of that room but you came," nagpaliwanag pa siya at matapang na sinalubong ang mga titig nito.

She saw jealousy written all over his face. Mas lalo tuloy siyang nagtataka kung sino nga ba ang lalaking ito. Did she mistook him for an escort? Kilala nga ba siya nito at ang kanyang sekretarya?

"Good. You pick the right man," he suddenly leaned closer and whispered in his sexy baritone voice. His lips brushed her ear, teasing her.

She felt tickles and a strange feeling aroused within her. She also felt spark ignited between them as their skin briefly touched.

"When will we start?" ang nagseselos nitong reaksiyon ay napalitan na ngayon ng excitement. May pilyong ngiti pa ito.

Nabighani siya sa mga labi nito at wala sa sarili niyang banayad na hinaplos iyon gamit ang kanyang mga daliri.

"Hey?" he chuckled as he noticed what she did.

Nababahala niyang tinanggal ang mga daliri sa labi nito at muling ibinalik sa pagkakahawak sa leeg nito. "S-Sorry," napapikit siyang nagdasal na sana hindi siya kutyain o pagtawanan nito sa kanyang naging asal.

"What are you sorry for?" nagtatakang tanong nito. Wala siyang narinig na pinandirihan nito ang kanyang ginawa. "You have to wait, pretty lady. We need our privacy first," nanunudyo pa nitong turan.

Napakagat labi na lamang siya sa hiyang nararamdaman. If this is the man that will take her v*rginity then she's willing to submit. And their future baby must have his genes.

Ihinilig niya ang kanyang ulo sa matikas at matipuno nitong dibdib. Doon niya naramdaman ang sobrang pagod mula sa makeover nila ng sekretarya niya maghapon. She had never felt such peace—except now, in the arms of her hired escort.

ALDRICH ASTOR IS IN A BUSINESS MEETING IN TAIWAN WHEN HIS UNDERCOVER AGENT CALLED.

He picked up his phone from his pocket and excused himself before answering the call. "It's gotta be urgent," he said in a haste.

"Your beloved Pepper is getting a makeover today. Finally! I'm gonna be seeing her out of these boring frumpy clothes," his agent from the other line reported excitedly.

He annoyingly growled in a low voice. "Do you think I'm wasting my time for that matter? I don't care how she looks or whatever she wears. She's still the most beautiful woman in my eyes," he scolded his agent.

He heard her laugh and then talked again. "Kung sasabihin ko bang nagpapaganda siya para pumili ng male escort mamayang gabi? May gagawin ka ba?" nang-aasar pa nitong pahayag.

"F*ck!" he cursed unconsciously. "What did you just say?" nanghahamon niyang pinapaulit dito ang sinabi. Nais niyang malaman kung hindi niya ba iyon guni guni at pawang katotohanan ang pinagsasabi ng agent niya sa kanya.

"Ang sabi ko, busy ang pinakamamahal mo ngayon para magpaganda. Mamayang gabi ay may pupuntahan kaming nightclub para pumili siya ng male escort at ibabahay," pag-uulit nito sa ibinalita.

"What for? Sa personality niya, I doubt she'll do that," he's trying to debunk her report.

"Ito kasing Daddy ni Pepper, biglang naglabas ng kondisyon sa kung sino ang magmamana ng kompanya ng namatay na Mommy niya. To think na si Pepper ang rightful heiress. Parang kompetisyon na kesyo paunahan magbigay ng apo sa Dad niya ang karapat-dapat tagapagmana bago bigyang pagkakataon ipamalas ang kakayahan sa pagpapatakbo ng kompanya. Ang v*rgin na 'to, desperada na talaga. Kaya napapayag kong mag-hire ng male escort," sa pagiging taklesa nito ay nabuking niyang pakana rin pala nito ang pag-impluwensiya kay Pepper.

"Since ikaw ang nagpayo sa kanya na gawin ang bagay na iyan. You'll be cut half of your salary this month!" naiinis niyang pinagalitan ito. Matapang siya at walang inaatrasang problema't kalaban ngunit pagdating kay Pepper ay tiklop siya. Ang tanging babaeng itinitibok ng kanyang puso.

"Sandali lang, Aldrich!" pagpigil nito noong papat*yin na niya ang tawag. "Planado ko ito lahat para sa inyong dalawa. You just need to come tonight and she'll pick you. I swear! It will happen," she's now trying to convince him to pretend as a male escort!

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Ako magiging male escort?" muli niya itong pinagalitan. "At alam mo namang hindi pa puwedeng magsama kami dahil mapapahamak siya. Her life will be in danger. I'm trying my best here to hunt down my archenemy so I don't have anything to worry when I finally take her with me," he explains his concern and ongoing dread.

"Aldrich, hindi na kayo bumabata pareho ni Pepper. Kailangan mong gumawa ng paraan para maglapit kayo. Mas magiging masaya ang buhay mo kung susundin mo ang kagustuhan ng puso mo kahit minsan man lang. Ilang taon ka nang nagtitiis na panoorin siya sa malayo. This is your chance," she gave him a piece of advice. "I'll text you the place. Be there on time or else she might pick someone else."

Natahimik siya at naisip na may katuturan din pala ang mga lumalabas sa bunganga ng pasaway niyang agent.

All he had to do is be in that nightclub on time tonight or he will lose his beloved Pepper.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Pepper Delgado: Desperate Heiress   Chapter 3

    PEPPER WOKE UP IN A COMFORTABLE BED. Bumangon siya at naupo sa kama kahit nakapikit pa ang kanyang mga mata. Nag-inat siya ng mga braso at humikab. This is the first time she had a good sleep in a while. Kinusot niya ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay. Kumurap kurap siya at napagtanto niyang nasa estranghero siyang silid. It was a luxury hotel suite. Namangha siya sa simple ngunit eleganteng disenyo ng kuwartong kanyang kinaroroonan. Tumayo siya at naglibot. Kinuha niya ang remote control ng kurtina at pinindot iyon. Kusang nahawi ang nakatakip na kurtina sa glass wall. Tumambad sa kanya ang maaliwalas na sinag ng araw. "It's already morning?" hindi makapaniwalang bulalas niya sa sarili. She slept that long? Napahawak tuloy siya sa kanyang tiyan noong narinig niyang kumalam iyon. Ramdam niya ang gutom dahil sa mahabang oras ng pagtulog at hindi siya nakakain ng hapunan. She went inside the bathroom to wash her face and gurgle. After doing so, she looked at her ref

  • Pepper Delgado: Desperate Heiress   Chapter 2

    PEPPER CAME BACK AT WORK AFTER CONSULTING AN OB-GYN AT ST. JOSEPH'S HOSPITAL. Nagpakonsulta siya patungkol sa artificial insemination na isa sa naisip niyang plano upang magbuntis sa lalong madaling panahon.Napabuntong hininga siya. Ayon sa doktora, thirty percent lamang ang kanyang tiyansa na magtagumpay sa prosesong ito. Ngunit kahit pabiro ay nagbigay ng advise ang doktora na maghanap at magbayad na lamang siya ng lalaking maaaring makatalik niya't subukang bumuo ng bata."Kumusta, Ma'am? Anong sabi ng doktor?" sinalubong ni Amberlyn ang kanyang pagdating at paanas itong nagtanong.Malungkot niya itong tinapunan nang tingin sabay upo sa kanyang swivel chair. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang sekretarya at walang balak tantanan sa pag-usyuso sa kanya."I only have thirty percent success rate in artificial insemination," dismayado niyang pagbabalita rito.Nalungkot din ito para sa kanya. Pero bigla itong nakaisip ng ideya."Bakit hindi ka na lang magbayad ng lalaking magbubuntis

  • Pepper Delgado: Desperate Heiress   Chapter 1

    KANINA PA TULALA SI PEPPER SA HARAP NG KANYANG DESKTOP. "Ma'am Pepper, you have to do something," pangungulit ni Amberlyn sa kanya, ito ang kanyang sekretarya. "Hindi mo maaaring hayaan ang mag-inang may sung*y na nakawin ang mga mana at pagmamay-aring nararapat para sa iyo. Ang kompanyang ito ay pinaghirapan at pinagsikapang itayo at itaguyod ng namayapa mong butihing ina. Siya ang dahilan kung bakit naabot natin ngayon ang tinatamasang tagumpay," patuloy ito sa pagsasalita. Nag-angat siya nang tingin dito. Kalmado ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Tahimik niya itong pinagmasdan. Tumigil ito sa kakadaldal ngunit muli na namang tumalak matapos ang ilang segundong pagpreno ng bibig nito. "Masyadong mabait ang Daddy mo sa ilusyonado't ilusyonadang mga sampid sa pamilya ninyo. Tila ginawa niya ang mga kondisyong iyon para bigyang pagkakataon ang spoiled brat mong half-brother na manahin ang mga ari arian ninyo. Anong klaseng kondisyon ang mga naisip ng Daddy mo? Mas pinagtuonan pa tal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status