LOGIN
Ysabel Trinidad’s point of view
Ngayon na ang araw na pagpunta ko sa mansyon ng mga Montenegro upang magsimulang magtrabaho. Araw na matagal kong pinaghandaan, ngunit ngayong narito na ito ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Bago tuluyang magtungo roon, dumaan muna ako sa ospital upang mabisita si Valerian. Kailangan kong makapagpaalam nang maayos bago magsimula sa bagong trabaho. Hindi na sapat ang maliit naming ipon upang tustusan ang pagpapagamot sa kanya. Habang tumatagal ay lalo lamang lumalaki ang gastusin sa ospital. Kaya kahit gaano ako kinakabahan at natatakot, kailangan kong gawin ito. Pagdating ko sa silid ni Val, agad akong sinalubong ni Inay Violeta. "Oh, iha. Nandito ka na pala." Napangiti ako bago tumingin sa kapatid kong mahimbing na natutulog sa hospital bed. "Kamusta po siya, Nay?" "Maayos naman sa ngayon." Bahagya akong nakahinga nang maluwag. Nang magtanong ako tungkol sa operasyon ni Val, napansin kong agad na nalungkot ang ekspresyon ni Inay. "May inaayos pa ang doktor," mahina niyang sagot. Tumango na lamang ako. Hindi ko maiwasang maalala na kung hindi dahil sa aksidenteng nangyari kay Val, baka hindi pa namin nalaman na may cancer siya. Masakit man isipin, pero kahit paano ay nabigyan kami ng pagkakataong maagapan ang sakit niya. Maya-maya ay hinawakan ni Inay ang braso ko. "Sigurado ka bang gusto mong magtrabaho roon?" Ramdam ko ang pag-aalala sa kaniyang tinig. "Opo, Nay. Kailangan natin ito para kay Val." Bahagya siyang ngumiti ngunit halatang nag-aalala pa rin. Lumapit ako sa higaan ng kapatid ko at marahang hinaplos ang kanyang buhok. "Pagaling ka, ha?" mahina kong bulong. "Ipapagamot ka ni Ate. Pangako." Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako. Hindi ko na rin nahintay pa ang Itayb na bumili ng makakain nila. Mahigpit kong niyakap ang bag na dala ko habang palabas ng ospital. Kaya mo 'to, Ysabel. Para kay Valerian. Para sa pamilya mo. Huminga ako nang malalim bago tuluyang sumakay sa pampasaherong sasakyan papunta sa mansyon ng mga Montenegro. Habang papalapit ang sasakyan sa destinasyon ko, lalo ring bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa mansyon ng mga Montenegro. Ngunit kailangan kong maging matatag. Pagkababa ko sa harap ng napakalaking gate ay halos mapahinto ako sa kinatatayuan ko. Napakalaki ng mansyon, mas malaki pa ito kaysa sa anumang naisip ko noon. Parang isa itong lugar na nakikita lamang sa telebisyon o sa mamahaling magazine. Napalunok ako bago lumapit sa isa sa mga katulong na nakabantay sa loob. "H-Hello po." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba ang bagong maid?" “Opo." Sagot ko. "Halika." Tahimik akong sumunod. Habang naglalakad kami papasok, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa paligid. Makikinang ang sahig, napakalalaki ng mga chandelier, at halos bawat sulok ng mansyon ay sumisigaw ng karangyaan. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na iyon. Pagdating namin sa servant quarters ay itinuro niya ang isang pinto. "Diyan ang kwarto mo." Napakurap ako. "May sarili po akong kwarto?" Tumango siya. "Lahat ng katulong dito ay mayroon." Bago pa ako makasagot ay may lumapit na babae sa amin. Malawak ang ngiti nito. "Ako nga pala si Amaris." "Ysabel." "Nice to meet you." Napangiti rin ako. Sa wakas ay may mukhang mabait akong nakilala at kaedad ko pa. Ngunit agad ding nagbago ang ekspresyon niya. Lumapit siya sa akin at ibinaba ang boses. "Darating si Señorito Maximo mamaya." Napakunot ang noo ko. "Si Señorito?" Tumango siya. "Mag-ingat ka." "Bakit?" Nagtataka kong tanong. Saglit siyang napalingon sa paligid bago muling tumingin sa akin. "Lahat ng tao rito ay takot sa kaniya." Bago pa ako makapagtanong ay may tumawag sa kaniya. “Amaris!” Agad siyang napalingon. "Kailangan ko nang umalis. Mamaya ulit." At mabilis siyang tumakbo palayo. Naiwan akong mag-isa at puno ng tanong. Sino ba ang Señoritong iyon? At bakit parang takot na takot ang lahat sa kaniya? Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. "Ysabel!" Agad ko iyong binuksan. "Andiyan na si Señorito!" Hindi ko alam kung bakit, pero tila sabay-sabay na bumilis ang tibok ng puso ng lahat ng tao sa paligid. Agad akong sumunod palabas, at habang papalapit kami sa malaking sala ay napansin kong tila mas lalong naging tahimik ang buong mansyon. Pagpasok namin ay agad kong nakita ang lalaking pinag-uusapan nila. Doon ko lang tuluyang naintindihan kung bakit kinatatakutan siya ng lahat. Napakataas ng tindig nito. Malamig ang ekspresyon. At kahit wala siyang ginagawa, ramdam na ramdam ang awtoridad na dala ng kaniyang presensya. Mukhang hindi siya ang tipo ng taong madaling suwayin. Habang tahimik na nakatayo ang lahat ay may isang katulong na humahabol na dumating. Agad itong napatingin kay Maximo. "S-Sorry po, Señorito." Hindi man lang siya tinapunan ng tingi nito. "You are late." Namutla ang katulong. "P-Pasensya na po—" "You are fired." Parang huminto ang buong paligid. Walang nagtangkang magsalita, walang nagtangkang magtanggol. Tahimik lamang na yumuko ang katulong bago umalis. Nanlaki ang mga mata ko. Isang pagkakamali lang at tanggal agad sa trabaho? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Talaga ngang nakakatakot siya. Pagkatapos noon ay muli siyang nagsalita. "Where's the new maid?" Para akong nanigas sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba. Lalo rin bumilis ang tibok ng puso ko. "A-Ako po." Bahagya akong humakbang papunta sa harap. At sa unang pagkakataon ay direktang nagtama ang aming mga mata. Biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Pakiramdam ko ay ako lamang ang nakikita niya sa sandaling iyon. Malamig at mariin ang kaniyang titig. Parang sinusuri niya ang bawat detalye ng pagkatao ko. Hindi ko alam kung ilang segundo iyon tumagal. Ngunit sapat iyon upang makaramdam ako ng hindi maipaliwanag na tensyon. "Mhm." Iyon lamang ang sinabi niya. Pagkatapos ay tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad. Napabuntong-hininga ako nang hindi ko namamalayan. Agad akong kinalabit ni Amaris. "Si Señorito Maximo Felipe Montenegro iyon." Napalingon muli ako sa direksiyong pinuntahan niya. "Ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Montenegro." Tumango ako, ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. "At isa pa," bulong ni Amaris. "Hm?" "Sa lahat ng taong nagtrabaho rito, ikaw lang ang nakita kong pinagtuunan niya ng pansin." Napakunot ang noo ko. “Huh?” "Ngayon lang siya tumitig nang ganoon sa isang katulong." Bago pa ako makasagot ay may matandang babae ang lumapit sa amin. "Maglinis na kayo at huwag magdaldalan. Kapag naabutan kayo ni Nanay Carlotta, siguradong mapapagalitan kayo." Agad kaming tumango. "Si Ate Leonor 'yan. Katiwala ni Nanay Carlotta, ang mayordoma ng mansion." Nagtungo kami sa second floor upang maglinis. Tahimik ang lahat habang abala sa kani-kanilang gawain. Ngunit habang tumatagal ay may kakaibang pakiramdam na unti-unting gumagapang sa akin. Parang may mga matang nakamasid. Huminto ako sandali at lumingon sa likod ko. Wala. Tumingin ako sa magkabilang dulo ng hallway. Wala rin. Napakagat ako sa ibabang labi. Baka guni guni ko lang. Ngunit kahit anong pilit kong balewalain ang nararamdaman ko, hindi nawawala ang pakiramdam na may isang pares ng mata na mariing nakatingin sa akin. At hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam na sa kabilang dulo ng mahabang palsilyo ay tahimik na nakatayo si Maximo Montenegro. Tahimik, mariin, at hindi inaalis ang tingin sa akin.Ysabel Trinidad’s point of view"Lalim ng iniisip natin ah." Napakurap ako at saka dahan dahang napalingon sa aking kanan. Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala nakatayo si Amaris sa tabi ko habang pareho kaming abala sa paglilinis ng napakalawak na sala ng mga Montenegro. Hawak niya ang feather duster ngunit imbes na magtrabaho, nakatitig lang siya sa akin na para bang kanina pa niya hinihintay na magsalita ako. Bahagya siyang ngumiti. "Kanina pa kita pinagmamasdan. Ilang beses ka nang napapatigil sa pagpupunas. Mukhang wala ka sa sarili mo, Ysabel." Napabuntong hininga ako at ibinalik ang tingin sa mamahaling center table na pinupunasan ko. "May nakarating na balita sa akin." Mahina ang boses niya, halos pabulong lamang, ngunit sapat iyon para mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko na kailangang magtanong kung anong balita ang tinutukoy niya. Alam ko na agad. Mabagal akong tumango bago muling napabuntong hininga. "Oo." Sandali akong natigilan bago ko ipinagpat
Ysabel Trinidad’s point of view"Good answer, Trinidad." Mabilis na lumabas ang mga salitang iyon mula kay Maximo. Nanatili akong nakatayo sa gitna ng malawak niyang pribadong silid habang pilit na kinakalma ang sarili ko. Masyadong tahimik ang buong silid. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang ugong ng air conditioner at ang mabilis na tibok ng puso ko. "Relax." Mababa ang boses niya. Hindi iyon malakas, ngunit sapat na upang mapatuwid ako lalo ng tayo. "Opo, Señorito." Nanatili siyang nakatingin sa akin. Those sharp eyes seemed to analyze everything. Parang wala siyang pinalalampas. Mula sa paraan ng pagtayo ko hanggang sa bahagyang paggalaw ng mga kamay ko. Napalunok ako. "Did you have a good breakfast?" Tanong niya habang papalapit sa akin.Alam kong hindi na ako makaka tras dahil naramdaman ko na ang malamig na pader sa likuran ko.“Y-yes, Señorito.”Tumango siya nang bahagya. "Good." May kakaibang seryosong ekspresyon sa mukha niya. "I heard you're feeling better.
Ysabel Trinidad’s point of view"Good answer, Trinidad." Mabilis na lumabas ang mga salitang iyon mula kay Maximo. Nanatili akong nakatayo sa gitna ng malawak niyang pribadong silid habang pilit na kinakalma ang sarili ko. Masyadong tahimik ang buong silid. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang ugong ng air conditioner at ang mabilis na tibok ng puso ko. "Relax." Mababa ang boses niya. Hindi iyon malakas, ngunit sapat na upang mapatuwid ako lalo ng tayo. "Opo, Señorito." Nanatili siyang nakatingin sa akin. Those sharp eyes seemed to analyze everything. Parang wala siyang pinalalampas. Mula sa paraan ng pagtayo ko hanggang sa bahagyang paggalaw ng mga kamay ko. Napalunok ako. "Did you have a good breakfast?" Tanong niya habang papalapit sa akin.Alam kong hindi na ako makaka tras dahil naramdaman ko na ang malamig na pader sa likuran ko.“Y-yes, Señorito.”Tumango siya nang bahagya. "Good." May kakaibang seryosong ekspresyon sa mukha niya. "I heard you're feeling better.
Ysabel Trinidad’s point of view"Good morning, Miss Ma'am." Iyon agad ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mga mata. Kasabay noon ang pamilyar na mukha ni Amaris na nakangiting parang nanalo sa lotto. Napapikit ako ulit. Hindi pa man ako tuluyang nagigising ay alam ko nang may kalokohan na namang ginagawa ang babaeng ito. "Breakfast in bed." Ipinakita niya ang tray na dala. "At your service." Napairap agad ako. "Nababaliw ka na talaga." Mas lalo lang siyang natawa. Nakaupo ako sa kama habang pinagmamasdan siya. Nakasuot pa rin ako ng simpleng pambahay habang bahagyang kumikirot pa rin ang sugat sa paa ko. Hindi naman ganoon kalala. Sa totoo lang, kaya ko nang magtrabaho. Pero mukhang hindi ganoon ang opinyon ng isang tao sa mansyon na ito. "Kamusta ang paa natin, Señorita?" tanong niya habang may mapang-asar na ngiti. Napailing ako. "Mukha ba akong alagain?" "Ay grabe siya." Tumawa si Amaris habang inilalapag ang tray sa tabi ko. "Seryoso nga ako." Pagkatapos ay inilapi
Ysabel Trinidad’s point of view"Sigurado ka bang katulong ang ipinasok mo rito at hindi future wife ni Señorito?" Napataas agad ang kilay ko habang napapailing. Nakaupo si Amaris sa kama ko na parang sarili niyang kwarto ang pinasok niya. Katatapos lang namin magtrabaho ngunit mukhang wala pa rin siyang balak matulog. "Kapag nahuli tayo ni Ate Leonor, pareho tayong mapapagalitan," reklamo ko. Ngunit lalo lamang siyang natawa. "Katulong ka lang ba talaga rito, Ysabel?" "Oo naman." "Mukhang hindi ganyan ang tingin ni Señorito sa'yo." Napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang, kahit ako ay nalilito na rin minsan sa mga ginagawa ni Maximo. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa akin. Isa lamang akong ordinaryong katulong, ngunit pakiramdam ko ay palagi niyang napapansin ang bawat nangyayari sa akin. "Isipin mo nga," patuloy ni Amaris. "Nasanggi mo lang iyong side table noong isang araw at nagkapasa ka." Napailing siya. "Halos pagalitan niya sina Ate Leonor dahil pinagawa ka r
Ysabel Trinidad’s point of viewNgayon na ang araw na pagpunta ko sa mansyon ng mga Montenegro upang magsimulang magtrabaho. Araw na matagal kong pinaghandaan, ngunit ngayong narito na ito ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Bago tuluyang magtungo roon, dumaan muna ako sa ospital upang mabisita si Valerian. Kailangan kong makapagpaalam nang maayos bago magsimula sa bagong trabaho. Hindi na sapat ang maliit naming ipon upang tustusan ang pagpapagamot sa kanya. Habang tumatagal ay lalo lamang lumalaki ang gastusin sa ospital. Kaya kahit gaano ako kinakabahan at natatakot, kailangan kong gawin ito. Pagdating ko sa silid ni Val, agad akong sinalubong ni Inay Violeta. "Oh, iha. Nandito ka na pala." Napangiti ako bago tumingin sa kapatid kong mahimbing na natutulog sa hospital bed. "Kamusta po siya, Nay?" "Maayos naman sa ngayon." Bahagya akong nakahinga nang maluwag. Nang magtanong ako tungkol sa operasyon ni Val, napansin kong agad na nalungkot ang ekspresyon ni Inay. "May inaa







