Share

BOOK II: KABANATA 3

Penulis: ExDealers
last update Tanggal publikasi: 2026-07-07 23:32:56

Naiwan akong nakatayo, nakahawak sa braso ko na bahagyang namula dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Napakurap-kurap ako, hindi makapaniwala sa naging reaksyon niya.

Cheap woman…

Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag niya akong cheap??

Sa ganda at yaman kong 'to, sinabihan niya akong cheap?!

Patakbong lumapit sa akin sina Jane at Rina, kasunod ang iba pa naming mga kaibigan. Halos mag-unahan sila sa pag-usisa habang ang mga mukha nila ay magkahalong gulat at excitement.

"Oh my God, Alyzza! T
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Uno Maldita
nxt please
goodnovel comment avatar
LA-EL
Nxt please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   BOOK II: KABANATA 8

    Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang titig na titig pa rin sa naiguhit ko. Bakit ito ang naiguhit ko? Ang nasa isip ko lang kanina ay lagyan ng kakaibang awra ang tanaw kong view sa labas. Parking lot? Babaeng nakahandusay at dalawang lalaki na may patalim? Hindi kaya… ito ang tinutukoy noon ni Ymilio na nangyari sa akin bago ako mawalan ng ala-ala? Sabi niya nasa bingit ako ng kamatayan nang matagpuan niya ako? Ako ba itong babae?Sari-saring teorya na ang pumapasok sa utak ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko nang mapansin ko ang matinding panginginig nito. Pagkatapos ay pilit kong pinakalma ang sarili ko. "Imposibleng ito nga ang nangyari sa akin. Baka napanood ko lang sa ‘to sa kung anong palabas bago ako mawalan ng memorya," pagkumbinsi ko sa sarili ko. Kukuha sana ako ng tela para takpan ang canvas dahil para akong nasusuka sa tuwing tinititigan ko ito, nang bigla kong narinig ang pagbukas ng digital lock ng pintuan.Si Ymilio. Pagpasok niya ay agad niyang ibinaba ang

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   BOOK II: KABANATA 7

    Nanatili akong nakaupo sa kama habang nakatingin sa pigura niya. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang sumikip ang dibdib ko. Lagi siyang nakangiti sa akin pero hindi ganito. Ang lawak ng pagkakangiti niya ngayon. Sa sobrang lawak ay ngayon ko lang napagtanto na may dimple pala siya. Sino ba'ng kausap niya? Imposible namang katrabaho niya dahil lumabas pa siya at talagang isinarado ang pintuan. Dahil sa mga tanong na isa-isang pumasok sa utak ko, at sa matinding kuryusidad, dahan-dahan akong bumaba sa kama. Sinikap kong huwag lumikha ng kahit anong ingay habang papalapit na ako sa de-salaming pinto ng balkonahe. Nang nandoon na ako ay idinikit ko ang tainga ko sa glass panel. "...please, take care of yourself. Darating ako d'yan mamaya, okay?" dinig kong sabi niya sa kausap. Mariin kong nakagat ang labi ako at awtomatikong napakapit sa kumirot na namang dibdib ko. Ang lambing lambing ng pagkakasabi niya n'un. Walang panama ang kalambingan ng boses niya kapag ako ang kausap niya.

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   BOOK II: KABANATA 6

    Pagkalapag na pagkalapag niya sa akin sa kama, mabilis niyang hinila ang pinakaitaas na drawer ng nightstand at inilabas mula doon ang dalawang wireless gaming controller. Isang sulyap lang niya sa malaking screen sa tader ay awtomatiko na itong bumukas at nag-load ang paborito naming fighting game."Let's see if you can keep up with me this time," nakangising hamon niya sabay maingat na binato sa akin ang kulay pulang controller.Mabilis ko naman itong nasalo, sunod ay naupo na ako sa gitna ng kama, isinandal ko ang likod ko sa naglalakihang unan. "Akala mo naman sobrang galing mo? Tatlong araw mong idinahilan 'yang mga business meetings mo kaya nakaligtas ka sa pagkatalo! Babawian kita ngayon, Lord master!""We'll see," maikli niyang sagot at namili na ng kaniyang karakter sa screen.Nagsimula ang unang round at agad na napuno ng ingay ng mga pinipindot na buttons ang buong kwarto. Talagang seryoso ako ngayon dahil tatlong araw ko itong lihim na pinag-ensayuhan tuwing wala siya sa m

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   BOOK II: KABANATA 5

    Huminga ako nang malalim at tinalikuran na muna ang malaking salamin. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko. Bahagya akong natawa sa sarili ko habang patungo ako sa malawak na kusina. Kung anuman ang nakaraan ko bago ang aksidente, mas gusto ko na lang munang i-enjoy kung anong mayroon ako ngayon. At least dito, reyna ako na nagpapanggap na katulong.Para mawala ang inip ko habang naghihintay sa kaniyang pag-uwi, nagdesisyon akong linisin na naman ang buong sala. Sobrang linis naman dito pero para may magawa lang ako, nilinisan ko pa ito lalo. Nang matapos ako ay nagluto na rin ako ng hapunan namin mamaya. Nakapagtataka lang dahil kahit wala akong maalala sa buhay ko, pagdating sa kusina ay tila may sariling utak ang mga kamay ko. Alam ko kung aling mga pampalasa ang babagay sa karne, at kung paano hiwain ang mga gulay nang mabilis nang hindi nasasaktan ang sarili ko."Siguro chef ako sa past life ko," natatawa kong bulong sa sarili ko habang hinahalo ang niluluto kong adobo.Eksakton

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   BOOK II: KABANATA 4

    PRESENT DAY"Ika, my coffee…”Napaayos ako ng tayo nang marinig ang malalim na boses ni Ymilio habang pababa siya ng hagdan. Naka-unbutton ang unang dalawang butones ng kaniyang pormal na polo at medyo gulo pa ang kaniyang buhok. Ilang buwan na rin ang nakalilipas mula noong gabi na nagising ako rito sa kaniyang mansyon. At hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa angking kakigisan niya. Sobrang guwapo niya at ganoon din siya kabait sa akin, pero hindi ko alam kung bakit… parang natatakot ako na suwayin siya. Wala akong maalala, ni sariling katauhan ko ay wala akong kaalam-alam. Kung sino ang mga magulang ko, pamilya ko, at kung may kaibigan ba ako. Dito sa mansyong ito, katulong ako ng isang Ymilio at siya naman ang Lord master ko."Ika, my coffee," ulit niya, nasa harapan ko na siya, kaya nawala ako sa malalim na pag-iisip. “A-Ahh… yes po, Lord master. Ito na…” Ang kaniyang matatalim na mata ay dahan-dahang bumaba sa suot kong maid uniform na halos hindi naman mukhang unifor

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   BOOK II: KABANATA 3

    Naiwan akong nakatayo, nakahawak sa braso ko na bahagyang namula dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Napakurap-kurap ako, hindi makapaniwala sa naging reaksyon niya.Cheap woman…Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag niya akong cheap??Sa ganda at yaman kong 'to, sinabihan niya akong cheap?! Patakbong lumapit sa akin sina Jane at Rina, kasunod ang iba pa naming mga kaibigan. Halos mag-unahan sila sa pag-usisa habang ang mga mukha nila ay magkahalong gulat at excitement. "Oh my God, Alyzza! Tama ba ang nakita namin? Tinulak ka?!" tili ni Rina, halatang natuwa pa sa sinapit ko. “Omg, tama din ba ang nakikita ko ngayon?! Ang pangit mo?!” sarkastiko at inis kong balik na pang-iinsulto. "Letche!”"Teka, ayos ka lang ba? Namumula braso mo, oh!” turo ni Jane sa braso ko kaya mas lalo ako nainis. Tumuwid ako ng tayo at padabog na bumalik sa lamesa namin. Dahil sa bwisit ko, hindi ko na na-enjoy ang mga sumunod na sandali. Nagpaalam na lang ako sa kanila na uuwi na dahil talagang walang m

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 2

    Halos tumigil ang paghinga ko sa mga binitawan niyang salita. Hindi man ako nakatingin sa kaniya'y ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa akin.Parausan tuwing gabi…Hindi ako t*nga para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin doon. Sa café pa lang ay quotang quota na ako sa ilang pambabastos

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 1

    Naniniwala ako na kapag mahirap ka, wala kang bilang sa mundo.Dito sa maliit na baryo namin sa Cagayan, kaming mga mahihirap ay parang asong kalye kung ituring. Uutos-utusan ng kung sinumang mas nakatataas sa amin, tapos kapag hindi na kailangan, basta na lang itatapon sa gilid.Bukod sa wala kami

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 36

    Mabilis akong natapos sa pagligo dahil na rin sa excitement. Paglabas ko ng banyo, nakita kong nakahanda na sa ibabaw ng kama ang isang simpleng t-shirt at maong na shorts. May kasama pa itong white rubber shoes na alam kong kay Ymilio galing dahil wala naman akong dalang ganoong sapatos."Isuot mo

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 5

    Medyo natagalan bago ako nakabangon mula sa pagkakahiga. Ramdam ko ang lagkit sa buong katawan ko pero mas nangingibabaw ang hapdi. Pagkaapak pa lang ng paa ko sa sahig ay muntik na akong mabuwal. Literal na nangangatog ang tuhod ko."Ten minutes, Ika. I'm counting," dinig kong sabi ni Ymilio mula

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status