로그인Naya Diaz"Ginugulo ka pa ba ni Corazon?" Maya-maya'y tanong ni Mattias habang abala kami sa pamimili. "Text? Tawag? Alam ba niya kung nasaan ka? Alam ba niya ang totoong relasyon ninyo ni Xavier?"Bahagya akong natigil sa ginagawa ko nang marinig ko ang mga katanungan niya.Corazon.It's been ages since I heard that woman's name. Pero kung tutuusin, matagal-tagal na rin simula nang huli niya akong kontakin. Si Xavier pa nga ang sumagot ng tawag na iyon. Hindi rin ako sumipot sa usapan namin at pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na naulit pa ang pangungulit niya.Iniisip ko nga kung talaga nga bang tumigil na siya. Paano pala kung gumagawa siya o nag-iisip siya ng paraan para magawa niya ang plano na gusto niyang gawin sa akin?Umiling ako.Bago ko pa man sagutin ang tanong niyang iyon ay agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko nang mapadpad kami sa baby section. Dali-dali akong naglakad patungo roon at ilang saglit pa ay dumampot ako ng damit ng sanggol."This is so cute
Third Person's POVHindi malaman ni Neri kung ano ang mararamdaman niya habang tinatanaw ang anak na si Naya, kasama si Mattias Avila. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao habang napapatiim-bagang sa mga sandaling iyon.Balak sana niyang tawagan si Dario ngunit agad na nagbago ang isip niya dahil ayaw niyang magtalo na naman silang dalawa. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya at hindi kalaunan ay nilisan ang lugar na iyon.Muli siyang bumalik sa parking lot kung saan ay nandoon at naghihintay sa kanya ang kanyang ina na si Verena.Agad nitong iminulat ang mga mata nito nang pabagsak niyang isinara ang pinto ng kotse. Ilang saglit pa, nang hindi niya napigilan ang kanyang sarili, ay agad siyang sumigaw at pinagpapalo ang steering wheel."That Xavier is always one step ahead!" gigil niyang anas. "I tried everything I had to do para lang makuha ko mula sa mga kamay niya si Naya. Sinubukan ko siyang patayin! Hangg
Mattias AvilaHindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon sa sitwasyon kung saan ay kasama ko ang babaeng lubos akong kinaiinisan. Wala akong balak na pumayag na samahan siya sa mall upang bumili ng mga bagay na kinakailangan niya.Pero nandito ako ngayon at naglalakad kasama niya sa loob ng isang lugar na hindi ko tiyak kung ligtas ba o hindi.Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko sa mga sandaling iyon. Nananatili lamang na nakatuon ang tingin ko sa paligid namin habang sinisigurado ko ang kaligtasan niya. Bagama't wala akong interes na makipagplastikan sa kanya, hindi ko naman siya magagawang pabayaan dahil malalagot ako kay Xavier kung magkataon.Bukod pa roon, parte na siya ng pamilya namin ngayon. At bilang pamilya, hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa kanya.Tumikhim siya. "May gusto ka bang bilhin? Kung meron, sabihin mo lang at ako na ang bahalang gumastos para roon."Umiling ako. "Hindi
Naya Diaz(One hour ago)"Mattias Avila, our cousin, is a military man," wika ni Yven na agad na ikinabilog ng mga mata ko. "He is an elite military fighter and a combat rescue operator. Kilala siya bilang Shadow Wolf, hindi lang sa militar kundi pati na rin sa mga kalaban.""Halos pareho lang sila ng kilos ni Kuya Xavier," dagdag pa ni Jasmine. "Halos parehong takot sa kanila ang mga kalaban. Ang ipinagkaiba lang nila ay masyadong tuso si Mattias. Iyon ang paraan niya para mahuli niya ang mga kalaban niya.""That's how our grandfather trained him," anas ni Yven na ikinatitig ko sa kanya. "Habang si Kuya Xavier ang utak ng mafia operation namin, si Mattias naman ang…ibinabala nila sa kanyon. Siya ang gumagawa ng mga buwis-buhay na misyon. That was the reason kung bakit nasa probinsya siya sa nakaraang apat na taon."Hindi ako nakaimik sa sunod-sunod na mga impormasyong narinig ko mula sa kanila.He is a military man.He is an elite fighter and a combat rescue operator.Siya ang gumaga
Mattias AvilaNapapailing na lamang ako sa tinuran ni Naya kanina. Hindi ko lubos maisip na bukod sa pamilya ko, isa rin siya sa walang tiwala sa akin. Pero kung tutuusin, hindi na ako nabigla sa inasta niyang iyon.Sanay na ako.Noon pa man ay ganoon na ako kung tratuhin ng mga taong malapit sa akin. Minsan pa nga akong napaghinalaan na magnanakaw at kriminal. Karamihan sa kanila ay dahil daw sa kung paano ako manamit at kung minsan pa nga ay dahil na rin sa kung paano ko sila titigan.Nag-usap na kami ni Xavier tungkol sa bagay na iyon at imbes na bigyan niya ako ng advice na baguhin ko ang sarili ko, mas gusto niyang ipagpatuloy ko ang ginagawa ko. Kung magiging kahina-hinala ako para sa mga inosenteng tao, mapupunta sa iba ang atensyon ng mga kalaban sa paligid namin. Mas mapapadali ang pagkilos ko.Matapos kong maligo ay agad na rin akong lumabas ng banyo. Ilang saglit pa ay natigil ako sa pagpupunas ng buhok ko nang makatanggap ako ng tawag mula kay Xyla."Kailan ba ako titigilan
Naya DiazHalos sabay na umangat ang kilay nina Yven at Jasmine sa mga sandaling iyon. Pareho silang hindi nakaimik sa sinabi ko at ilang saglit pa ay agad silang nagkatinginan.Napailing na lamang ako sa inasta nilang iyon ay maya-maya ay tinapunan ko ng tingin si Xavier.He was still in the ICU—unconscious and had no idea what was going on around him.Ikinuyom ko ang mga kamao ko habang nakatuon ang tingin ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita kong kalagayan niya. Sinabi sa akin ni Mom Celine na kailangan kong magpakatatag at huwag masyadong mag-isip, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang huminahon.I want to see him fully awake.Gusto kong makita ang mga ngiti niya habang hindi niya maalis ang tingin niya sa akin. Gusto kong maramdaman ang pag-aalaga niya habang ipinagbubuntis ko ang anak namin. Kung tutuusin, hindi pa namin ipinapaalam sa kahit na sino ang pagbubuntis ko.Ipinangako namin sa isa't isa na sasabihin namin ang tungkol di
Naya DiazIsang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko nang mapukol ang tingin ko kay Xavier na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Magkaharap kami sa mga sandaling iyon kung saan ay nakapatong ang kanyang kamay sa bewang ko.The moment I moved my body again
Third Person's POVGigil na inubos ni Dario ang laman ng bala ng baril na hawak niya. Hindi kalaunan ay ibinalibag niya iyon kung saan ay agad iyong tumama sa vase na malapit sa kanyang desk.Kasabay ng pagkabasag ng vase na iyon ay sinipa niya ang upuan na nasa kanyang tagili
Xavier Iglesias"Sino kayo? Saan niyo ko dinala? Pagbabayaran niyo ang pagdukot niyo sa 'king 'to! Mga hayop kayo! Pakawalan niyo 'ko! I will not let you get away from this!" bulyaw ni Eleanor sa kalagitnaan ng katahimikang namamayani sa loob ng kwartong pinaglagakan sa kanya."
Xavier IglesiasTulog na ang lahat ngunit nananatili pa rin akong gising sa mga sandaling iyon. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga ibinulgar sa amin ng dalawang lalaking bihag namin.Mga tauhan sila ni Verena Diaz,







