Share

Chapter 6

Author: Arstine
last update publish date: 2026-05-16 21:55:53

Walang naging malaking pagbabago sa ekspresyon ni Brandon, ngunit ang kanyang mga mata ay madilim at malamig, na tila ba hindi niya nagustuhan ang itsura ni Elle. Natigilan din sina Edmund at Francis. Hindi ba’t masyadong masakit pakinggan ang mga salita ni Elle?

Ginagawa ba niya ito para makuha ang atensyon ni Brandon, at nag-iba lang ng taktika na puno ng katusuhan? Bukod dito, hihingi ng tawad sa publiko? Hindi ba’t sinasadya niyang sirain si Janica sa harap ng maraming tao?

Naging malamig ang mukha ni Janica at pilit na ngumiti na tila ba nasaktan.

"Elle, hindi ka pa ba tapos sa manggulo?"

Tiningnan ni Elle ang mapanuring mukha ng lalaki, at nakita rin niya ang lakas ng pambabaliktad sa kanya. Ayaw na niyang mag-aksaya ng lakas at mag-isip para magpaliwanag sa mga bagay na alam naman ng iba ang katotohanan! Malapit na siyang makipag-divorce, at ang pakikipagtalo sa mga ito ay magbibigay lang sa kanya ng sakit ng ulo.

Tumalikod si Elle para umalis. Ngunit nang dumaan siya sa tapat ni Brandon, hinawakan siya ng lalaki at gamit ang malamig nitong tingin ay nagawa pa nitong ngumisi nang hindi maipaliwanag.

"Gagamitan mo ba ako ng santong dasalan o santong paspasan?" Marahan nitong sabi.

Hindi agad nakasagot si Elle.

"Ano?"

"Bakit hindi ka lumaban ngayon? Kasasabi mo lang ng matatalim na salita kanina, 'di ba?” Nanliit ang mga mata ni Brandon nang sinabi ito.

Naintindihan ni Elle, at biglang namula ang kanyang mga mata sa galit. Ang lahat ng kanyang emosyon at maging ang kanyang histerya, pagkasira ng loob, at kalungkutan, o ang pagkamanhid at kawalan ng pag-asa ay puro ba palabas at panlilinlang lang sa paningin ng lalaking ito?

Kahit na galit na galit na siya na halos mamatay na, ang tingin pa rin sa kanya ay nagkukunwari. Hindi tulad ni Janica, na may kumpiyansang protektahan ng napakaraming tao.

Ang pakikipagtalo ay magmumukha lang siyang mas kaawa-awa. Bukod dito, iniisip ni Brandon na nanggungulo pa rin siya at pinapagalitan siya sa kanyang kawalan ng alam. Kahit ano pa ang sabihin o gawin niya, hindi ito maniniwala sa kanya. Bakit pa mag-aaksaya ng maraming salita?

Dahan-dahan siyang kumalma at nawalan na ng lakas na makipagtalo.

"Kung ganoon, ipinagdarasal ko ang kaligayahan mo, okay na ba?" Habang tumatango bilang pagsang-ayon.

Kahit ano pa ang maging ekspresyon nito, hindi na siya lilingon pa. Tatlong buwan, ang kailangan niya na lang ay magtiis ng tatlong buwan para tuluyang matapos ang kasalang ito na sumira sa kanyang puso!

Sinalubong siya ni Brandon ng malamig na tingin. Sa loob lang ng dalawang segundo, lumingon na ito sa ibang direksyon. Wala itong intensyon na pansinin ang matalim na emosyon ni Elle.

Ang ilang emosyon, kapag lumamig na, ay tila ba hindi kailanman lumitaw. Ito ang kanilang naging kasunduan at sistema sa loob ng pitong taon.

Hindi sinabi ni Elle kay Charnell ang sitwasyon dito, dahil baka magalit lang si Charnell at maghanap ng makakaaway. Nawalan na rin siya ng ganang kumain.

Naghiwalay sina Elle at Charnell, at bumalik siya sa apartment para mag-impake ng kanyang mga bagahe.

Nang matapos niya itong ayusin ay mag-aalas nuebe na ng gabi. Napansin niya na ang medica book na ibinigay sa kanya ng kanyang guro ay hindi niya nadala. Napakamot sa ulo si Elle at napabuntong-hininga nang maalalang naiwan niya ito sa kanilang wedding room.

Nang walang pag-aalinlangan, isinuot niya ang kanyang coat at nagmaneho patungo sa wedding room. Sa palagay niya, hindi naman gustong umuwi ni Brandon, kaya hindi niya ito makikita doon.

Umakyat siya sa itaas sa pamilyar na daan at itinulak ang pinto ng kwarto. Bigla siyang sinalubong ng mga mata ng lalaki sa loob.

Nakatayo si Brandon sa harap ng floor-to-ceiling window, at ang cellphone sa kanyang kamay ay nasa interface ng isang video chat. Nakita ni Elle ang mukha ni Janica sa screen. Gusto nilang magkita sa lahat ng oras tulad ng isang masiglang magkasintahan.

Kumunot ang noo ni Brandon at tumingin sa kanya. Nang biglang itulak ni Elle ang pinto patungo sa loob, naging malamig ang tono nito.

"Why don’t you knock on the door?"

Napatanga si Elle sa sinabi nito. Bilang asawa nito, pitong taon siyang nanirahan sa wedding room na ito, ngunit dahil lang sa nagmamahalan sila ni Janica, kailangan na niyang sumunod sa patakaran na kumatok sa pinto?

"Get out!" Matigas na utos ni Brandon. Mukhang iniisip nito na sinasadya niyang pumunta roon para makinig sa usapan nila.

Biglang sumikip ang dibdib ni Elle. Tahimik niyang isinara ang pinto at lumabas. Hindi siya gano’n ka-desperada para pakinggan pa ang landian ng asawa niya at ng kabit nito.

Bumaba siya sa hagdan. Narinig din ng maid na si Nanay Simeng ang ingay at lumabas ito.

"Madam, tumatawag po ang matandang ginang." Nang makita siya, agad nitong sinabi.

Napatingin siya sa landline. Sandali siyang nagdalawang-isip bago lumapit. Alam ni Nanay Simeng na bagama't hindi binibigyang-halaga si Elle ng kanyang asawa, mabait pa rin ang matandang ginang kay Elle. Siyempre, hindi na ito nakinig sa iba pang usapan at tumalikod para umakyat sa itaas upang kunin ang mga maruruming damit.

"Elle?" Narinig ang mabait na boses ng matandang ginang.

Tiningnan ni Elle ang oras habang iniisip ang pagkuha sa medical book.

"Grandma, hindi pa po ba kayo natutulog?”

"Malakas pa ang katawan ko. Natututo akong magpuyat dahil sa inyong mga kabataan. Kahit gaano pa kasama, ang tonic na madalas mong ipinapadala sa akin ay nakakatulong naman." Sinalungat siya ng matandang ginang.

Tahimik na naghintay si Elle sa susunod na sasabihin nito. At gaya ng inaasahan niya ay dumiretso rin ang usapin sa dati.

"Elle, dahil alam mo naman ang tungkol sa medisina, bakit hindi ka mag-prescribe ng ilang gamot para i-condition ang katawan mo? Sa pamamagitan lamang ng paghahanda sa pagbubuntis ka magkakaroon ng malusog na sanggol. Alam mo naman, ang kaunlaran ng pamilya ay nakasalalay sa pagkakaroon ng mga anak. Napakaganda sana kung magkakaroon ako ng isang mabait na apo. Kapag may anak na kayo ni Brandon, baka mas maging maayos ang relasyon ninyo bilang mag-asawa. Gustong-gusto rin naman ni Brandon ang mga bata."

Paulit-ulit itong binabanggit ng matanda sa loob na ng maraming taon. Ang existence ni Celine ay kailanma’y hindi niya ipinaalam ang kahit na kanino. Ngayong determinado na siyang makipag-divorce ay mas lalong hindi niya ito sasabihin.

Kahit na walang divorce ay anong silbi ng pag-condition niya sa kanyang katawan? Malamig ang personalidad ni Brandon at walang balak gumawa ng paraan.

Bukod dito, sinabi ni Brandon noong mga nakaraang taon na hindi siya magkakaroon ng anak. Imposibleng hindi alam ng matandang ginang ang mga tsismis tungkol sa kawalan nito ng kakayahang magkaroon ng tagapagmana.

Ngunit pinapayuhan pa rin siya nito na uminom ng gamot para i-condition ang kanyang katawan. Naramdaman niya na ang mga babae sa mundong ito ay tila patutuyuin, pipigain, at kailangang magtiis ng mga pagpapakasakit. Napaka-unfair nito.

Ngunit upang matapos na ang usaping ito, mariin niyang kinuyom ang kamay niya at sinabing, "Grandma, makikipag-divorce na po ako kay Brandon."

Biglang tumahimik ang kabilang linya. Labis ang pagkagulat nito. Pagkaraan ng ilang sandali, matigas na sinabi ni Mrs. Cortez, "I know that you have been wronged. Sadyang hindi marunong magmahal ang batang iyon, but he still respect you as his wife. Elle, pwede mo bang pag-isipan mong muli?"

"I’ve already made a decision."

Natahimik ang matandang ginang nang ilang sandali. Matapos magbuntong-hininga nang malalim, agad itong nagbigay ng opinyon.

"Elle, humihingi ng paumanhin ang pamilya Cortez sa iyo. Huwag kang mag-alala, kahit mag-divorce kayo ay hahanapan kita ng mabuting mapapangasawa. Maraming mabubuting lalaki na angkop para sa iyo. Aayusin ni grandma ang ikalawang bahagi ng buhay mo sa lalong madaling panahon."

Nabilaukan si Elle sa kanyang sariling laway. Hindi niya akalain na sasabihin iyon ng matandang ginang. Hahanapan siya ng bagong pamilya para bumawi sa kanya bago pa man malinis ang kasalukuyan niyang kasal? Hindi ba't napakabilis naman? Ngunit nagdulot din ito kay Elle ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Lumalabas na alam ng lahat kung gaano kasama ang naging kasal niya kay Brandon sa loob ng maraming taon. Hinayaan lang nila na sumuko at magtiis siya para kay Brandon, kaya naman nagbulag-bulagan sila sa kanyang mga hinagpis. Ngayong ayaw na niya, hindi na pwede ang dati nilang gawi.

Natapos ang tawag. Tiningnan ni Elle ang oras. Sampung minuto ang lumipas. Naisip niya, hindi pa rin kaya tapos ang asawa niyang si Brandon? Ganito ba talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao? Gusto niya lang namang kunin ang medical book at umalis agad.

Paakyat na sana siya para magmadali nang biglang bumukas ang pinto. Si Aunt Beth, the second aunt of the second room. Naglakad ito papasok na galit na galit ang mukha. Itinaas nito ang kamay at sinampal siya!

Pak!

Mabilis ang naging reaksyon ni Elle at napaatras ng bahagya. Hindi tuluyang tumama nang buo ang lakas ng kamay ni Aunt Beth, ngunit sumagi pa rin ang mga daliri nito sa kanyang pisngi.

Namanhid pa rin ang pisngi ni Elle. Itinuro siya ni Aunt Beth at binalaan, "Elle, nababaliw ka na ba sa selos? Ano bang mapapala mo sa pagiging miserableng babae na hindi kuntento sa buhay at nandadamay pa ng iba?"

Nadawit si Elle sa isang gulo na hindi niya alam, at hindi siya agad nakabawi sa mga nangyari. Huli na para makipagtalo kay Aunt Beth. Nakarinig siya ng mga yapak ng paa.

Nang lumingon siya, nakita niya na pababa na si Brandon sa hagdan, at ang video chat sa kanyang kamay ay nakabukas pa rin. Tiningnan ni Elle si Janica sa screen, na nakita siyang nakatanggap ng sampal.

Natawa na lamang siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER   Chapter 142

    Ngunit bago pa man sila tuluyang makahakbang papasok sa pinto, napansin ni Elle ang isang itim na kotse na nakaparada sa gilid ng gate ng bakuran. Bukas ang ilaw sa loob ng sasakyan at may anino ng mga taong gumagalaw, ngunit hindi niya maaninag nang maayos ang mga mukha dahil sa dilim. Hindi niya gaanong nakita ang plaka nito, ngunit sigurado siyang hindi iyon ang sasakyan ni Mr. Philip. Nakaramdam siya ng kaunting pagdududa kaya hindi muna siya sumabay kay Carlos sa pagpasok. Pagkahakbang niya sa may bukana ng pinto. Isang pamilyar na boses ang agad na umabot sa kanyang pandinig mula sa loob. "Hahatiin sa tatlong bahagi ang pagkuha ng dokumentaryo. Narito ako para tapat na hilingin ang inyong presensya, kahit sa loob lang ng ilang minuto. Gusto ko sanang maging espesyal na tagapayo kayo ng aking grupo." Natigilan si Elle sa kanyang pagkakatayo. Tumingin siya sa

  • THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER   Chapter 141

    Alam din naman niya ang sitwasyon ng proyekto sa Intellicare ngayon. Bilang bahagi ng research team ng Intellicare, siguradong naroon din si Elle sa bawat pagkuha ng video sa laboratoryo. Kung iisipin ni Brandon na magiging isang malaking sakit sa ulo o abala si Elle sa gagawing proyekto kapag nagkasama sila sa camera, maaari niya itong tanggihan upang maiwasan ang tsismis. Dahil sa naisip na iyon, tahimik na lang na napakagat-labi si Janica sa inis sa kanyang sarili. Talaga namang parang multo si Elle na pabalik-balik sa buhay nila at laging nakakaharang sa mga plano niya! Doon lang nag-angat ng tingin si Brandon para tumingin sa kanilang dalawa mula sa kanyang inuupuan. Nasalubong niya ang mga matang puno ng pag-asa at pag-aalinlangan ni Janica na naghihintay ng kanyang sagot. Matapos ang dalawang segundong katahimikan sa loob ng silid, kaswal lang itong sumagot nang walang pag-aali

  • THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER   Chapter 140

    Gagawin ito sa paraang hindi maaapektuhan ang kanilang kasalukuyang pananaliksik sa kumpanya. Iniisip niyang magiging napakahalaga at sikat ng dokumentaryong ito para sa kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa bagong gamot. Kasalukuyang may swero si Janica sa loob ng San Lorenzo Hospital upang makabawi sa kanyang lakas. Ginamit naman ni Francis ang kanyang bakanteng oras para bisitahin ito sa kanyang silid. "Talaga bang sinabi sa 'yo ni Elle ang mga salitang 'yon? Hindi ko akalaing marunong na rin siyang magmayabang ngayon. Nakapasok lang siya sa Intellicare ay akala mo naman kung sino na siyang may hawak ng kapangyarihan doon," wika ni Francis habang naiiling. Hindi niya akalaing pagbabantaan pa nito si Janica na palitan sa pwesto sa harap ng kanyang mga tauhan. Natawa na lang si Francis sa naisip na kalokohan ng babae. "Anong klaseng tao ba si Elle? Kaya niya ba talagang utusan s

  • THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER   Chapter 139

    Tumango na lang si Elle sa naisip ng kaibigan. Lalo na't nakarehistro si Celine sa ilalim ng pangalan ni Cedrick para sa kanyang kaligtasan. Kahit na malaman pa ni Brandon sa huli na sa kanya ang bata, kusang-loob naman nitong pinirmahan ang kasunduan sa pagbuwag ng kustodiya noon, kaya wala na siyang karapatang bawiin pa ang bata ngayon. Para maprotektahan ang kanyang anak sa pamilya Cortez. Marami na siyang inihandang paraan at pag-iingat. Nang maalala ang presensya ni Cedrick at ang nalalapit na pag-aayos ng kanilang kaso, bahagyang kumalma ang kabang nararamdaman ni Elle. "Tingnan na lang muna natin ang mga susunod na mangyayari. Sa huli, sa akin pa rin naman mananatili si Celine," wika ni Elle sa sarili upang palakasin ang loob. Kung gusto niyang lumago agad ang kanyang kakayahan para labanan ang pamilya Cortez, kailangan niyang siguraduhin na mamumuhay si Celine sa ilalim ng liw

  • THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER   Chapter 138

    Masyadong malalim ang nararamdaman ni Brandon para kay Janica kaya naman nagagawa nitong mag-overtime sa kumpanya para lang samahan ito sa pananaliksik, kaya kung hindi naman ito napapagod ay maaari niya pa itong samahan ng ilang gabi pa roon. Akmang aalis na si Elle sa opisina. Tapos na naman ang pakay niya rito kaya wala na siyang dahilan para manatili pa. Ngunit bago pa man siya tuluyang makatayo, lumapit na si Brandon at naupo sa solong upuan sa kanyang kaliwa habang dahan-dahang nakatitig sa kanyang mukha. "Hindi ka ba napapagod sa dami ng sinabi mo? Hindi pa naman huli ang lahat para umalis ka pagkatapos mong inumin ang tsaa mo." Walang anomang emosyon na makikita sa mukha ng lalaki ngayon. Pinagduudahan pa nga ni Elle kung may binabalak ba itong masamang plano para lang gantihan siya sa ginawa niya kay Janica kanina. Tumingin siya nang may pagdududa sa baso ng tsaa na nas

  • THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER   Chapter 137

    Talaga namang bago ito sa kanyang pandinig. Ibig bang sabihin nito ay maaari niyang mahuli sa akto ang kanyang asawa na hindi pa naman niya kapipirmahan ng divorce papers? Naisip niya tuloy bigla kung pwede niya itong irecord nang maayos para magamit na ebidensya sa paghihiwalay nila, nang sa ganoon ay hindi na siya magigipit pa ng pamilya ng lalaki. "Miss Elle, pasok po kayo." Subalit. Habang abala ang utak ni Elle sa pag-iisip ng mga plano, biglang bumukas ang pinto ng opisina. Agad na nawalan ng saysay ang pagkakataon niyang maging isang baliw na asawa na nambubulabog ng relasyon ng iba. Bahagyang umiling si Elle sa panghihinayang bago tumingin sa pintuan, nag-alinlangan pa siya ng ilang segundo bago dahan-dahang humakbang papasok sa loob. Hindi niya alam kung nilinis ba ang silid o ano, pero walang anomang kalat sa loob ng napakalaking opisina. Nakita niya si Brando

  • THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER   Chapter 35

    Tiyak na hindi inaasahan ng namayapang si Chairman Paul Cortez ang ganitong sitwasyon ngayon. Noong una, personal nitong isinama ang ilang miyembro ng pamilya Cortez upang mamahala sa kanilang mga negosyo sa ibang bansa. Ayon sa balita, sa susunod na taon pa ito babalik ng Pilipinas.

  • THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER   Chapter 33

    Hindi na sumagot pa si Elle. Malinaw naman ang lahat dahil handa lamang makipag-usap sa kanya si Brandon kapag walang ibang taong nakatingin. Ngunit kapag may nakapaligid na, awtomatiko itong bumabalik sa pagwawalang-bahala na tila ba hindi sila magkakilala."Uminom ka na ba ng

  • THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER   Chapter 31

    Hindi alam ni Elle kung paano napansin ng maliit na si Celine ang kanyang nararamdaman. Akala niya ay napakahusay na niyang magtago ng emosyon sa panlabas na anyo, ngunit nagawa pa rin itong makuha ng anak. Hindi naman siya galit, at mas lalong hindi siya nalulungkot. Nararamdaman niya lang na mat

  • THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER   Chapter 29

    Hindi inasahan ni Elle na makikita niya si Brandon sa loob ng bahay. Sa normal na kalagayan, bihira itong umuwi roon. Subalit nitong mga nakaraang araw, tila ba paulit-ulit silang nagtatagpo ng landas nang hindi inaasahan."Napakabusy mo ba sa trabaho?" tanong ni Brandon matapos mag-angat ng tingin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status