Share

BECAME 12.

Author: Batino
last update publish date: 2026-05-22 14:40:27

KINABUKASAN…

“Anong klaseng amoy ang niluluto niyo? Akala ko ba magaling magluto si Yaya Vera? Why naman ganyan ang amoy ng adobong baboy niya? Nakakasuka!” galit na galit na saad ni Savannah habang pababa ng hagdan.

“Anong sinabi mo, honey? Ang sarap kaya ng amoy, nagutom tuloy ako—

Naputol ang sasabihin pa sana ni Draven nang biglang bumukas ang pintuan ng silid ng kanyang ama. Halatang bagong gising pa ito dahil nakapikit pa ang mga mata habang dahan-dahang naglalakad pababa.

“Hmm… ang b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 124

    "Mga tauhan!" malamig ngunit matigas na utos ni Brooklyn. "Ihatid ninyo palabas ng mansyon sina Draven, Natasha, at Hanna." Nagkatinginan ang mga kasambahay bago sila dahan-dahang lumapit kina Draven. Hindi inalis ni Brooklyn ang kanyang titig sa anak. "Tama na ang kalapastanganan mo, Draven," mariin niyang sabi. "Paulit-ulit kitang pinagbigyan, kahit hindi mo iyon napapansin. Pero may hangganan din ang pasensya ko." Napakunot-noo si Draven. "Anong kalokohan 'to, Dad?!" sigaw niya habang mabilis na umatras ng isang hakbang. Hindi siya pinansin ni Brooklyn. Sa halip ay lumingon siya sa abogado. "Atty. Marvin." Tumango ang abogado at agad na lumapit. Binuksan niya ang dalang leather briefcase at maingat na inilabas ang isang makapal na envelope. Isa-isa niyang inilapag ang mga dokumento sa center table bago ibinaling ang mga ito sa harapan nina Draven at Natasha. Nang mabasa ni Draven ang unang pahina, bigla siyang natigilan. Nanlaki ang kanyang mga mata. Sa mismong DNA repo

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 123

    "T... Tita Velma?" gulat na tawag ni Natasha. Nanlalaki ang mga mata niya habang salitan ang tingin kina Velma at Draven. Maging si Draven ay hindi pa rin makapaniwala. Hawak niya ang namumulang pisngi at dahan-dahang tumingin sa kanyang tiyahin. "Bakit... bakit n'yo ako sinampal?" halos hindi makapaniwalang tanong niya. Matigas ang naging titig ni Velma. "Dahil wala ka na sa lugar, Draven," malamig ngunit mariin niyang sagot. "Hindi tama ang paraan ng pagharap mo sa sitwasyong ito. Galit ka, nasasaktan ka, naiintindihan ko. Pero hindi iyon dahilan para mawalan ka ng respeto at pairalin ang emosyon mo sa harap ng lahat." Lalo na sa ama mo!” Natahimik si Draven. Maging si Natasha ay hindi na nakapagsalita matapos marinig ang paliwanag ni Velma. Sa kabilang banda, nanatiling tahimik si Brooklyn. Bahagya lamang umangat ang sulok ng kanyang labi habang walang nakakapansin sa kanya. "Nangyari na ang plano ko..." mahina ngunit makahulugang bulong ni Brooklyn sa sarili habang lihim na

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 122

    Biglang inagaw ni Draven ang hawak na envelope ni Brooklyn at agad niya itong binuksan. "Ito ba, Dad? Ito ba ang ebidensyang nagpapatunay na anak mo si Yannah?" nanginginig ang boses niyang tanong. "At naniwala rin si Vera na ang ama ko ang ama ni Yannah?" Hindi agad sumagot si Brooklyn. Ilang sandali siyang napatitig kay Vera bago siya nagsalita. "Kahit alam mo naman ang totoo, Vera," mariin niyang saad. "Alam mong si Yannah ay anak nating dalawa." Napatakip ng bibig ang ilang kasambahay habang nanlalaki ang mga mata ng mga naroon. Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong mansyon. Wala ni isa ang makapaniwala sa rebelasyong kakalantad pa lamang. "Draven!" malakas na sigaw ni Brooklyn habang pilit inaabot ang mga dokumentong hawak ng anak. Halatang kinakabahan na siya. "Ang hawak mo ay hindi ang orihinal na DNA result na galing pa sa US. Kaya kailangan pa nating hintayin ang isa pang..." "Para saan pa, Dad?!" putol ni Draven sa kanya. Nanginginig ang boses niya habang ma

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 121

    “Makalipas ang ilang minuto... Napabuntong-hininga si Brooklyn at muling napatingin sa vault na nakatago sa likod ng malaking painting sa kanyang opisina. "Mamaya ko na lang bubuksan ang vault," mahina niyang usal sa sarili. "Baka may importante munang sasabihin ang asawa ko." Tumayo siya mula sa kanyang upuan at dahan-dahang lumabas ng opisina. Pagbukas pa lamang ng pinto ay agad niyang nakita si Vera na naghihintay sa labas. Tahimik itong nakatayo habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay. Kahit pilit itong ngumingiti nang makita siya, hindi nito maitago ang kaba sa mga mata. Agad na lumapit si Brooklyn. "Honey?" malumanay niyang tawag habang hinahaplos ang pisngi ng asawa. "Anong problema? Bakit ka napasugod dito?" Huminga nang malalim si Vera bago sumagot. "Hindi kasi ako mapalagay, Honey," halos pabulong niyang saad. "Simula pa kanina, parang may mabigat akong nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag... pero kinakabahan talaga ako." Bahagyang nanginig ang boses nit

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 120

    Nanatiling nakatayo si Vera sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang mga huling salitang binitiwan ni Natasha. Tahimik siyang napatitig sa kawalan. “Katotohanan... sa likod ng kasinungalingan ni Brooklyn?” Mahina niyang nausal. Mariin siyang napapikit at napailing. “Hindi...” “Hinding-hindi magsisinungaling sa akin si Brooklyn.” Mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay upang pakalmahin ang sarili. “Siya mismo ang nagsabi sa akin ng buong katotohanan.” “At wala akong dahilan para hindi siya paniwalaan.” Ngunit sa kabila ng paulit-ulit niyang paghimok sa sarili, hindi pa rin mawala ang kaba sa kanyang dibdib. Parang may hindi maipaliwanag na pangamba ang unti-unting bumabalot sa kanya. Huminga siya nang malalim. Sana... totoo ang lahat ng sinabi ni Brooklyn. Sana wala na namang panibagong kasinungalingang sisira sa buhay naming mag-ina. Samantala... Sa loob ng opisina ni Brooklyn. Agad niyang ipinatawag ang kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan. Isa-isang puma

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 119

    Makalipas ang halos isang oras na biyahe... Unti-unting bumukas ang malaking bakal na gate ng Villareal Mansion. Agad na bumungad sa kanila ang malawak na hardin at ang engrandeng mansyon. “Welcome home, Sir!” Sabay-sabay na yumuko ang mga kasambahay at tauhan nang bumaba si Brooklyn. Ngumiti lamang siya bilang tugon. Kasunod niyang bumaba sina Vera at Yannah. “Wow!” manghang sambit ni Yannah. “Na-miss ko po ang bahay natin!” Napatawa ang ilang kasambahay sa kasiyahan ng bata. Mabilis na tumakbo si Yannah sa hardin. “Dahan-dahan lang, Princess!” pahabol na sigaw ni Brooklyn. “Opo, Daddy!” sagot nito habang kumakaway. Napailing na lamang si Vera. “Napakadaldal talaga ng anak mo.” “Mana sa Mommy niya,” pabirong sagot ni Brooklyn. Napailing si Vera at marahan siyang kinurot sa tagiliran. “Brooklyn!” Napatawa lamang ito. Samantala... Huminto rin ang ikalawang sasakyan. Tahimik na bumaba sina Draven, Natasha, at Hanna. Saglit na pinagmasdan ni Draven ang Villareal Man

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 1.

    C H A P T E R -O N EV E R A : P O V“Argh! Aaah… faster, Draven… faster…”Iyon ang unang bumungad sa akin pagkatungtong ko pa lang sa inuupahan naming bahay ng nobyo ko.Kakagaling ko lang kasi sa center para magpacheck-up, at doon ko nalaman ang pinakamagandang balita na matagal kong hinihintay—b

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 4.

    V E R A : P O V“Oh by the way, Yaya Vera… gusto kong sumama ka sa akin mamaya sa airport.” Napakurap ako at agad napatayo nang tuwid. “P-po? A-ako po? B-bakit po?” kinakabahang tanong ko habang hindi mapakali ang mga kamay ko. Mabagal niya akong nilingon. Malamig ang tingin at seryoso ang mukha

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 3.

    V E R A : P O V Ito ang unang araw ko sa trabaho… kaya kailangan kong kumilos nang maayos. “Mas maganda kung kay Don Brooklyn ka muna magsisimulang maglinis,” bilin ni Marie bago ito umalis papuntang palengke. “Kailangan malinis lagi ang silid ng mga amo.” Tumango naman ako. Alas kuwatro pa lang

  • THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER    Became 2.

    V E R A : P O V “Hoy Vera, huwag ka nang patayo-tayo riyan. Sumunod kayo sa akin ni Yannah. Ayaw kasi nila ng bata rito kaya bilisan mo, baka makita pa tayo ni Don Brooklyn,” bulong ni Marie sa akin. Kaya agad kaming naglakad patungo kung saan man niya kami dadalhin. Siguro sa silid ng mga katulon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status