LOGINWala na siyang ibang maisip na paraan. Ayaw niyang may maniwala kahit isa sa mga kasinungalingan ng baliw na si Logan.Pero tila nabasa ni Kieran ang nasa isip niya. Walang sabi-sabi, agad siya nitong hinapit sa bewang at inilapit sa katawan nito.“I should’ve punched you earlier, Logan, for harassing my girlfriend,” malamig na sabi ni Kieran.Napatingin siya rito. Napakalalim ng boses nito, napakaseryoso, at sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanyang bewang, parang totoong-totoo ang sinasabi nito… Ang galing naman nitong umarte!“That’s a lie!” sigaw ni Logan. “Yeah, I know you’re business partners, but no one will believe that you two are lovers! You can’t fool us!”Napangisi siya. “Do you want proof?”“What?...”Hindi na niya hinintay na matapos si Logan. Humakbang siya palapit kay Kieran, hinawakan ang kuwelyo nito at… hinalikan niya ito.Napatigil ang lahat. Nanlaki ang mga mata ni Kieran sa gulat. Maging siya ay halos hindi makapaniwala sa sarili niyang ginawa.Pero huli na para
Nang matapos ang kanilang last day sa convention, isa-isang nagtayuan ang mga attendees at nakipagkamay sa isa’t isa.“Guys, don’t forget our after-party later!” muling paalala ng host.“Stay here, Niks. May kakausapin lang ako.” paalam ni Kieran.“Sige…” tugon niya. Sinundan niya ito ng tingin habang lumalapit sa isang lalaking nasa late fifties na.Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa, at base sa kilos nila ay tila may negosasyong nagaganap.Nakilala niya ang lalaki. Ito ang may-ari ng isa sa pinakamalalaking airline companies sa America. Magiliw itong nakikipag-usap kay Kieran.Baka kumukuha ng connections si Kieran… naisip niya.Hindi muna siya umalis sa kinauupuan. Hinintay na lang niyang matapos ang pag-uusap ng dalawa at bumalik si Kieran.Pero bigla siyang napapitlag nang may humawak sa kanyang balikat.“Hi, babe. Miss me already?”Biglang nanigas ang buong katawan niya. “Logan?”Hindi siya nakapaghanda sa biglaang paglapit nito. Sa katunayan, tila nakalimutan na niya a
Ngumisi lamang si Logan. Magsasalita pa sana siya nang biglang umalingawngaw ang boses ng host mula sa stage, pinapaupo na ang lahat sa kani-kanilang assigned seats dahil magsisimula na ang programa.“See you later, babe,” nakangising sabi ni Logan bago tuluyang tumalikod. Nakatitig lang siya rito habang papalayo.Nanlamig ang kanyang mga kamay. Parang biglang nawala ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Mabuti na lang at nakahawak pa rin si Kieran sa kanyang baywang kaya hindi siya tuluyang nanghina.“That jerk...” bulong niya. Kagabi pa lang ay may kakaiba na siyang pakiramdam kay Logan. Pero tila hindi iyon pinansin ni Kieran.“Let’s go to our seats,” maikli nitong sabi.Tahimik ito... at iyon ang lalong nagpakaba sa kanya. Bigla niyang naramdaman ang matinding urge na magpaliwanag. Hindi totoo ang sinabi ni Logan, walang nangyari sa kanila! Ayaw niyang isipin ni Kieran na mayroon.Tahimik silang naglakad patungo sa kanilang mga upuan. Hanggang sa makaupo silang dalawa ay hindi pa
Hindi naman nagtagal ang dinner nila ni Logan. Mabilis niya iyong tinapos at nagdahilan na lang na masama ang kanyang pakiramdam.Hindi na kasi siya komportable sa mga pinagsasasabi nito. May kung anong kakaiba sa paraan ng pagkukuwento ni Logan… lalo na sa dami ng alam nito tungkol sa kanya.Bakit parang kilalang-kilala siya nito? Nakaka-creepy na!Pagkatapos ng kanilang dinner ay nagprisinta pa si Logan na ihatid siya hanggang sa kanyang room, pero mariin siyang tumanggi. Ayaw na niyang makasama pa ito kahit ilang minuto lang.Mabuti na lang at hindi na nagpumilit ang lalaki. May nakita din itong kakilala at niyayang mag-inuman kaya hindi na ito nagpumilit na sumama sa kanya.Pagdating niya sa harap ng kanyang kuwarto ay sandali siyang nag-alinlangan. Sa halip na buksan ang sariling pinto, napatingin siya sa katabing pinto ng kuwarto ni Kieran.Andoon kaya siya sa loob? Hindi niya kasi nakitang bumaba ang binata.Habang nagdi-dinner sila ni Logan kanina, panay ang tingin niya sa ele
Nakauko siyang nagsalita, hindi pa rin niya kayang tingnan ito. Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Kieran.“No need... Aalis na rin ako.”Napatingin siya rito. Simple lang ang pagkakasabi nito, walang emosyon sa boses at iyon mismo ang lalong nagpabigat sa dibdib niya.Tahimik itong naglakad patungo sa pinto. Nang madaanan siya nito ay bahagya itong huminto. Akala niya ay may sasabihin ito, pero wala. Nagpatuloy lang si Kieran sa paglalakad, lumabas ito ng kuwarto nang hindi na muling lumingon sa kaniya.Naiwan siya na nakatayo roon. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may malamig na kamay na biglang pumiga sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang papalayong likod nito.Gusto niya itong tawagin, gusto niyang habulin, gusto niyang sabihin….Ano ba ang sasabihin niya?... Kieran, hindi iyon ang iniisip mo… wala akong gusto kay Logan! Napakagat siya sa loob ng kaniyang pisngi. Bakit kailangan niyang magpaliwanag, wala naman silang relasyon. Matagal na silang tapos, wala siyan
Dahan-dahang nagbago ang ekspresyon ni Kieran. Mula sa pagtataka ay unti-unting umangat ang isang sulok ng mga labi nito, hanggang sa tuluyan itong ngumiti… isang mabagal at mapanuksong ngiti.“Are you jealous, Niks?”Biglang nag-init ang buong mukha niya. “Fuck you!”Mabilis siyang tumalikod. Ayaw niyang makita nito ang pamumula ng kaniyang mukha, pero hindi pa siya nakakalayo nang maramdaman niyang hinawakan siya nito sa balikat.“Niks...”“Bitawan mo ako!”Hindi siya pinakawalan ni Kieran. Sa halip ay marahan siya nitong iniharap dito. Bago pa siya tuluyang makaiwas ay napagtanto niyang napakalapit na nila sa isa’t isa… halos wala nang pagitan ang kanilang mga katawan. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung kaniya ba iyon... o kay Kieran.“Niks...”Halos pabulong nitong sambit sa pangalan niya.Dahan-dahan siyang napatingala. Nagtama ang kanilang mga mata, at sa isang iglap ay parang biglang naglaho ang lahat ng galit na kanina lang ay nag-aalab sa dibdib
FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):“Kiss! Kiss! Kiss!”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!Si Kieran ay ang kanyang long-time c
Bakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Fl
NIKITA MAGDRIGAL POV: "Keiran..." Halos pabulong na anas niya habang ang hininga ay naghahabol sa bawat dampi ng labi ng lalaki. "Yes, wifey? Masarap ba, hmmm?" malat na tanong ni Keiran. Ang boses nito ay parang humahaplos sa kanyang pandinig, mapanukso at puno ng pag-uudyok. "Baka... baka may
Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.“Bro, here’s your bride.”“H







