LOGIN
Chapter 1
Isang linggong namalagi si Astrid sa loob ng ospital. Sa araw ng kanyang discharge, hindi niya sinasadyang marinig ang bulungan ng mga nurse sa station habang naglalakad siya sa hallway.
"Siya 'yong mag-isang nagpa-abortion, 'di ba? Isang linggo na siya rito pero wala man lang kahit isang pamilya na bumisita sa kanya. Sobrang nakakaawa naman," sabi ng isang nurse habang nakatingin sa chart.
Sumagot naman ang isa pa na tila may halong panghuhusga sa tono, "Baka naman kireda lang na hindi mailabas sa publiko. Sabi-sabi rito, nung nalaman daw ng legal wife, wala siyang choice kundi tumakbo rito para ipalaglag ang bata at tapusin ang gulo."
Hindi na lamang kumibo si Astrid. Ang kanyang mga kamay na nakalaylay sa gilid ay dahan-dahang napa-kuyom habang pasimpleng sulyap sa kanyang puson.
The doctor said I’m recovering well, but why can I still feel that pain of my flesh being torn apart? tanong niya sa kanyang sarili.
Isinuot niya ang kanyang sunglasses para itago ang pagod at pait sa kanyang mga mata bago tuluyang lumabas ng ospital.
Pagdating sa mansyon, dumiretso si Astrid sa kanyang kwarto sa second floor. Walang nagbago sa ayos ng silid, isang indikasyon na hindi man lang umuwi o pumasok doon si Santi simula noong huling pagkikita nila. Pero sa puntong ito, wala na siyang lakas para pakialaman pa kung nasaan ang asawa o kung saang kama ng ibang babae ito natutulog.
Pagod na pagod na siya. Kumuha siya ng ilang melatonin pills at nilunok ang mga ito para lang makatulog nang mahimbing.
Sa kanyang panaginip, bumalik siya sa madugong eksena isang linggo na ang nakararaan. Naalala niya ang agos ng dugo sa kanyang mga hita at ang phone number na kailanman ay hindi sinasagot.
"Baby!" malakas na sigaw ni Astrid habang nagigising mula sa bangungot.
Hingal na hingal siyang napadilat at natagpuan ang sarili sa pamilyar na silid.
Tulala siyang nakatitig sa kisame sa loob ng mahabang oras habang dinaramdam ang sakit na mula sa kanyang puson ay tila gumagapang na sa buong katawan niya.
Isang katok ang umalingawngaw, at bago pa man makasagot si Astrid ay bumukas na ang pinto.
"Madam, tumawag po ang asawa niyo. Sabi niya ay uuwi raw siya ngayong gabi. Bumangon na kayo riyan at ihanda ang dinner," utos ni Consuelo habang nakatayo sa may pinto.
Mabilis na pinahid ni Astrid ang luha sa kanyang mga mata at sumagot sa paos na boses.
"Masama ho ang pakiramdam ko. Hayaan mo na ang mga nasa kusina ang maghanda."
Tumagilid si Astrid at tinalikuran ang katulong. Subalit hindi sumuko si Consuelo at lumapit pa sa gilid ng kama.
"Naku, hindi pwede 'yon! Alam niyo naman na si Raica, gustong-gusto ang luto ninyo. Bihira lang din umuwi si Sir, kaya dapat samantalahin niyo na ang pagkakataon na makuha ang loob ng mag-ama niyo," giit ng katulong.
Akmang hahawakan ni Consuelo ang braso ni Astrid para hilahin ito pabangon. Napakunot ang noo ni Astrid at agad na iwinaksi ang kamay ng katulong.
"Sinabi nang masama ang pakiramdam ko, eh!" Iminuwestra niya ang pinto at sumigaw, "Lumabas ka!"
Nagulat si Consuelo sa biglaang pagsiklab ng galit ni Astrid. Padabog niyang binitawan ang kumot at lumabas ng kwarto habang nagbubulong-bulong.
"Bakit sa akin ibinubuhos ang init ng ulo? Kapag naman dumating ang asawa niya, kulang na lang ay lumuhod siya para lang mapansin," sambit ni Consuelo na sadyang narinig ni Astrid.
Napapikit na lang si Astrid. Alam niyang totoo ang sinabi ng katulong. Alam ng lahat na kapag nandiyan si Santi, para siyang aso na inaasikaso ang lahat mula pagkain hanggang sa gamit ng mga ito, umaasang kahit isang tingin ay mabigyan siya ng lalaki.
But that man never looked up to her. Ang kasalang ito ay isa lamang business arrangement. Kailangan ng mga Romanov ng asawang may tamang social standing, kailangan ni Santi ng magandang asawa na ipaparada, at kailangan ni Raica ng isang ina na mag-aalaga sa kanya.
Astrid curled up into a ball, tightly hugging her empty lower abdomen. But for today, I just want to be a woman who lost her child...
Muling gumana ang gamot sa kanyang sistema at dahan-dahan siyang nilamon ng antok.
Nang muli siyang magising pagkalipas ng ilang oras, isang kaluskos sa loob ng kwarto ang kanyang narinig.
Mabilis na dumamba sa kanya ng lalaki. Ang mga halik nito ay mainit at puno ng awtoridad habang ang malalaking kamay nito ay mabilis na hinubad ang kanyang bathrobe. Ganito naman palagi si Santi. He never considers her feelings. Ang katawan niya ay isang kagamitan lamang na maaari nitong angkinin kailanman nito gustuhin.
"No... Santi, huwag muna ngayon. Bitawan mo ako," pakiusap ni Astrid.
Pilit niyang itinutulak ang matigas na dibdib ng asawa, ngunit parang pader ito na hindi natitinag.
"Stop playing hard to get, Astrid. Isang linggo akong wala, alam kong hinintay mo ito," bulong ni Santi sa kanyang tenga, ang boses ay puno ng nakakalunod na pagnanasa.
Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang pulso saka itinaas iyon sa ibabaw ng kanyang ulo, at muling hinalikan ang kanyang malambot na labi.
Dahil sa posisyon nila na tila ba wala siyang laban, naramdaman ni Astrid ang matinding hiya. Iniwas niya ang kanyang mukha para hindi na maabot ng lalaki ang kanyang mga labi.
Isang bahid ng inis ang rumihestro sa mga mata ni Santi. Nang mapansin niyang talagang ayaw ni Astrid, bigla ring nawala ang interes nito. He wouldn't go so far as to force a woman.
"Fine. Kung ayaw mo, huwag. I don't have time for your dramas," malamig na sabi ni Santi.
Tamad na gumulong ang lalaki palabas ng kama saka mabilis na kinuha ang bathrobe sa tabi, at kampanteng itinali iyon sa baywang. Umupo ito sa couch malapit sa bintana at nagsindi ng sigarilyo.
Gulo-gulo na ang suot ni Astrid kaya agad siyang bumangon para ayusin ang kanyang sarili. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.
"Santi, let's get a divorce!" mariing sambit niya.
Dahan-dahang nagbuga ang lalaki ng usok. A layer of coldness appeared on his outstanding and otherworldly face.
Tiningnan siya ni Santi.
"Divorce?" ulit ni Santi. Bahagya itong natawa na parang nakarinig ng isang malaking biro. "Sa tingin mo ba ay makakatayo ka sa sarili mong mga paa? Kung hindi ka isang Romanov, you are nothing."
Siniyasat ni Santi ang asawa mula ulo hanggang paa gamit ang kanyang mapanghusgang tingin. Bahagya niyang itinaktak ang kanyang hintuturo kaya nalaglag ang abo ng sigarilyo sa malambot at mamahaling carpet.
"Ilang araw lang akong nawala para ipasyal ang bata sa abroad, at pagbalik ko, ito agad ang isasalubong mo sa akin? Nakakarindi ang mga eksena mo. Sabi ni Consuelo, isang linggo ka ring hindi umuwi. Ano ito? Naglalayas ka na para lang makuha ang atensyon ko?” kutyang tanong ng lalaki. “Or are you trying to threaten me by running away from home? Stop acting like a teenager."
Napangiti na lang nang mapait si Astrid sa kanyang sarili.
Is it necessary to bring your female secretary along when taking your daughter on a trip abroad?
Noong una ay ipakikita sana ni Astrid ang mga social media posts ng babaeng iyon at hihingi ng paliwanag. Pero ngayon, wala na siyang nararamdamang selos, puro pagod na lang.
"Nasa ospital ako buong linggo, Santi. Nag-iisa ako roon dahil masama ang pakiramdam ko," kalmadong sagot ni Astrid, bagama't ang kanyang boses ay bahagyang nangangatog.
Sasabihin na sana niya kay Santi na nawala na ang kanilang anak nang biglang bumukas ang pinto.
"Gising ka na pala? I want to eat the cookies you made for me, ngayon na!" sigaw ng bata. Nakayapak ito habang suot ang kanyang pink na nightgown.
Yumuko si Astrid at tiningnan ang bata nang may lambing. "Raica, may mahalaga lang kaming pinag-uusapan ng Daddy mo. Can you wait? Bukas na lang tayo gumawa ng cookies, okay?"
"Ayoko! Gusto ko ngayon! You're so mean!" giit ni Raica. Dahil lumaking spoiled, wala itong balak sumunod at nagsimula nang magdabog.
Akmang susuyuin pa sana ni Astrid ang bata nang sumingit si Santi.
"Astrid, gawin mo na ang gusto ng bata. Kanina pa siya nagre-request niyan habang nasa biyahe kami. Why are you making things difficult for a five-year-old?"
Kung dati ay agad na susunod si Astrid para lang mapaligaya ang mag-ama, ngayon ay wala siyang lakas. Galing siya sa operasyon at ang kanyang sinapupunan ay tila ba sinusunog pa rin sa sakit.
"Santi, hindi mo ba ako naintindihan? Masama ang pakiramdam ko! Hindi ko kayang tumayo sa kusina nang matagal! At isa pa, kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa anak natin!" sigaw ni Astrid na may kasamang luha.
Agad na nagbago ang ekspresyon ni Santi. Inis niyang pinatay ang sigarilyo sa ashtray at tinitigan si Astrid nang matalim.
"I’ve told you a thousand times, Astrid. Wala na akong balak magkaanak pa sa iyo! Hindi mo ba maintindihan 'yon? Si Raica lang ang kailangan nating alagaan! Huwag kang mag-ilusyon na mabubuntis ka pa at gagamitin ang batang iyon para itali ako sa iyo!" bulyaw ni Santi.
Kumuha siya ng isang black card sa kanyang wallet at padabog na inihagis iyon sa lamesa. "Take this. Bilhin mo lahat ng gusto mo, but stop making a scene. Nakakawalang-gana ka."
Walang lingon-likod na lumabas ng kwarto si Santi. Si Raica naman ay umatras at binigyan ng distansya si Astrid, ang mukha ay puno ng pangungutya.
"Umiyak ka na naman? Sabi ni Daddy, bad ka raw kaya palagi kang malungkot," sabi ng bata.
Naningkit ang mata ng bata bakas sa mukha ang parehong kawalan ng pakialam at kayabangan na nakuha niya sa kanyang ama.
"Bleeeh! Ayoko na rin ng cookies mo, mas masarap 'yong binili ni Daddy sa Paris!"
Dinilatan muna siya ni Raica bago ito mabilis na tumakbo palabas ng silid.
Sa wakas ay tumahimik ang kwarto. Isang malamig na hangin ang umihip mula sa bintana Lumingon si Astrid sa labas.
Kinuha niya ang isang invitation mula sa kanyang bag. Isang malaking auction ang gaganapin sa Enderun sa susunod na buwan, Ang tanging dahilan kung bakit hindi siya pumayag agad noon ay dahil alam niyang dadalo si Santi roon.
Kinuha niya ang isang invitation mula sa kanyang bag. Isang malaking auction ang gaganapin sa Enderun sa susunod na buwan at gusto siyang kuning auctioneer ng mga organizer. Noon, tinanggihan niya ito dahil pinagbawalan siyang magtrabaho ni Santi.
Masyado niyang pinahalagahan si Santi na halos gawin na niyang mundo ang lalaki at talikuran ang kanyang career.
Pero ngayon, naalala niya ang sinabi ni Santi kanina na kung wala ang titulong Romanov ay wala siyang silbi.
Since that's the case, then I won't accept this title anymore. Determinado na si Astrid na bawiin ang sarili niyang pangalan.
Chapter 353Ang mga sinabi ni Astrid kanina sa loob ng banquet hall ay parang kulog na sumabog sa pandinig ng mga bisita.Yung mga asawa ng mga negosyante na gustong-gusto siyang mapahiya ay may mga kanya-kanya ring dusa sa kanilang marriage. Puno rin sila ng grievances, pero wala silang tapang na kumawala katulad ng ginawa ni Astrid.Kaya imbes na humanga, mas nangibabaw ang inggit at matinding selos sa kanilang mga puso. Gusto nilang makitang depressed at wasak si Astrid matapos itong iwan, para makumpinsi nila ang kanilang sarili na tama lang na tiisin nila ang pambabae ng kanilang mga asawa.Pero hindi ganoon si Astrid. She looked so dignified and dazzling kahit pa nakikipagdiborsyo na ito. At ang tagumpay na iyon ay isang malaking sampal sa kanilang pagtitiis."Tignan mo nga 'yan. Hindi pa man lang sila pormal na divorced, kung makapustura sa dinner party na ito, parang kung sino," bulong ng isang donya habang nakatitig sa grupo nina Astrid."Ano namang gallery partner at PhD stu
Chapter 352Hawak ni Ryker ang sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri, ang nagniningas na dulo nito ay halos isang pulgada na lang ang layo sa pisngi ni Caroline. Ramdam na ramdam ni Caroline ang nakakapapasong init ng dulo ng sigarilyo kaya pilit niyang iniatras ang kanyang mukha sa pader dahil sa takot na masunog ang kanyang balat.Nawala ang karaniwang pagiging ginoo ni Ryker. Sa sandaling iyon, mas nakakatakot siya sa paningin ni Caroline kaysa kay Kevin Riego."Kung maririnig ko pang magsalita ka ng ganyan tungkol sa kanya, hindi na sigarilyo ang ididikit ko sa mukha mo... kundi kutsilyo," bulong ni Ryker, seryoso at walang kaunting biro ang mga mata.Nang may dumaang katulong sa malapit, doon lang binitawan ni Ryker si Caroline. Mabilis siyang bumalik sa kanyang pormal at disenteng anyo, humakbang nang isang beses pabalik para lumikha ng distansya.Nang makita ang nanginginig na takot sa mukha ni Caroline, isang mapang-aping tawa ang lumabas sa mga labi ni Ryker."Ang isang
Chapter 351Humakbang pasulong si Kevin, dambuhala ang kanyang presensya sa harap ng nanginginig na babae."Banta ba ang naririnig ko mula sa iyo?" tanong ni Kevin, ang nakakatakot na aura nito ay naghatid ng matinding kilabot sa gulugod ni Caroline.Pinilit ni Caroline na huwag magpakita ng kahinaan. Nag-angat siya ng tingin upang salubungin ang mga mapanganib na mata ng kanyang ninong."Paano ito magiging isang banta?" balik na tanong ni Caroline na may pilit na tawa. "Tutulungan mo akong pabagsakin si Astrid, at tutulungan naman kitang iligtas ang anak mo, ninong. Hindi ba't patas na palitan lang iyon?"Sumulyap si Kevin sa paligid. Lahat ng mga bisita ay abala sa panonood ng mga paputok sa labas, walang nakatingin sa loob ng madilim na bulwagan. Sa isang mabilis na galaw, marahas nitong sinunggaban ang leeg ni Caroline. Halos magkulay-ube ang mukha ng babae sa tindi ng lakas ng pagkakasakal nito."Ngunit kung mamatay ka ngayon, si Raica ay wala nang ibang magiging pamilya kundi ak
Chapter 350Walang pakialam si Santi sa iniisip ni Caroline. Ang tanging gusto niya ay malaman ni Astrid ang katotohanan, na wala siyang interes sa ibang babae. Ngunit ang hindi niya alam, wala nang halaga kay Astrid ang tinatawag niyang katotohanan.Anuman ang naging nararamdaman ni Santi kay Caroline sa mga nakaraang taon, ang sakit na ibinigay nito ay totoo, ang nawalang anak ni Astrid ay totoo, at ang panlalamig nito sa kanya ay totoo. Ano pa ang silbi ng paliwanag na ito ngayon? Para ipamukha ba na ang panlalamig nito sa limang taon nilang kasal ay hindi dahil sa ibang babae, kundi dahil talagang kinasusuklaman lang siya nito?"Mauna na ako sa rests area," bulong ni Astrid kay Ryker, hindi na tinapos ang eksena nina Santi."Sasamahan kita," sagot ni Ryker sabay alalay sa kanyang siko habang naglalakad palayo.Nang makita iyon ni Santi, tila nagdilim ang kanyang paningin. Wala ba talagang epekto kay Astrid ang mga sinabi niya? Ang babaeng pinakakinagagalitan nito noon ay si Caroli
Chapter 349Napalingon ang mga bisita sa kanya, naghihintay sa susunod na eksena."Gusto ko lang ipalam sa lahat na si Ms. Astrid ay opisyal na kasosyo sa TY Gallery, kung saan ako mismo ang naglabas ng puhunan," nakangiting pahayag ni Ryker, pormal at may awtoridad ang boses na umalingawngaw sa bulwagan habang sumasabay sa tunog ng ulan sa labas.Tumingin si Ryker sa mga mayayamang matanda na kanina pa nagbubulungan."Mula ngayon, maaari ninyo na siyang tawaging General Janinan o kaya naman ay Prof. Peter sa industriya ng sining. At siyempre, kilala rin siya bilang Ingrid, ang isa sa pinakamagaling nating auctioneer," pagpapakilala pa ni Ryker, tinaasan ng kilay ang mga marites sa harap. "Sana ay matutunan ninyo siyang tawagin sa tamang pangalan at titulo sa mga susunod na araw."Tumingin si Ryker kay Caroline na unti-unting namumutla ang mukha."Pagkatapos ng lahat, may ibang tao na ang gagamit ng titulong Mrs. Romanov mula ngayon," pagtatapos ni Ryker na may pilyong ngiti sa kanyan
Chapter 348"Totoo ba ang naririnig ko?" bulong ng isang matandang negosyante sa gilid, hindi makapaniwala sa tapang ng babaeng nasa gitna."Gumuho na talaga ang mga Romanov," sagot naman ng katabi nito, may halong tuwa sa boses habang sumisipsip ng alak.Parang bombang sumabog ang balita sa buong bulwagan ng mga Riego. Ang ilan ay palihim na nagdiwang, habang ang iba naman ay gulat na gulat sa lamig ng boses ni Astrid.Si Caroline na nakatayo malapit kay Kevin ay napasinghap.Gulat siya, ngunit may unti-unting umusbong na malaking tuwa sa kanyang dibdib dahil sa wakas ay mapapasakanya na si Santi."Mangyayari rin pala ito," nakangising bulong naman ni Ryker sa sarili, habang nakapamulsa at pinapanood ang reaksyon ng mag-asawa.Ngunit si Santi ay nanatili lang doon, parang estatwa sa gitna ng karamihan. Nanlamig ang kanyang buong katawan."Astrid..." pabulong na sambit ni Santi, ngunit hindi man lang lumabas ang boses sa kanyang lalamunan dahil sa tindi ng kaba.Hindi niya kailanman n
Chapter 62Nanatili ang tingin ni Santi sa mukha ni Astrid. Nakaupo siya nang may bakas ng awtoridad, at ang paminsan-minsang paggalaw lang ng kanyang Adam's apple ang nagpapakita na hindi siya kasing-kalmado ng kanyang hitsura.May kakaibang bango na humahalimuyak sa loob ng study room. Hindi ito
Chapter 61Mabilis ang naging galaw ng PR department ng Romanov Global Ventures. Sa loob lang ng ilang oras, nakapaglabas na sila ng video montage na nagpapakita ng matatamis na sandali nina Santi at Astrid. Paulit-ulit itong naka-loop sa official website at mabilis na kumalat sa iba't ibang market
Chapter 60Tumawa nang malakas si Astrid, isang tawa na puno ng pait hanggang sa magsimula nang manggilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang baliw sa harap nito."My biggest regret is marrying you!" sigaw ni Astrid habang diretsong nakatingin kay Santi.N
Chapter 59Nakahinga nang maluwag si Astrid. Sa wakas, papayag na rin ito sa divorce. Akala niya noong una ay kung anong patibong ang inihanda ni Santi ngayong araw, pero baka tinablan na ito ng konsensya kaya nag-abala pang maghanda ng isang farewell dinner.Dahil sa gaan ng loob, itinaas ni Astr







