LOGINAlexandra POV May isang problema lang. At ito ang pinakanakakatawa sa lahat. Buntis ako... Pero ewan ko ba. Bigla na lang akong nainis sa amoy ng pabango ni Rhenan. Pati mukha niya, parang gusto kong ilayo. Kawawa tuloy ang asawa ko. Isang umaga, papalapit pa lang siya sa akin para halikan ako ng good morning. "Good morning, wif—" "Stop!" Mabilis kong itinapat ang palad ko sa harapan niya. Natigilan siya. "Bakit?" Napangiwi ako. "Huwag ka munang lumapit." Napakamot siya sa ulo. "Bakit? May nagawa ba ako?" Napailing ako. "Wala." "Pero... ewan ko." "Parang naiirita ako sa amoy mo." Nanlaki ang mga mata niya. "Ha?" "Favorite perfume ko 'to ah." "Alam ko." "Pero ngayon... parang gusto kong magsuka." Agad siyang umatras. "Sige... maliligo ulit ako." Lumipas ang tatlumpung minuto. Paglabas niya ng banyo, wala na siyang pabango. Ngunit nang lumapit ulit siya... Napangiwi na naman ako. "Rhenan..." "Ano na naman?" "Amoy Rhen
Alexandra POV Halos hindi ako mapakali habang hinihintay ang resulta. Pakiramdam ko, bawat segundo ay parang isang oras. Tahimik lang kaming magkatabing nakaupo ni Rhenan. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko. "Kinakabahan ka?" Mahina niyang tanong. Tumango ako. "Sobra." Ngumiti siya nang bahagya. "Ako rin." Napatingin ako sa kanya. "Akala ko ba kalmado ka lang?" Napakamot siya sa batok. "Nagpapanggap lang." Napatawa ako nang mahina. Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang doktor. "Mr. and Mrs. Villareal." Sabay kaming napatayo. "Pasok po kayo." Pagkaupo namin sa harap ng mesa ng doktor, napansin kong nakangiti siya. "Congratulations." "Positive ang pregnancy test ninyo." Nanlaki ang mga mata ko. "H-Ha?" "D-Dok..." "Buntis po ako?" Tumango ang doktor. "Oo." "Tinatayang nasa anim hanggang pitong linggo na ang pagbubuntis ninyo." Hindi ko napigilang mapaluha. Hindi ko alam kung dahil sa tuwa o sa pagkabigla. Bigla kong n
Alexandra POV Habang abala si Aling Rosie sa paghahanda ng almusal namin, bigla kong naamoy ang niluluto niyang dried pusit. Sa isang iglap, kumulo ang sikmura ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa lababo. "Bleh..." Sunod-sunod ang pagsusuka ko. "Ano ba 'yan..." Napaiyak ako sa inis. "Ang baho naman." Nagulat si Aling Rosie at agad na lumapit sa akin. "Ay, Ma'am! Pasensya na po." "Favorite n'yo naman po kasi itong dried pusit kaya ito ang niluto ko." Taranta niyang sabi habang inaalalayan ako. Sakto namang lumabas ng silid si Rhenan. "Bakit? Anong nangyari?" Napatingin si Aling Rosie sa kanya. "Nagsusuka po si Ma'am." "Naamoy lang po niya ang dried pusit." Mabilis na lumapit si Rhenan sa akin. "Inakay niya ako pabalik sa upuan. Pakiramdam ko'y nanghihina ang buo kong katawan. Huminga ako nang malalim bago tumingin kay Aling Rosie. "Pasensya ka na, Aling Rosie." "Masama lang talaga ang pakiramdam ko." Ngumiti siya nang may pag-aalala. "O
Rhenan POV Hindi ko napigilang mapangiti habang pinagmamasdan sina Alexandra at Rhenfield. Ito ang buhay na matagal kong ipinagdasal. Hindi tungkol sa negosyo. Hindi tungkol sa kayamanan. Kundi ang makauwi sa isang bahay na puno ng tawanan. "Daddy!" Naputol ang pag-iisip ko nang hilahin ako ni Rhenfield. "Play tayo!" "Tara!" Sagot ko agad. Umupo kaming dalawa sa carpet habang si Alex naman ay nakaupo sa sofa at natatawang pinapanood kami. "Daddy, ikaw ang gagawa ng castle." "Ako ang maglalagay ng tower." "Yes, sir!" Masigla kong sagot. Ilang minuto kaming abala sa paggawa ng malaking kastilyo gamit ang mga blocks. "Hindi, Daddy." "Tatabingi." Natatawang sabi ni Rhenfield. "Ganito." Tinuruan niya pa ako kung paano ipatong ang mga piraso. Napakamot ako sa ulo. "Naku, mas magaling ka pa pala kaysa sa Daddy." "Siyempre." May pagmamalaking sagot niya. "Top student ako." Napahalakhak kami ni Alex. Hindi nagtagal ay natapos namin ang ka
Alexandra POV Napailing na lang ako habang natatawa. "Sobra ka talagang magselos." Natatawa kong sabi. "Sa sarili mo pang anak." Napakamot siya sa batok. "Wala akong magagawa." "Paborito ka niya." "Tapos paborito rin kita." "Kaya kailangan kong makipag-agawan." Napatawa ako nang malakas. Lumapit ako sa kanya at marahan kong hinawakan ang kanyang pisngi. "Alam mo ba?" "Hmm?" "Kahit ilang Rhenfield pa ang dumating sa buhay natin..." "...ikaw pa rin ang unang lalaking minahal ko." Natigilan siya. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig. "Ulitin mo nga." Pilyo niyang sabi. Napailing ako. "Hindi na." "Hindi puwede." Nakanguso niyang sabi. "Kailangan malinaw." Napatawa ako. "Sige na nga." Huminga ako nang malalim bago siya tiningnan sa mga mata. "Ikaw pa rin ang lalaking mahal ko, Rhenan." "At pipiliin kita..." "...araw-araw." Hindi na siya nakapagsalita. Sa halip ay mahigpit niya akong niyakap. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. "Alam mo..." Mah
Alexandra POV Matapos ang ilang minutong pagbabad sa shower para linisin ang aming mga katawan, lumabas ako ng banyo na tanging puting tuwalya lamang ang nakatapis sa akin. Nakita ko si Rhenan na nakasandal sa headboard ng kama, nakatitig sa akin habang may pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya. Nang makarating ako sa tapat mismo ng kanyang puwesto, hinawakan ko ang dulo ng tuwalya at walang pag-aalinlangang hinila ito pababa, hinayaang malaglag ang tela sa aming sahig at ilantad ang aking hubad na katawan sa kanyang paningin. "Wow..." napalatak si Rhenan, dahan-dahang hinaplos ng kanyang mga mata ang bawat kurba ng aking katawan. "Perfect." Natawa ako nang mahina sa naging reaksyon niya, naramdaman ang pag-apaw ng kumpiyansa sa aking sarili. Umakyat ako sa kama at dahan-dahang sumakay sa kanyang ibabaw, ang aking mga tuhod ay nakaluhod sa magkabilang gilid ng kanyang baywang. "Diyan ka lang," bulong ko sa kanya habang hinahaplos ko an
Flashback continuation Rhenan POVHindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang kamay ko na nasa kanyang baywang ay unti-unting umakyat, dumaan sa kanyang tagiliran hanggang sa sumakop sa kanyang dibdib. Kahit may manipis na tela ng kanyang damit, ramdam ko ang init at ang mabilis na pintig ng kanyan
Alexandra POV Dahan-dahan akong bumangon mula sa magulong kama, ninanamnam ang natitirang sakit at hapdi sa aking kaibuturan—isang pisikal na patunay na sa loob ng ilang sandali, naging akin si Rhenan. Hinugot ko ang kumot at ibinalot sa aking hubad na katawan, habang ang amoy ng aming pinagsaluha
Alexandra POV “Anong gusto mong gawin ko para makabawi ako sa’yo?” tanong ko. Bigla akong naawa sa kanya. May dahilan nga talaga kung bakit siya naging ganito sa akin. Gusto ko siyang paligayahin. At walang kaabog-abog, hinalikan niya ako. Marahas ang halik niya, pero kahit ganoon, hinalikan ko
Alexandra POV Nagising ako sa malakas na yugyog sa balikat ko. Napadilat agad ako at bumungad sa akin ang malamig na mukha ni Rhenan. Nanigas ako nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Kagabi ay parang naging maayos naman siya kahit papaano… pero ngayong umaga, para na naman siyang ibang







