Mag-log inKiarra's POV
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang hawak ang tray ng agahan; may kasamang mainit na tsokolate na nasa tasa.
"Magpahinga ka na lang muna. Huwag ka munang pumasok sa trabaho ngayon," mahina at mahinahon niyang sabi. Wala na ang pilyong ngiti, napalitan ng isang seryosong pag-aalala.
"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."
Hindi ko alam kung anong tamang isagot. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magpasalamat o umiwas.
"Salamat, Sir," mahina kong tugon, sabay kuha ng tray. Saglit siyang tumitig sa akin, parang may gustong sabihin, ngunit hindi na itinuloy. Tinalikuran niya ako at bumalik sa kanyang kwarto.
Lumipas ang ilang oras, unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Pinilit kong bumangon at ayusin ang sarili. Nagsuot ako ng uniporme ng maid at nag-ayos ng buhok. Kailangan kong magtrabaho—hindi puwedeng matulog na lang maghapon, baka isipin nilang tamad ako.
Bumaba ako sa kusina, at agad akong sinalubong ni Ate Juliet.
"Uy, bakit late ka ngayon, ah?" biro niya, pero may halong pag-aalala sa tono.
"May sakit ka ba?"
Umiling ako bago pilit na ngumiti.
"Hindi, medyo napuyat lang ako kagabi. Okay lang ako, Ate."
Napatingin si Ate Juliet sa akin, parang may gustong itanong, pero hindi na niya itinuloy.
"Sige, magpahinga ka lang kung kailangan mo. Ako na bahala dito," sabay abot ng basang bimpo.
Naglakad ako papunta sa sala para linisin ang mga mesa at ayusin ang mga bulaklak. Ngunit laking gulat ko nang makita ko si Larkin, nakaupo sa sofa, kausap ang isang magandang babae. Maputi, mahaba ang buhok, naka-bestida at mukhang sosyal.
Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung lalapit ako o babalik na lang sa kusina. Pero kailangan kong gampanan ang trabaho ko, kaya tahimik akong lumapit at nagsimulang punasan ang mesa.
Naririnig ko ang tawanan nila.
"Larkin, ang tagal nating hindi nagkita! Hindi ko alam na dito ka na pala ulit tumitira," sabi ng babae, habang malambing at malapit kay Sir Larkin.
"Yeah, napilitan lang din dahil wala si Mom at Dad. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" sagot ni Sir Larkin na may kaunting lambing at bakas ang saya sa tono.
Nagkunwari akong abala sa ginagawa, kahit ang totoo ay parang kinukurot ang puso ko sa bawat tawa at sulyap ng babae kay Sir Larkin. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako, pero parang hindi ko gustong makita silang masaya na magkasama.
Maya-maya, napatingin ang babae sa akin. "Sino siya, Larkin?" tanong niya habang bahagyang nakataas ng kilay.
"Ah, siya si Kiarra, isa sa mga maid dito," mabilis na sagot ni Larkin, hindi manlang tumitingin sa akin.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili, ngunit nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot sa aking dibdib.
"Swerte naman ng mga amo mo, maganda ang maid nila," biro ng babae, pero parang may ibang ibig sabihin ang ngiti niya.
Napilitan akong ngumiti. "Salamat po, Ma’am," mahina kong tugon.
Nagpatuloy sila sa kwentuhan. Ako naman, tahimik na nagligpit at nilinis ang paligid. Ramdam kong parang hindi ako nababagay sa eksenang iyon—parang hindi ako kabilang sa mundo na ginagalawan nila. Hindi ko alam kung bakit, pero may biglang sumiksik na lungkot sa dibdib ko.
Nang matapos ako sa sala, naglakad ako pabalik sa kusina. Doon ko na lang ibinuhos ang atensyon ko sa paghuhugas ng pinggan. Nanginginig pa ang kamay ko, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, kaba, o selos.
Habang iniisip ko ang mga nangyari, biglang tumambad sa isip ko ang tanong—ano nga ba talaga ako kay Larkin? Hanggang saan lang ba ang papel ko sa buhay niya? Ako lang ba talaga ang maid, o may pag-asa bang magbago ang turing niya sa akin?
Bago pa man lumubog ang araw, ilang beses ko pang nasilayan sina Sir Larkin at ang babae—si Samantha, ayon sa sabi-sabi ng iba. Parang wala silang ibang mundo kundi sila lang. Ako naman, pilit pinipigilan ang sarili na lumingon, pero hindi ko maikakaila ang paninikip ng dibdib ko sa bawat tinginan at tawanan nila.
Pagbalik ko sa kusina, nadatnan ko roon si Ate Juliet na abala rin sa paghuhugas ng mga plato. Napansin niyang nanlalalim ang aking mga mata, kaya agad siyang lumapit at kinabig ako palapit sa lababo.
"Uy, Kiarra, okay ka lang ba talaga?" mahina niyang tanong habang pinupunasan ang kamay.
Pinilit ko siyang ngitian. "Okay lang ako, Ate. Medyo pagod lang siguro."
Napatingin si Ate Juliet sa akin, saka sumulyap sa sala. "Napansin mo ba 'yung bisita ni Sir Larkin? Si Samantha 'yon, anak ng business partner ng pamilya Del Fuego. Dati raw, halos araw-araw andito 'yon noon bago ka pa dumating. Sobrang close sila, at sabi ng mga matatanda dito, baka raw sila na rin balang araw."
Parang may malamig na tubig na bumuhos sa ulo ko sa narinig ko. "Ah, talaga po?" pilit kong tanong, bagamat dama ko ang panginginig ng boses ko.
"Oo. Halata mo naman, 'di ba? Ang lambing ni Samantha kay Sir Larkin, tapos parang hindi na napansin na nandito ka. Huwag mong masyadong dibdibin kung medyo—alam mo na, masakit sa pakiramdam. Normal lang 'yan, Kiarra. Pero tandaan mo, trabaho lang tayo dito, ha?" Hinawakan niya ako sa balikat, pinilit akong palakasin.
Tahimik lang akong tumango. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang bigat sa dibdib ko. Uulitin ko sa sarili na trabaho lang ito, pero bakit parang hindi ko kaya? Bakit parang gusto kong umiyak?
Bago ako makapasok sa kwarto ko para magpahinga, nadaanan ko pa sina Sir Larkin at Samantha sa garden, magkatabing nakaupo sa bench. Magaan ang usapan nila, at naririnig ko ang tawa ni Samantha—malakas, maligaya, walang pag-aalinlangan. Napahinto ako saglit, pinagmamasdan silang dalawa mula sa malayo. Parang hindi ako makahinga.
"Ikaw, Kiarra, hanggang kailan ka lang ba magiging tagamasid sa mundo nila?" bulong ko sa sarili ko habang papalayo.
Pagpasok ko sa kwarto, napaupo ako sa kama, mahigpit na yakap ang sarili. Unti-unti nang gumagabi, ngunit mas lalong dumilim ang pakiramdam ko. Umuukilkil sa isip ko ang tanong: Ano bang halaga ko sa buhay ni Sir Larkin? Maid lang ba talaga ako, o may pag-asa pa?
Sa labas ng bintana ko, naririnig ko pa rin ang tawanan nila. Sa pagkakataong iyon, pinikit ko ang mga mata ko, pilit iniiwasan ang sakit. Ngunit bago ako tuluyang makatulog, narinig ko ang mahinang tunog ng katok sa pinto ko—mahina, parang nagdadalawang-isip.
Napapitlag ako pero agad ko ring binuksan ang pinto ng aking silid.
“Kiarra…” malambing ang boses na bungad sa akin ni Sir Larkin.
Ashton's POVNakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng opisina ko, tanging ilaw ng lungsod ang bumabalot sa dilim ng silid. Sa kamay ko, isang makapal na dossier. Pangalan pa lang sa cover, parang may bumigat na kaagad sa dibdib ko.KIARRA FERNANDEZDahan-dahan kong binuksan ang folder, bawat pahina ay tila may sariling bigat.It all started ilang oras pagkatapos kong makumpirma ang DNA result. Walang patumpik-tumpik. “I want everything,” mariin kong utos sa intelligence head ko. “From the day she was born until the day I found her.”“Everything, Sir?” tanong niya, halatang nag-aalangan.Malamig ang boses ko. “Everything.”Sumunod ang team—private investigators, dating police officers, hackers, fixer. Lahat ng resources, ginalaw. Drone footage, government records, hospital and school files, barangay clearances, old adoption papers, lumang litrato, interviews with kapitbahay. Wala silang pinalampas.Ngayon, hawak ko ang resulta.Habang binabasa ko ang bawat pahina, parang ang
Larkin's POVPagkababa ko ng tawag kay Mayordoma Rosa, hindi ako agad gumalaw. Parang may bumagsak na bloke ng yelo sa dibdib ko. Paulit-ulit lang sa isip ko ang sinabi niya—hindi na bumalik si Kiarra. Napakabigat ng katahimikan na iyon. Pakiramdam ko, pinagtitripan lang ako ng tadhana.Imposible. Saan siya pupunta? Wala naman siyang pamilya. Wala rin siyang pera. Saan siya dadalhin ng mundo kung hindi sa mansyon? At bakit biglang nawala?Bigla akong tumayo, kinuha ang cellphone, at tumawag ng isang pangalan lang ang naiisip ko sa ganitong sitwasyon.Morcan Cortez.“Hoy,” bungad niya, parang walang oras sa mundo. “Anong himala?”Diretso ako. “May kailangan akong hanapin.”Tumawa siya, napakagaan. “Babae?”Saglit akong natahimik. “…Oo.”“Girlfriend?”“Maid.”Napahinto siya, halatang nagulat. “…Ano?”“Just do it, Morcan.”Wala nang paliwanag. Wala ring tanong pa. Mabilis kaming lumipat sa digital world. Ilang minuto lang, andiyan na sa harapan niya ang mga monitor, CCTV feeds, traffic c
Larkin's POVNasa isang exclusive rooftop restaurant kami ni Samantha, surrounded by flickering city lights and the faint hum of classical music. Naka-set up ang mahaba at eleganteng mesa para sa isang formal dinner with business partners. Red wine glimmered in crystal glasses, silver utensils sparkled under the soft glow. Nag-uusap ang investors tungkol sa bagong expansion project, pero halos wala akong naririnig sa kanila.I just sat there, swirling the wine in my glass, watching the city far below. Samantha talked animatedly with one of the investors across the table, her laughter ringing clear above the polite conversations. Pero ang totoo, wala ako sa mga usapan. Parang malayo ang isip ko.“Larkin?” Sambit ni Samantha, bahagyang hinawakan ang braso ko. Hindi ako tumingin.“Larkin,” ulit niya, this time mas malakas.Napakurap ako, bumalik sa realidad. “Hmm?”She frowned. “You’re spacing out again.”Ngumiti ako ng tipid. “Sorry.”Ano bang nangyayari sa’kin? Bakit paulit-ulit na bum
Tahimik lang akong nakatitig kay Ashton, parang tumigil ang mundo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot, magalit, o umasa. Parang hindi totoo ang lahat ng nangyayari—na may isang estranghero, napakaayos, napaka-elegante, at napakalamig magdala ng sarili, na bigla na lang haharap sa akin at magpapakilalang bahagi ng buhay kong matagal ko nang inakalang wala.Hinila ko ang kumot sa katawan ko, pilit na tinatakpan ang sarili. "Hindi..." Mahina at halos bulong lang. "Hindi po... imposible." Umiling ako, mahigpit ang pagkakapikit ng mga mata. "Nagkakamali kayo."Napansin kong hindi siya lumapit, ni hindi siya nagpakita ng kahit anong inis o pamimilit. Nakatayo lang siya roon, parang binibigyan ako ng sapat na espasyo para huminga."I can only imagine how bewildering this all must feel," marahan niyang sabi, mahina ngunit may bigat. "Were I in your position, I doubt I would believe such a claim either. Yet here we are, and I assure you, nothing in this world is more certain to me than
Kiarra's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at ang unang bumungad sa akin ay ang maputing kisame at ang malamig na amoy ng antiseptic. Sumakit ang ulo ko, mabigat ang katawan, at ramdam kong parang may mga sugat at pasa na hindi ko pa lubos na nauunawaan. Ilang sandali akong nakatitig lang sa taas, pilit iniisip kung saan ako naroroon.Tahimik ang paligid, tanging mahihinang tunog lamang ng mga makina at aircon ang maririnig. Hindi ko alam kung anong ospital ito o paano ako rito napunta. Unti-unti, pabalik ang mga alaala: ang ospital, si Larkin, ang perang iniabot niya, ang malamig niyang pamamaalam, ang pag-alis ko sa mansyon, ang ulan, at pagkatapos… wala na. Isang blangkong espasyo—at ngayon, heto ako, mag-isa.Napapikit ako, sinusubukang pigilan ang pagpatak ng luha. Pero mas malakas ang sakit ng mga naalala ko—lalo na ang mapanirang tinig ni Samantha na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko.“Alalahanin mong katulong ka lang. Mahirap ka. Hindi ka niya magugustuhan.
Kiarra's POVKinagat ko ang labi ko, pilit nilalabanan ang pagkalito. “Ayos lang po ako, Ate. Kakayanin ko.”Ang totoo, wala na talaga akong uuwian. Ang pamilyang nagkupkop sa akin noon ay matagal nang tumalikod sa akin. Sila ‘yung tumanggap sa isang sanggol na natagpuan sa basket sa harap ng pinto nila—ako iyon, si Kiarra, na mula noon ay natutong mamalimos ng pangalan, pagmamahal, at pag-aaruga.Hindi ko na kinayang sabihin iyon kay Ate Juliet. Baka lalo lang siyang mag-alala.Tahimik na umupo si Ate Juliet sa tabi ko. “Kung ayaw mo pang magsalita, hindi kita pipilitin. Pero sana, huwag mong pasanin lahat nang mag-isa. Kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa’yo.”Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula o paano ko haharapin ang bukas na mag-isa—lalo na ngayon, may dinadala akong bagong buhay sa sinapupunan ko, bunga ng isang gabing puno ng lihim, sakit, at pagmamahal na hindi ko alam kung totoo o panaginip lang.“Ate, salamat sa l



![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



