Share

Chapter 05

Author: ExDealers
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-24 08:07:17

Kiarra's POV

Kinagat ko ang labi ko, pilit nilalabanan ang pagkalito. “Ayos lang po ako, Ate. Kakayanin ko.”

Ang totoo, wala na talaga akong uuwian. Ang pamilyang nagkupkop sa akin noon ay matagal nang tumalikod sa akin. Sila ‘yung tumanggap sa isang sanggol na natagpuan sa basket sa harap ng pinto nila—ako iyon, si Kiarra, na mula noon ay natutong mamalimos ng pangalan, pagmamahal, at pag-aaruga.

Hindi ko na kinayang sabihin iyon kay Ate Juliet. Baka lalo lang siyang mag-alala.

Tahimik na umupo si Ate Juliet sa tabi ko. “Kung ayaw mo pang magsalita, hindi kita pipilitin. Pero sana, huwag mong pasanin lahat nang mag-isa. Kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa’yo.”

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula o paano ko haharapin ang bukas na mag-isa—lalo na ngayon, may dinadala akong bagong buhay sa sinapupunan ko, bunga ng isang gabing puno ng lihim, sakit, at pagmamahal na hindi ko alam kung totoo o panaginip lang.

“Ate, salamat sa lahat. Salamat sa pag-unawa at pag-aalaga. Huwag kang mag-alala, hindi ako mawawala. Magsusulat ako kapag maayos na ako.”

Hinawakan niya ang kamay ko, mahigpit at puno ng pag-aalala. “Kiarra, kahit anong mangyari, bumalik ka lang. Kahit kailan, kahit anong oras. Huwag mong hayaang mag-isa kang lumaban.”

Tumango ako, pilit pinapalakas ang loob. Nang makalabas ako ng ospital, tumingala ako sa langit. Mabigat ang hakbang, nanginginig ang mga kamay, habang ang puso ko ay parang binabayo ng bagyo. Sa bawat tibok nito, ramdam ko ang pag-ikot ng mundo na parang ako lang ang naiwan.

Ngunit bago ako tuluyang makalayo, narinig ko ang isang tinig na hindi ko maipaliwanag kung ikatutuwa ko o ikalulungkot.

----

“Kiarra!”

Napahinto ako at pilit pinunasan ang mga luha sa pisngi bago siya lumapit. Huminga ako ng malalim at pinilit kong gawing maayos ang itsura ko, ayaw kong makita niya na galing ako sa pag-iyak. Pagharap ko kay Larkin, pinilit kong ngumiti, kahit ramdam ko pa rin ang bigat ng dibdib at namumugto pa ang mga mata ko.

“Sir Larkin,” mahina kong bati, “ay—nandito na po pala kayo. Okay lang po ako, pauwi na ako sa mansyon.”

Tinitigan niya ako, tila may gustong itanong o sabihin, pero sa huli, parang wala lang iyon sa kanya. Naglabas siya ng isang sobre mula sa bulsa ng kanyang jacket at iniabot iyon sa akin.

“Kunin mo na ‘to, Kiarra. Para may magamit ka, lalo na’t galing ka pa sa ospital. Alam mo naman, mahirap na ang buhay ngayon,” malamig niyang sabi, parang usapang-trabaho lang.

Umiling ako, pilit isinusukbit ang bag at iniwasan ang tingin niya. “Salamat po, Sir, pero kaya ko po. Hindi po ako kailangan bigyan—”

Pero hindi pa rin siya tumigil. Pinilit niyang ipasok ang sobre sa kamay ko. “Kunin mo na, Kiarra. Kung hindi mo tatanggapin, ihahatid pa kita pauwi sa mansyon. Ayaw mo niyon, ‘di ba?”

Napalunok ako at napayuko. Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang pera, kahit ramdam kong parang lalo lang akong naging maliit sa harap niya.

“Salamat po,” pabulong kong sabi.

Tumango lang si Larkin at agad lumayo, walang ibang salitang iniwang pamamaalam. Pinanuod ko siyang sumakay ng kotse, at sa bawat segundo, lalo kong naramdaman na kahit anong pilit kong maging matatag, hindi ko pa rin kayang itanggi ang sakit ng pagiging “wala lang” sa buhay niya.

Tahimik akong naglakad pauwi sa mansyon, mahigpit na yakap ang maliit na sobre sa aking dibdib—hindi dahil sa halaga nito, kundi dahil bawat sulok ng papel ay paalala ng distansyang hindi ko kayang lampasan.

 Third Person’s POV

Paglabas ni Kiarra ng mansyon, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala siyang dalang payong, kaya napilitan siyang maglakad kahit basang-basa, mahigpit na yakap pa rin ang sobre sa kanyang dibdib. Sa bawat hakbang, parang lalong bumibigat ang mundo—hindi lang dahil sa lamig ng tubig na dumadampi sa balat, kundi dahil na rin sa bigat ng lihim at sakit na hindi niya kayang ibahagi kahit kanino.

Samantalang sa kabilang banda ng siyudad, mabilis na tumatakbo ang isang mamahaling itim na sasakyan sa kalsadang basa at madilim. Hindi namalayan ng isang binata na ang kanyang driver ay nakainom pala. Abala siya sa pagbabasa ng mga papeles sa likuran ng kotse, hindi alintana ang delubyong dulot ng ulan.

“Ashton, are you sure you can drive tonight?” tanong ng binata, bagamat mas abala siya sa isang business proposal na hawak-hawak.

“Yes, sir. The roads are a bit slippery, but I’ll drive safely,” sagot ng driver, pilit na tinatago ang amoy ng alak sa kanyang hininga.

Ngunit sa isang iglap, lumiwanag ang mga ilaw ng kotse at narinig ang preno—sumalubong ang isang pigura sa gitna ng kalsada. Si Kiarra, nabigla sa bilis ng sasakyan, napalingon lang at hindi na nakaiwas. Isang malakas na tunog ng preno at sigaw ang pumuno sa paligid. Tumilapon si Kiarra, bumagsak sa kalsada, at nawalan ng malay habang ang ulan ay lalo pang bumuhos.

“Sir! May nasagasaan tayo!” tarantang sigaw ng driver.

Mabilis na bumaba ang binata, agad na nilapitan si Kiarra. Natigilan siya sa dami ng dugo at ang kawalan ng malay ng babae. Mabilis niyang tinawagan ang kanyang private doctor gamit ang satellite phone.

“Bring the emergency kit, now. There’s an accident. Bring plasma—AB negative, mabilis!” utos niya sa doktor habang binubuhat si Kiarra papasok ng sasakyan. Sinalubong sila ng private medical team pagdating sa isang malaking bahay—isang mansion na puno ng mga guwardya at staff.

Agad na nilapatan ng lunas si Kiarra. Napansin ng doktor ang malakas na tama ng impact sa ulo at ang tuloy-tuloy na pag-agos ng dugo. “Sir, she lost a lot of blood. She needs a transfusion now. Her blood type is AB negative—”

Nagulat ang binata. “AB negative? That’s my blood type. Use mine, doctor. Don’t waste time.”

Napatingin ang buong medical team sa kanya, alam nilang bihira at napaka-rare ng ganitong dugo. Mabilis na naayos ang transfusion gamit ang stocking supply ng dugo na palaging nakareserba para sa binata.

Sa gitna ng pag-aalala, tinitigan ng binata ang hindi pa rin nagkakamalay na babae. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kakaibang bugso ng damdamin siyang nadama—parang may koneksyon sila, hindi lang dahil sa dugo, kundi dahil sa isang matagal nang hinahanap ng puso niya.

“Doc, kapag okay na siya, gusto ko ng full DNA match. Use whatever tech we have. I want results tonight. I need to know who she is.”

“Understood, sir. We’ll process it now.”

Habang nagpapagaling si Kiarra, inasikaso ng mga tauhan ng binata ang lahat—mula sa damit, pagkain, at medical needs. Hindi pa rin alam ng lahat ang pangalan ng babae, dahil walang makitang ID o anumang pagkakakilanlan sa kanyang dala. Isang bagay lang ang malinaw: ang misteryosong babaeng ito ay may dugong kapareho ng kanilang amo.

Lumipas ang ilang oras. Sa isang pribadong silid, nakaupo ang binata—si Ashton—habang hinihintay ang resulta ng DNA test. Hindi mapakali ang kanyang mga kamay, at sa bawat segundo ng paghihintay, lalo siyang kinakain ng kaba at pananabik.

Dumating ang private doctor, may hawak na sealed envelope. “Sir, here’s the result. It’s conclusive.”

Mabilis na binuksan ni Ashton ang sobre, at nang mabasa ang dokumento, hindi mapigilan ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Isang damdamin ng matagal na niyang pinipigil—pag-asang halos nawala na sa kanya.

“Finally…” bulong ni Ashton, mahigpit na hawak ang papel habang tinititigan ang natutulog na si Kiarra.

“Finally, I found you, my little sister.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 18

    Third Person's POVThe entire De Vera Holdings ballroom fell silent, all eyes fixed on the stage. Crystal chandeliers bathed the room in golden light, catching every shimmer on elegant gowns and tailored suits. Ashton stood proud at the center, Kiarra poised beside him in her white silk gown, her hand protectively holding Letty’s. Even among the throng of VIPs, Larkin felt the world narrow to the three figures under the spotlight.He could hardly trust what he was seeing. For three years, he’d believed Kiarra was lost to him forever. Now, here she was—alive, radiant, and more untouchable than ever.Ashton’s voice rang clear across the ballroom. “Magandang gabi sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagdalo ninyo ngayong gabi.” He turned to look at Kiarra, a gentle pride softening his features.“Three years ago... may isang taong bumalik sa buhay ko. At ngayong gabi... handa ko na siyang ipakilala sa inyong lahat.”There was a ripple of curiosity, a held breath in the air. Larkin’s pulse

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 17

    Third Person's POVSa tuktok ng De Vera Holdings Tower, kumikislap ang grand ballroom sa ilalim ng magarang crystal chandeliers. Sa bawat sulok, makintab ang marble floors, mahaba ang mga drapery ng imported silk, at nagpapalitan ng mahihinang bulungan ang mga pinakamalalaking pangalan sa negosyo at politika ng bansa. CEOs na bihasa sa power dressing, diplomats na sanay sa entablado ng mga bansa, at ilang piling miyembro ng media ang maingat na sumasalubong sa bawat bisita. Ang air-conditioning ay malamig ngunit hindi malamig ang ambiance—naroon ang excitement, ang pag-aabang.Si Ashton mismo ang pumapansin sa bawat bisita, ang kanyang suit ay maayos na nakalapat, ang bawat sulyap ay may kumpiyansa ngunit puno ng anticipation. Panay ang tingin niya sa relo, sinisipat ang bawat galaw ng oras.“Congratulations, Mr. De Vera,” bati ng isang board director, nilalapitan siya habang inaabot ang kamay.Ngumiti si Ashton, palihim na proud. “Tonight will be memorable,” sagot niya, may lihim na

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 16

    LarkinTahimik akong naglalakad sa tabi ni Ashton sa executive floor ng De Vera Holdings. Ang bawat hakbang ay ramdam—marble ang sahig, naririnig ko ang halos walang tunog na yabag ng mga Italian-made na sapatos namin. Sa kaliwa at kanan, mga glass wall na nagpapakita ng city skyline, mga painting na alam kong daang libo ang halaga, at mga empleyadong halos hindi humihinga kapag dumadaan kami.“Three years... and you’ve doubled the company’s value,” sabi ko, tinitingnan siya sa gilid ng mata.“Business doesn’t wait,” sagot ni Ashton, malamig ang tono, parang may dinadala na hindi niya sinasabi.Napangiti ako, pilit na nagpapagaan ng usapan. “Neither do you.”Bahagya siyang ngumiti—makita lang iyon ng kahit sino, alam mong bihira.“Someone has to,” tugon niya.Pagdating namin sa conference hall, bumungad ang isang silid na parang mismong boardroom ng mga hari—mahahabang mesa, leather seats, LCD walls na nagpapakita ng mga graph, market shares, blueprints. Pero ramdam kong hindi lang ne

  • The Billionaire's Runaway Maid   CHAPTER 15

    Third Person's povTatlong araw pa lamang ang lumilipas mula nang lumipad si Larkin patungong Europe para sa isang linggong business trip. Ngunit kahit gaano kabigat ang mga pulong at kontratang nilagdaan niya, nanatiling abala ang isip niya—hindi sa mga numero, kundi sa alaala ng isang maliit na batang babae na tila hindi niya matakasan sa gunita.Ngayon, nasa isang maluwang na conference room siya sa gitna ng Paris, habang ang mga executive ng partner company ay sari-saring graphs at projections ang pinapresenta. Sa gilid ng mesa, lumapit ang executive assistant niya, suot ang maayos na blazer at may hawak na tablet. Tahimik nitong inabot ang device, at magalang na bumulong.“Sir.”Naputol ang presentasyon. Lahat ng mata ay napalingon kay Larkin, ngunit hindi siya nag-alala. Kinuha niya ang tablet, inilihis ang tingin mula sa monitor.“De Vera Holdings Philippines just announced a private executive event.”Bahagyang nagtaas ng kilay si Larkin. “Anong event?”“A private gathering wit

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 14

    Larkin's POVTahimik akong nakasandal sa likod ng upuan ng aking Rolls-Royce habang papalayo kami mula sa airport. Mula sa tinted windows, tanaw ko ang abalang lungsod—mga ilaw ng traffic, billboard ng luxury brands, mga taong nagmamadali sa ilalim ng cityscape na parang hindi natutulog.Pero ang isip ko, nandoon pa rin. Sa maliit na batang nakilala ko kanina. Sa dami ng batang nasasalubong ko sa buong buhay ko—mga pamangkin ng business partners, mga anak ng investors, anak ng mga kaibigan—bakit siya? Bakit si Letitia De Vera ang hindi ko maalis sa isip?May kung anong malalim na pakiramdam, parang may humihila sa akin, nag-iiwan ng matinding curiosity at... kakaibang pangungulila. Napabuntong-hininga ako.Kinuha ko ang cellphone ko at, sa isang iglap, may isang pangalan lang ang gusto kong tawagan. Morcan. Ang pinaka-maaasahan kong kaibigan sa mundo ng impormasyon—at lihim.Hindi pa man natatapos ang pangalawang ring, sinagot na ni Morcan ang tawag. Laging handa, laging mabilis.“Ano

  • The Billionaire's Runaway Maid   Chapter 13

    Third Person's POVIsang mahaba at marangyang convoy ng mga itim na luxury SUVs ang dahan-dahang pumasok sa malawak na De Vera Estate. Sa pagbungad ng mga sasakyan, awtomatikong bumukas ang matatayog na bakal na gate, na tila sumasaludo sa pagbabalik ng tunay na anak ng pamilya. Sa magkabilang gilid ng driveway, nakalinya ang mga cherry blossom at imported European pine trees, ang mga kulay rosas na bulaklak ng cherry blossoms ay bumabalot sa hangin ng banayad na bango, habang ang mga pine ay nagbibigay ng malamig na presensya na tila nagbabantay sa bawat dumadaan.Sa gitna ng hardin, nakatayo ang isang fountain na yari sa puting marmol, ang tunog ng agos ng tubig ay nagdadala ng kakaibang katahimikan at dignidad. Sa harap ng pangunahing mansyon—isang istrukturang parang palasyo na may halong modernong arkitektura at European charm—nagsimula nang pumila ang mga kasambahay at butler, bawat isa’y nakasuot ng maayos at may hawak na ngiti, sabik na salubungin ang pagbabalik ng kanilang Ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status