MasukThe Man Mommy Hates Calista Pov Tahimik na ang maliit na apartment namin dahil sa malakas na ulan na patapos na sa labas ngayon. Habang nagluluto ako ng simpleng itlog at fried rice, abala naman si Cassie sa pagguhit sa sala. Hinayaan ko na lang muna ito dahil pagod na ang labi ko sa kasasalita. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit ito sa akin. Naboboring na naman siguro sa ginagawa niyang pagkukulay sa book niya. "Hummmm yummy... Ang bango po talaga ng itlog at fried rice. Mukha pong mas masarap ito kesa sa huli na luto mo po, Mommy," bungisngis nito. "Ang sabihin mo, nagugutom ka na, anak. Kunwari ka pa, tse." Sabay pingot kong natatawa sa kanya. Humagikhik rin ito sa ginawa ko. "Mommy." "Yes, baby ko?" Sabay tingin ko sa kanya. "Huwag ka po sanang magagalit, ha?" Tumitig pa ito sa akin para makasigurado kung magagalit ako o hindi. Napangiti na lang ako sa batang ito. Takot lang nito na magalit ako ng sobra sa kanya. "Depende sa itatanong mo, anak." "Promise
The Voice He Couldn't Ignore Calista POV "Cassie!" Tawag ko sa anak ko. Napalingon agad ang anak ko. "Yes po, Mommy!" "Ano'ng ginagawa mo na naman ba?" "Wala po." Mabilis niyang sagot. "Wala? Sigurado ka? Kanina ka pa nakikipagkuwentuhan diyan! Ano na naman ba ang mga pinagsasabi mo ha, bata ka." "Wala po, Mommy. Good girl po ako ah. Tsaka mahalaga po ang kwentuhan namin, Mommy." "Mahalaga?" Agap ko. "Opo." "Kanino ka ba nakikipag-usap, anak?" Napakamot si Cassie sa ulo. Parang hesitant pa itong sumagot sa tanong ko. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Sa kaibigan ko po." Napabuntong-hininga ako. Hindi pwedeng ma-attach ito sa lalaking hindi naman niya kilala at nakikita. Baka ibuyo pa ako ng anak ko. Yung nanliligaw sa akin ay ayaw ng anak ko kasi daw pangit pero mabait. Sinita ko nga na bawal manlait pero hindi daw iyon lait. Napa-facepalm na lang ako. Maganda naman ang trabaho ng lalaki kaso lang ayaw ng anak ko sa kanya kahit pa very respectful na la
The Little Menace Chapter 6 Calista POV "MOMMY!" malakas na sigaw ng anak kong si Cassie. Nagulat ako sa malakas nitong pagtawag sa akin. Halos kabahan akong tumingin sa kanya. Akala ko kung ano na. "Ano ka ba naman, anak ? Nakakagulat ka!" Sabi ko. Tumawa lang ito sabay yakap sa bewang ko. "Hiram ako ng phone mo po," matinis na sabi ng anak ko. Napasimangot ako. "Aanhin mo na naman ba ang cellphone ko, anak?" Mapanuring tingin ko siyang tiningnan. Matamis naman itong ngumiti sa akin at nagpa-cute pa. Napangiti naman ako agad. "Gusto ko lang po makausap si Mister baka po namimiss na niya ako," nguso ng anak ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ito ba ang palaging kausap nito na halos humalakhak ng malakas sa mga pinagsasabi niya? Makulit at pasaway na madaldal ang anak ko, kaya sigurado ako na kung ano-ano na naman ang pinagsasabi sa taong iyon. "Anak, alam kong pasaway at madaldal ka. Pero tantanan mo ang panggugulo sa taong hindi mo naman kilala," mahinahon
The Strangest Friend Chapter 5 Zayver Pov Apat na araw na kaming magkausap ang batang si Cassie. At sa loob ng apat na araw na iyon ay apat na beses ding napatanong ang assistant ko kung may sakit daw ba ako. Dahil sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon na lumipas, ay ngayon lang ako hindi nagalit sa kahit sino. Kasalukuyan, nasa kalagitnaan kami ng isang mahalagang meeting. Tahimik ang conference room. Lahat ay nakatutok sa presentasyon sa harapan. Seryoso akong nakikinig nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Unknown number na naman, at sigurado akong si Cassie ang tumatawag. I-save ko na nga next time ang number na ginagamit ng bata. Nakita ko na lumaki ang mga mata ng assistant ko. Hindi siguro nila akalain ng mga nandito sa conference room na hindi nila kailanman nakitang may sumagot sa personal na tawag ang CEO habang may meeting. Mas mahalaga kasi ang kwentuhan namin ng batang makulit kaysa sa anumang meeting kahit importante pa ito. Agad
The Little Voice That Stayed Zayver Pov Pagkatapos ng unang tawag, inisip ko na hindi ko na muling maririnig ang madaldal na batang iyon. Pero kinagabihan, nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng aking opisina. Bigla ko na lang naalala ang bata. Tahimik na ang buong palapag. Tanging ilaw ng siyudad na lang ang aking natatanaw. Paulit-ulit kong naaalala ang boses ng bata. Lalo na ang sinabi nitong "Ang ganda po ng boses mo." Napailing ako. Baliw ba ang batang iyon? Ako? Maganda ang boses? Kilala ako bilang isang pinakanakakatakot na CEO sa bansa. Hindi ko alam kung bakit, pero paulit-ulit kong tinitingnan ang unknown number sa aking cellphone. Parang may kung anong nagtutulak sa akin na tawagan ito. Ilang segundo akong nag-atubili. Pagkatapos ay pinindot ko rin ang call button. Tatlong ring lang ay may sumagot agad. Napangiti ako ng wala sa oras. >Phone call
Six Years Later CALISTA POV Limang taon ang lumipas. Hindi naging madali ang buhay ko. Parang may pumipigil sa akin na magtrabaho sa magandang kompanya o kahit sa mga simpleng trabaho lang. Pakiramdam ko may humaharang sa akin na makahanap ng trabaho. Gusto talaga yata nilang maghirap ako sa mundong ito. Pero hindi ko hahayaan na masira nila ako ng tuluyan. Hanggang ngayon ba ay pinapamanmanan pa rin niya ako para makita ang kamiserablehan ng buhay ko? Napabuntong-hininga ako ng malalim. Ginawa ko na ang lahat pero bakit hindi pa nila ako tantanan. Hindi ba pwedeng hayaan na nila ako dahil sinunod ko naman ang gusto nila. O, baka si Zayver naman ang may gawa nito. Kaya di ako nakakapasok at natatanggap sa trabaho dahil sa kagagawan niya. "Six years na hindi ba dapat hayaan na niya ako. Masaya na ako kasama ang anak ko eh," masamang loob na bulong ko. Kaya sa umaga, nagtatrabaho ako bilang online seller. Sa hapon naman ay tumatanggap ako ng mga labada mula sa kapitbahay.







