LOGINNapahawak ako sa gilid ng lababo habang walang tigil ang pagbugso ng pait mula sa kailaliman ng aking sikmura. Parang pinipiga ang aking bituka, at ang bawat dighay ko ay nag-iiwan ng nakapapasong hapdi sa aking lalamunan.
Sumasayaw ang paningin ko, at ang tunog ng malakas na ulan sa labas ay tila naging isang malayong ugong sa aking pandinig. “Adelina! Diyos ko, ano’ng nangyayari sa iyo?” Naramdaman ko ang mabilis na paglapit ni Auntie Lottie. Hinawakan niya ang aking buhok upang iangat ito habang marahang tinatapik ang aking likod. Ang dati’y masangsang na amoy ng kanyang pabango ay muling humampas sa aking ilong, dahilan upang muli akong mapaduwal nang walang mailabas kundi laway at asido. “U-Umalis ka muna, Auntie… ang pabango mo,” nanghihina kong pakiusap habang binubuksan ang gripo para magmumog. Mabilis na lumayo si Auntie Lottie, bakas ang pagtataka at matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Kumuha siya ng baso ng tubig at maingat na inabot iyon sa akin nang makatayo ako nang maayos. “Isang buwan ka nang ganyan, Adelina? Ngayon ko lang nakita na nagsuka ka nang ganyan kalala,” pambungad niya, habang ang kanyang mga mata ay unti-unting bumaba patungo sa aking tiyan. Biglang gumuho ang lupa sa aking kinatatayuan. Ang malamig na tubig na iniinom ko ay parang naging yelo sa aking lalamunan. Isang buwan. Isang buwan na mula nang gabing iyon. Isang buwan na nang ibenta ko ang aking katawan at si Sir Carter ang nakauna sa akin. Isang buwan na akong nakatulala sa sala, ni hindi ko namamalayan ang paglipas ng mga araw, at lalong hindi ko binilang kung kailan ang huling buwanang dalaw ko. ‘Hindi… hindi maaari,’ bulong ng isang bahagi ng aking isip na pilit itinatanggi ang unti-unting nabubuong katotohanan. “Adelina… kailan ang huling regla mo?” seryoso at mababa ang boses ni Auntie Lottie. Wala na ang gasgas at matalas niyang tono; purong seryosong tanong ng isang matandang babae ang narinig ko. Hindi ko siya sinagot. Napasandal ako sa gilid ng lababo, unt-unting nangangatog ang aking mga tuhod. Ang takot na naramdaman ko noong mamatay si Mama ay nahaluan ng isang matinding kilabot. “Diyos ko,” bulong ni Auntie Lottie nang mabasa ang katahimikan ko. Napasapo siya sa kanyang noo. “Kaya pala… kaya pala nangangayat ang katawan mo.” “Huwag ngayon, Auntie. Pakiusap, huwag ngayon,” pakiusap ko habang lumuluha. Pero dahil siya si Auntie Lottie, alam kong hindi tibigil ang pagbubunganga niya. “Hindi ba kayo gumamit ng proteksyon?” Tinignan ko si Auntie na may pagtataka sa aking mga mata. “H-Hindi po.” Ni hindi ko nga alam na dapat palang gumamit ng ganoong proteksyon kapag pumasok ka sa pagbebenta ng katawan! “Ang bobo mo talaga, Adelina! Pagbebenta ng katawan ang pinasukan mo, hindi pagiging ina!” Nakita ko ang pagkataranta ni Auntie Lottie dahil sa posibleng pagbubuntis ko. “Ang sabi ko, magpakapokpok ka at hindi magpabuntis!” pagpapatuloy ni Auntie Lottie kahit hindi pa naman kami sigurado na may buhay na nga sa sinapupunan ko. “Auntie, h-hindi pa naman sigurado na buntis ako,” halos pabulong kong sagot kay Auntie. Ang galit ko kanina ay biglang nawala dahil sa haka-haka ni Auntie. Samantalang si Auntie ay nawala ang pagiging malungkot sa kanyang mukha at napalitan ito ngayon ng pagkataranta at pag-aalala. “Aalamin natin! Bibili ako ng pregnancy test!” Kaya kahit na malakas ang ulan, lumabas si Auntie Lottie upang bumili ng pregnancy test. Kalaunan, nang bumalik siya ay may dala-dala nga itong limang pregnancy test. Iba-iba pa ang brand. “Gamitin mo lahat ‘yan para sigurado tayo.” Walang sabi-sabi, sinunod ko ang gusto ni Auntie. At habang inilalagay ko ang ihi ko sa mga pregnancy test, nanginginig ang mga kamay ko. “Hindi pa ba tapos, Adelina?!” Ang pagkalampag ni Auntie Lottie sa pinto ang siyang nagpakaba lalo sa akin. Hindi ako sumagot kay Auntie Lottie dahil hinihintay ko ang resulta ng limang pregnancy test na nasa harapan ko ngayon. Hindi na nakatiis si Auntie Lottie at binuksan niya na ang pinto ng banyo. Hindi ako bumaling dito nang makalapit siya sa akin dahil hindi ko na magawang huminga nang maluwag habang tinitingnan ko ang mga pregnancy test. Halos pigil ang aming hininga nang unti-unti ngang nagkaroon ng tig-isang linya ang bawat pregnancy test, at nang unti-unting lumitaw ang pangalawang guhit, hindi na napigilan ni Auntie ang eskandalosa niyang pagsinghap. Samantalang ako ay napapikit nang mariin. “A-Auntie, anong gagawin ko?” halos pabulong kong tanong nang humarap ako kay Auntie Lottie. “Ipalaglag mo, Adelina! May kilala akong marunong maglaglag ng bata.” Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa tinuran ni Auntie Lottie. May munting anghel na nabubuhay rito. Wala siyang kasalanan na nabuo siya, pero ang gusto ni Auntie Lottie ay ipalaglag ko siya? Gusto ni Auntie na ipalaglag ko ang anak ko? Wala na si Mama. Si Auntie Lottie na lang ang pamilyang mayroon ako, at ang buhay sa tiyan ko… tila binibigyan ako nito ng pag-asa na magpatuloy kahit na ganito ang nangyayari sa buhay ko. “A-Auntie, ayoko.” Unti-unting muling bumuhos ang mga luha ko. Lumuluha ako ngayon hindi dahil sa pagsisisi at galit na may nabuo sa sinapupunan ko, kundi lumuluha ako dahil may isang anghel na ipinaparamdam na hindi ko kailangang mag-isa sa mundo dahil narito na siya. “Ano?!” gulat na tanong ni Auntie. “At paano mo bubuhayin ang bata na iyan nang mag-isa?” Pinunasan ko ang mga luha ko. “Magtatrabaho ako, Auntie.” “Na buntis ka? At anong trabaho? Pagiging janitor ulit?” “A-Auntie, gusto kong buhayin ang anak ko. Pakiusap, huwag ninyo na po akong kontrahin sa gusto ko.” Napasabunot si Auntie sa kanyang sariling buhok sa sagot ko sa kanya. “Ang bobo mo talaga, Adelina!” mariin na sambit ni Auntie sa akin. Ramdam ko ang pagkadismaya sa boses niya. “Sige, kung palalakhin mo ‘yan, sabihin natin kay Sir Carter.” Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis din akong umiling kay Auntie Lottie na siyang dahilan kung bakit kumunot ang noo niya. “Bubuhayin ko nang mag-isa ang anak ko, Auntie.” “Adelina, mag-isip ka—” “Auntie, sa tingin ninyo ba ay tatanggapin ni Sir Carter ang anak ko? Mayaman siya, Auntie. Ang isang katulad ko na nagbenta ng katawan ay hindi niya paninindigan at pananagutan. Iisipin lang niya na sa loob ng isang buwan ay sino-sinong lalaki ang nakàtalîk ko, kaya hindi niya siya maniniwala na anak niya ang dinadala ko.” Sandaling natigilan si Auntie sa sinabi ko. At nang magsalita ito ay napangiti na lang ako. “Bahala ka na nga, Adelina! Gawin mo ang gusto mo dahil katawan mo naman iyan.” Sa unang pagkakataon, niyakap ko nang mahigpit si Auntie Lottie. Bigla lang din nawala sa aking sistema ang amoy niyang nakakasuka nang yakapin ko siya. Nang maramdaman ko ang pagiging estatwa ni Auntie Lottie ay humiwalay ako ng yakap sa kanya. “Siguraduhin mo munang mahigpit ang kapit ng anak mo sa matres mo kung gusto mong buhayin talaga ‘yan,” walang buhay na sabi ni Auntie bago siya lumabas ng banyo, pero nakita ko ang bahagyang paglambot ng kanyang mukha. Sa tulong ni Auntie Lottie, pumunta kami sa ospital at nagpacheck-up. Hindi naman maselan ang pagbubuntis ko kaya maaari pa rin akong magtrabaho habang hindi pa malaki ang aking tiyan. Hinatid din ako ni Auntie Lottie sa dati kong pinagtatrabahuhan matapos naming magpacheck-up, at wala akong nakitang pagtutol sa mukha niya nang iwan ako nito. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid habang hawak ang aking lumang envelope. Alam kong mahihirapan akong makahanap ng trabaho sa kalagayan ko ngayon, pero kailangan kong magpakatatag para sa munting buhay sa aking sinapupunan. “Adelina Sanchez? Pumasok po kayo sa opisina ni Sir Kaito,” sabi sa akin nang nasa information desk nang ipasa ko ang resume ko dahil sinubukan kong mag-apply bilang secretary. Huminga ako nang malalim bago humakbang. Sinunod ko ang bilin sa akin at nang makarating ako sa opisina ni Sir Kaito, tatlong beses akong kumatok bago ako tuluyan pumasok. Isang lalaki na nakaupo habang umiiyak ang nadatnan ko sa loob ng kwarto. “Are you my new secretary?” umiiyak na tanong nito sa akin. Kahit lito ay tumango ako. “Please close the door,” malamig ang boses nito at malalim din. Pero nang masara ko ang pinto, umalungong ang kanyang iyak at ang boses niya ay biglang naging boses babae. “Porket bakla ako ay lolokohin niya lang ako?!” sambit nito sa kawalan, bago niya ako muling tinignan. “Come here. Kailangan ko ng makakausap.” Dali-dali akong lumapit sa kanya. At habang pinapakinggan ko ang problema niya, unti-unting naging palagay ang loob namin sa isa’t isa, na siya palang magiging dahilan kung bakit magiging matalik ko siyang kaibigan sa mga daraan na taon.Mabilis na tumayo si Kaito mula sa kanyang upuan, bakas ang matinding galit at pagkabahala sa kanyang mukha. Hahakbang pa lamang siya patungo sa pinto nang bigla itong bumukas nang walang pasabi.Yumuko agad sa takot ang dalawang staff na taga-ayos ng damit nang dumaan sila sa pintuan upang makalabas, habang unti-unting pumasok ang isang matangkad at pamilyar na pigura. Si Carter.Naka-amerikana ito, halatang galing pa sa trabaho. Seryoso ang mukha niya, at may hawak na folder. Agad na dumapo ang kanyang madidilim na mata sa akin, bago siya lumingon kay Kaito na ngayon ay nakaharang na sa aking harapan.“Mr. Vergara, may pribadong photoshoot ang modelo ko ngayon. Wala kang karapatang pumasok basta-basta sa dressing room na ito,” mariin at may babalang saad ni Kaito.Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Carter bago dahan-dahang itinaas ang folder na hawak niya. “I heard you rejected my contract, Marasigan. So I brought it here personally.”Tumingin siya sa akin, nilalag
Ipinagpatuloy namin ni Kaito ang pakikihalubilo sa iba pang mga panauhin. Pilit kong itinuon ang aking pansin sa pakikipag-usap sa dalawang kilalang fashion designers upang tuluyang mapatid ang tensyon sa aking dibdib. Pero habang nakikipag-usap ako, ang sagutan namin kanina ni Carter at ang pinag-usapan namin sa labas ay paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. Minsan, kailangan ko pang lihim na kuritin ang kamay ko upang magising, dahil kung hindi ko gagawin iyon, malamang ay matutulala na lang ako sa kausap ko. Hindi rin nakakatulong sa akin ang mariing titig ni Carter na kanina ko pa nararamdaman—na kahit hindi ko siya balingan, alam kong siya ang tumitingin sa akin dahil sa talas ng pagkakatitig niya sa aking likuran.Kaya naman nang lumipas ang isang oras, kahit na may gusto pang makipag-usap sa amin ni Kaito, pormal na napagdesisyunan naming magpaalam sa mga ito. Dinahilan na lang namin ni Kaito na naghihintay ang kanya-kanya naming mga anak sa amin. Habang pababa kami s
Tinalikuran ko si Carter at hindi ko na ito hinintay na magsalita pa. Ramdam ko pa ang bawat tibok ng aking puso na tila ba sumasabay sa bawat yapak ko dahil sa usapan namin kanina. At eksaktong pagkalayo ko sa kinaroroonan ni Carter, nakita naman ako ni Kaito na mukhang kanina pa ako hinahanap. “Saan ka galing?” nag-aalalang tanong nito. Ilang beses pa siyang tumingin sa likod ko kung saan ako nanggaling.Sa takot na makita niya si Carter sa pinanggalingan ko, niyakap ko ang kanyang braso at pilit ko siyang isinabay sa aking paglakad.“Nagpahangin lang, Kaito,” mabilis kong sagot. “Nagpahangin? Bakit pawisan ang noo mo? Ganyan ba ang nagpahangin?” Shit! Bakit ba kasi ang daming napupuna nitong si Kaito?“Maraming tao pagpasok ko kaya pinagpawisan ako,” pagdadahilan ko na lang. Pilit kong pinakalma ang aking paghinga habang naglalakad kami ni Kaito pabalik sa loob ng nagniningning na ballroom. Ang lamig ng veranda ay agad na napalitan ng pamilyar na ingay ng tawanan, kalantog
Hindi ko na mabilang kung ilang pekeng ngiti ang ibinigay ko sa mga taong ipinakikilala sa akin ni Kaito. Kahit pilit kong itinutuon ang aking isipan sa mga potensyal na proyekto, patuloy na bumabalik sa aking alaala ang madilim na titig ni Carter mula sa malayo. At pakiramdam ko ay unti-unti akong nasasakal sa loob ng event na ito.“Kaito, pupunta lang ako sandali sa veranda,” bulong ko sa aking kaibigan matapos umalis ng huling kliyenteng kausap namin. “Kailangan ko lang ng kaunting sariwang hangin.”“Sige, Adelina. Huwag kang magtatagal, ha? Susunod ako kapag may nakita pa akong interesadong investor,” paalala ni Kaito na may kasamang marahang patapik sa aking balikat.Tumango ako at dahan-dahang naglakad palabas. Nilagpasan ko ang maingay na karamihan at tinahak ang tahimik na pasilyo patungo sa bukas na veranda ng hotel.Malamig ang hangin sa labas, isang malaking kaibahan sa mainit at nakakasakal na atmospera sa loob ng ballroom. Humawak ako sa malamig na bakal ng railings at tu
Nang sumapit ang charity gala, hindi na nagtigil ang kabang nararamdaman ko. Isang marangyang emerald green na gown na gawa sa makinis na sutla ang napili kong isuot. Ang kulay nito ay perpektong nagpatingkad sa aking morenang balat, na nagbigay ng natural na liwanag at karangyaan sa aking buong hitsura. Ang bawat tahi ay tila sadyang ginawa para yakapin ang kurba ng aking katawan. Simple lang ang aking hairstyle—isang malinis na low bun na naglantad sa aking leeg at balikat, na pinalalamutian ng manipis na brilyanteng kuwintas na ipinahiram ng agency ni Kaito. Walang saplot ang bahagi ng aking likod kaya lantad na lantad ito. Katambal nito ang aking itim na heels na nagpadagdag sa aking tangkad, at isang maliit na itim na clutch bag na lubos na bumagay sa aking suot. Habang nakatitig ako sa salamin, nakita ko ang isang sopistikadong babae—malayo sa mahinang Adelina na kinawawa nila sa limang taon ang nakalipas. Ito na ngayon ang sikat na mukha na nakikita ng buong Maynila sa m
Natigil ang kamay ko sa pagpupunas ng mukha sa sinabi ni Kaito. Isang malalim na pagtataka ang gumulo sa aking isipan. Kung totoo ang sinasabi ni Kaito, bakit ganoon ang naging reaksyon ni Carter noon? Totoo ba ang sinabi nito nang malasing siya? Totoo bang nahuhulog na ito sa akin noon? Pero kung totoo ngang nahulog siya sa akin, bakit nakuha niya akong babuyin noon? Bakit kailangan niyang gawin ang mga bagay-bagay na hindi naman dapat gawin ng isang nagmamahal? At isa pa, kung talagang nahulog ang kanyang loob sa akin nang tuluyan, bakit hindi niya ako sinubukang hanapin? Hindi ba’t may pera at makapangyarihan na siya ngayon? Marahil ang mana na pilit niyang ginagawan ng paraan upang makuha niya noon ay nakuha na niya kaya ngayon. At ngayong makapangyarihan na siya, bakit hindi ako nito hinahanap ngayon? Bakit hindi pa rin siya nagpapakita sa akin? O baka hindi naman talaga siya nahulog sa akin. Baka palabas niya lang iyon para magpatuloy pa rin ako sa kontrata namin. Baka
Nanigas ang buong katawan ko nang dahan-dahang dinilaan ni Carter ang sarili niyang mga daliri na basa pa ng aking likido, habang ang kanyang matatalas na mata ay nakatitig nang diretso sa akin. Ang bawat pagdila at sîpsîp niya ay tila hatol sa aking pagkatao. Isang paalala na sa larong ito, siya
Inilibing namin si Mama nang tahimik ako. Sa buong burol niya ng isang linggo, walang narinig mula sa akin si Auntie Lottie. Dahil hindi ko kayang isumbat ang lahat sa kanya, gayong may kasalanan din ako. Kasalanan ko rin naman dahil kung hindi ako pumasok sa trabaho ni Auntie, baka ngayon ay kas
Nang sumapit ang araw ng operasyon ni Mama, binalot ng amoy ng antiseptiko at alkohol ang aking umaga. Nakaupo ako sa matigas na silya sa labas ng operating room, habang ang pulang ilaw sa itaas ng pinto ay nagsisilbing paalala na hawak ng mga doktor ang buhay ng aking ina. Walang tigil ang paggal
Sinalubong ako ng malamig na hangin ng madaling-araw pagkalabas ko sa eksklusibong bar na iyon. Mahigpit kong yakap-yakap ang aking bag, kung saan nakatago ang tsekeng nagkakahalaga ng isang milyong piso. Isang milyong piso kapalit ng aking dangal.Pakiramdam ko ay napakadumi ko, at kahit anong lig







