LOGINMabilis na tumayo si Kaito mula sa kanyang upuan, bakas ang matinding galit at pagkabahala sa kanyang mukha. Hahakbang pa lamang siya patungo sa pinto nang bigla itong bumukas nang walang pasabi.Yumuko agad sa takot ang dalawang staff na taga-ayos ng damit nang dumaan sila sa pintuan upang makalabas, habang unti-unting pumasok ang isang matangkad at pamilyar na pigura. Si Carter.Naka-amerikana ito, halatang galing pa sa trabaho. Seryoso ang mukha niya, at may hawak na folder. Agad na dumapo ang kanyang madidilim na mata sa akin, bago siya lumingon kay Kaito na ngayon ay nakaharang na sa aking harapan.“Mr. Vergara, may pribadong photoshoot ang modelo ko ngayon. Wala kang karapatang pumasok basta-basta sa dressing room na ito,” mariin at may babalang saad ni Kaito.Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Carter bago dahan-dahang itinaas ang folder na hawak niya. “I heard you rejected my contract, Marasigan. So I brought it here personally.”Tumingin siya sa akin, nilalag
Ipinagpatuloy namin ni Kaito ang pakikihalubilo sa iba pang mga panauhin. Pilit kong itinuon ang aking pansin sa pakikipag-usap sa dalawang kilalang fashion designers upang tuluyang mapatid ang tensyon sa aking dibdib. Pero habang nakikipag-usap ako, ang sagutan namin kanina ni Carter at ang pinag-usapan namin sa labas ay paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. Minsan, kailangan ko pang lihim na kuritin ang kamay ko upang magising, dahil kung hindi ko gagawin iyon, malamang ay matutulala na lang ako sa kausap ko. Hindi rin nakakatulong sa akin ang mariing titig ni Carter na kanina ko pa nararamdaman—na kahit hindi ko siya balingan, alam kong siya ang tumitingin sa akin dahil sa talas ng pagkakatitig niya sa aking likuran.Kaya naman nang lumipas ang isang oras, kahit na may gusto pang makipag-usap sa amin ni Kaito, pormal na napagdesisyunan naming magpaalam sa mga ito. Dinahilan na lang namin ni Kaito na naghihintay ang kanya-kanya naming mga anak sa amin. Habang pababa kami s
Tinalikuran ko si Carter at hindi ko na ito hinintay na magsalita pa. Ramdam ko pa ang bawat tibok ng aking puso na tila ba sumasabay sa bawat yapak ko dahil sa usapan namin kanina. At eksaktong pagkalayo ko sa kinaroroonan ni Carter, nakita naman ako ni Kaito na mukhang kanina pa ako hinahanap. “Saan ka galing?” nag-aalalang tanong nito. Ilang beses pa siyang tumingin sa likod ko kung saan ako nanggaling.Sa takot na makita niya si Carter sa pinanggalingan ko, niyakap ko ang kanyang braso at pilit ko siyang isinabay sa aking paglakad.“Nagpahangin lang, Kaito,” mabilis kong sagot. “Nagpahangin? Bakit pawisan ang noo mo? Ganyan ba ang nagpahangin?” Shit! Bakit ba kasi ang daming napupuna nitong si Kaito?“Maraming tao pagpasok ko kaya pinagpawisan ako,” pagdadahilan ko na lang. Pilit kong pinakalma ang aking paghinga habang naglalakad kami ni Kaito pabalik sa loob ng nagniningning na ballroom. Ang lamig ng veranda ay agad na napalitan ng pamilyar na ingay ng tawanan, kalantog
Hindi ko na mabilang kung ilang pekeng ngiti ang ibinigay ko sa mga taong ipinakikilala sa akin ni Kaito. Kahit pilit kong itinutuon ang aking isipan sa mga potensyal na proyekto, patuloy na bumabalik sa aking alaala ang madilim na titig ni Carter mula sa malayo. At pakiramdam ko ay unti-unti akong nasasakal sa loob ng event na ito.“Kaito, pupunta lang ako sandali sa veranda,” bulong ko sa aking kaibigan matapos umalis ng huling kliyenteng kausap namin. “Kailangan ko lang ng kaunting sariwang hangin.”“Sige, Adelina. Huwag kang magtatagal, ha? Susunod ako kapag may nakita pa akong interesadong investor,” paalala ni Kaito na may kasamang marahang patapik sa aking balikat.Tumango ako at dahan-dahang naglakad palabas. Nilagpasan ko ang maingay na karamihan at tinahak ang tahimik na pasilyo patungo sa bukas na veranda ng hotel.Malamig ang hangin sa labas, isang malaking kaibahan sa mainit at nakakasakal na atmospera sa loob ng ballroom. Humawak ako sa malamig na bakal ng railings at tu
Nang sumapit ang charity gala, hindi na nagtigil ang kabang nararamdaman ko. Isang marangyang emerald green na gown na gawa sa makinis na sutla ang napili kong isuot. Ang kulay nito ay perpektong nagpatingkad sa aking morenang balat, na nagbigay ng natural na liwanag at karangyaan sa aking buong hitsura. Ang bawat tahi ay tila sadyang ginawa para yakapin ang kurba ng aking katawan. Simple lang ang aking hairstyle—isang malinis na low bun na naglantad sa aking leeg at balikat, na pinalalamutian ng manipis na brilyanteng kuwintas na ipinahiram ng agency ni Kaito. Walang saplot ang bahagi ng aking likod kaya lantad na lantad ito. Katambal nito ang aking itim na heels na nagpadagdag sa aking tangkad, at isang maliit na itim na clutch bag na lubos na bumagay sa aking suot. Habang nakatitig ako sa salamin, nakita ko ang isang sopistikadong babae—malayo sa mahinang Adelina na kinawawa nila sa limang taon ang nakalipas. Ito na ngayon ang sikat na mukha na nakikita ng buong Maynila sa m
Natigil ang kamay ko sa pagpupunas ng mukha sa sinabi ni Kaito. Isang malalim na pagtataka ang gumulo sa aking isipan. Kung totoo ang sinasabi ni Kaito, bakit ganoon ang naging reaksyon ni Carter noon? Totoo ba ang sinabi nito nang malasing siya? Totoo bang nahuhulog na ito sa akin noon? Pero kung totoo ngang nahulog siya sa akin, bakit nakuha niya akong babuyin noon? Bakit kailangan niyang gawin ang mga bagay-bagay na hindi naman dapat gawin ng isang nagmamahal? At isa pa, kung talagang nahulog ang kanyang loob sa akin nang tuluyan, bakit hindi niya ako sinubukang hanapin? Hindi ba’t may pera at makapangyarihan na siya ngayon? Marahil ang mana na pilit niyang ginagawan ng paraan upang makuha niya noon ay nakuha na niya kaya ngayon. At ngayong makapangyarihan na siya, bakit hindi ako nito hinahanap ngayon? Bakit hindi pa rin siya nagpapakita sa akin? O baka hindi naman talaga siya nahulog sa akin. Baka palabas niya lang iyon para magpatuloy pa rin ako sa kontrata namin. Baka
Nanigas ang buong katawan ko nang dahan-dahang dinilaan ni Carter ang sarili niyang mga daliri na basa pa ng aking likido, habang ang kanyang matatalas na mata ay nakatitig nang diretso sa akin. Ang bawat pagdila at sîpsîp niya ay tila hatol sa aking pagkatao. Isang paalala na sa larong ito, siya
Napahawak ako sa gilid ng lababo habang walang tigil ang pagbugso ng pait mula sa kailaliman ng aking sikmura. Parang pinipiga ang aking bituka, at ang bawat dighay ko ay nag-iiwan ng nakapapasong hapdi sa aking lalamunan.Sumasayaw ang paningin ko, at ang tunog ng malakas na ulan sa labas ay tila
Inilibing namin si Mama nang tahimik ako. Sa buong burol niya ng isang linggo, walang narinig mula sa akin si Auntie Lottie. Dahil hindi ko kayang isumbat ang lahat sa kanya, gayong may kasalanan din ako. Kasalanan ko rin naman dahil kung hindi ako pumasok sa trabaho ni Auntie, baka ngayon ay kas
Nang sumapit ang araw ng operasyon ni Mama, binalot ng amoy ng antiseptiko at alkohol ang aking umaga. Nakaupo ako sa matigas na silya sa labas ng operating room, habang ang pulang ilaw sa itaas ng pinto ay nagsisilbing paalala na hawak ng mga doktor ang buhay ng aking ina. Walang tigil ang paggal







