LOGINInilibing namin si Mama nang tahimik ako. Sa buong burol niya ng isang linggo, walang narinig mula sa akin si Auntie Lottie. Dahil hindi ko kayang isumbat ang lahat sa kanya, gayong may kasalanan din ako.
Kasalanan ko rin naman dahil kung hindi ako pumasok sa trabaho ni Auntie, baka ngayon ay kasama ko pa rin siya. Baka hindi lang mahigit isang linggo ko lang siya kasama; baka umabot pa siya ng tatlong buwan katulad ng sinabi ng doktor niya. “Adelina, dinalhan kita ng pagkain.” Dire-diretso si Auntie Lottie sa kusina upang ilagay doon ang pagkain na dala niya. Isang buwan matapos ilibing ni Mama, tulala pa rin ako. Halos hindi na nga ako lumalabas sa tinutuluyan kong apartment. At sa loob ng isang buwan na iyon, walang palya ang pagdalaw sa akin ni Auntie Lottie. Sa umaga ay dinadalhan ako nito ng pagkain, sa gabi naman ay pinaglilinis niya ako. Samantalang ako, nakatulala lang habang nakaupo sa sala. Minsan lang ako gumagalaw—kapag kailangan lang kumain at maligo. “Kung nandito si Ate Madel, paniguradong hindi ka niya gugustuhin makitang ganyan, Adelina.” Napatingin ako kay Auntie habang nagwawalis ito sa sala. Tila wala itong pakialam kung magalit man ako sa kanya o kung palayasin ko siya ngayon dito. Ipinagpatuloy niya ang pagwawalis, ngunit sandali siyang huminto at tumingin sa akin nang may halo ng pait at pag-aalala. “Sising-sisi ako, Adelina. Araw-araw kong pinagsisisihan ang kadaldalan ko. Pero hindi ko na maibabalik ang buhay ng kapatid ko sa pamamagitan ng pagmumukmok mo riyan. Kailangan mong bumangon.” Hindi ko siya sinagot. Ibinalik ko ang aking tingin sa kawalan, ngunit ang mga luha na akala ko ay natuyo na sa nakalipas na isang buwan ay muling pumatak sa aking mga pisngi. Ang bawat sulok ng maliit na apartment na ito ay nagpapaalala sa akin kay Mama—ang kanyang mga pangarap na makabalik sa Sta. Ana, ang mga simpleng hiling niya na hindi ko na kailanman maibibigay. “Umalis ka na muna, Auntie,” sa wakas ay nahanap ko ang aking boses, kahit pa basag at halos pabulong na ito. “Adelina—” “Pakiusap, Auntie. Gusto ko muna mapag-isa,” pagputol ko sa kanyang sasabihin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatago ang poot ko sa kanya, o ang galit ko sa aking sarili. Mas mabuting lumayo muna siya bago ako tuluyang mawasak sa harap niya. Bumuntong-hininga si Auntie Lottie. Ibinaba niya ang walis at marahang lumapit sa kanyang bag at may kinuha roon. Iniwan niya ang isang card sa ibabaw ng lamesa sa aking tabi. “Iyan ang natitirang pera mula sa isang milyon, naka-save pa rin ‘yan sa account mo para sa mga susunod na buwan. Mag-grocery ka naman, Adelina. At saka… tumawag muli ang manager ng bar kanina. May naghahanap pa rin sa iyo. Mag-isip-isip ka.” Nang isinara ni Auntie Lottie ang pinto, binalot muli ako ng nakakabinging katahimikan ang buong appartment. Tinitigan ko ang card na naglalaman ng pera kung saan nagsimula ang lahat ng sumpa. Ang perang naging dahilan ng pagkawala ng aking dangal, ngayon ay naging mitsa rin ng pagkawala ng aking mama. Tumayo ako nang dahan-dahan, lumapit sa bintana, at tumingin sa labas. Alas-dyes pa lang ng umaga pero madilim na ang langit, nagbabadya kasi ang isang malakas na bagyo—katulad na katulad ng bagyong unti-unting lumalamon sa aking pagkatao. Wala na si Mama. Wala na ang rason ko para lumaban ng marangal. At ang anino ng gabing iyon kay Sir Carter ay tila hindi na ako tatantanan. Tuluyan na nga bumagsak ang malakas na ulan, kasabay nito ang pagpasok muli ni Auntie na basa nang kaunti ang katawan. “Dito muna ako. Papatilain ko lang ang ulan.” Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang ang ulan habang inaalala ko ang masasayang alaala namin ni Mama. “Adelina, nakapag-isip ka na ba?” tanong ni Auntie habang nakaupo ito, pinupunasan ang braso niyang nabasa sa ulan. “Wala ka nang kasama sa buhay. Kailangan mo ng pagkakakitaan, at kung babalik ka sa pagiging janitress, hindi ka na tatanggapin doon dahil mahigit isang linggo ka nang hindi pumapasok.” Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil unti-unti na akong naiinis kay Auntie Lottie. Magmula kasi nang mailibing si Mama, walang tigil ito sa pagbanggit sa paghahanap sa akin ni Carter. Wala itong tigil na ipaalala sa akin na mag-isa ako sa buhay. Isang buwan na akong nagluluksa sa pagkawala ni Mama, pero si Auntie Lottie, tila ba hindi nawalan ng kapatid. Oo at dinadalaw niya ako araw-araw. Akala ko nag-aalala talaga siya, nagsisisi nang dahil sa kadaldalan niya ay nauwi sa wala ang sakripisyo ko, pero nagkamali ako. Dahil ang pagdalaw niya sa akin sa araw-araw ay pagkumbinsi niya lang na pumasok ako sa nakakadiri niyang trabaho! “Auntie, hindi ninyo ako mapipilit na bumalik pa roon kahit sino pa ang naghahanap sa akin,” mahinahon kong sabi, taliwas sa nararamdaman kong inis sa katawan. “Pero, Adelina, malaking pera ang makukuha—” “Pera?!” naputol ang sasabihin dapat ni Auntie nang sumigaw ako. “Pera na lang ba lagi ang mahalaga sa iyo, Auntie?!” Napatayo si Auntie dahil sa pagsigaw ko. Hindi ko na napigilan na harapin ito dahil tuluyan nang sumabog ang kinikimkim ko sa nakalipas na buwan. “Auntie, nang dahil sa kadaldalan mo kay Mama ay namatay siya! Tapos ngayon, gusto mo akong bumalik sa nakakadiri mong trabaho dahil lang sa pera?! Wala na bang hiya sa katawan mo, Auntie?!” sambit ko na may kasamang pagsigaw dahil sa galit. “Aba! Dinadalaw kita rito sa loob ng isang buwan tapos ganyan lang ang ibabalik mo sa akin, Adelina?! Sino ang walang hiya sa ating dalawa?!” “Hindi ko hiniling na dalawin mo ako, Auntie! Dahil sa tuwing nakikita kita, naaalala kong ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Mama!” Nagsimulang umagos ang mga luha ko sa aking mga mata. Natigilan naman si Auntie Lottie nang makita niya ang mga luha ko. Bumukas ang bibig nito, pero isinara niyang muli ito na tila ba pinipigilan niya ang kanyang sariling magsalita. “Sana ikaw na lang ang nakakuha ng sakit ni Mama! Dahil kung tutuusin, wala naman pong kwenta ang buhay mo, Auntie. Wala kayong asawa at anak. At ang mayroon ka lang ay si Mama, pero wala ka namang pakialam kung namatay siya. Ni hindi nga kita nakitang nagluksa nang nawala siya!” Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha dahil lumalabo na ang aking paningin. At nang luminaw ang paningin ko, sa unang pagkakataon, nakita ko ang malungkot na mukha ni Auntie Lottie kahit puno ito ng kolorete. “Laging nasa isip mo lang ay pera, Auntie! At ngayon, gusto mo magaya ako sa pariwara mong buhay dahil mag-isa na lang ako? Gusto mong maging pûta rin ako na katulad mo? Wala ka bang konsensya kahit kaunti sa katawan, Auntie?” Katahimikan ang sumunod na namayani, tanging ang bagsak lang ng ulan sa bubong ang naririnig. Bumuntong-hininga si Auntie. At sa buntong-hininga niyang iyon, ramdam ko ang bigat. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nito. Inasahan kong magmamatigas ako, ngunit ang init ng kanyang bisig ay biglang bumasag sa natitira kong lakas. Sa gitna ng aking galit, nangibabaw pa rin ang pangungulila ko sa isang inang wala na. Hindi nagtagal, Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo nang maamoy ko ang pabango ni Auntie. Sumasayaw ang paningin ko at biglang umikot ang paligid ko. “Patawad, Adelina. Nag-aalala lang ako sa iyo. Alam kong kasalanan ko kung bakit namatay si Ate Madel. At ayoko lang ipakita sa iyo ang sakit at pagluluksa ko dahil gusto kong may masasandalan ka. Pasensya na rin kung pinipilit kitang pumasok sa trabaho, pero pangako, ito na ang huling beses na maririnig mo sa akin ito,” ramdam ko ang sinsiridad sa boses ni Auntie. Pero ang mga sinabi niya ay tila naging blanko sa aking isipan dahil sa naaamoy kong pabango mula sa kanya. Isang matamis at masangsang na amoy na biglang gumulo sa aking sikmura. Umakyat ang isang mariing pait sa aking lalamunan. At bago ko pa ito sabihin sa kanya, dali-dali akong humiwalay sa kanyang yakap para tumakbo patungo sa lababo upang doon magsuka.Ipinagpatuloy namin ni Kaito ang pakikihalubilo sa iba pang mga panauhin. Pilit kong itinuon ang aking pansin sa pakikipag-usap sa dalawang kilalang fashion designers upang tuluyang mapatid ang tensyon sa aking dibdib. Pero habang nakikipag-usap ako, ang sagutan namin kanina ni Carter at ang pinag-usapan namin sa labas ay paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. Minsan, kailangan ko pang lihim na kuritin ang kamay ko upang magising, dahil kung hindi ko gagawin iyon, malamang ay matutulala na lang ako sa kausap ko. Hindi rin nakakatulong sa akin ang mariing titig ni Carter na kanina ko pa nararamdaman—na kahit hindi ko siya balingan, alam kong siya ang tumitingin sa akin dahil sa talas ng pagkakatitig niya sa aking likuran.Kaya naman nang lumipas ang isang oras, kahit na may gusto pang makipag-usap sa amin ni Kaito, pormal na napagdesisyunan naming magpaalam sa mga ito. Dinahilan na lang namin ni Kaito na naghihintay ang kanya-kanya naming mga anak sa amin. Habang pababa kami s
Tinalikuran ko si Carter at hindi ko na ito hinintay na magsalita pa. Ramdam ko pa ang bawat tibok ng aking puso na tila ba sumasabay sa bawat yapak ko dahil sa usapan namin kanina. At eksaktong pagkalayo ko sa kinaroroonan ni Carter, nakita naman ako ni Kaito na mukhang kanina pa ako hinahanap. “Saan ka galing?” nag-aalalang tanong nito. Ilang beses pa siyang tumingin sa likod ko kung saan ako nanggaling.Sa takot na makita niya si Carter sa pinanggalingan ko, niyakap ko ang kanyang braso at pilit ko siyang isinabay sa aking paglakad.“Nagpahangin lang, Kaito,” mabilis kong sagot. “Nagpahangin? Bakit pawisan ang noo mo? Ganyan ba ang nagpahangin?” Shit! Bakit ba kasi ang daming napupuna nitong si Kaito?“Maraming tao pagpasok ko kaya pinagpawisan ako,” pagdadahilan ko na lang. Pilit kong pinakalma ang aking paghinga habang naglalakad kami ni Kaito pabalik sa loob ng nagniningning na ballroom. Ang lamig ng veranda ay agad na napalitan ng pamilyar na ingay ng tawanan, kalantog
Hindi ko na mabilang kung ilang pekeng ngiti ang ibinigay ko sa mga taong ipinakikilala sa akin ni Kaito. Kahit pilit kong itinutuon ang aking isipan sa mga potensyal na proyekto, patuloy na bumabalik sa aking alaala ang madilim na titig ni Carter mula sa malayo. At pakiramdam ko ay unti-unti akong nasasakal sa loob ng event na ito.“Kaito, pupunta lang ako sandali sa veranda,” bulong ko sa aking kaibigan matapos umalis ng huling kliyenteng kausap namin. “Kailangan ko lang ng kaunting sariwang hangin.”“Sige, Adelina. Huwag kang magtatagal, ha? Susunod ako kapag may nakita pa akong interesadong investor,” paalala ni Kaito na may kasamang marahang patapik sa aking balikat.Tumango ako at dahan-dahang naglakad palabas. Nilagpasan ko ang maingay na karamihan at tinahak ang tahimik na pasilyo patungo sa bukas na veranda ng hotel.Malamig ang hangin sa labas, isang malaking kaibahan sa mainit at nakakasakal na atmospera sa loob ng ballroom. Humawak ako sa malamig na bakal ng railings at tu
Nang sumapit ang charity gala, hindi na nagtigil ang kabang nararamdaman ko. Isang marangyang emerald green na gown na gawa sa makinis na sutla ang napili kong isuot. Ang kulay nito ay perpektong nagpatingkad sa aking morenang balat, na nagbigay ng natural na liwanag at karangyaan sa aking buong hitsura. Ang bawat tahi ay tila sadyang ginawa para yakapin ang kurba ng aking katawan. Simple lang ang aking hairstyle—isang malinis na low bun na naglantad sa aking leeg at balikat, na pinalalamutian ng manipis na brilyanteng kuwintas na ipinahiram ng agency ni Kaito. Walang saplot ang bahagi ng aking likod kaya lantad na lantad ito. Katambal nito ang aking itim na heels na nagpadagdag sa aking tangkad, at isang maliit na itim na clutch bag na lubos na bumagay sa aking suot. Habang nakatitig ako sa salamin, nakita ko ang isang sopistikadong babae—malayo sa mahinang Adelina na kinawawa nila sa limang taon ang nakalipas. Ito na ngayon ang sikat na mukha na nakikita ng buong Maynila sa m
Natigil ang kamay ko sa pagpupunas ng mukha sa sinabi ni Kaito. Isang malalim na pagtataka ang gumulo sa aking isipan. Kung totoo ang sinasabi ni Kaito, bakit ganoon ang naging reaksyon ni Carter noon? Totoo ba ang sinabi nito nang malasing siya? Totoo bang nahuhulog na ito sa akin noon? Pero kung totoo ngang nahulog siya sa akin, bakit nakuha niya akong babuyin noon? Bakit kailangan niyang gawin ang mga bagay-bagay na hindi naman dapat gawin ng isang nagmamahal? At isa pa, kung talagang nahulog ang kanyang loob sa akin nang tuluyan, bakit hindi niya ako sinubukang hanapin? Hindi ba’t may pera at makapangyarihan na siya ngayon? Marahil ang mana na pilit niyang ginagawan ng paraan upang makuha niya noon ay nakuha na niya kaya ngayon. At ngayong makapangyarihan na siya, bakit hindi ako nito hinahanap ngayon? Bakit hindi pa rin siya nagpapakita sa akin? O baka hindi naman talaga siya nahulog sa akin. Baka palabas niya lang iyon para magpatuloy pa rin ako sa kontrata namin. Baka
Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming tatlo matapos kong magsalita. Bahagyang ginalaw ni Reed ang kanyang panga, tila ba naghahanap ng tamang salita na isasagot sa akin habang si Kaito naman ay alertong nakatayo sa aking tabi.“You look… different, Adelina,” basag ni Reed sa katahimikan. Ibinalik niya ang kanyang mga shades sa kanyang bulsa at pinagkurus ang kanyang mga braso. “I mean, walang balita kung nasaan ka. No one knew where you went. Hindi ko inaasahang nandito ka lang pala sa Sta. Ana. Dito lang pala kita makikita.”“Bakit, Reed? Eksklusibo ba ang Sta. Ana para sa mga taong tulad ninyo?” malamig kong ganti. Hindi ko tinanggal ang matigas kong titig sa kanyang mga mata.Bahagyang natawa si Reed, pero bakas ang pagkailang dito. “Of course not. Nagulat lang ako. Carter is actually—”“Reed!”Sumigaw si Kaito para makuha ang atensyon ni Reed, dahil bago pa matapos ni Reed ang kanyang sasabihin, biglang bumukas ang pinto ng bahay ni Auntie Lottie.Lumabas si Tiffany na may da
Nanigas ang buong katawan ko nang dahan-dahang dinilaan ni Carter ang sarili niyang mga daliri na basa pa ng aking likido, habang ang kanyang matatalas na mata ay nakatitig nang diretso sa akin. Ang bawat pagdila at sîpsîp niya ay tila hatol sa aking pagkatao. Isang paalala na sa larong ito, siya
Napahawak ako sa gilid ng lababo habang walang tigil ang pagbugso ng pait mula sa kailaliman ng aking sikmura. Parang pinipiga ang aking bituka, at ang bawat dighay ko ay nag-iiwan ng nakapapasong hapdi sa aking lalamunan.Sumasayaw ang paningin ko, at ang tunog ng malakas na ulan sa labas ay tila
Nang sumapit ang araw ng operasyon ni Mama, binalot ng amoy ng antiseptiko at alkohol ang aking umaga. Nakaupo ako sa matigas na silya sa labas ng operating room, habang ang pulang ilaw sa itaas ng pinto ay nagsisilbing paalala na hawak ng mga doktor ang buhay ng aking ina. Walang tigil ang paggal
Sinalubong ako ng malamig na hangin ng madaling-araw pagkalabas ko sa eksklusibong bar na iyon. Mahigpit kong yakap-yakap ang aking bag, kung saan nakatago ang tsekeng nagkakahalaga ng isang milyong piso. Isang milyong piso kapalit ng aking dangal.Pakiramdam ko ay napakadumi ko, at kahit anong lig







