MasukKinaumagahan, ganap na alas-diyes ng umaga, sa Forbes Park Villa District sa Makati.
Ito ang ika-80 kaarawan ng lola ni Karen, at nakatakda ang grandeng handaan sa pinakasikat na hotel sa lungsod.
Subalit, bago pumunta roon, ipinatawag muna ng Donya ang buong pamilya sa kanyang mansyon.
"Lola, maligayang kaarawan po!" bati ng kaniyang mga apo na may ngiti sa kanilang mga labi..
"Ma, nawa ay humaba pa po nang dalawang daang taon ang buhay ninyo!"
Masayang nagtipon-tipon amg pamilyang Zobel para sa kaarawan ng kanilang minamahal na Lola.
Ang matandang Donya ay may dalawang anak na lalaki—ang panganay na si Fernando at ang bunso na si Roberto, na ama ni Karen.
Si Fernando ay may dalawang anak: si Mark at si Kathleen, na parehong halos kapareho ng edad ni Karen.
Sa kasalukuyan, ang bilyun-bilyong ari-arian ng pamilya Zobel at ang kapangyarihang magdesisyon sa kumpanya ay nasa mga kamay pa rin ng matandang Donya.
Dahil dito, ang magkapatid na Fernando at Roberto ay ginagawa ang lahat upang magsumikap na makuha ang loob ng Donya at makipag-agawan sa pamana.
Sa gitna ng living room, nakaupo si Donya Teresa sa isang silya na gawa sa mamahaling hardwood na nagkakahalaga ng daan-daang libong piso, habang kalong ang kanyang paboritong poodle. Habang nakatingin sa mga regalong ibinigay ng kanyang mga anak at apo at nakikinig sa kanilang mga pagbati, masaya siyang tumutango-tango.
Bigla niyang napansin ang dumi ng poodle sa ilalim ng kanyang silya. Agad na nagsalita si Donya Teresa,
"Nasaan na ba 'yung walang silbing bayaw na 'yon? Halika rito at linisin mo 'to!"
Ang walang silbing bayaw na tinutukoy ni Donya Teresa ay walang iba kundi si Kiko.
Sa loob ng nakaraang tatlong taon, si Kiko ang palaging naglilinis ng dumi ng alagang aso.
Nagtatakang tumingin sa paligid si Fernando, "Ha? Parang wala rito ang walang silbing si Kiko?"
Agad na nagalit si Donya Teresa: "Ano? Ngayon ang ika-80 kaarawan ko, at may lakas siya ng loob na hindi pumunta? Karen, anong nangyari?"
Magalang na sumagot si Karen, "Pumasok po ata sa trabaho..."
"Trabaho? Ang mag deliver ng pagkain? Hahaha, nakakatawa naman!" Pangungutya ni Kathleen.
Pumapel din nang may pang-aasar si Mark, "Isang malaking kahihiyan 'yang si Kiko sa pamilya Zobel! Minsan noong nakasalubong ko siya habang gamit ko ang Maserati ko, hindi ko man lang maamin sa mga kaibigan ko na kapamilya natin siya!"
Sumiklab ang galit sa mga mata ni Donya Teresa: "Pabalikin mo siya rito ngayon din! Wala man lang siyang galang!"
Nang makita ang galit ng kanyang lola, walang nagawa si Karen kundi sabihin ang totoo:
"Lola, sa totoo po niyan, ang dahilan kung bakit hindi siya makakapunta ngayon ay dahil maghihiwalay na po kami."
"Maghihiwalay? Sino ang nagbigay sa 'yo ng pahintulot na makipag-divorce? Hindi mo ba alam na ang kasal ninyo ay inayos ng lolo mong yumao na?!" Mariing pahayag ni Donya Teresa.
Agad na lumuhod si Karen at nagsimula ng umiiyak at magmakaawa.
"Lola, ayaw ko pong sumuway sa huling habilin ni Lolo, pero si Kiko... sobra na po siya!"
Nang makitang umiiyak nang matindi si Karen, nakaramdam ng awa si Donya Teresa at lumapit upang itayo ito.
"Karen, 'wag kang umiyak. Apo ka ng pamilya Zobel. Paano ka naman aabusuhin ng isang nakikitirang bayaw lang? Sabihin mo sa akin, at tuturuan ko siya ng leksyon!"
Pinunas ni Karen ang mga luha na pilit niyang inilabas at sinabi sa lahat,
"Si Kiko po... may ibang babae sa labas!"
"Ano?!"
Nanginig sa pagkagulat si Donya Teresa. Mabuti na lamang at agad siyang inalalayan ni Fernando kaya napanatili niya ang kanyang balanse.
Galit na galit si Donya Teresa: "Ang walang hiyang 'yon! Sa loob ng tatlong taon, binigyan natin siya ng magandang bahay na tutuluyan at magandang kotse na sasakyan, tapos wala siyang katapatan sa 'yo at naghanap pa ng ibang babae sa labas!"
Binaliktad ni Karen ang sitwasyon at pinaratangan si Kiko ng pambababae, dahilan upang madali niyang makuha ang tiwala ni Donya Teresa.
Dahil magaling magtago ng tunay na kulay si Karen, palagi siyang umaarte bilang isang mabait at masunuring apo sa harap ng pamilya.
Kung hindi lang ito nahuli ni Kiko sa hotel kahapon, patuloy pa rin sana siyang maniniwala na si Karen ay isang medyo suplada ngunit mabait na babae.
Ang mga magulang ni Karen, na nalinlang din ng kanilang anak, ay galit na galit na minura si Kiko.
Subalit ang pamilya naman ni Fernando ay kabaligtaran ang naramdaman.
Nang-aasar na sinabi ni Kathleen, "Karen, 'di ba ikaw ang itinuturing na pinakamagandang dilag sa Maynila? Maganda ang katawan mo at napakaganda ng mukha mo, paano ka naungusan ng ibang babae?"
Si Kathleen ay may kaakit-akit na katawan at, ngunit hindi ipinapakita ang kanyang mukha, nagpo-post lamang siya ng mga video ng kanyang likod sa TikTok kung saan nakakuha siya ng mahigit 100 milyong likes at mahigit 10 milyong followers.
Siya ang may pinakamaraming tagahanga sa lahat ng mga Content Creator na hindi nagpapakita ng mukha.
Ngunit karaniwan lang ang kanyang mukha kumpara kay Karen, kaya palagi siyang naiinggit dito.
Tumawa rin si Mark, "Karen, 'wag mo akong sisihin sa pagsalita ko, pero may kasalanan ka rin dito. Tatlong taon na kayong kasal, pero ayaw mo man lang siyang pahawakin sa 'yo. Kahit gaano kaganda ang pakwan, walang silbi kung titingnan mo lang at hindi pwedeng kainin. Kaya hindi nakapagtatakang naghanap si Kiko ng iba sa labas, haha."
Sa sandaling ito, tumayo ang ina ni Karen na si Susan upang ipagtanggol ang kanyang anak:
"Mark, mali 'yang pinagsasabi mo! Ano ba ang antas ng anak kong si Karen, at ano lang si Kiko? Kung talagang nagkaroon ng relasyon si Karen sa walang silbing 'yon, 'di ba't parang sinira lang niya ang sarili niyang katawan?"
Muling nang asar si Mark, "Tsk, 'di ba't iniingatan mo lang ang pagkababae niya para makahanap ka ng pagkakataong makipagdivorce kay Kiko at makahanap ng mayamang lalaki?"
Susan: "Ikaw..."
"Tumahimik kayo, tumigil kayo sa pag-aaway!" Sigaw ni Donya Teresa. "Kahit ginawa man 'yon ni Karen, wala pa rin siyang karapatang mang-agaw o maghanap ng ibang babae sa labas! Ano ang tingin niya sa pamilya Zobel natin? Dalhin ninyo rito ang taong 'yan ngayon din, parurusahan ko siya ayon sa batas ng pamilya!"
Agad na tinawagan ni Karen si Kiko."Ano 'yon?" Mabilis na sagot ni Kiko sa telepono.Karen: "Pinapapunta ka ni Lola rito sa mansyon.""Ayoko." Agad na ibinaba ni Kiko ang telepono.Hindi inasahan ni Karen na ganoon kabilis siyang tatanggihan ni Kiko. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kanyang lola, "Ayaw niya pong pumunta."Nang makita ang nnakakahiyang sitwasyon, mabilis na sumingit si Susan,"Ma, ngayon po ang ika-80 kaarawan ninyo. Unahin na muna natin ang okasyon ninyo at 'wag na nating pansinin ang walang silbing 'yon."Ngunit nagmatigas si Donya Teresa:"Lahat ng pinapakain ng pamilya Zobel, tao man 'yan o aso, kapag sinabi kong pumunta rito, kailangang pumunta!"Pagkasabi niya noon ay tumingin siya kay Mark: "Mark, pumunta ka at kaladkarin mo siya papunta rito sa akin!""Sige po."Nagbilang si Mark sa kanyang mga daliri. Palagi niyang binubully si Kiko, at magandang pagkakataon ito para mailabas niya ang kanyang galit dito.Pagkaalis ni Mark, bumalik si Donya Teresa sa kan
Kinaumagahan, ganap na alas-diyes ng umaga, sa Forbes Park Villa District sa Makati.Ito ang ika-80 kaarawan ng lola ni Karen, at nakatakda ang grandeng handaan sa pinakasikat na hotel sa lungsod.Subalit, bago pumunta roon, ipinatawag muna ng Donya ang buong pamilya sa kanyang mansyon."Lola, maligayang kaarawan po!" bati ng kaniyang mga apo na may ngiti sa kanilang mga labi.."Ma, nawa ay humaba pa po nang dalawang daang taon ang buhay ninyo!"Masayang nagtipon-tipon amg pamilyang Zobel para sa kaarawan ng kanilang minamahal na Lola.Ang matandang Donya ay may dalawang anak na lalaki—ang panganay na si Fernando at ang bunso na si Roberto, na ama ni Karen.Si Fernando ay may dalawang anak: si Mark at si Kathleen, na parehong halos kapareho ng edad ni Karen.Sa kasalukuyan, ang bilyun-bilyong ari-arian ng pamilya Zobel at ang kapangyarihang magdesisyon sa kumpanya ay nasa mga kamay pa rin ng matandang Donya.Dahil dito, ang magkapatid na Fernando at Roberto ay ginagawa ang lahat upang
Upang masagot ang mga tawag ng customer anumang oras, nakasuot si Kiko ng Bluetooth headset kung saan kasalukuyang tumutugtog ang kantang "Ang Huling El Bimbo" ng Eraserheads.Habang nakikinig sa pamilyar at klasikong himig, naglakbay ang isip ni Kiko noong unang beses niyang makilala si Karen tatlong taon na ang nakararaan.Nagmula si Kiko sa isa sa pinakamayayamang pamilya sa buong mundo. Ang alam lang ng nakararami ay ang mga misteryosong pamilya tulad ng mga Mendoza, Rufo, at Collen.Ngunit iilan lamang ang nakakaalam na ang pinakamisteryoso at pinakamakapangyarihang pamilya ay ang pamilya Trajano—ang pamilya ni Kiko.Ang ari-arian ng pamilya Trajano ay lumalagpas sa daan-daang bilyong piso, ngunit nananatili silang napakatahimik at kailanman ay hindi lumabas ang kanilang pangalan sa listahan ng mga pinakamayayaman.Bukod dito, iba rin ang paraan ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.Ang lolo ni Kiko ay nagbibigay ng matinding kahalagahan sa disiplina at pagsasanay ng mga bata
Diamond Hotel."Magandang araw po, Sir, narito na po ang delivery ninyo."Sigaw ni Kiko atsaka ito kumatok sa pinto ng silid sa hotel, habang hinihintay na lumabas ang umorder ay inayos nito ang kanyang tindig at ang suot niyang uniporme na kulay berde bilang isang delivery rider."Sandali lang!"Sagot ng isang lalaki at dahan-dahang bumukas ang pinto, tila binuhusan ng malamig na tubig si Kiko ng mga oras na iyon, at hindi alam ang gagawin, nanlaki rin ang mga mata nito at natulala ito nang makita ang isang lalaki at isang babae sa loob ng silid! Siniyasat ni Kiko ang dalawa, tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki at isang babae na tumambad sa kaniyang harapan.Hindi kilala ni Kiko ang lalaking nagbukas ng pinto at ngayon lamang niya ito nakita.Ngunit sa likod ng lalaki, nakita niya ang pamilyar na babae na nakasuot ng kulay puting bathrobe, medyo magulo ang buhok at gamit ang kanyang kamay ay kinusot-kusot nito ang kanyang mga mata, walang iba kundi ang kanyang asawa—si Ka







