تسجيل الدخولThat night, Kianna made a desperate decision. Kailangan niyang kalimutan si Drake. The more she stayed inside the house, the more she thought about him. Hindi siya makaka-move on kung magmumukmok lang siya buong araw. Kaya napadpad siya sa isang host club pero hindi iyon ang Happiness Bar. Nakatayo siya ngayon sa loob ng Vampire Host Club. Ilang bloke lamang ang layo nito sa Happiness Bar. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka noon pa lang ay tadhana na ang may pakana kung bakit mali ang napasukan niyang host club. Agad niyang napansin ang malaking pagkakaiba ng dalawang lugar. Mas maraming female customers sa Vampire Host Club. Mas maingay, mas mausok at halos umiikot ang paningin niya sa dami ng naglalarong disco lights na nagpapalit-palit ng kulay sa buong paligid. Halos lahat ng host ay abala sa pag-entertain ng kanilang mga guests. Napansin din niyang napakamahal ng presyo ng bawat host na nagte-table. But to be fair... Gwapo rin naman ang mga lalaki roon, mas bata pero
"Best, kumain ka muna. Ilang araw ka nang halos walang kinakain," malungkot na sabi ni Raine. Hindi man lang natinag si Kianna sa pagkakahiga niya sa kama. Nakatitig lang siya sa kisame, tila wala nang siglang bumangon. "Wala akong ganang kumain," mahina niyang sagot. Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ng kaibigan. Maya-maya ay naramdaman niya ang paglundo ng kama nang maupo ito sa tabi niya. "Nahuli na si Preston... pati ang iba niyang kasabwat," balita ni Rain. Marahan nitong hinawakan ang kamay niya. "I'm sorry, Best. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari. Hindi ko rin akalaing magagawa ni Preston ang lahat ng iyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang siya pala ang mastermind sa corruption sa Jawkins Corporation." Limang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang lahat, ang gabing tuluyang nagpabago sa buhay niya. Tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa nobyo niyang si Preston. Siya rin mismo
Naglalakad na si Kianna sa gilid ng kalsada, malayo na rin siya sa abandonadong warehouse. "I hate him..." "I hate him..." Paulit-ulit niyang bulong. Maya-maya ay napatigil siya. May mahinang tunog siyang narinig. Parang tunog ng cellphone. Nagmumula iyon sa may matataas na damuhan sa gilid ng kalsada. Sa una ay wala sana siyang balak pansinin iyon ngunit nang akma na siyang maglalakad muli ay may napansin siyang kakaiba. May bakas ng dugo. Sunod-sunod. Mistulang may taong sugatang dumaan sa lugar na iyon. Bigla ay naalala niya si Drake. Hindi niya maintindihan kung bakit sa isang iglap ay napawi ang lahat ng galit at hinanakit niya rito. Sa halip, matinding pag-aalala ang pumalit. Halos patakbo niyang sinundan ang bakas ng dugo hanggang marating niya ang pinanggagalingan ng tunog ng cellphone. At doon, natagpuan niya ang isang lalaking nakahandusay sa lupa. Kianna felt numb and horrified. She suppressed an insane desire to scream. She wasn't a screamer by nature. In fact
"I don't know... baka patay na." Kaswal na sagot ni Preston. Nanlaki ang mga mata ni Kianna sa pagkabigla. "A-anong ginawa mo? Bakit mo ginawa iyon? Bakit, Preston?!" Napahagulgol si Kianna. Pakiramdam niya ay isa siyang kandilang unti-unting nauupos dahil sa matinding panghihina. Kaagad siyang inalalayan ni Preston at mahigpit na niyakap. "Kianna, are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Marahas siyang kumalas sa yakap nito. Sa isang iglap, umigkas ang kanyang kamay at malakas na dumapo ang palad niya sa pisngi ng binata. Napahawak ito sa kanyang pisngi habang unti-unting dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. "How dare you!" nanginginig sa galit na sigaw ni Kianna. "Kapag may nangyaring masama kay Drake... hinding-hindi kita mapapatawad, Preston!" Tatalikod na sana siya ngunit mabilis siyang hinawakan nito sa braso. Nakita niya ang nagngingitngit na anyo ng lalaki. "Bakit ganyan ka na lang ka-concern sa kanya?" tiim-bagang nitong tanong. "May gusto ka ba sa DJ na iyo
"Manong, dito na lang ho," ani Kianna sa driver ng taxi. Pagkababa niya ay agad niyang isinara ang pinto ng sasakyan at nagbayad. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid. Nasa tapat siya ng isang lumang warehouse. Halos wala nang ilaw sa lugar. Panaka-nakang sasakyan lamang ang dumaraan sa kalsada at wala siyang makitang ibang tao. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "Tama ba talaga ang lugar na ito?" bulong niya sa sarili. Muli niyang sinulyapan ang cellphone. Sa pamamagitan ng GPS ay natunton niya ang lokasyon ni Drake. Mabuti na lamang at naka-on pa rin ang location nito. "Tama naman..." mahina niyang bulong. "Pero ano naman ang ginagawa niya rito?" Bigla niyang napansin ang isang sasakyang nakahimpil sa di kalayuan. Pamilyar iyon. Nanlaki ang mga mata niya. "Sasakyan ni Drake iyon ah..." Mabilis niya iyong nilapitan. Hindi siya nagkamali. Sa binata nga ang sasakyan ngunit nang makita niyang nakabukas ang driver's door at magulo ang loob ng sasakyan, bigla siyang
Itinigil ni Drake ang sasakyan sa tapat ng isang warehouse. Nagtataka siya kung bakit doon siya dinala ng address na tinext sa kanya ni Sean. Doon daw sila magkikita dahil may nalaman na ito tungkol sa mastermind na si JM. Bumaba siya ng sasakyan at naglakad patungo sa loob ng warehouse. Hindi pa siya nakakalayo sa sasakyan niya nang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ni Kaizen sa screen kaya kaagad niyang pinindot ang answer button. "Hello, Zen," sagot niya. "It's Sean. Where are you, Drake?" tanong nito. "Oh, Sean. Nandito na ako sa address na ibinigay mo sa akin." sagot niya. "What? Anong address?" Nagtaka siya sa sinabi nito. "You texted me na magkita tayo ngayon dahil natagpuan mo na ang second JM." Narinig niya ang mahinang pagmumura nito. "Shit! I lost my cellphone yesterday. Hindi ko alam kung saan ko naiwan iyon, pero ngayon mukhang kinukutuban ako." "What do you mean?" "Umalis ka na sa lugar na iyan. Na-send ko na sa email mo ang mga n
"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Drake. Nakangiting sumulyap si Kianna sa binata. "Oo, nakakatuwa ang mga kaibigan mo," sagot niya. Hapon na nang magpasya silang umuwi. Nasa sasakyan na sila ng binata at binabagtas ang daan patungo sa kanyang bahay. "Really? How about my company? I mean, nag-en
Sa loob ng ilang segundo ay tila nakalimutan ni Kianna kung paano huminga. Hindi niya alam kung bakit. Marahil ay dahil sa paraan ng pagtitig ni Drake sa kanya o marahil ay dahil may isang taong handang samahan siya sa mga ganong sandali, iyong hindi dahil kailangan, hindi dahil obligasyon kundi da
Pagsapit ng hapon, halos hindi na mapakali si Kianna. Buong maghapon ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang usapan nila ni Preston kaninang umaga. Sa wakas ay niyaya ulit siya nitong mag-date. Matapos ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw, pakiramdam niya ay may liwanag na muling
"Hey, are you okay?" May pag-aalala sa boses ng lalaki habang marahang niyuyugyog siya. Hindi kasi siya nagsasalita. Hindi maintindihan ni Kianna kung bakit biglang lumundag ang puso niya nang makita ang pag-aalala sa mga mata ng lalaki. 'Hinahanap ko lang naman kay Preston ang ganitong klaseng







