Share

The Ruthless Billionaire's Vow
The Ruthless Billionaire's Vow
Author: Quertoyou

Chapter 1

Author: Quertoyou
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-22 22:06:45

Malakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon. Kung gaano kalamig ang panahon sa labas ng sasakyan ay taliwas naman sa nararamdaman ng dalawang tao sa loob…nag-iinit sila sa gitna ng pagiging alinsangan ng paligid. 

Ang tanging maririnig lamang sa loob ng kotse ay ang mabilis at tila nahihirapang paghinga ni Scarlet, na natabunan ng pahimpit na ungol ni Ethan nang idampi ni Scarlet ang kaniyang labi pababa sa leeg ng lalaki at kinagat ito.

“Stop, don’t do this.” Mahinang sambit ni Ethan habang ang mga braso ay nakahawak sa baywang ni Scarlet para pahintuin ang babae.

“Ang init…” Namumulang sabi naman ni Scarlet. Ramdam nito ang init na gustong ilabas ng katawan niya na tila ba’y hindi niya ito makokontrol ngayon.

Nang makita ang nakakapasong tingin ni Ethan ay hindi na nag-atubili pang niyapos ni Scarlet ito. She wrapped her arms around his neck at sinubukang halikan muli ang lalaki. Ngunit sadyang matigas ang lalaki at inalis ang mga braso ni Scarlet sa katawan niya.

Hindi naman nagpatinag si Scarlet sa ginawa ni Ethan at hinalikan niya ulit ito sa pangalawang pagkakataon. Ang pagtama ng mapupulang labi niya sa malambot na labi ni Ethan ay nagbigay ng kuryente sa kaniyang katawan. 

Lalo namang bumigat ang paghinga ni Ethan sa ginawa ni Scarlet.

“Scarlet Elizalde,” mahinang sambit ng lalaki. Hindi naman ito tinugon ni Scarlet, sa halip ay mas lalong namungay ang mga mata nito na mas lalong nagpaakit kay Ethan. 

“Itigil mo na ‘to or you’ll definitely regret this tomorrow when you wake up.” May pinal sa boses na sabi ni Ethan habang nilalagay ang dalawang mapuputing braso ni Scarlet sa likod nito. 

“No, I won’t,” nagmamakaawang tugon naman ni Scarlet habang pinipilit na makawala sa hawak ni Ethan. Ngunit sa simpleng pagpupumiglas niya ay sumabit ang bracelet ng lalaki sa suot niyang singsing. 

“Please, let me…” naiiyak na sabi ulit ni Scarlet. Mukha siyang hayok na hayok sa haplos ni Ethan ngayon. 

“Bakit? Kilala mo ba ako?” Malamig na tanong ni Ethan.

“Hindi na importante ‘yon.”

Malakas pa rin ang buhos ng ulan kinaumagahan. Nang magising si Scarlet ay ang nakakahilong amoy ng ospital ang bumungad sa kaniya. 

Dahan-dahan siyang umupo at napakunot ang kaniyang noo nang mapansing may nakasabit sa suot niya singsing. Nang kaniyang tignan ito ay tumambad sa kaniya ang isang silver bracelet. 

Pagkatapos na kunin ito sa pagkasabit ay sinuri niya ito nang mabuti. Napagtanto niyang pagmamay-ari ito ng lalaking kasama niya kagabi. 

Sadya ba itong iniwan sa kaniya o hindi niya lang ito binitawan kagabi?

Naalala niya na naman ang nangyari kagabi. Nakipagkita kasi si Scarlet sa kaniyang kuya, paalis na sana siya nang pigilan siya ng kaniyang Tita Dina upang painumin ng tsaa. Pagkatapos nu’n ay bigla na lamang sumama ang pakiramdam niya…nahihilo siya na hindi niya ma-explain.

“Ambisyosa ka talaga, Scarlet! Gusto mong ikasal sa panganay na anak ng mga Montenegro?” Natatawang singhal ni Dina.

“Ipapakasal talaga kita sa iba! Hindi ka rin naman mapoprotektahan ng kapatid mo dahil comatose siya ngayon.”

Isang linggo na ang nakakalipas nang pagdalo ni Justine at Ethan sa isang engrandeng party sa ibang bansa. Ang sabi-sabi ay naka-engkwentro raw ang dalawa ng kaaway at isinalo ni Justine ang apat na balang tatama sana kay Ethan. Naging mainit ang balitang ito sa ibang bansa. May hashtags pa ngang kumakalat sa social media.

“#ComatosengayonangrenownedexpertnasiJustineElizalde” “#MontenegropromisedtotakecareofJustinesister”

Naiiyak si Scarlet nang makita ang balitang iyon. Nagkakagulo na ang pamilya nila, subalit bukambibig ng iba na maswerte pa raw siya dahil aalagaan siya nang pamilyang Montenegro kapalit ng pagligtas ni Justine kay Ethan. 

Lubos naman itong kinainggitan ni Dina. Comatose ngayon si Justine kaya malaki ang posibilidad na sa kanila mapupunta ang kompaniya. Subalit maaari itong mabago—mawala sa kanila ang kompaniya—kung tutulungan ng mga Montenegro si Scarlet. Kaya dapat lang na gumawa siya ng aksiyon para hindi mangyari ito…isa na rito ang paglalagay niya ng gamot sa tsaa ni Scarlet.

Nanghihina man ay narinig pa rin ni Scarlet ang mga sinasabi ni Dina. Kinagat niya ang kaniyang kamay para hindi siya mawala sa katinuan. Tsamba rin na may kausap sa telepono si Dina kaya nakahanap siya ng pagkakataon para tumakas. 

Ramdam na ramdam ni Scarlet na nanghihina ang kaniyang katawan at parang natutumba na siya. Pero bago mangyari iyon ay may dalawang brasong sumalo sa kaniya. Natunugan ata ng lalaki na hindi siya maayos kaya dinala siya nito sa kotse. At doon na nangyari ang pagtangka niyang halikan ang lalaki.

Bumalik naman ang kaniyang tingin sa hawak niyang bracelet. Iniligtas siya ng lalaki pero hindi man lang niya namukhaan ito. Alam niya sa kaniyang sarili na mabait ang taong tumulong sa kaniya.

Napabalik siya sa katinuan nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang phone.

‘Ring, ring, ring!’

“Tito,” sagot ni Scarlet. 

“Nasaan ka? Nandito si Ethan ngayon, binibisita ang kuya mo,” sambit naman ng boses sa kabilang linya. Ito ang kaniyang Tito Marque, manager sa kompaniya ng kaniyang kuya. Ang pamilya nito ay suportado rin ni Justine.

Ethan…ang magaling na lalaki! Sa isip-isip ni Scarlet ay pumunta ang kaniyang kuya sa ibang bansa na wala ni isang galos at bumalik ito sa Pilipinas na kritikal ang kondisyon?!

Ni hindi nga nito magawang bumisita sa loob ng isang linggo.

Makapangyarihan ang pamilyang Montenegro, ngunit walang pakialam si Scarlet dito. Gusto niyang makasama pa ang kaniyang kuya at ayaw niya nang kahit anong engrande na bagay.

Maaga kasing namatay ang parents nilang dalawa ni Justine at sampung taon lang ang tanda nito sa kaniya. Gayunpaman ay spoiled siya rito. Kaya ganoon na lamang ang panlulumo niya nang mabalitaan ang nangyari sa kaniyang kuya.

Araw-araw siyang nagmamakaawa sa mga doktor para iligtas ang kaniyang kuya Justine. Ni tingin ay hindi man lang nagawa nang Ethan na ‘yon sa taong nagligtas sa kaniya? Kaya sinong hindi magagalit sa cold-hearted na taong ‘yon?!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 6

    Sa loob ng silid ay nakahintay na roon si Charles, nakadekuwatro and bored na nagbabasa ng hawak niyang magazine. Nasa ganoong estado siya nang pumasok nalang bigla ang mga tauhan ni Ethan, karga-karga ang kawawang si Scarlet. Pilit pa rin itong nagpupumiglas at buong lakas na sinusubukang makawala sa mga mararahas na hawak sa kaniya ng mga bodyguards. "Ethan Montenegro! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayokong tumira dito kasama ka! Kaya pakawalan mo na ako ngayon.""Walanghiya ka! This is against the law, illegal imprisonment 'to! Tatawag talaga ako ng pulis kapag nakawala ako rito!""Pervert! Bastos! Halimaw na sa kaanyuang tao! Walang puso..."Natawa naman si Charles nang marinig ito. Nahagip din ng kaniyang mata ang papasok na sa Ethan kasama ang assistant nitong si Leo.Napatigil naman sa pagtawa ang lalaki at agad na nagsalita."Ethan, anong nangyayari? Why do you have such a fiery lady right here? Minumura ka pa. Ano ba kasing ginawa mo ha? Did you force yourself on h

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 5

    Ang pagsambit ni Ethan nang mga katagang ‘yon ay mas lalong nagpaalab ng galit sa puso ni Scarlet. Hinihiling niya na sana nakakamatay ang talim ng kaniyang pagtingin kay Ethan. Nag-aagaw-buhay ang kaniyang kuya dahil sa lalaking nasa harap niya at sasabihin lang nitong may inasikaso siyang iba? Wala talagang puso!Tila ba’y naubusan na ng pasensiya si Ethan kay Scarlet kaya sumenyas ito sa kaniyang mga tauhan na isakay ang dalaga sa sasakyang niyang Bentley. Pagkasakay palang ni Leo sa sasakyan ay napansin niya kaagad ang dugo sa damit ni Ethan. “Sir, dinudugo ka. Bumuka ba ulit ang sugat niyo?” Nag-aalalang tanong ni Leo.Ang totoo niyan ay hindi lang si Justine ang nabaril ng araw na iyon. Si Ethan ay natamo ri ng dalawang tama ng bala na muntik niya rin ikamatay.Nitong mga nakaraang araw ay na-confine din si Ethan sa St. Mary’s Hospital. Kagabi lamang siyuang nagising at kahit puno pa ng sugat ang katawan niya ay agad niyang pinuntahan si Scarlet ng mabalitaang may nangyaring m

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 4

    “Hindi lang basta saktan ang gagawin ko diyan, papatayin ko siya!” Galit na sigaw ni Scarlet. Nagpupumiglas din siya sa hawak ng mga bodyguards ni Ethan, ngunit parang wala namang epekto ‘yon.“Ang lakas naman ng loob mo!” Singhal din ni Leo.Itinaas naman ni Ethan ang kaniyang kamay para pigilan ang akmang paglapit ni Leo sa kanila. Hindi rin nito inalis ang matatalim na titig niya sa dalaga.“Bakit?” “You’ve ruined my family! Kung hindi dahil sa’yo ay hindi sana na-comatose ang kuya ko! And you? Wala ka mang lang kagalos-galos. You don’t even sympathize. You’re friends with my brother, he even took those bullets for you, and you didn’t even bother to visit him in the hospital for a week? What kind of a friend are you?”Nanghihinang pumirma si Scarlet nang walang katapusang critical condition notices sa mga nagdaang araw pero ni anino ni Ethan ay hindi man lang niya nakita. Kung kaya’t ganun na lamang ang galit na nararamdaman niya sa lalaki.“Sana nga ikaw nalang! Sana ikaw nalang

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 3

    Iyon ang naabutan ni Scarlet nang makalabas siya nang silid. Nanunuyang napangiti siya sa akto ng pinsan, hindi pa rin pala ito nagbabago.“Cous! Sasama ka na pala ngayon kay Sir Ethan. Mag-iingat ka roon, ha?” Nakangiting paalala ni Cynthia sa pinsan, sabay hawak nang dahan-dahan sa kaniyang kamay.“Take your filthy hands off me or I’ll break them,” malamig at mariing sambit ni Scarlet. “Nag-aalala lang naman ako sa’yo,” Namimilog ang mga mata na sambit ni Cynthia.“Nag-aalala o nagpapapansin?”Kabisadong-kabisado ni Scarlet ang galawan ni Cynthia. Mahilig kasi itong magpanggap na mahina siya sa harap ng mga tao, at paniwalang-paniwala naman ang mga uto-utong nakapaligid rito. Sa isang iglap ay nabaliktad ang sitwasyon ng dalawa: si Cynthia na ngayon ang aping-api, habang si Scarlet ang masama. Subalit wala na rito ang isip ng babae. Wala naman siyang pake kung ano ang isipin ni Ethan sa kaniya.“Bakit ka naman ganiyan, cous? Hindi naman ako g-ganiyan…” naiiyak na ngayong sambit ni

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 2

    Nangdidilim ang mga matang binulsa ni Scarlet ang bracelet na hawak niya at nagtungo sa kuwarto kung nasaan ang kaniyang kuya. Labing-dalawang bodyguards ang nakabantay sa labas ng ICU room ni Justine.“Cous!”Pagkarating na pagkarating palang ni Scarlet ay ang humahagulgol na pinsan niyang si Cynthia ang sumalubong sa kaniya. “Buti naman at nandito ka na. Masama ang lagay ni kuya Justine, cous. Mag-isa ka nalang ngayon,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Cynthia.Alam na alam ni Scarlet na palabas lang iyon ni Cynthia. Nakatayo rin sa tabi nito ang kaniyang tita Dina.“Nandito si Ethan, Scarlet. Binibisita si Justine,” mahinahong dagdag naman ni Dina.‘Talaga lang ha!’ Sambit ni Scarlet sa kaniyang isipan. Akala siguro ni Dina ay hindi maalala ni Scarlet ang nangyari kagabi. Tikom lamang ang bibig ni Scarlet habang malamig na iwinaksi ang kamay ni Cynthia sa kaniyang braso. “Bitawan mo nga ako! You’re disgusting!” Pagkasabi niyon ay dire-diretsong naglakad si Scarlet papasok sa viewing

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 1

    Malakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon. Kung gaano kalamig ang panahon sa labas ng sasakyan ay taliwas naman sa nararamdaman ng dalawang tao sa loob…nag-iinit sila sa gitna ng pagiging alinsangan ng paligid. Ang tanging maririnig lamang sa loob ng kotse ay ang mabilis at tila nahihirapang paghinga ni Scarlet, na natabunan ng pahimpit na ungol ni Ethan nang idampi ni Scarlet ang kaniyang labi pababa sa leeg ng lalaki at kinagat ito.“Stop, don’t do this.” Mahinang sambit ni Ethan habang ang mga braso ay nakahawak sa baywang ni Scarlet para pahintuin ang babae.“Ang init…” Namumulang sabi naman ni Scarlet. Ramdam nito ang init na gustong ilabas ng katawan niya na tila ba’y hindi niya ito makokontrol ngayon.Nang makita ang nakakapasong tingin ni Ethan ay hindi na nag-atubili pang niyapos ni Scarlet ito. She wrapped her arms around his neck at sinubukang halikan muli ang lalaki. Ngunit sadyang matigas ang lalaki at inalis ang mga braso ni Scarlet sa katawan niya.Hindi naman nagpati

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status