Mag-log inNangdidilim ang mga matang binulsa ni Scarlet ang bracelet na hawak niya at nagtungo sa kuwarto kung nasaan ang kaniyang kuya. Labing-dalawang bodyguards ang nakabantay sa labas ng ICU room ni Justine.
“Cous!”
Pagkarating na pagkarating palang ni Scarlet ay ang humahagulgol na pinsan niyang si Cynthia ang sumalubong sa kaniya.
“Buti naman at nandito ka na. Masama ang lagay ni kuya Justine, cous. Mag-isa ka nalang ngayon,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Cynthia.
Alam na alam ni Scarlet na palabas lang iyon ni Cynthia. Nakatayo rin sa tabi nito ang kaniyang tita Dina.
“Nandito si Ethan, Scarlet. Binibisita si Justine,” mahinahong dagdag naman ni Dina.
‘Talaga lang ha!’ Sambit ni Scarlet sa kaniyang isipan.
Akala siguro ni Dina ay hindi maalala ni Scarlet ang nangyari kagabi. Tikom lamang ang bibig ni Scarlet habang malamig na iwinaksi ang kamay ni Cynthia sa kaniyang braso.
“Bitawan mo nga ako! You’re disgusting!”
Pagkasabi niyon ay dire-diretsong naglakad si Scarlet papasok sa viewing area ng ICU.
Sa kabila ng makapal na salamin ay payapang nakahiga sa kama si Justine, pinalilibutan ng mga nagtataasang makina. Kahit na comatose ito at maputla, hindi pa rin natatabunan ang natural na gwapo nitong mukha.
Nakatayo naman sa labas si Ethan Montenegro. Ang kaniyang mga mata ay hindi maalis sa kaibigang nagligtas sa kaniya. Nakakunot din ang noo nito, blanko ang ekspresyon, at tila’y malalim ang kaniyang iniisip.
Nang makalapit na si Scarlet ay mas naaninag na niya si Ethan. Gwapo rin kasi ito—maputi, matangos ang ilong, makapal ang kilay, at may nakakatakot na awra. Totoo nga ang sabi-sabi, mukha siyang walang puso. No wonder kung bakit parang basura lang nila kung itrato ang mga tao sa paligid nila.
Mas lalo lamang lumalim ang pagkamuhi ni Scarlet sa lalaki. Kung wala lamang sila sa ICU room ni Justine ay baka nasuntok na nito si Ethan sa mukha.
Pinilit na ikinalma ni Scarlet ang kaniyang sarili, subalit ang nakakamatay niyang titig ay hindi nakalampas kay Ethan. Matangkad ang lalaki kaya nakayuko itong nakatingin kay Scarlet.
Sa sandaling iyon, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng babae ang namumulang palapulsuhan ni Ethan.
“Scarlet, ito nga pala si Sir Ethan Montenegro,” ang boses ng kaniyang tiyuhin na si Marque ang nagputol sa kung anumang tensiyon sa dalawa.
Si Ethan Montenegro ay kabilang sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. Sa edad na trenta ay siya na ang nag-m-manage ng Montenegro Group of companies, kung kaya’t labis itong kinakakatakutan ng mga tao.
“Sir Ethan, ito nga pala ang pamangkin ko, si Scarlet. Siya ang bunsong kapatid ni Justine. 20 years old palang po ‘yan at 2nd year palang siya sa college…”
“I know,” wala sa sariling sambit ni Ethan.
Naglikha naman ito nang pagkagulat sa mukha ni Marquee. Kilala ba ng lalaki ang kaniyang pamangkin?
“Kilala niyo po si Scarlet?” Aniya ni Marque.
“Uhm…”
“Kailan pa?” Nagugulumihanang tanong ulit ng tiyuhin.
Kahit naman na kaibigan ni Justine si Ethan ay hindi ito nagagawi sa bahay nito. Kaya paanong kilala nito si Scarlet?
Hindi sinagot ni Ethan ang tanong ni Marque. Bagkus ay itinuon nito ang pansin sa nakatayong Scarlet.
“I’m here to pick you up.”
Bago pa man makapagsalita si Scarlet ay pinutol siya nito kaagad ng nurse. Isa hanggang dalawang oras lang kasi ang visiting hours ni Justine.
“Tapos na po visiting hours para sa pasyente.”
Pagkatapos marinig iyon ay lumabas na ng ICU room si Ethan, habang si Marque naman ay dumiretso kay Scarlet.
“Nandito si Sir Ethan ngayon para kunin ka. Simula ngayon ay doon ka na raw sa kaniya titira. Kaya makinig ka sa mga sasabihin nu’n, okay?”
Asa naman silang makikinig si Scarlet sa kung anumang sasabihin ni Ethan. Tatarayan niya pa sana ang lalaki subalit wala na ito sa p’westo nito.
Hindi maalis kay Scarlet ang pagkamuhi dahil naging ganito ang kalagayan ng kuya niya pagkatapos iligtas si Ethan. Hindi nga niya makitaan ng awa o pagkasisi ang lalaking ‘yon.
Nakatayo naman sa labas ng pinto si Ethan, prenteng nakasandal sa dingding. Ang malapad na balikat at mahahabang biyas ay mas nakakadagdag ng kagandahang-lalaki nito. Hindi pa nakatulong na naka-long sleeves ito ngayon kaya mas lalong nadepina ang katawan nito.
Kaya hindi mo rin masisi na nakatulala lang ang dalawang babae—si Cynthia at Dina—habang nakatingin kay Ethan.
“Ma! Ang guwapo talaga ni Ethan!” Excited na sambit ni Cynthia.
“Kaya nga! Ang suwerte talaga ng bruhang iyan. Nilagyan ko na nga ng gamot ang tsaa niya pero nagawa niya pa ring makatakas,” nanggagalaiting sambit naman ni Dina. Gustong-gusto kasi nitong mawala sa landas nila si Scarlet, pero parang matatagalan pa ‘yon dahil kay Ethan.
“Ma!” Siniko ni Cynthia ang kaniyang ina dahil nakatingin na sa kanilang dalawa si Ethan.
Maraming oras pa ang mayroon sila para turuan ng leksiyon si Scarlet. Ngunit sa harap ng isang makapangyarihang bilyonaryo ay dapat lang na magpanggap silang mababait na kamag-anak upang hindi ito maghinala.
Agaran namang itinikom ni Dina ang kaniyang bibig at kiming ngumiti sa binata.
“Sir Ethan,” lakas-loob na lumapit si Cynthia sa binata, hindi inalinta ang malamig na titig ng lalaki.
“What?” Walang-emosyong tugon naman ni Ethan.
Parang may tambol sa loob ng katawan ni Cynthia ngayon, napakalakas ang kabog ng kaniyang dibdib.
“Kapag ba sumama sa inyo ang pinsan ko ay p’wede pa rin ba namin siyang puntahan?”
Mapanuri naman itong tinignan ni Ethan na labis na nagpakaba kay Cynthia.
“If she wants, you can come.”
Mas lalong sumidhi ang inggit sa puso ni Cynthia, sino ba naman ang hindi? Para rito ay perpektong tao si Ethan—matikas, guwapo, makapangyarihan at mayaman. Isang lalaking tila ba nasa kaniya na ang lahat ng biyaya sa mundo
Sa loob ng silid ay nakahintay na roon si Charles, nakadekuwatro and bored na nagbabasa ng hawak niyang magazine. Nasa ganoong estado siya nang pumasok nalang bigla ang mga tauhan ni Ethan, karga-karga ang kawawang si Scarlet. Pilit pa rin itong nagpupumiglas at buong lakas na sinusubukang makawala sa mga mararahas na hawak sa kaniya ng mga bodyguards. "Ethan Montenegro! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayokong tumira dito kasama ka! Kaya pakawalan mo na ako ngayon.""Walanghiya ka! This is against the law, illegal imprisonment 'to! Tatawag talaga ako ng pulis kapag nakawala ako rito!""Pervert! Bastos! Halimaw na sa kaanyuang tao! Walang puso..."Natawa naman si Charles nang marinig ito. Nahagip din ng kaniyang mata ang papasok na sa Ethan kasama ang assistant nitong si Leo.Napatigil naman sa pagtawa ang lalaki at agad na nagsalita."Ethan, anong nangyayari? Why do you have such a fiery lady right here? Minumura ka pa. Ano ba kasing ginawa mo ha? Did you force yourself on h
Ang pagsambit ni Ethan nang mga katagang ‘yon ay mas lalong nagpaalab ng galit sa puso ni Scarlet. Hinihiling niya na sana nakakamatay ang talim ng kaniyang pagtingin kay Ethan. Nag-aagaw-buhay ang kaniyang kuya dahil sa lalaking nasa harap niya at sasabihin lang nitong may inasikaso siyang iba? Wala talagang puso!Tila ba’y naubusan na ng pasensiya si Ethan kay Scarlet kaya sumenyas ito sa kaniyang mga tauhan na isakay ang dalaga sa sasakyang niyang Bentley. Pagkasakay palang ni Leo sa sasakyan ay napansin niya kaagad ang dugo sa damit ni Ethan. “Sir, dinudugo ka. Bumuka ba ulit ang sugat niyo?” Nag-aalalang tanong ni Leo.Ang totoo niyan ay hindi lang si Justine ang nabaril ng araw na iyon. Si Ethan ay natamo ri ng dalawang tama ng bala na muntik niya rin ikamatay.Nitong mga nakaraang araw ay na-confine din si Ethan sa St. Mary’s Hospital. Kagabi lamang siyuang nagising at kahit puno pa ng sugat ang katawan niya ay agad niyang pinuntahan si Scarlet ng mabalitaang may nangyaring m
“Hindi lang basta saktan ang gagawin ko diyan, papatayin ko siya!” Galit na sigaw ni Scarlet. Nagpupumiglas din siya sa hawak ng mga bodyguards ni Ethan, ngunit parang wala namang epekto ‘yon.“Ang lakas naman ng loob mo!” Singhal din ni Leo.Itinaas naman ni Ethan ang kaniyang kamay para pigilan ang akmang paglapit ni Leo sa kanila. Hindi rin nito inalis ang matatalim na titig niya sa dalaga.“Bakit?” “You’ve ruined my family! Kung hindi dahil sa’yo ay hindi sana na-comatose ang kuya ko! And you? Wala ka mang lang kagalos-galos. You don’t even sympathize. You’re friends with my brother, he even took those bullets for you, and you didn’t even bother to visit him in the hospital for a week? What kind of a friend are you?”Nanghihinang pumirma si Scarlet nang walang katapusang critical condition notices sa mga nagdaang araw pero ni anino ni Ethan ay hindi man lang niya nakita. Kung kaya’t ganun na lamang ang galit na nararamdaman niya sa lalaki.“Sana nga ikaw nalang! Sana ikaw nalang
Iyon ang naabutan ni Scarlet nang makalabas siya nang silid. Nanunuyang napangiti siya sa akto ng pinsan, hindi pa rin pala ito nagbabago.“Cous! Sasama ka na pala ngayon kay Sir Ethan. Mag-iingat ka roon, ha?” Nakangiting paalala ni Cynthia sa pinsan, sabay hawak nang dahan-dahan sa kaniyang kamay.“Take your filthy hands off me or I’ll break them,” malamig at mariing sambit ni Scarlet. “Nag-aalala lang naman ako sa’yo,” Namimilog ang mga mata na sambit ni Cynthia.“Nag-aalala o nagpapapansin?”Kabisadong-kabisado ni Scarlet ang galawan ni Cynthia. Mahilig kasi itong magpanggap na mahina siya sa harap ng mga tao, at paniwalang-paniwala naman ang mga uto-utong nakapaligid rito. Sa isang iglap ay nabaliktad ang sitwasyon ng dalawa: si Cynthia na ngayon ang aping-api, habang si Scarlet ang masama. Subalit wala na rito ang isip ng babae. Wala naman siyang pake kung ano ang isipin ni Ethan sa kaniya.“Bakit ka naman ganiyan, cous? Hindi naman ako g-ganiyan…” naiiyak na ngayong sambit ni
Nangdidilim ang mga matang binulsa ni Scarlet ang bracelet na hawak niya at nagtungo sa kuwarto kung nasaan ang kaniyang kuya. Labing-dalawang bodyguards ang nakabantay sa labas ng ICU room ni Justine.“Cous!”Pagkarating na pagkarating palang ni Scarlet ay ang humahagulgol na pinsan niyang si Cynthia ang sumalubong sa kaniya. “Buti naman at nandito ka na. Masama ang lagay ni kuya Justine, cous. Mag-isa ka nalang ngayon,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Cynthia.Alam na alam ni Scarlet na palabas lang iyon ni Cynthia. Nakatayo rin sa tabi nito ang kaniyang tita Dina.“Nandito si Ethan, Scarlet. Binibisita si Justine,” mahinahong dagdag naman ni Dina.‘Talaga lang ha!’ Sambit ni Scarlet sa kaniyang isipan. Akala siguro ni Dina ay hindi maalala ni Scarlet ang nangyari kagabi. Tikom lamang ang bibig ni Scarlet habang malamig na iwinaksi ang kamay ni Cynthia sa kaniyang braso. “Bitawan mo nga ako! You’re disgusting!” Pagkasabi niyon ay dire-diretsong naglakad si Scarlet papasok sa viewing
Malakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon. Kung gaano kalamig ang panahon sa labas ng sasakyan ay taliwas naman sa nararamdaman ng dalawang tao sa loob…nag-iinit sila sa gitna ng pagiging alinsangan ng paligid. Ang tanging maririnig lamang sa loob ng kotse ay ang mabilis at tila nahihirapang paghinga ni Scarlet, na natabunan ng pahimpit na ungol ni Ethan nang idampi ni Scarlet ang kaniyang labi pababa sa leeg ng lalaki at kinagat ito.“Stop, don’t do this.” Mahinang sambit ni Ethan habang ang mga braso ay nakahawak sa baywang ni Scarlet para pahintuin ang babae.“Ang init…” Namumulang sabi naman ni Scarlet. Ramdam nito ang init na gustong ilabas ng katawan niya na tila ba’y hindi niya ito makokontrol ngayon.Nang makita ang nakakapasong tingin ni Ethan ay hindi na nag-atubili pang niyapos ni Scarlet ito. She wrapped her arms around his neck at sinubukang halikan muli ang lalaki. Ngunit sadyang matigas ang lalaki at inalis ang mga braso ni Scarlet sa katawan niya.Hindi naman nagpati







