LOGINNatigilan ang babae sa tanong ng matanda, agad siyang napayuko at hindi alam kung anong isasagot. Nang makita iyon ng kanyang Lola, hindi na ito nagtanong pa. Hindi rin ito nagtagal sa silid gusto lang talaga niyang makitang ayos lang si Arabella. Pagkatapos siyang paalalahanang alagaan ang sarili, umalis na rin ito.Sa buong pagbisita nito, hindi man lang nito pinansin si Catherine.Ito ang unang pagkakataong makita ng babae ang Lola ni Nathaniel.Kitang-kita niya ang dignidad at karisma ng isang babaeng galing sa makapangyarihang pamilya.Bagamat magalang ito kay Arabella, malinaw na ang inaalala lamang nito ay ang sanggol sa kanyang tiyan.Ramdam niya rin ang malamig na pagtrato nito sa kanilang pamilya.Kung tutuusin, paano nga ba sila mapapansin ng isang pamilyang tulad ng mga Monteverde?Maliit lamang silang pamilya kumpara sa kanila.Buti na lamang at malapit nang makipaghiwalay si Arabella kay Nathaniel.Nakakaawa lamang ang bata.Nauunawaan din ni Arabella ang ipinahihiwatig ng kil
Halos hating-gabi na nang makauwi si Nathaniel, ilang oras naghintay si Arabella sa pag-uwi ng kanyang asawa. Nang makita siya ng lalaki na prenteng nakaupo sa sala, nanatiling malamig ang ekspresyon nito. Dumiretso lamang ito papasok at walang balak na makipag-usap. “Nathaniel Monteverde!” medyo malakas na tawag sa kanya ng babae. Halos malaglag ang panga sa gulat ang dalawang kasambahay. Hindi nila akalain na kaya ng babae na tawagin ng ganun ang asawa nito. Nasanay sila na palaging maingat at mahiyain si Arabella sa harap ng kanilang amo. Ngayon lang nila siya narinig na tawagin ang lalaki sa buong pangalan nito. Huminto ang lalaki at agad na lumingon. Lumapit si Arabella at hinarap ang malamig nitong mga mata. Pinisil niya ang kanyang mga daliri upang pigilan ang kaba at takot na nararamdaman. “Bakit mo ginawa iyon?”Nanatiling walang emosyon ang mukha ng lalaki.Ngunit makikita ang galit sa mga mata nito.“Arabella, baka nakakalimutan mo kung saan ka lulugar?”Lalong nasaktan
Kinabukasan, balak sana niyang bumalik sa Forbes.Ngunit nang maalala niya ang nangyari noong gabi, biglang tumatag ang kanyang loob.Ayaw na niyang sundin ang utos ng kanyang asawa.Nakikita naman niyang laging magkasama ang asawa niya at ang babae nito kahit saang okasyon.Bakit kailangan pa niyang sumunod sa bawat salita nito?Tutal, hindi naman talaga sila nag tuturingan na mag-asawa.Tinanong siya ng kanyang Tita Catherine kung kailan siya babalik sa Forbes, dahil nag-aalala ito na baka magalit si Nathaniel sa kanila.“Hindi na po muna ako babalik. Hintayin ko munang maayos ang problema ng kumpanya ni Papa.”Nagulat ang ginang sa pagiging matatag niya, dahil alam nito na kung ano ang sabihin ng lalaki ay agad nitong susundin.“May nangyari ba?”Bagama't hindi madalas mag-usap ang mag-asawa, alam nitong may takot si Arabella sa lalaki dahil sa napakalakas nitong presensya.Matipid na umiling ang babae.“Wala naman po, siguro pagod na po akong maging sunod-sunuran sa kanya..”Dahil ayaw
Napatingin naman si Valentina sa direksyon ng pintuan ng ballroom kung saan lumabas ang dalawa. Iniisip niya kung susundan niya ba ang mga ito or hahayaan na lang niya. Samantala, si Arabella naman ay tahimik pa rin na naghihintay sa lounge kung saan siya iniwan ng kanyang professor. Maya-maya, may narinig na siyang tunog ng pagbukas ng pinto. Pag-angat niya ng tingin, nakita na niyang pumasok ang professor at kasunod na nito si Andrei.Habang sinusubukan niyang tumayo habang hawak ang kanyang tiyan, agad siyang pinigilan ni Andrei.“Huwag ka ng tumayo, umupo ka nalang.”Kaya nanatili siyang nakaupo.Umupo ang lalaki sa tapat niya at mahinahong nagtanong,“Ano ang maitutulong ko?”“Ah ano kasi, makikiusap sana ko na baka pwede mong icheck tong mga documents na hawak ko.”Inilabas ng babae ang isang folder mula sa kanyang bag at inabot ang mga dokumento. Ipinaliwanag niya ang buong sitwasyon at ang dahilan kung bakit gusto niya itong makausap.Hindi lamang niya binanggit ang tungkol k
Medyo nakaramdam naman ng hiya si Gerald dahil wala man lang siyang maitulong. Matagal na nilang pinagtatrabahuhan ang kasunduang ito sa mga Velasquez. Kapag hindi natuloy ang kontarta, malaking pagkalugi iyon para sa kanila bukod pa sa lahat ng oras at pagod na inilaan nila.“Sige papayagan kita sa balak mo, pero dapat pag may nangyari sasabihin mo agad sa akin.”“Okay po, wag ka mag alala mag iingat naman po ako.”Kinabukasan, hiningi ni Arabella sa kanyang ama ang lahat ng dokumentong may kaugnayan sa Elevate. Sinabi lamang niyang gusto niyang tingnan kung may naging problema.Ayaw sana ni Lorenzo na mapagod ang anak niya at sinabing siya na ang bahala, ngunit nagpumilit ang babae kaya ipinadala rin nito ang kumpletong internal documents ng kumpanya.Buong umaga niyang pinag-aralan ang mga ito at wala siyang nakitang anumang problema.Matagal siyang nag-isip bago tuluyang tinawagan si Andrei. Ang number na binigay sa kanya ay ang official number ng office nito, ngunit ang secretary
Nang ma-demote siya ay naging bihira ang kanilang pag-uusap dahil nagtungo sa ibang bansa si Ynna para sa negosyo.Nagulat si Ynna nang matanggap ang tawag mula kay Arabella, dahil nga sa tagal na nilang hindi sila nag uusap. “Talagang matagal na nga tayong hindi nag usap. Kumusta ka na? Balita ko buntis ka na?”“Hehe opo ate, due date ko na po next month. Okay lang naman po ako, ikaw po ba kamusta ka na?” tanong ng babae.“Okay naman, medyo pagod lang sa work pero alam mo naman na kasama sa buhay ang mapagod.” “Wag mo naman po kakalimutan na magpahinga, baka magkasakit ka naman niyan sa sobrang pagod.” pag papaalala ng babae. “Oo naman wag ka mag alala, nagpapahinga naman ako. So ano nga ang sadya natin at napatawag?” Kilala kasi siya ng kanyang Ate Ynna, hindi siya tumatawag ng basta-basta lang. “Hehe kilala mo talaga ako ate, hindi na ako mahihiya may gusto po sana akong ipatanong sayo.”“Syempre naman noh, sige ano ba yon?” agad na sagot ng babae.Maikling ipinaliwanag ni Arab
Nang makabali siya sa kanyang lamesa ay agad niyang minessage si Professor Lhanze. Gusto niya kumpirmahin ang narinig niya kanina sa mga empleyado tungkol sa project na nawala sa kumpanya nila.Arabella: Professor, nakuha ba ninyo ang project ng Mondragon Shipping Investment?Habang hinihintay niya
Hindi nag tagal ay huminto na ang sasakyan sa tabi ng istasyon.Dahan-dahang bumaba si Arabella hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto ng asawa niya. Pagsara ng pinto, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Agad na namula ang kanyang mga mata. Naglakad na siya patungo sa istasyon. H
Kasabay nito sa Forbes Park sa bandang makati. Isa itong exclusive village ng mga mayayaman na matagal nang nakatayo. Bagama’t medyo luma na ito, nananatili pa rin ang karangyaan nito.Dahan-dahang huminto ang isang Bentley sa harap ng isang malaking bahay.Ito mismo ang dating mansyon ng pamilya Ro
Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n







