INICIAR SESIÓNMyla's POV“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?” tanong niya sa akin. Halata ang gulat at dismaya sa mukha niya.Napaatras ako palayo kay Raven. Lalo pang nanuyo ang lalamunan ko. Halos walang salitang mabuo sa isip ko sa sobrang gulat. “Mama… anong ginagawa mo rito?” naguguluhan kong tanong. “H-hindi po kayo dapat lumabas ng hospital. Paano po kayo nakapunta rito?”“Mahalaga pa ba kung paano ako nakapunta rito? Nagmamadali kang umalis ng hospital kaya sinundan kita. Alam mo bang ang tagal kong naghihintay sa labas… at ito ang makikita ko?” sagot niya habang tinuturo sina Raven at Aleron.“M-Mama, magpapaliwanag ako—”“Magpapaliwanag ka kasi nakita ko? Nakausap kita kanina. Bakit wala ka man lang nasabi tungkol dito?” putol niya sa akin.Napalingon ako kina Raven at Aleron. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Hindi ko pa nasasabi kay Mama ang tungkol sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.“Mama, hindi sa ganon…” Humakbang
Myla's POV “Miss Francisco, dito po tayo,” magalang na saad ng babae habang binubuksan ang isang pintuan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin sa loob.“A-ah, m-may mga kasama kasi ako. Naghihintay sila sa akin. Baka hinahanap na nila ako,” palusot ko nang maramdaman ko ang pag-aalala at takot. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ako agad sumunod sa kaniya. Narinig ko lang ang pangalan ko at nagtiwala agad ako. Gusto ko na sanang sabunutan ang sarili ko, pero napatigil ako nang lingunin niya ako at ngumiti. Napangiwi na lang ako dahil sa sobrang pilit ng ngiti kong isinukli sa kaniya.“Huwag po kayong mag-alala, ma’am. Ihahatid ko po kayo kung nasaan naghihintay ang mga kasama ninyo pagkatapos nito,” sambit niya at sumenyas na humakbang na ako papasok.Wala na rin naman akong magagawa. Nandito na ako, kaya bakit pa ako aatras? Kung tatakbo naman ako, wala ring kasiguraduhan kung magiging maayos ang lagay ko. Hindi ko rin kabisado ang pasikot-sikot dito. Paano kung nagsasabi nga
Myla’s POV~Few days later~“Mama, kumusta po ang pakiramdam mo?” malambing kong tanong pagpasok ko ng hospital ward ni mama. Gising siya at nakasandal sa bedrest ng kama. “May dala akong pagkain. Paborito mo ‘to.”“Nag-abala ka pa, anak. Alam mo namang hindi rin ako gaanong makakakain,” malungkot niyang turan pero tinanggap pa rin niya ang baunan na inabot ko. Agad kong inayos ang maliit niyang lamesa para masimulan na niyang kainin ang dala kong pagkain.Nakakailang subo pa lang si Mama nang tumigil siya at may kinuha sa ilalim ng unan niya. Isa iyong maliit na box. “Regalo ko ito sa’yo, anak. Happy birthday sa’yo,” nakangiti niyang bati sa akin.“Mama, hindi mo naman po kailangang magbigay sa akin ng regalo. Paano mo nabili ‘to?” Hindi ko pa rin kinukuha ang maliit na kahon sa kamay niya. “Baka naman kung kani-kanino ka pa nakiusap?”Sa halip na sagutin agad ako ay hinawakan niya ang kamay ko at sapilitan niyang inilagay ang maliit na kahon sa kamay ko. “Ano ka ba, hindi ko naman
Myla’s POV“D-Daddy!” paulit-ulit na bulong ni Aleron habang nakasubsob siya sa dibdib ko. Mahigpit ko siyang niyakap habang nakaupo kami sa isa sa mga upuan na nakahelera sa hallway. Naghihintay kami ng balita sa doctor kung ano na ang lagay ni Raven.“Magiging okay ang lahat, Aleron. Magiging okay ang daddy mo,” sambit ko ng paulit-ulit sa kaniya at hinaplos ang likod niya.Ngunit kahit sinasabi ko ‘yon sa kaniya, hindi rin ako sigurado sa maaring mangyari kay Raven. Kita ko ang dugo sa damit niya at ang patalim na hawak-hawak ng lalaki habang tumatakbo ito palayo. Kung hindi dumating agad sina Hans ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Sabay kaming napatayo nang sa wakas ay lumabas na ang doctor. Napapailing ito at dismayado ang mukha.“Kayo ba ang pamilya ng pasyente?” tanong ng doktor habang nakatingin siya sa amin. Agad naman akong napatango at lumakad palapit sa kaniya.“Kami nga po, doc. Kumusta po ang lagay niya? Ayos na po ba siya? P’wede na po ba siyang ilipat ng kuwart
Myla’s POVWala akong ibang ginawa kundi ang sundan ang bawat galaw ni Aleron. Takbo rito, takbo roon ang ginawa niya sa bawat kakaibang isdang makikita niya sa aquarium. Medyo nararamdaman ko na rin ang pananakit ng mga binti ko, samantalang si Raven ay tahimik lang na nakasunod sa amin at wala ring anumang reklamo.“Aleron, hindi ka ba nagugutom?” tanong ko nang sa wakas ay tumigil na siya. Nakaupo na kami ngayon sa isang bench habang hinihintay ang pagsisimula ng main event.“Here.”Hindi pa man nakakasagot si Aleron ay iniabot na ni Raven ang isang plastic bag na may lamang choco milk drink, fries, at Chickenjoy.“I knew you wanted to try that one, right?” malambing pa nitong dagdag.Napatingin ako sa ekspresyon ni Aleron. Mukha siyang nagulat sa ibinigay ng daddy niya. Marahil ay hindi rin niya inaasahang ang daddy niya mismo ang magbibigay noon sa kaniya.“H-Hmm... t-thank you, Daddy,” mahina niyang bulong bago tuluyang tinanggap ang plastic bag. Excited niyang tinikman ang frie
Myla's POVNakaupo na ako sa waiting area. Ilang minuto na lang at labasan na nila Aleron, pero hanggang ngayon wala pa rin si Raven. Ang usapan namin, agahan niya para sabay kaming manundo. Pero ito, wala pa siya.Napalingon ako sa guard na minsan ko nang nakausap noong unang punta ko rito. Ngumiti lang siya. Sunod naman akong lumingon sa mga nanay na nasa kabilang gilid. Isa roon si Ms. Sanchez na agad na napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. May binulong pa siya sa katabi niya na agad akong nilingon, pero umiwas din ng tingin. Mukhang nagkakalat pa rin ng maling impormasyon.Napailing na lang ako at inilabas ang cellphone ko sa bulsa. Agad akong nagtipa ng mensahe para kay Raven. Typing… [Nandito na ako sa waiting area ng school ni Aleron. Nasaan ka na? Wala akong mga bodyguard na kasama ngayon para maging normal na bonding lang ang mangyayari sa ating tatlo. Bilisan mo
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da







