LOGINthanks a bunch for reading! Your comments always make my day. Hope you’re having an amazing one too~ 🌸🫶
“...AKO NA ANG MAG-AALAGA SA ‘YO HANGGANG SA TULUYAN KANG GUMALING.”“Ha?” Napakurap si Czarina. “Araw-araw siyang pupunta rito? Gusto ba talagang paikliin ng babaeng ‘to ang buhay ko?”Kahit si Wendy ay hindi napigilang mapangiwi.“Nako Zari...” mabilis nitong sabat, “Merry is fine. Hindi naman siya gano’n kalala para kailangan mo siyang alagaan araw-araw.”Natatawa pa nitong itinuro ang sarili. “Tingnan mo nga ako. Naparito lang ako para kumain.”“I just want to help Miss Velasco process everything she went through.” Nanatiling b
“...HINDI KA NA BABALIK DOON.”Nawala ang ngiti sa labi ni Czarina.“Delikado nga ang nangyari ngayon, pero hindi naman puwedeng dahil lang sa isang insidente ay titigil na agad ako.”“Hindi na ligtas ang Marquez Group. Natural lang na hindi na kita papayagang bumalik.”“Safe naman sa loob ng kumpanya. Sa labas nangyari ang insidente. Worst case, hindi na lang ako lalabas ng building. At kung hindi pumayag si Damion...” Bahagya siyang ngumiti. “Magre-resign na lang ako.”Pero hindi sumang-ayon si Tito Fran, kaya binaling na lang ni Czarina ang topic. Dahil sa takot at pagod niya kanina ay pinili na lamang ni Czarina na magpahinga.Sa mga susunod na araw, gusto lang niyang magpahinga ang isip at katawan. Pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Wendy.Maaga itong bumisita kinabukasan. Halatang sabik na sabik siyang malaman ang buong nangyari. Ang problema, halos lahat ng puwede niyang ikuwento ay nasabi na niya kahapon.Kaya nang kulitin pa siya ni Wendy, ang naidagdag na lang niya a
“...HE NEVER FOUND HER AGAIN.”Napabuntong-hininga si Czarina sa isip.Diretso at walang emosyon ang boses ni Damion. Parang nagre-report lang ito ng trabaho, kaya tuloy pakiramdam niya, any moment ay bibigyan siya nito ng task.At bakit pakiramdam niya may kung anong pamilyar sa kuwentong iyon?Tahimik siyang nag-isip nang biglang magsalita si Damion. “The man keeps waiting for his woman to come back. Do you think she will return?”“Probably not,” casual na sagot ni Czarina.Bigla itong umayos ng upo at tiningnan siya nang diretso. “Why? The man is truly remorseful.”“Eh ‘di sana hindi na niya ginawa in the first place.” Bahagyang umismid si Czarina. “Kapag nakalabas ka na sa apoy, bakit ka pa babalik sa apoy? Ang tanga naman no’n kung gagawin pa niya ulit.”“The man was wrong.” Bahagyang bumaba ang boses ni Damion. “He’s willing to change now. He wants to give everything. Hindi ba puwedeng bigyan ulit siya ng chance?”“Lahat ‘yan, gusto lang isipin ng lalaki.” Tiningnan siya ni Cza
“I’D RATHER PROTECT MY INNOCENCE.”“You…”Napasandal na lang si Czarina sa upuan. Wala na siyang maisagot. Nang hindi niya matawagan si Tito Fran, ipinahiram ni Damion ang cellphone nito. Ngunit kahit ilang ulit siyang tumawag, walang sumagot.Pagdating sa bahay, agad niyang hinanap ang matanda, pero wala ito roon. Sa pag-aakalang baka lumabas ito para hanapin siya, lalo siyang nabalot ng pag-aalala.“Don’t worry.” Sumunod na pumasok si Damion. “Kung hindi ka niya mahanap, hihingi siya ng tulong sa iba. Once he uses his phone, makikita niya ang missed calls ko at tatawag siya.”Saglit itong tumigil. “I’ll let you talk to him.”May punto naman. Tatango na sana si Czarina nang bigla niyang napagtanto ang ibig sabihin ng sinabi nito.Napalingon siya kay Damion. “So… You’re staying here until Tito Fran calls?”“Yes.”Napapikit si Czarina. Seriously?Pagod na pagod na siya. Ang gusto lang niya ngayon ay mahiga at magpahinga.Pero kung narito si Damion, kailangan na naman niyang mag-ingat
“...IT’S MY RESPONSIBILITY TO MAKE SURE YOU’RE ALRIGHT.”Hmph.Ngayon lang niya naisipang umako ng responsibility, pero sana hindi na lang siya gumawa ng gulo mula sa simula!Nagyuko si Czarina ng tingin para itago ang inis sa mga mata niya. Pero nang bumaba ang paningin niya, napako iyon sa kamay ni Damion.“Anong nangyari sa kamay mo?”Itinaas ni Damion ang wrist niya. May ilang bahid ng dugo roon, na para bang nakalmot siya. “Oh. From beating someone up.”Nang marinig iyon, naalala ni Czarina ang nangyari kanina kaya mabilis siyang nagtanong, “Is it the man with glasses? Hindi mo naman siya pinatay, ’di ba?”Sa tono pa lang niya, halatang gusto niyang mailigtas ang buhay ng lalaki. Lalong nairita si Damion.“He did that to you, and you still want to forgive him?”“Of course not.” Umiling si Czarina. “Ang sinasabi ko lang, may kasabwat siya. Narinig ko yung boses niya, pero hindi ko nakita yung mukha niya. Kapag pinatay mo siya, wala ka nang makukuhang impormasyon tungkol sa mga kas
“I’LL TAKE HER FROM HERE.”“Understood.”Walang pag-aalinlangang ibinigay ni Enzo si Czarina kay Damion bago ito umalis.Pagkaalis ni Enzo, muling nabalot ng kaba si Czarina. Mahapdi pa rin ang mga mata niya at wala pa rin siyang halos makita.Ilang saglit lang ay naramdaman ni Czarina na unti-unti siyang umaangat at naramdaman ang yakap sa kanya. Nag-panic siya.“A-Anong ginagawa mo?”Binuhat siya ni Damion na parang bagong kasal habang mabilis na naglalakad. “Taking you to wash off the gasoline and change your clothes.”“K-Kaya kong maglakad.” “But this is faster.”Gusto pa sanang tumutol ni Czarina, pero wala na siyang lakas para makipagtalo.Tahimik na lang niyang hinayaang dalhin siya ni Damion. Pagpasok nila sa bathroom, naramdaman niyang hindi siya iniwang mag-isa.Bigla siyang kinabahan. “K-Kaya ko na.”“Alam mo ba kung nasaan ang switch?” kalmado nitong tanong. “Or where the steps are?”Napakagat-labi si Czarina. “I... I can’t. Pero makakapa ko naman.”Dahan-dahan siyang nag
“RINA, NO! PLEASE, WAKE UP!”Napapikit ng mga mata si Czarina, may ngiti sa labi at dahan-dahan na inabot ang pisngi ng lalaki. “I-I’m so…”“Don’t speak!” nanginginig na saad ni Damion.“I’m s-sorry… Dam…”Inabot ni Damion ang nanlalamig na kamay ni Czarina na nakadapo sa kanyang pisngi, pero bago
SA ISANG ABANDONADONG WAREHOUSE.Isang babae ang pumasok sa loob ng warehouse, naka-high heels, ang tunog ng bawat hakbang ay malamig at matalim. Tumigil ito sa harap ni Czarina na nakahandusay sa sahig.“Kailan siya magigising?” tanong ng babae, malamig ang boses at puno ng inis.Tumingin ang kalbo
“...HINDI AKO KAILANMAN PAPAYAG NA PAKASALAN KA. SO, DON’T GET YOUR HOPES UP.”Sandaling natahimik si Czarina. Pinipigilan niyang matawa kahit gusto na niyang sapakin ang lalaki. Sa halip, nilaro niya ang emosyon, kunwaring nasaktan. Pinilit niyang pigilan ang mga luha na wala naman talaga, sabay pi
“RINA, YOU’VE COME JUST IN TIME. Tulungan mo akong ayusin ang mga tambak na dokumento at dalhin sa opisina ko. Remember to be quick. Now move!” utos ni Lena. Hahanapin niya na sana si Wendy para makapagpaalam at puntahan si Damion para sa trabaho nang bigla siyang nakita ng editor-in-chief nilang s







