Home / Romance / Trapped with Mr. Billionaire / Chapter 83: Mr. Architect

Share

Chapter 83: Mr. Architect

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-07-05 12:06:51

Tahimik silang nagpatuloy sa pagkain ni Tyron. Parang pareho lang silang nagpapakiramdaman. Saka na lang siya dadaldal kapag busog na siya. Ayawniya munang magdaldal habang ninanamnam ang pagkain niya. Bawat subo at nguya niya ay damang-dama niya. Kung ganito kasarap at kaganda ang view na palagi niyang nakikita araw-araw, baka madali siyang tumaba.

Pati naman si Tyron ay sobrang tahimik lang din. Patuloy lang ito sa pag-inom ng kape nito. Pero ang katahimikan naman sa kanilang dalawa ay hindi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 83: Mr. Architect

    Tahimik silang nagpatuloy sa pagkain ni Tyron. Parang pareho lang silang nagpapakiramdaman. Saka na lang siya dadaldal kapag busog na siya. Ayawniya munang magdaldal habang ninanamnam ang pagkain niya. Bawat subo at nguya niya ay damang-dama niya. Kung ganito kasarap at kaganda ang view na palagi niyang nakikita araw-araw, baka madali siyang tumaba.Pati naman si Tyron ay sobrang tahimik lang din. Patuloy lang ito sa pag-inom ng kape nito. Pero ang katahimikan naman sa kanilang dalawa ay hindi naman iyong nakakailang. Sobrang comfortable nga siya sa totoo lang.Iyong kahit walang nagsasalita sa kanilang dalawa ay hindi mo mararamdamang kailangan mong maghanap ng topic upang punan ang pagitan ninyo.Paminsan-minsan ay maririnig lamang ang mahinang pagtunog ng kubyertos na tumatama sa plato niya. Or minsan ang paglagay ni Tyron sa baso nito sa mesa. Sa kabilang mesa, marahang nagtatawanan ang matandang mag-asawang kanina pa nagkakape.Sa labas naman ng malawak na bintana, bahagyang yum

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 82: Sunflower

    Pagkababa nila ng sasakyan ay agad na sumalubong kay Lorraine ang malamig na hanging may halong amoy ng bagong timplang kape kaya biglang kumalam ang sikmura niya. Hindi nga pala siya nakainom ng kape kanina sa sobrang excited niya. Mas excited pa nga siyang tingnan kaysa kay Tyron.Eh pakialam ko ba kay Tyron? Mas valid kaya tong nararamdaman ko. First time kong mag business trip kahit hindi naman sana ako dapat kasali, satsat ng utak niya.Sabagay, may point naman siya. Napatawa na lang siya sa naisip niya.Napahinto siya sa paglalakad at pinagmasdan muna ang view sa coffee shop. Mabuti na yong mapansin niya lahat kasi baka ito ang first and last time niya sa coffee shop na to. Baka hindi na siya isama ni Tyron ulit kaya susulitin na niya.Sa malayo ay makikita ang manipis na hamog na tila nakayakap pa sa kabundukan. Ang mga sunflower na nakatanim sa gilid ng café ay marahang sumasabay sa ihip ng hangin, habang ang mga bougainvillea namang nakasabit sa kahoy na pergola ay nagbibigay

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 81: Coffee

    Unti-unting naiwan sa likuran nila ang matataong lansangan ng siyudad.Ang matatayog na gusali ay napalitan ng malalawak na taniman, habang ang magkakadikit na establisimyento ay unti-unting napalitan ng mga punong kahoy na sumasayaw sa bawat pagdampi ng malamig na hangin.Tahimik lamang si Lorraine habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Hindi niya namalayang nakasandal na pala ang kaniyang pisngi sa salaming malamig dahil sa air conditioner ng sasakyan.Pakiramdam niya tuloy isa siya sa bida ng teleserye, feel na feel niya ang bawat andar ng sasakyan. Kulang na lang talaga ay music na lang tapos pwede na siyang gawing pang cover ng isang music video. Ganon ang atake ni Lorraine today.Sa bawat kilometro ng kanilang nilalakbay ay tila unti-unting gumagaan ang kaniyang pakiramdam. Marahil dahil matagal na rin siyang hindi nakakalabas ng lungsod.Mula nang magsimula siyang magturo, halos paaralan at bahay lamang ang naging mundo niya. Paulit-ulit na lang ang eksena at nak

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 80: Extra Hours

    Madilim pa ang kalangitan nang magising si Lorraine.Dahan-dahan siyang napakurap, tila pilit pang hinahabol ng kaniyang katawan ang antok. Sa loob ng ilang segundo ay nanatili lamang siyang nakahiga, nakatitig sa puting kisame ng kaniyang silid habang pinakikinggan ang katahimikan ng buong mansion.Hindi pa sumisikat ang araw.Tanging ang mahinang huni ng mga ibon sa labas ng bintana at ang banayad na pag-indayog ng mga dahon dahil sa malamig na hanging madaling-araw ang maririnig.Unti-unti niyang naalala ang dahilan kung bakit siya maagang nagising.“Kaloka! Ngayon na nga pala ang business trip ni Tyron!” Bulalas niya.Business trip ni Tyron na kasama siya. Alam niyang kahit hindi siya nakatingin sa salamin ay namumula na ang pisngi niya. Sino ba naman kasing hindi kikiligin? Tatlong araw yon!“Meaning, tatlong araw ko rin siyang makakasama!”Tatlong araw silang magkasama sa isang lugar na malayo sa lungsod. Hindi niya namalayang kusa na pala siyang napapangiti.Mabilis siyang buma

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 79: "...I think I am."

    Hindi agad nakasagot si Lorraine. Parang hindi agad na digest ng utak niya ang mga sinabi ni Tyron. Ang daming gumugulo sa utak niya at dumagdag pa talaga ito. Para bang may nakadagan sa dibdib niya at pakiramdam niya ay tila may humigpit sa paligid ng kaniyang dibdib."You're not wearing the dress... the dress is lucky you're the one wearing it."Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa kaniyang isipan. Hindi niya alam kung ilang segundo ang lumipas bago siya bumalik sa huwisyo, hindi na niya talaga alam. Hindi rin niya namalayang bahagya nang nanunubig ang kaniyang mga mata.Hindi dahil gusto niyang umiyak kundi dahil wala pang lalaking tumingin sa kaniya nang ganoon. Hindi pa siya kailanman nakaranas na may tumitig sa kaniya na para bang siya ang pinakamagandang babaeng nakita nito.Ang masaklap pa, ang lalaking nasa harapan niya ay hindi pa nga niya tunay na kasintahan.Dapat ba siyang matuwa o hindi? So, ano ba tong pinaparamdam nito sa kaniya? Trial card?"Lorraine

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 78: The Dress is Lucky

    Marahan niyang isinara ang pinto ng fitting room. Pakiramdam kasi ni Lorraine ay kailangan niyang dahan-dahanin lahat at baka makasira pa siya. Hindi niya kaya yatang bayaran kung sakaling makasira man siya ng gamit.Nang tuluyan iyong magsara ay saka lamang siya napabuntong-hininga. Binalot agad siya ng katahimikan at agad siyang niyakap ng malamig na aircon. Kung malamig doon sa silid kung saan maraming mga damit ay mas malamig pa yata dito sa mismong fitting room.Ang malalambot na ilaw na nakapaligid sa malawak na salamin ay nagbibigay ng mainit at eleganteng liwanag. Sa isang sulok ay may cream-colored velvet chair, habang sa kabilang bahagi naman ay may maliit na mesa na may nakapatong na vase ng fresh white roses.Marahang ipinatong ni Lorraine ang gown sa ibabaw ng ottoman. Hindi niya agad ito hinawakan. Sa halip ay ilang sandali muna niya itong pinagmasdan. Napakaganda kasi ng dress na para bang hindi niya deserve suutin.Sa malapitan ay mas lalo niyang napansin ang bawat det

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 40: I Like It

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mga kalsada pauwi sa mansion.Sa labas ng tinted window ay sunod-sunod na dumaraan ang mga ilaw ng siyudad. Madilim na talaga sa labas at hindi rin alam ni Lorraine

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 35: Invitation

    "Salubungin mo na ang asawa mo.""Manang!"Namula si Lorraine hanggang tainga habang malakas na tumatawa si Manang Lynn. Pakiramdam niya ay lalo lamang siyang inaasar ng matandang babae. Ngunit bago pa siya makaisip ng maisasagot ay muli nilang narinig ang pagsara ng pinto ng sasakyan mula sa labas

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 34: Burger

    Pagdating ni Lorraine sa Zaragoza Mansion ay agad niyang naramdaman ang pagod na naipon sa buong araw. Hindi naman naging mahirap ang mga klase niya. Sa katunayan, naging masaya pa nga ang araw niya, may kunting pang-iinis nga lang galing doon sa mga co-workers at ibang estudyante niya.Pero nakakap

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 32: The Revelation

    Pagkatapos ng huli niyang klase para sa umagang iyon ay saka lamang nakahinga nang maluwag si Lorraine.Marahan niyang isinara ang attendance sheet na hawak at inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. Mabuti na lang talaga at nakaya niyang harapin ang mala Boy Abunda na tanungan sa kaniya kanina. Nabawasan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status