"TEKA NGA, MAGLINAWAN NGA TAYO KUNG ANO ba tayo sa isa't-isa."Si Amelia naman ang natigilan. Oo nga, ano bang karapatan niyang magalit ng ganito kay Justin. At bakit hindi niya mapigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha?Napahikbi siya, "Oo nga, wala naman tayong relasyon," may pait sa mga labing sabi niya, "Pampalipalipas oras mo nga lang pala ako. Panakip butas kapag nangungulila ka kay Pamela. Tagapawi ng init mo kapag nalilibugan ka. . .wala nga lang pala ako saiyo," Mapakla ang tawa niya, "Sorry naman!" Pagkasabi niyon ay mabilis na siyang tumakbo papunta sa loob ng kanyang kuwarto."Amelia. . ."Tiniyak niyang naka-lock ang kanyang kuwarto para hindi na ito makapasok pa sa loob ng kuwarto niya."Amelia. . ."Tawag ito ng tawag ngunit hindi niya ito pinagbubuksan ng pinto. Umiiyak na dumapa siya sa kama. Bakit ako itong kinakarma sa ginagawa kong ito? Kailangang tigilan ko na ang lahat ng ito."AMELIA PLEASE," nakikiusap na sabi niya, "Mag-usap tayo," ngunit tila matindi a
Read more