INAASAHAN NA NI AMELIA na uuwi si Justin ng maaga. Mag-uusap raw sila nito. Siguro ay aaminin na nito sa kanya na mahal na nga siya nito. God, hindi na siya makapaghintay pa. Bumili siya ng cake at card. Aaminin na rin niya kung ano ang kanyang talagang nararamdaman. Nang makabalik sa bahay ay kaagad niyang inumpisahang sulatan ang card. Hindi na siya natatakot na sabihin ang lahat ng tunay niyang nararamdaman para dito.Dear Justin, I didn't know that I will fall in love with you. Paano ba naman, ang sungit mo, akala ko rin napakayabang mo. But as I get to know you more, unti-unti ay naiintindihan na kita. Besides, may topak rin naman akong minsan kaya di kita masisisi if you feel me annoying. But lately, napagtanto ko kung bakit ako ganito saiyo. I must admit, naiinis ako kapag nakikita kitang hindi makapag-move on kay Pamela. Naiinis ako dahil nagseselos ako sa kanya. Gusto kong ako ang mahalin mo. Gusto kong ako ang pag-ukulan mo ng very special na damdamin mong iya
Read more