NAPAHINTO SA PAGHIHIWA NG MGA SIBUYAS AT BAWANG SI AMELIA nang tanungin siya ni Gabby tungkol kay Justin."Nakita raw ninyo si Justin sa mall na pinuntahan ninyo kahapon?" Usisa nito sa kanya, halos paanas lang ang tanong nito at halatang nag-iingat sa bawat salitang binibitawan.Hindi kaagad siya makasagot.Huminga ng malalim si Gabby, "I know, ayaw mo na siyang makita pa. Sabi ko naman saiyo, wag na wag kang aalis nang hindi ako kasama. Besides, marami namang magagandang gamit dito sa Santa Isabel, bakit kailangang lumuwas ka pa ng Maynila?""Hindi ko rin naman maiiwasan ang mga pagkakataon. Maliit lang ang mundo, magkikita at magkikita rin kami ni Justin," sabi niya dito, "Gaano ko man gustong umiwas sa kanya."Tiningnan siya nito nang matiim, "What do you mean, handa ka nang makilala sya ni Winter?" Nanunuyang tanong nito sa kanya, "Sa tindi ng galit ni Justin sa inyo, palagay mo tatanggapin niya ang anak niya saiyo? Baka masaktan mo lang ang damdamin ni Winter. . .""Alam ko,"
Baca selengkapnya