DINATNAN NI AMELIA na lasing na lasing ang kanyang ama habang umiiyak. "Dad, anong problema?" nag-aalalang tanong niya rito.Tiningnan siya nito, "Ilang taon nang namamatay ang Mommy mo pero hanggang ngayon, nandito pa rin ang sakit," halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, "Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na siya."Sumiwang ang mga luha sa kanyang mga mata. "Dad," aniya habang naalala ang mga pangyayari nang matagpuang walang buhay ang kanyang ina sa loob ng kwarto. "Daddy, I'm sorry," mahinang sambit niya rito, "Promise, gagawin ko ang lahat para maipaghiganti ang nangyari kay Mommy," aniya sa ama. Kagabi, nang isuko niyang muli kay Justin ang kanyang sarili ay pilit niyang nilalabanan ang totoong nararamdaman. Ang motibo niya ay paibigin ito, no more no less. Hindi siya maaring mawala sa focus. Pero bakit ganun ang epekto ng mga halik nito sa kanya?Napakagat labi siya.Pilit niyang iwinaksi sa utak niya ang mga namagitan sa kanila ni Justin kagabi. "Ma
Read more