"STOP IT!" Sigaw ni Amelia kay Gabby nang walang kaabog-abog na sapakin nito si Justin. Nagulat si Justin pero kaagad naman itong gumanti ng suntok dito. Binuhat ni Amelia si Winter palayo sa mga ito, "Manang Frida." sigaw niya sa matanda.Nilingon ni Winter ang ama, umiyak ito nang makitang dumudugo ang ilong nito, "Daddy. . ." tumitili ito."Manang Frida, dalhin nyo na po muna si Winter sa kwarto nya," utos niya sa matanda. Kaagad naman itong tumalima. Inis na inis na sinugod niya si Gabby."Stop it, Gabby! Kung magdadala ka lang ng gulo sa pamamahay ko, huwag ka na lang pumunta dito!" Sigaw niya rito. Gulat na napatingin sa kanya ang lalaki."Hey, kasalanan ko pa bang lahat ito?" Tanong nito sa kanya."Oo, dahil ikaw ang nag-umpisa ng gulo. Ipinaliwanag ko naman na saiyong karapatan ni Justin na bisitahin ang bata, akala ko nagkakaintindihan na tayo. . .""Pero Amelia," hinawakan siya nito ngunit iwinaksi niya ang braso niyang hawak nito, "Pwede ba, umalis ka na muna kung ay
Read more