Pagbalik ni Zion mula sa tawag ni Theo, seryoso pa din ang mukha nito.“May problema?” tanong ni Cassandra.Tumigil si Zion sa harap niya. Hindi ito agad sumagot. Tumingin muna ito sa kanya, parang tinitimbang kung dapat bang sabihin.“Meron,” sagot nito sa mababang tinig. “Pero huwag kang mag-alala.”Mas lalo siyang kinabahan. “Zion…”“I’ll handle it,” mahinahon nitong dagdag. “Hindi ka dapat matakot.”“May kinalaman ba kay Chelsea?”Bahagyang tumigas ang mukha nito. Saglit lang iyon, pero nakita niya.“Bukas ko ipapaliwanag lahat,” sabi nito. “Tonight, nandito ako para makinig sa’yo.”Napakurap si Cassandra.Hindi niya inaasahan iyon. Akala niya, kapag may problema, mauuna na naman ang mundo ni Zion. Pero ngayon, kahit may malinaw na bagyong gumugulo sa isip nito, pinili nitong bumalik sa kanya.“Kanina,” mahina nitong sabi, “may sasabihin ka.”Natahimik siya.Lahat ng tapang na pinulot niya kanina habang nakikinig sa speech ni Candice ay parang biglang nagkalat sa sahig. Ang dali pa
อ่านเพิ่มเติม