“Hindi ako sasama,” sabi ni Fiona.“Fiona—”“Kakagaling lang natin sa presinto,” putol niya. “May mga lalaking sumugod sa atin. Hinahanap natin si Ninong Lucio. May sugat ka. May sugat din si Neil. At ngayon, gusto mong mamasyal?”“Hindi ito pasyal,” ani Theo. “Emergency breathing lang.”Napatingin siya rito.Hindi ito ngumiti. Seryoso ang mukha nito, pero may kakaibang lambot sa mga mata. Parang alam nitong isang maling tanong na lang, bibigay na siya.“I won’t ask anything, promise.”Nanikip ang dibdib ni Fiona.Dapat mas lalo siyang natakot sa pangakong iyon. Dahil kapag tumigil si Theo sa pagtatanong, mas lumalakas ang kagustuhan niyang magsabi.Umirap siya para itago ang pangingilid ng luha.At marahil, kahit sa isang gabi lang, gusto niyang maging babaeng namamasyal sa fiesta kasama ang lalaking minamahal.“Sandali lang tayo,” sabi niya.Hindi nito itinago ang munting ginhawa sa mukha.Bahagyang gumalaw ang gilid ng labi ni Theo. “Okay, saglit lang.”Paglabas nila ng hotel, basa
Read more