May kumatok. Tumayo si Theo at binuksan ang pinto.“Theo, may documents akong—”Natigilan si Angel.Nakatayo ito sa pinto, hawak ang folder, at nakita ang eksena. Si Fiona sa couch. Si Theo sa harap niya. May pagkaing nakalatag sa gitna.Agad na napalayo si Fiona at inayos ang sarili.“Sorry,” sabi ni Angel. “Hindi ko alam na may kasama ka. Hello, Miss Ayala.”“There’s nothing to apologize for,” malamig na sabi ni Theo.Ngumiti si Angel nang bahagya. “Theo, umuwi ka na. Pati ibang tao, dinadamay mo sa pagiging workaholic mo.”Hindi alam ni Fiona kung bakit masakit marinig iyon. Ang tono ni Angel ay hindi selosa. Pero komportable. Parang matagal na nitong kayang pagsabihan si Theo nang ganoon.“Oo nga. Itutuloy na lang natin bukas.”Nang marinig iyon ni Fiona, agad siyang tumayo. “Good. Uuwi na ako.”Hindi na siya naghintay ng sagot. Kinuha niya ang bag, ang phone, at ilang notes. Lumabas siya agad.Pagbaba niya sa lobby, saka bumuhos ang malakas na ulan.Napahinto siya sa harap ng bui
Read more