Dorryn's Point of ViewNoong una ay akala ko na kapag sinabing Royal Academy ay puro pormal, malamig, at puno ng mga estudyanteng may mataas na tingin sa sarili ang makakasalamuha ko rito. Inisip ko noon na baka bawat kilos nila ay parang mga prinsipe at prinsesa sa loob ng palasyo. Iyong tipong bawat galaw ay elegante, bawat salita ay kontrolado, at bawat tingin ay puno ng pagmamataas.Ngunit mali pala ako.Habang tumatagal ang oras na kasama ko sila ay mas lalo kong nakikita na ibang iba pala ang mundong ito kumpara sa inaasahan ko. Hindi sila katulad ng iniisip kong mahirap lapitan. Sa halip ay sobrang ingay nila, makukulit, at punong puno ng enerhiya na tila ba walang kapaguran.Kanina pa nga sila nagtatawanan habang nagkukulitan sa loob ng classroom. May ilan na nagbabatuhan ng papel, may nag-aasaran, at mayroon ding walang sawang nagkukwento ng kung anu ano kahit paulit ulit na nilang naririnig.At ang mas nakakagulat ay masaya akong panoorin sila.Hindi ko namalayan na napapang
Magbasa pa