Dorryn’s Point of View“Tell me… who’s that man?”Seryoso ang boses ni Joseph habang nakatitig sa akin. Malalim ang tingin niya, tila ba sinusubukan niyang basahin ang lahat ng lihim na pilit kong itinatago sa loob ng puso ko.“I can’t.”Mahina pero diretso ang sagot ko.Kitang kita ko ang pagyukom ng kamay niya. Mariin niya iyong pinisil, na para bang may matinding emosyon siyang pilit kinokontrol. Para bang isang manipis na hibla na lang ang pumipigil sa kanya upang tuluyang mawalan ng pagpipigil.“Okay, okay… pasensya na sa awkwardness.”Ngumiti siya pagkatapos, pilit pinapagaan ang hangin sa pagitan namin.Napangiti rin ako nang bahagya at dahan dahang napailing.“Ayos lang. Actually, nasa school din naman siya ngayon… at mahal na mahal ko siya.”Sa sandaling lumabas sa labi ko ang mga salitang iyon, napansin kong biglang nagbago ang ekspresyon ni Joseph. Nagkaroon ng kakaibang interes ang mga mata niya. Mabilis ko iyong nabasa.“Oh… nasa school siya?”Inosente akong tumango.“Saa
Magbasa pa