Dorryn's Point of ViewNasa mall kami ngayon at halos hindi ko malaman kung saan ako unang titingin. Kumikinang ang bawat ilaw na nakasabit sa kisame at nagrereflect iyon sa makikinis na marmol na sahig. Sa bawat hakbang namin ay para bang mas lalo kong nararamdaman kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng mundong kinalakihan ko kumpara sa mundong kinabibilangan ng pamilya ko ngayon.Habang naglalakad kami sa loob ng mamahaling boutique, sunod sunod ang pagbati ng mga sales lady sa amin. Magiliw silang ngumingiti at bahagyang yumuyuko bilang paggalang."Good afternoon, Ma'am.""Welcome back, Sir.""Good afternoon, Miss."Ngumiti na lang ako nang alanganin bilang tugon. Pakiramdam ko kasi ay hindi pa rin ako sanay sa ganitong klaseng pagtrato. Samantalang ang mga kasama ko ay tila normal na normal lang ang lahat.Nakasunod lamang ako sa kanila habang palinga linga sa paligid. Ang bawat display ay mukhang napagplanuhan nang mabuti. Naroon ang mga mamahaling bag, sapatos, alahas, at mga damit
اقرأ المزيد